IL15
Process
Blyst's POV
Ito na ang unang araw sa Cafe, excited na akong magtrabaho. Pati ang makita siya hehehe, hindi ako bakla ha! Hindi ko lang alam yung feeling kapag nakikita ko siya. Yung feeling na safe ka kapag nakikita ko siya. Hindi katulad kapag iba ang nakikita o nakakasama ko. I feel uneasy pero, kapag siya lahat ng negative naiisip ko parang bula na biglang nawawala.
Napapaisip nga din ako kung bakit sa dami-rami ng tao sa kanya ko pa ito naramdaman. Maging sa parents ko, hindi ko ito maramdaman. Maybe there's a reason kung bakit, at kung ano man yun hindi ko na alam.
Excited akong naglakad palabas ng school namin. After school kasi yung sched. ko sa Zena so papunta na ako.
Hindi naman ganoon kalayuan yung Cafe dito sa School. Actually walking distance lang siya. Mga dalawang kanto ang lalakarin mo bago ka makarating doon.
Kasabay ng ilan kong school mate na pauwe, tahimik akong naglakad. Nasa gilid, nakapasok ang kamay sa bulsa ng aking jacket. Tago ang mukha sa mask at cap. Kung hindi siguro ako nakauniform baka pagkamalan akong holdaper dito.
Nang makalagpas na ako sa unang kanto, bago ako tuluyan napaliko. May natanaw ako, kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Nakita ko siya, kung siya nga yun. Patakbo na akong lumapit sa kanya. Nang malapit na ako, doon ko na komperma na siya nga. Lihim akong napangiti, nang nasa likod na niya ako.
Kinuwit ko siya, napatigil naman siya at lumingon sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay at braso ko. Bago ako pinaikot, nasa harap ako ngayon. Nasa likod ko naman siya.
"Aray!aray!bitawan mo ko!" Umaaray kong daing ang sakit ng pagkakahawak niya.
"Sino ka? anong kailangan mo sa akin?" Seryoso niyang tanong sa akin. Saka ko lang narealize kong bakit. Nakamask at Sombrero pala ako.Kaya hindi niya ako makilala.
Hindi pa ako nakasagot, hinigit niya uli yung braso ko. Arghh! ang sakit huhuhuhu. Napakaharsh naman nito.
"Teka! aray! saglit! bitiwan mo muna ako" Pakiusap ko sa kanya.
Ilang saglit pa niya ako hiniwakan bago niya ako tuluyang binitawan. Muntikan pa akong masubsob buti na lang naitungkod ko ang kamay ko. Shaks yung magandang mukha ko, buti na lang hindi nadamage.
Maingat akong tumayo bago inunat-unat yung brasong hinigit niya. Bago ko tinanggal ang mask ko bago humarap sa kanya.
"Chill pards! ako ito" Pakilala ko ng magkaharap na kami. Kumunot noo naman siya ng tignan ako. Arghh! tinanggal ko din ang sombrero ko para maniwala siya. Doon lang nakampante ang mukha niya ng makita ako.
Biglang nag iba ang expression niya pero kaagad din nawala ang pag aalala. Bumalik uli sa dati niyang emosyon. Napaka emotionless naman nito.
"Ayos na?" Tanong ko sa kanya ng wala siyang imik. Napailing na lang siya bago ako nilagpasan para magpatuloy sa paglalakad. Huh? aba nilagpasan ako.
"Hoy! teka lang naman. Hinabol na nga kita eh, iiwan mo muli ako" Habol ko sa kanya, mabilis siyang maglakad. Ang lalaki ng hakbang niya. Takte kunti lang ang itinangkad nito sa akin pero mabilis pa rin ang bawat hakbang niya.
"Teka lang! Uy!" Patuloy kong saad sa kanya. Pero mga pards, deadma pa rin ako. Hindi na lang ako umimik at sumabay na lang dahil hindi rin naman pala ako nito kikibuin.
Isang hakbang niya, dalawang hakbang ko. Kahit anong pilit kong habol sa kanya, naiiwan pa rin ako. Arghh hanggang sa sumuko akong makipagsabayan sa kanya. Nauna na siya ng kaunti sa akin. Binagalan ko naman na ang paglakad ko dahil wala akong laban sa paghakbang niya. Total makakaabot din naman kami sa Cafe kaya kahit mauna na siya okay lang at least nakausap ko siya. Improvement na sa akin iyon.
Ang mauna sa usapan, tsaka mapahaba ng kunti ang usapan solb na ako doon. Medyo nag iimprove na ang pag cocommunicate ko sa iba diba?
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng Cafe, sa may back door. Nakangiti akong pumasok sa loob, muling bumalik ang exciteng feeling ko ng makapasok na ako sa staff room.
Para akong bangag na ngiting ngiti ng nasa may locker na ako. Friday na kasi so marami kami dito. Ito yung usually date na kompleto ang lahat dahil weekend bukas kaya marami kami ngayon. Nagulat din ako kasi may ibang nag ha-hi. Nagpapakilala saka nakikisocialize. Napatingin naman ako sa gawi ng ilang kong ka-part time na may kaibigan kaagad.
Hindi man ngayon soon, magiging kaibigan ko din sila. Umalis ako doon saka pumasok na sa C.R pang lalaki para magpalit ng uniform. Iilan na lang kasi kaming hindi pa nakapagpalit eh. Nang maisuot ko na ito, humarap ako sa salamin saka inayos ang sarili ko. May kunti pa pose-pose pa kunwari model.
"Naks, bagay na bagay sayo ah" Puri ng nasa may bandang kaliwa ko. Napatayo naman ako ng tuwid saka humarap sa kanya.
"Hehehe talaga ba?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Nakasandal naman siya sa gilid ng pintuan ng cubicle. Nakangiting nakatingin sa akin.
"Yup, para ka ngang super model eh. Model ka ba?" Tumataas kilay niyang tanong sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya ako model?Maniwala nang bobola ata ito.
"Anong nakakatawa?" Tanong niya sa akin. Napatigil naman ako baka mainis siya sa akin.
"Ah wala, natawa lang ako sa sinabi mo na model ba ako. Ang sagot doon ay hindi" Napaseryoso kong sagot. Siya naman ang matawa. Napataas ako ng isang kilay sa naging reaksiyon niya.
"Parekoy! ang seryoso mo naman. Ano ka ba, chill lang no. Sige ka baka hindi ka magka jowa nan" Saad niya saka umakbay sa akin. Napatingin naman ako sa braso niyang nakaakbay sa akin. Napatingin din siya doon, bago ilang na inalis.
"Bawal ba?" Takang tanong niya. Naalerto naman ako sa sinabi niya.
"Ah hindi! hindi, hindi lang ako sanay na may umaakbay sa akin. Sa dati ko kasing school walang pumapansin at kumakausap sa akin kaya naninibago pa ako" Natataranta kong paliwanag sa kanya. Gusto ko din, ihabol na dahil rin sa impluwensiya ng pamilya namin kaya ganoon. Pero hindi ko na sinabi pa.
"Ah ganoon ba! Aba kung ganoon masanay ka na dito. Hindi uso dito yung hindi sanay. Dapat masanay ka na lalo pa lalaki ka, sa babae kasi alam mo na. Iba ang nature nila sa nature natin lalo na pagdating kay Devina" Paliwanag niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Devina? sino yun?
"Sino naman yun?" Takang tanong ko.
"Ah matagal-tagal na din dito yun, ang kaso bihira lang makipag usap. Kaya ko lang naman nabanggit ang pangalan niya kanina kasi baka magtaka ka kung bakit siya ganoon. Hindi kasi sanay yang makipagsalamuha sa amin. Hindi namin alam kung bakit pero nireresto namin kaya kung may balak kang kausapin siya. Yung direkta, at dapat totoo. Minsan kasi hindi yan sumasagot sa tanong kapag alam niya hindi yun ang talagang itatanong mo sa kanya. Medyo creepy din siya minsan pero sanay na kami. Ikaw din sana, kayo ng mga baguhan. Respituhin siya kapag nag iisa, para kasing may pinagdadaan siya na ayaw niyang sabihin eh. Gusto man namin tumulong, ang tanging magagawa namin ay ang hayaan siya dahil doon alam namin na nakakatulong kami sa kanya. Yun lang naman ang gusto kong ipaliwanag sa iyo. Nakalimutan ko pa lang magpakilala. Ako nga pala si Osgood, nice to meet you?" Mahabang paliwanag na may kasamang kunting pagbibigay ng information sa akin.
"Blyst" Sagot ko saka nakipagshakehand sa kanya.
"Nice to meet you again, Blyst. Nice name unique, sige mauna na ako sa loob, see you" Sagot niya saka umalis na sa harap ko. Devina? teka lang hindi ko pala siya natanong kung anong itsura non. Pero okay na rin, malalaman ko din mamaya yan kapag nasa loob na ako. Kaunting ayos saka tuluyan na akong lumabas. Bumalik ako sa may locker ko para isilid doon ang ilan kong gamit.
Napansin ko naman ako isang babae na nahihirapan, ilagay ang gamit sa loob ng locker niya. Maliban sa medyo nagkulang siya sa height mabigat din ata yung gamit na dala niya.
"Akin na" Saad ko habang nakalahad yung kamay ko para kunin ang ilang gamit niya. Napatigil siya sa ginagawa niya saka gulat na tinitigan ang kamay ko na nasa harap niya.
"Ah, miss?" Pag aagaw pansin ko sa kanya. Natulala na kasi siya eh. Walang sabi sabi niyang nilagay sa kamay ko ang gamit niya saka lumayo ng kunti sa akin.
Isa-isa ko namang nilagay ang mga gamit niya sa loob ng locker niya. Nang matapos ko saka ako humarap sa kanya para sabihin tapos na.
"Ayos na" Kalmado kong pag saad sa kanya. Pansin ko kasi medyo nanginginig siya kaya naisip kong baka natakot o kinakabahan siya sa akin.
Saka ko lang naalala yung sinabi ni Kuya Osgood. Baka ito si Devina, base na rin sa ilang pagkakahawig ng binanggit sa akin ni Kuya Osgood.
"Blyst nga pala, miss at your service" Pakilala ko sa kanya. Lah may sumapi na naman sa akin. Hindi naman ako ganito dati yung biglang magpapakilala sa iba ng nakangiti o may pa segway pang nalalama.
"Devina" Mahina niyang sagot. So tama ako siya nga yun. Hindi ko na inabot ang kamay ko para makipagshakehand. I remember what Kuya Osgood say about her so hindi ko na ginawa baka kasi ayaw din niya.
"Ah sige mauna na ako sa loob, sunod ka na lang" Maingat kong paalam bago tumalikod sa kanya. Hooo, hindi naman sinabi sa akin ni Kuya Osgood na mala-Marco din pala ang style niya.
Pagkapasok ko sa loob ng Cafe, puno ang lahat ng table. Nagulat ako dahil kahit medyo malayo dinadayo din pala ito. Tumulong na ako ng tawagin na ako ng iba kong kasama na tumulong na. Una kung ginawa ang kumuha ng order mula sa customer.
Naiilang naman ako dahil ilan sa mga babaeng kinukuhanan ko ng order parang may sakit na kalandian. Ewan ko ba kung bakit sila ganoon. Oo alam kong magandang lalaki ako pero arghh ayaw na ayaw ko talaga ng ganoon na gawain ng babae. Minsan din kasi nakakairita na. Buti na lang hindi ganoon ang nangyayari sa dati kong school.
Maging sa may edad na ganon ang ginagawa nila. Lah anong nakain nito, gulat kong saad. Kinalilibutan na ako dito. Buti na lang nag switch ng gawain nasa may counter side naman ako ngayon. Kasama si Martine na taga abot ng kitchen ng order slipt sa may maliit na bintana.
"Ilang ka no?" Bigla niyang tanong sa akin. Napalingon naman ako sa kanya habang binabasa niya ang order bago ibigay sa kitchen.
"Saan?"Takang tanong ko.
"Sa mga babae, hindi ka sanay?" Sagot naman niya saka tumingin na sa akin.
Nahihiya akong napatango sa kanya. Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan. Require ba laging akong inaakbayan kapag kakausapin? Kanina ko pa kasi napapansin lahat ng kumakausap sa akin, hindi pwedeng hindi nila akbayan.
Hindi niya alintana ang pagtingin ko sa braso niya. Pards na aakwardan ako dito. Hindi ako sanay sa mga ganitong gesture.
"Nako, masanay ka na lalo pa't sa mukha mong yan nako. Pagkakaguluhan ka talaga dito," Pagpapalakas loob niya sa akin.
"Kailangan ba talagang ganoon?" Ilang kong tanong.
"Hindi naman pero, alam mo na girls will be girls. Kapag may nakitang gwapo crush kaagad. Kaya hindi mo maiiwasan yung mga ganyan sitwasyon. Ang tangin magagawa mo na lang ay sakyan. Para hindi ka mapahiya o mailang. You know, matuto kang sumukay sa agos ng buhay. Hindi ka maiiwan" Tumataas kilay niyang payo sa akin.
Napatigil lang siya sa kauusap sa akin ng biglang sumigaw ang nasa kusina. Meaning tapos na ang ilang order, at ready to serve na. Tsk, first fay of work, dami kaagad nangyari. Sa dagat ng taong nakikita ko, paano ako makikisabay sa agos eh hindi ko alam kung paano lumangoy. Baka malunod pa ako bago ko matutunan kung paano makasabay.
Madaling sabihin, mahirap gawin. Parang pag mo-move on lang. Madaling sabihin, mahirap gawin.
Hindi ko na inisip yun at nagfocus na lang sa trabaho ko. Pilit na ngiti ang iginagawad ko sa ibang customer na todo pa cute sa akin. I still can't stand this kind of treatment.
Pero kahit na ganon, work is work kailangan maging polite ka sa customer mo para balik-balikan ka. At tangkilin para mas lumago ang business mo.
Mabilis na lumipas ang oras at shifting time na namin. Mag bebreak kaming nauna, may papalit na panibago. Dirediretso lang sana ang paglalakad ko papasok ng mahagip ko ang isang imahe ng babae.
Si Devina, ngayon lang pala ang time niya kaya hindi ko siya napansin the whole time na kami yung nasa loob. Siguro nag pahuli talaga siya. Introverter talaga siya, same as me.
Naghanap ako ng pwestong pwedeng pagpahingahan. Nakakapagod din pala kahit sa mahigit tatlong oras na yun. Paano pa kaya kapag whole day, lantang gulat na siguro kapag uwian na. Habang nakaupo, inunat ko ang paa ko. Ngawit na ngawit na sa katatayo. Nag uunat ako ng kamay ng may biglang tumabi sa akin.
Nagulat naman ako kung sino yun. Si Marco pala, hindi ko siya napansin ng nasa loob kami. Maybe because of my too much excitement, hindi ko na siya napansin. Same pala kami ng time, pero hindi ko siya napansin.
Napatingin lang ako sa kanya saka umiwas kapag titingin siya. Pinagpatulong ko na lang ang ginagawa kung exercise sa paa ko. Tahimik lang siya sa gilid ko, hindi ko alam kung nakatingin siya o what ever he do.
I keep on doing what I'm doing. Siguro napansin din niya ang pagiging tahimik ko sa tabi niya. Akala niya siguro guguluhin ko uli siya. Pero hindi na muna ngayon, bukas na lang kapag natapos na ang excitement ko sa trabaho. Hanggang ngayon star struck pa rin ako sa mga nangyayari eh. Sensya na, laking probinsiya eh. Hindi rin naman kasi ako pinapayagan sa mga ganitong gawain dati. Pero ngayon wala silang paki kahit hating gabi na ako umuwe.
Malawak talaga ang nagagawa ng disappointment. Lahat ng bagay na binibigay o ginagawa, bigla na lang maglalaho ng iba. And that was I suffer from my parents now way back 3 years ago. So it hard to accept what really happen. At hanggang ngayon ramdam ko pa rin yun.
Kung dati ako yung bida ng Pamilya namin, ngayon hindi na. And that was because of my dream. Na hindi nila masuporta-suportahan. Dati kapag may mga gatherings, occation and special event. Ako yung lagi nilang hinaharap, binibida at pinagmamalaki sa ibang tao, o relatives. Dahil ako daw ang magtutuloy ng legacy namin. Isa kasi ako sa lalaki s bahay. Isa rin ako sa magdadala ng Apelyido ng mga Delvallo. Iilan lang kasi kaming lalaki sa angkan namin. Kaya lubos nilang inaasahan ang mga lalaking katulad ko. At aming Pitong lalaking magpipinsan, kami na lang ni Kuya Wyeth ang natitirang nag aaral. Pero si Kuya Wyeth ipupursue niya ang Lawyer, mag CPA muna siya bago mag tatake ng Lawyer. So technically I'm the one who has choice to take different degree in College.
Eh hindi ko kasi kaya ang Lawyer, I'm not into Politics or something in Law. I love doing; sketching, graphic design and others related to Architecture. I don't know why? Bakit hindi ko gustong mag Lawyer. Ang mag Teacher, isa ang dahilan doon ay ang fear of public speaking. Hindi ako sanay magsalita sa harap ng maraming tao tulad ng mga pinsan ko.
They join school org. that include public speaking, while me something related to arts. Hangang hanga ako sa kanila kasi they never show any evidence of nervous in front. They just stand up, confident and firm. I can't express my self through speech but I can express my self through arts.
I can show my emotion here, with different color of means. Like when you look at it, you can guess what my mood today. Ganoon ako, at alam ng ilang nakakakilala sa akin. Lalo na ang mga kasama ko sa School Art Organization. Sa dati kong paaralan, isa ang mga Master piece ko sa mga ilang design ng school. Some of my teacher was proud of me, but my parent doesn't. Even I got an award, they never show any sign of being proud.
Minsan nga, nakakuha ako ng award sinabi ko sa kanila. And there was an award on the next day, I invited them. But no one sign of the show, I was so sad back then. Only my proud adviser support me and nagsabit ng award sa akin.
Kaya kahit anong event na tungkol sa akin hindi ko na sinasabi sa kanila. Wala naman silang paki sa akin eh. Magbabalik lang yun if I do what they want me to pursue. And matagal ko ng tanggap na hindi nila ako susuportahan. Na kahit anong gawin.ko they never show of greatness of me. Tanggap ko na, at kasabay non ang pag abot ko sa pangarap ko.
I know its not that easy, but I assure to my self na kahit anong mangyari. Pigilan man ako ng panahon. Hilahin man ako baba ng iba. Hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon na gawin nila yun. Once I dream, I will Achieve it.
So itong pinagdadaanan ko is one of the process that I need to experience to ready from my dreams. Dahil ang lahat ng bagay dumadaan sa proseso para magtagumpay. At naniniwala ako sa Process na dadaan ko. Dahil alam kong kakayanin ko. Hindi ko man kasama ang parents ko. I know I can find someone who believe on me. At una dito ay ang sarili ko.
Bago ka maghanap ng ibang maniniwala sayo. Kailangan mo muna na maniwala sa sarili mo.
I had to take the long Process of my dream. Because at the edge of it, is my fruit of success. I had to take note of that, Apparently.
"You look pathetic, smiling without reason!" Rinig kong bulong sa may gilid ko. Ano ba yan ang ganda ganda ng pag iimagine ko dito sisirain nitong kumag na ito. Pasalamat siya wala ako sa mood na mangulit sa kanya, ganyan na siya.Hmpfft bahala siya dyan, mag antay na lang na magshift of ng staff. Excited uli akong mag trabaho sa loob.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang araw na ito. Hay tomorrow is another day to take a process.
~~~~
Wahhhh another sabaw update hahaha sorna. Enjoyin niyo na lang hahahaha. Baka next week uli ang next update or baka sa weekend. Depende kapag nakapag sulat ako hahaha but for sure mag uupdate ako. Hindi nga lang ganoon kabilis. Pero kapag nag ud ako sunod-sunod. See you in next update, lovelots.
~PrincessNalics~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top