IL14
Empty
Blyst's POV
Two days! Two days na siyang wala dito. Nakakapanibago, bagama't tapos na ang klase namin. Pinapapasok pa kami dahil sa ilang requirements. Tapos na ata siyang mag asikaso ng mga requirements niya. Hindi kasi kami same ng course na kinuha. Business Ad. Major in Financial Management ang kinuha niya. While me is, Architect.
Maraming project, paperworks ang pinapapasa sa amin. Sa kanila naman report at iba pang paperworks. Nakakapagtaka malayo ang course namin sa isa't-isa. Nagkalapit kami dahil sa Cafe. Wala akong gaanong kakilala dito sa University namin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakilala ng iba pa.
I never do social intereactions before, kapag hindi ko kakilala. Hindi ko papansinin, pero nang makilala ko siya sa Zena Cafe bilang part timer. Hindi ko alam kong anong sumapi sa akin. Parang hindi ako yun Blyst na kilala ko dati, yung tahimik at walang paki.
Simula noong una ko siya makilala ata na akong kilalanin siya. Ewan ko ba kung anong humatak sa akin na kausapin siya, na taliwas sa iba.
Kung idedescribe ko kasi siya para siyang antis na galit sa mundo.
Mayroon siyang pares ng makapal na kilay, laging nakasalubong. Mga matang kulay itim, na kapag titigan ka ay para kang may ginawang masama. Matangos na ilong, not so pinkish lips pero mukhang natural ang kulay nito. Buhok na medyo mahaba, kulay itim at bagsak. Sa unang akala mapapagkamalan mong babae na mukhang lalaki. Pero kapag tinitigan mo siya saka makikita mo din sa pananamit niya. Yung mukha niya hindi ganon kataba hindi din ganoon kapayat, yung tama lang siya. Para nga siyang international model eh, pero parang ako din antis.
Natigil ako sa katitingin sa kanya dahik nahuli niya ako. Napaiwas tingin ako sabay alis sa pwesto ko. Katatapos lang kasi ng Orientation namin sa Cafe. Pinaliwanag ang rules and regulation, mga dapat gawin at amg schedule namin dahil nga part-timer kami. Depende sa schedule namin ang pagpasok namin dito, pati ang araw kung kailangan kami pwupwede.
At kung sinuswertr ka nga naman, same sched. kami. At hindi lang yun same school din kami kung ako nagtransfer. Galing akong ibang school, sa dati namin probinsiya pero dahil sa alitan ng angkan namin. Napilitan kaming lumuwas dahil baka madawit kami sa kung ano mang pinag aawayan nila.
Excited tuloy akong pumasok sa trabaho dahil may kakilala na ako. Yung lang hindi ko pa nakakausap. Napagpasiyahan ko na bukas o mamaya na lang sa uwian ko siya kakausapin. Naging busy kasi kami, dahil tinour kami sa buong kami. Mula sa kitchen, sa mismong dining hanggang sa Staff room na kung saan kami pwedeng magpahinga. Malawak din pala ang loob ng Cafe na ito. Maliit kasi kung titignan mo sa labas.
May dalawang palapag ito, ang sa baba ay ang Cafe, sa taas naman ang office ni Ma'am and the same time bahay niya. Actually bahay niya talaga ito, minana niya sa kanyang lola na yumao na. Sa pangalan niya ito nilipat, sa kanilang magpipinsan. Siya ang pinili ng lola niya. Nirenovate niya ito saka nagtayo ng business niyang Cafe. Ang pinagtatrabahuhan namin.
Soon mag dedesign din ako ng sarili kong bahay at business. Kaya ako nag Architect dahil mahilig akong magdesign ng mga bahay and other structure. Punong-puno na nga yung sketch pad ko sa dami ng ideas na ginuguhit ko. Sana someday hindi lang maging drawing yun. Sana maging totoo din siya. At yun ang pinapangarap ko.
"Hoy!" May babang boses na tumawag sa akin. Nagulat ako kung sino yun, Si Marco pala. Malaman ko yung name niya ng nag roll call ng mga pangalan kanina.
Taka ako kung bakit niya ako hinoy. Saka ko lang narealize na sa kadaday dream ko, naiwan na pala nila ako.
Patakbo akong sumunod sa kanila. Sumabay na ako sa kanya, patingin-tingin ako sa kanya dahil ang tahimik nakakalunod sa tahimik. Ganoon pa rin ang expression ng mukha niya, hindi nagbabago.
"May sasabihin ka ba?" Tanong niya ng hindi lumilingon sa gawi ko. Napaayos ako ng tayo, napansin pala niya ang pagtingin ko sa kanya.
Napaisip naman ako sa sasabihin ko. Ano nga ba? Teka ah! Ano uli yun? Tarantang tanong ko sa sarili. Narinig ko ang pag tsk niya bago nauna sa akin. Nanlumo ako dahil chance ko na yun, naglaho pa. Arghh struggle is real when it comes to start a converse to other. Kapag antis ka talaga.
Natahimik nalang uli ako hanggang sa matapos ang tour namin sa loob ng Cafe. May ilang guidelineslang siyang binanggit bago kami dinismiss.
Pinakilala din pala niya kanina yung mga regular staff dito. At ang President nila ay si Kuya Jasthin, ang isa sa pinakamatagal ng nagtatrabaho dito. For almost 10 years, nag part-time din siya dito, matapos na mag graduate dito na siya nagtrabaho bilang pasasalamat dahil sa tulong na naitulong sa kanya ng Cafe.
Siya ang namamahala dito kapag wala si Ma'am. Siya din ang nag aasikaso sa amin. Taga-check ng kung kompleto, taga sigurado din kong ayos lang kami. At sa ilang nasagap kong balita dito, napakabait daw niya at tapat sa tungkulin. Hmmm! a good example to any one huh!
Siya naman ang nagpaliwanag sa amin tungkol sa magiging locker namin, uniform at ang oras ng switching kapag nagbreak time. May ganoon pala dito.
Una niyang pinaliwanag ang tungkol sa locker namin. Mayroon kaming tig iisang locker kung saan ilalagay ang ilang gamit namin kasama na ang uniform namin. Matapos yun, tungkol naman sa uniform namin. Kada January to May, nakasleeveless kaming pang itaas dahil summer time yun. Sleeveless na panloob, papatungan siya ng chaliko ba tawag dito yung ganon sa pagtanod. Kulay puti panloob namin at itim ang panpatong. Tapos slack naman ang panbaba. Sa babae naman Ganoon din kaso skirt ang panbaba nila na; kulay pula, tapos may mahabang puting medyas na may printed surname at doll shoes ang pansapin sa paa.
Kapag tuwing June to December naman, Long sleeve naman kami. Ganoon pa rin kaso long sleeve na ang gamit namin. Yung month kasi na yun taglamig na kaya long sleeve na ang gamit namin. Matapos yun, tungkol naman sa shifting kapag break time.
Ang unang batch na nakashift kapag 7:30-9:30, ang break time namin ay 9:30-10:30. So kapag ganon oras, doon naman papasok ang second batch. And kapag launch time naman, same ng shifting. Magbabago lang pag dating ng gabi. Lahat kami nasa loob na tumutulong. Sa buong maghapon lang applicable yung shifting.
Kaagad kaming dinismiss matapos mapaliwanag ang lahat para maisukat na namin ang mga uniform. Kaagadko naman na chineck kong sakto lang ba sa akin o hindi yung binigay sa akin. Habang busy ako sa kasusukat, hindi ko namalayan na may natabig ako. Pagkaharap ko para mag sorry, napatigil ako dahil siya yung katabing locker ko. Ngayon naniniwala akong swerte talaga ako.
"Sorry!" Paghingi ko ng tawag sa kanya. Tumango naman siya at parang walang nangyari. Napasimangot naman ako sa naging tugon niya. Ang sungit ng lalaking ito, dinaig pa ang babaeng may red tide.
"Ayusin mo nga yang nguso mo, para kang pato!" Suway niya sa akin. Napatikom naman ako ng bibig sa sinabi niya. Nakita niya yun? Gulat kong saad sa sarili ko.
"Tsk!" Hasik niya bago umalis sa tabi ko. Naandoon pa rin ako sa pwesto ko, hindi makapaniwalang kinausap niya. May kumausap sa akin, for the first time.
"Hoy! Tutunganga ka na lang ba dyan hanggang magsara itong Cafe?" Inis niyang tanong sa akin. Napatuwid naman ako ng tayo sa tanong niya. Napatingin naman ako sa paligid, bago nagmadaling nag ayos ng gamit.
Humarap ako para makita ko siya ng mabuti. I see him standing next to the doorway, looking pissed at me. Is he irritated to me? That easy? Ganoon ba talaga akong klaseng tao? Nakakainis; makita man o makasama? I'am that stuborn person na kahit ang parent ko inis na inis sa akin.
"Bahala ka dyan!" Inip niyang sabi bago nagtangkang umalis. Naalerto naman ako sa sinabi niya.
"Teka! teka" Pag pipigil ko sa kanya. Huminto naman siya at bored na tinignan ako. Huminto ako ng malapit na ako sa kanya.
Nakatayo na ako sa harap niya, nagtatalo kong magsasalita o hindi. Kinurot ko ang daliri ko para matauhan. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin. Nag aantay ng sasabihin ko.
"Ahmmm!" Paunang salita ko. Teka paano ko ba ito sasabihin ng hindi siya naiirita sa akin o nagagalit. I need to choice right word para hindi siya magalit tulad ng parents ko.
"Ano ba man sasabihin ka ba o wala?" Inip niyang tanong sa akin saka humalakipkip sa harap ko. Nataranta ako dahil nagsisimula na siyang nainis sa akin.
"Kung ano man yang sasabihin mo. Sabihin mo na, you look stress. Just state what you want to tell. Minsan mas magandang sabihin mo ng taos sa puso mo kisa sabihin mo in a good way but the thought you sharing can't hear"
Natamaan naman ako sa sinabi niya. Ganon na ganon kasi ang sitwasyon ko, when it come to sharing may opinion to my parents. I need to act proper for me to listen what I want to tell them. Kapag hindi naman, they act like no one talking to them. Fear consume over me.
Hindi ako nakaimik ng ilang minuto. Kinain kami ng katahimikan.
"Collect yourself first,before you start connecting to others. You know why? because it cause miscommunication can lead to misunderstanding of person who trying to create an good relation" Payo niya bago tuluyang naglakad palayo sa akin.
I was left doubtful to myself. Every words stab directly to my heart. It hurt but sadly true. Mahirap talagang magstart ng connection sa iba kung hindi ka din buo.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Doon lang ako nakakilos para makauwe sa bahay. Wala sa sarili ako ng pauwe sa bahay.
Nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin ng mapansin ko na maliwanag pa. Dati-rati kapag ganitong oras tulog na sila, anong mayroon?
Tahimik kong binuksan ang gate ng bahay naman bago umikot sa likod para doon dumaan. Baka kasi mau bisita sa may sala makita pa ako, magalit sila Mama. Matapos kasi nilang malaman na Architect ang kinuha ko, they never see me again.
Ang tangin nakikita ko lang sa kanila ay disappointment. Pamilya kasi kami ng Guro at Lawyer. Ang mga ibang relative ko, kung hindi sila Guro; lawyer naman. Kadalasan ang mga lawyer ang mga anak, technically mga pinsan ko. Sa 20 kaming magpipinsan, Sampu dito;Lawyer. Habang 3 ang Guro at ang ilan kong mga kaedad ay kung hindi Lawyer;Guro ang gusto.
Impluwensiya na rin kasi ng magulang kaya gusto nilang kumuha katulad ng sa kanilang magulang. Kilala din kami sa aming Probinsiya bilang isang tanyag na Pamilyang Guro at Lawyer. Delvallo are known as a powerful Clan. Walang nagtangkang bumangga sa amin.
Yung problemang tinutukoy ko ay, problema ng dalawa kong Tita. We're living in a compound so normally na magkaroon ng hidwaan sa bawat pamilya. They debating about the case of one client. Na umabot sa personalan, yun ang dahilan kong bakit mas pinili namin umalis kisa ang madawit sa gulo nila.
Isa rin yun sa dahilan kung bakit gusto kong tumaliwala sa naging pagkakakilanlan ng Pamilya namin. Mahirap magkaroon ng parehas na kurso, hindi kasi maiiwasan ang icompare ka. Minsan harap-harapan pa ang pagkukumpara sayo na parang wala ka doon.
Tama nga ang hula ko may bisita sa bahay. Nakakapagtaka dahil halos mag aalas onse na ng gabi may bisita pa kami. Buti na lang may harang na pader papunta sa kwarto; sa pangalawang palapag.
Pero wala pa ako sa pangalawang baytang ng makarinig ako ng usapan tungkol sa akin.
"Eh yung pangatlo mong anak, Teacher o Lawyer?" Tanong ng isang babaeng boses. Malamang ako ang tinutukoy nito. Ako kasi ang pangatlo sa lima kaming magkakapatid. Dalawa na ang nakapagtapos sa amin. Isang CPA Lawyer at Teacher. So they expecting me na susunod ako sa yapak nila.
"Ah alam mo bat hindi na lang natin pag usapan ang magiging business natin. Mas importante pa yun kisa sa kanya" Pag iiba ng ni Mama ng usapan. Sa paraan ng pag sasalita niya ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang disappointment niya sa akin. They were excited to know what course I'm gonna take. Pero ng nalaman nila, everything has changed.
A happy yesterday was become a nightmare. Yun tipong kahit naandyan ka, nakikita ka nila pero never ka nilang kinakausap. Ipaparamdam nila sayo na, hindi nila gusto yung gusto mo. Yung kahit suporta lang ang kailangan mo, hindi nila maibigay. Alam ko naman kung bakit eh, at naiintindihan ko yun. Isa nga naman kahihiyan sa aming Pamilya na may kumuha ng ibang kurso. Pero required ba talaga sa isang angkan na pare-pareho kayo ng kukunin kurso.
Hindi naman kayo pareho ng kakayahan. Hindi porket nag iba ako, eh hindi ko na nirerespesto ang angkan namin. Hindi ko naman ginustong lumiko ng landas sa kanila. Talagang ito yung gusto ko simula't sapol pero bakit ang hirap para sa kanila na tanggapin.
Kaya kahit labag sa kalooban nila, kinuha ko pa rin ang pag a-Architect. Kasabay non ang pagbitaw nila sa akin. Naging busy sila sa kanilang business, hinayaan nila ako sa gusto ko pero ang kapalit ang turing nila sa akin bilang anak.
Napakahirap talagang ipursue ang gusto mo, kung mismo ang parents mo ay ang againts. At lalong walang tiwala sayo, masaklap pa ay kung tignan ka nila. Sigurado silang babagsak ka. Pero pinangako sa sarili ko na. I don't give them satisfaction na isiping babagsak ako. Ngunit ipakita ko sa kanila na, kaya ko. Kaya ko ang daang pinili kong tahakin.
Dahil walang malinis na daan para sa matagumpay na bukas. Laging may pagsubok na dadaan upang subukin ka. At nasa iyo kong paano mo ito lalagpasan para makuha ang gusto mong makuha. Process make someone strong to achieve goal without taking shortcut.
Cause shortcut, for me means; The journey to achieve your goals become short but eventually cut. Cause every shortcut you do, you miss something greatful blessing add to your beautiful fruit of success you plan.
Sabi nga ng Isa kong kaklase ng senior high.
"Success ka nga,ang tanong masaya ka ba?"
Yung naging succesful ka pero hindi mo naman gusto yung naging kapalaran mo. Mas magandang maging successful sa larangal ikinaliligaya mo. Dahil kahit anong mang pagsubok alam mong kaya mong lagpasan. As long na masaya ka at naniniwala ka sa sarili mo. No one will turn you down.
A true success come in true happines you gain once you become who you are someday.
At yun ang gusto kong ma-achieve ang maging successful at the same time masaya sa pagiging Architect. Lalo na ng makita ko ang design na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.
Ang mga inspired design ko sa ibang sikat na Architect na hinahangaan ko. Gusto ko someday kapag ganap na akong Architect, isa sa mga yan ang maging totoo.
Tatagan mo lang sarili mo Blyst. Kakayanin mo ito, ikaw pa.
Nakita ko na naman ang bago kong sketch pad. It's Empty like me but someday it become filled with my great adventure, seeking for my success.
At I want to tell it to myself. Walang susuko, fight lang. Sigurado akong makukuha ko ito. Ito yung gusto, kayanin mo. Wag mong ipakita sa kanila na tama sila sa sinabi sayo.
Make yourself proud but humble. Always put down your feet, never show boastful act. Minsan ang may mataas na lipad, pabulusok pababa. Wag na wag magiging syapang sa iba porket naging successful ka na.Dapat tumulong ka, share it to others. Lihim kong parangal sa sarili ko.
But for now, gagawin ko ang sinabi sa akin ni Marco. Collect your empty self saka makipag ugnay ng may laman sa iba.
Ewan ko lang kung magagawa ko kaagad but I'm sure kung hindi man ngayon. Maybe sa ibang araw kapag handa na ako kaya ko na. Building yourself is not easy kung durog na durog ka na.
~~~~
Sabaw na update pero sana nagustuhan niyo pa din. Hirap mag isip kung paano tatapusin itong chapter na ito. Hehehehe for now sa ibang cast tayo dahil gusto kong ipaliwanag how they come up with each others. And malalaman niyo yan in the End of this story. Syempre hindi ko muna ibubuking, clue lang naman mo na hayaan ko kayo na mapaisip kong paano ko sila pagtatagpin hahaha. So this is for now, see you sa mga susunod na update. Kung may idea ka na just tweet using hashtag #PrincessNalicsLostheory sa akin twitter na @Deenyiil or just go to my profile check the link of the twitter. And start sharing your theory with me.
~PrincessNalics~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top