IL1

Outcast

Seating under this old Mango tree waiting for them to arrive. It's about a minute, our call time has passed, still no one come here.

I started to recall, what I heard yesterday. I think they are right. I just shake my head in dismay. Napatingin sa langit na ngayon nagbabadyang umulan.

Nakikisama yata sa akin pati ang panahon. Buti pa ang panahon nakikisama, ang iba kaya?


'Ay nako Devi! Tama na nga wag ka ng umasa na may makakakita sayo, at makikipagkaibigan.'


Kaya bago pa magbayad ang mga luha ko, tumingala na ko para pigilan ito. Ang hirap talagang makibagay. Friendly naman ako, bakit wala pa rin makitang, Kaibigang tunay na maituturing?

Nagtagal pa ng kunti bago ako nagdesisyong umalis na, baka maabutan pa ko ng ulan, mahirap na. Habang palakad pauwe, naalala ko na naman kung anong pinunta ko doon.

Siguro mabuti narin yun para hindi na ako mahirapan kapag aalis na ko. Mabuting hindi na nila malaman parang wala din naman kasi silang pake kung sasabihin ko din eh.

Napayuko naman ako sa mga naiisip. Kapag ba sinabi ko kila Mama, papansinin na nila ako? Kapag ba sinabi ko sa kanila aalagaan din nila ako tulad nila ate? Kapag ba sinabi ko sa kanila hindi na nila ako iiwan? Kapag ba---


Hay nako Devi! Ayan ka na naman. Alam mo naman na ang sagot dyan diba?


Tsk! patuloy pa rin ako sa paglalakad. Teka saan nga pala ako pupunta?

I drown on my own thoughts that I forgot where I go.

Habang iniisip ko kung saan nga ba ako pupunta, bigla ako napaupo. Hindi ako kaagad nakatayo. Tulala pa rin akong nakaupo. Napakurap kurap ako ng mga nakailang beses. Gulat sa bilis ng pangyayari.


"Miss -" a man's rushing voice call me, He sign before apologize on me, "Sorry."

I blink twice, and look up on him, "Huh?"

His lips press together with a slight frown. "I said, Sorry!"


"Okay," sagot ko, habang nag papag pag sa sarili. Saglit ko siyang tinignan. Mariin ang tingin. Kita ko ang pag kainis sa sinagot ko. Ni hindi naman tunay ang paghingi ng tawad.


I bow my head instead, and leave him on his place.

Sa Zena Cafe pala ang punta ko. Bigla kong naalala.


Isa akong working student, kahit na mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko.


Talaga ba?


Hay! Mayaman nga, kung hindi naman nila ako binibigyan ng kahit maliit lang na allowance edi wala din. Kaya ito nagpa- part time job. Para kahit papaano may panggastos sa mga gastusin ko.


Ilang oras pa at nakaabot rin ako sa pinagtatrabahuhan ko. Yun oh! Sakto bago pa magtime nakadating na ko.

Kaagad akong dumeretso sa likod kong saan yung mga locker ng mga empleyado.


"Uy! Dev andito ka na pala," bati ni Marco, Isa sa mga kasamahan ko dito.


Napahinto ako sa pagbukas ng locker ko, at lumingon sa kanya, "Ah! Oo, kadadating lang."

He nod at me, and said, "Ah! ganon ba -" He paused and switch his position. "Sige pala mauna na ako sa iyo."

Pinanood ko lang siyang pumasok sa loob ng Cafe. Saka ko lang pinagpatuloy ang pag bukas ng locker.

My thoughts visit again.

'Kailan kaya may magtatanong sa akin kung ayos lang ba ako?'


Kahit yun lang sapat na sa akin. Pero ano nga ba ang aasahan mo wala, eh sa wala naman akong close friend puro kakilala lang.

'Tsk nako drama ka na naman dyan magbihis ka na!

I shake my head, to sue that question roam around my mind. I let my deep sign, and decide to change my clothes.

Humarap sa salamin para tignan ang sarili sa suot na uniform. Isang munting ngiti ang lumabas sa labi ko.

Sa babae kasi, parang anime karakter ang peg. High waist skater skirt na plain at collar shirt na plain din. White and pastel pink ang suot namin. Habang sa lalaki naman Slacks , polo shirt and neck tie. Bagay na bagay naman sa akin itong uniform namin para tuloy akong japanese girl.


'Nako ayan ka na naman sariling puri sa sarili.'

Napailing nalang ako saka lumabas na ,at nagtungo na sa loob para mag simulang magtrabaho.

"Table no. 3," Avonlea order, while placing the tray on the top, "Get it."


"Here's your order, Enjoy your drinks," I greet and bow, then leave them. Ganoon lagi ang routine ko dito pero minsan iba.

'Argghhh ang sakit na ng braso ko.'

Pagkatapos ng buong hapon na trabaho. Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. Aishh! Kung hindi lang kailangan hindi ko rin ito gagawin.


"Uuwe ka na ba?" biglang tanong ng nasa likod ko. Pagkatingin ko si Marco. Nakatayo ng tuwid sa likod ko. Naka bihis na, mukhang pauwe na.


"Ah! Oo mag na-nine na kasi," sagot ko sa kanya, Saka kinuha na ang mga gamit ko sa locker. Tapos na rin akong magpalit ng damit.

Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko. Mukhang may nais pa siyang sabihin. Ang mga mata niyang tila may gustong sabihin. Inantay ko iyon pero-


"Ah! okay," napahinto ako ng sabihin niya iyon. Tangin likod na lang niya ang nakita kong palabas sa back door.


Napabuga na lang ako ng hangin. Saka bumalik sa ginagawa. Napahinto ako nang... Isang puting sobre ang nahulog mula sa gamit ko. Ang sobre kung saan nakalagay ang resulta. Ipapakita ko ba ito sa kanila?

Napabuntong hininga nalang ako, at nagsimula ng maglakad palabas. Mahaba-habang lakaran ito, Ilang kilometro pa ang layo ng subdivision namin dito.


'Tiis tiis lang Devi, Para din naman sa sarili mo'


Kahit gabi na, at medyo delikado, pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makaabot na ako sa subdivision namin. Binati naman ako ni Kuyang Guard ng mapadaan sa Guard house gaya ng kinagawian niya.

Napahinto ako ng mapatapat na isang malaking bahay. "Garcilla Residence," I murmur, and sign. Dito... dito ako nakatira.

Ang bahay kung saan, Isa akong multo kong ituring. Nabitin ang pag hakbang ko patungo sa front door ng makarinig ng masayang tawanan sa likod.

Hanggang sa namalayan kong nakatanaw na ako sa kanila. Isang imahe ng masayang pamilya. Biglang nanubig ang gilid ng mata ko. Hindi dahil sa saya, kung hindi sa lungkot.

I should not peak. I know, it will hurt me.

Napasandal sa gilid ng pader. Nanghihina sa bigat ng nararamdaman. Ang saya nilang tignan pero hanggang kailan ko sila tatanawin mula sa malayo? Hanggang kailan ko makikita ang sarili ko na kasama silang ganyan kasaya? Kailan kaya? Kung kailan aalis na ko? Kung wala na ako?

I laugh at my own question.

"Manang, may pagkain po ba-"

Nabitin ang tanong ko, nang daan lang ako nito. Kinagat ko ang labi ko saka tumalikod para umakyat.

'Hindi ka pa ba sanay Devi? Hangin ka lang dito sa bahay tandaan mo yan. Hanging hindi nararamdaman ng iba, itatak mo yan sa isip mo'

Pabagsak akong umupo sa gilid ng kama ko. Inilibot ang tingin sa masikip kong kwarto. May isang Kabinet, Lamesa, Banyo at Higaan. Malayong malayo sa mga nakakatanda kong kapatid.

Tumayo ako sa higaan ko para kunin ang sketch pad na nasa lumang drawer. Habang binubuklat ko ito, naglalakad naman ako papunta sa lamesa kong malapit ng bibigay.

Maingat kung nilapag ang sketch pad ko, dahil baka bumigay na ito. "Hay! bibili na lang ako ng bago kapag nakaipon na ko ng malaki laki," I murmur while looking at my own table. "Huwag ka munang bibigay."

I can concentrate cause this table keep, creating a sound like collapsing.

"Woah!" napaatras ako ng gumalaw ang lamesa. "Jez! Your gonna breakdown."

Kaya nag desisyon akong lumipat ng pwesto, kung ipipilit ko sa lamesa baka bumigay na kaya sa sahig nalang ako.

Nilapag ko ang sketch pad at dumapa ako. Kagaya ng kadalasan kong ginagawa, kapag wala akong magawa. Nag-i-sketch nalang ako para hindi ako ma-bored.

Isang babaeng nakaupo sa gitna ng maraming tao ang iginuhit ko. Lahat ng tao malayo sa kanya, Madilim ang paligid, nakayuko at nagiisa.

'Kunting tiis nalang naman eh Devi makakalaya ka na'

I lower my gaze, and glance on my bag place on the top of my old dusty bed. I tilt my head when I remember something that inside of my bag.

Bumangon ako saka kinuha ang bag ko na nasa gilid ng kama. Binuksan ko at kinuha ang wallet ko. Mula doon ay inilabas ko ang Pass book ko na kung saan ako nag iipon. Buti nalang pala nakapag open ako ng bank account ko.

I check my account. Smile form on my lips, as I flip it on the current page, "Nasa kalahati na."

Ibinalik ko yun sa bag ko at kinuha naman ang puting sobre na nahulog kanina. Tinignan ko ito saka mapait na napangiti. Ilang buwan nalang pala, matatapos na.

Malungkot ko yung binalik saka tinago sa bag ko. Pagapang akong lumapit sa gilid ng kama ko saka napatulala nalang. Palagi nalang ganito, nakakadepress na.

I get distracted by my roaring tummy. Hindi pa pala ako kumain. Sumilip ako sa ilalim ng kama ko saka hinila ang isang karton na nakatago dito.

Binuksan ko ito saka kumuha ng isang balot ng tinapay. Buti nalang may stock ako rito kahit hindi na ko bumaba ayos lang. Tahimik akong kumaing mag isa sa kwarto ko. Mula rito rinig ko pa rin ang masaya nilang tawanan.

'Nakakainggit'

Hindi ko nalang yung binigyan ng pansin, Sa halip ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Nang matapos ako nagpahinga saglit bago nagdesisyong matulog. Mahabang pakikipagsapalaran uli bukas.

Pagod akong humiga saka pinikit ang mata bago tuluyang makatulog.

Maaga akong nagising wala pang alas tress ay gising na ko. Kahit medyo inaantok pa ay tumayo na ko at nagpunta na sa cr. Pagkatapos kong mag bihis hinila ko uli ang box sa ilalim at kumain na ng umagahan.

Saktong 3:30 ng umalis ako sa bahay tulog pa silang lahat, marahil pagod sa ginawang kasiyahan kagabi. Medyo madilim pa ng magsimula akong maglakad papasok sa school. Medyo malayo kaya kailangan maaga akong umalis sa bahay. Tag tipid eh, kaya lakad lakad muna. Kagaya ng kinagawian ni kuyang Guard sa tuwing napapadaan ako sa may Guard house binabati niya ako. Tangin ngiti lang ang isinasagot ko sa kanya hindi ko kasi alam kung paano makitungo sa medyo matanda sa akin eh.

"Hmmm...hmmm," tahimik na kanta ko habang naglalakad, medyo malapit na ko sa school. Saktong 6 ako ng makarating sa harap ng school. Dire diretso akong pumasok sa loob saka naglakad patungo sa classroom namin. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante ng makapasok ako. Pagkarating ko sa room dalawa palang kami ng taga hawak ng susi. Tahimik kong nilandas ang upuan ko sa pinakadulong bahagi ng row sa likod.

Nilapag ko ang gamit ko saka umupo, pinatong ko naman ang kamay ko sa desk saka natulog. Total maaga pa 7:30 pa ang klase namin babawiin ko lang ang kulang kung tulog.

Bigla akong nagising ng marinig kong maingay na ang paligid. Dumating na pala ang ilan kong mga kaklase. Simula na ng inggay. Hindi na ako makakatulog nito.

Inayos ko nalang ang sarili ko saka tinignan ang oras. Limang minuto nalang pala bago magsimula ang klase namin.

Kaagad naman silang nagbalikan sa mga upuan nila ng dumating na ang first subject teacher namin. Nag-check muna siya ng attendance bago nagsimula ng mag-disscuss.

Pasalamat nalang ako sa mga teacher ko at mapapansin nila ako kapag nagtaas ako ng kamay sa recitation namin. Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala ng maayos.

Ako nga pala si Devina Garcilla, 19 yrs old. Isang accountancy student, second year college sa kilalang university sa lugar namin. Scholar ako dito kaya kailangan mag aral ng mabuti. Ito nalang ang tangin kayamanan ko kung makapagtapos ako bago ako mawala.

Bigla naman akong natauhan ng makitang nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Inantay ko silang lumabas lahat bago ako lumabas. Ibang direksyon ng tinahak ko kung saan wala halos tayo. Ang tambayan ko kapag break time.

Tahimik akong umupo sa ugat ng punong pinagtatambayan ko. Umupo ako saka niyakap ang tuhod ko. Mapait na napatingin sa madamong bahagi ng school. Inaantay na lumipas ang oras saka babalik uli sa room.

Exactly when I look at my watch it time. I have to go, "Tapos na ang break time."

Tumayo ako, Saka pinagpag ang palda ko. Pinulot ko ang bag ko saka tuluyan ng bumalik sa room. Pagdating ko sa room, Maingay, Makalat at Magulo ang naratingan ko.

Mga hindi pang karaniwan na makikita kapag nasa kolehiyo ka na. Kaya maraming Guro na galit sa amin. Naalala ko pa noon huli kaming napagalitan.

Isang Guro na galing sa kabilang room ang biglang lumitaw sa may pinto ng room namin.

Namumula ang mukha sa galit, at pinagsabihan kami, "Ano ba yan. Second year na kayo pero asal highschool pa rin," ramdam mo ang galit doon, at isa isa kaming dinuro nito gamit ang pamaypay niyang nakatiklop. Naging malaking palatandaan ang pag lukot ng noo niya, "Hindi ito palaruan para maglaro. Paaralan ito, Paalala lang. Nagkaklase kami. Mahiya naman kayo."

Pagkatapos non isang mahabang katahimikan. Pero akala mo lang iyon. Hanggang ngayon ganoon pa rin.

Natamaan pa ako ng papel na nilukot, lumilipad. Ganito lagi ang senaryo pagkatapos ng break time minsan jamming session, kaya sanay na ako. Kahit matamaan ako ng kung anong bagay dyan, kapag gusto kong mag sorry yung gumawa non, baliwala lang din. Hindi ka nila papansinin kaya mas mabuting manahimik nalang. Tahimik ko silang pinagmasdan habang nagkakagulo.

Mapapailing ka na lang sa taglay nilang kalokohan, at kaingayan. Pero may parte sa akin, na nasisiyahan dahil kahit na ganito ka komplekado ang tinahak naming kurso. Nagagawa pa rin nilang mag saya.


Bagay na kinaiinggitan ko. Maging mga senior namin. Usually, ang tingin sa aming Accounting student, tahimik at busy. Pero ewan ko dito sa iba. Hati itong room, May grupong pala aral, May grupong sinapian ng kalokohan.


Pero kahit ganyan, mararamdaman mo ang kompetensya dito. It's just a phase of us, to hide the real us. 'Mamaw' kong tawagin.

Tahimik ko pa rin silang pinag mamasdan sa kinauupuan ko, "Kailan ko kaya mararanasan ang ganyan," I murmur while watching them do weird things. "Tsk! Asa ka pa."

Simula't kasi pagkabata ko, ni isa sandalu hindi ko man lang naranasan ang maging masaya. Ni araw ng kapanganakan ko hindi ma-celebrate, dahil hindi ko man lang alam. Kung hindi ko nakita ang Birth certificate ko marahil hanggang ngayon wala akong alam. Kung kailan ako pinanganak sa mundong ito.

Ni minsan kasi, hindi man lang naghanda para sa akin ang mga magulang ko, kaya wala akong alam. Pero kapag usapang birthday ng mga ate ko grande, pero pagdating sa akin, dinaig pa ang araw ng mga patay, sa sobrang lungkot.

Nararamdaman ko tuloy isang pagkakamali ang mabuhay ako sa mundong ito. Sana nung hindi pa ako pinanganganak pinatay nalang nila ako kung ganito din lang ang trato nila sa akin diba?

Napapaisip tuloy ako kung bakit nabuhay pa ko sa mundong ito.

Ano bang rason kung bakit nabuhay pa ako? Ang nga ba ang silbi ko sa mundong ito? Ang maging hangin sa paningin ng tao? Ang maging isang multo sa mata ng magulang ko?

May tawag nga sila sa akin dito eh.

"Ang dakilang 'Outcast'," yan ang bansag sa akin dito. Pag usapang outcast asahan mong, Ako ang tinutukoy nila.

Katulad ng kinagawian ko. Nag abang muling matapos ang lunch break, saka bumalik sa room. Hindi ko lang namalayan, nakatulog ako kanina. Kaya lakad takbo ang ginawa ko para lang makaabot sa klase.

Buti nalang wala pa ang teacher namin.
Napa 'Ouch' nalang ako ng may lumipad na lukot na papel sa ulo ko. Simula na naman kasing magliparan ang mga papel sa ere eh, kaya nagmadali akong pumunta sa upuan ko para hindi masama sa rambulan nila.

'Nakaupo din sa wakas'

Napasapo naman ako ng gilid ng ulo. Nang may makita akong pumatak na dugo sa desk ko. Nang makapa ko ang gilid ng ulo ko may naramdaman akong malagkit na bagay. Pagkatingin ko, Dugo! Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Hindi lang siguro papel ang tumama sa akin may bato siguro sa loob non kaya pala masakit eh.

Imbis na mangsisi pa ng iba, kinuha ko nalang ang panyo ko saka tinakip sa bahagi kung saan dumudugo. Napapikit ako ng dumikit ang panyo sa bahaging may sugat, ang sakit.

Ilang minuto bago tuluyang nawala ang sakit, mamayang uwian nalang akong pupuntang clinic para magpagamot. Hindi naman ata ako mauubusan ng dugo maliit lang ito.

Nakatakip parin ang panyo ko sa sugat ko hanggang sa matapos ang klase. Kaagad akong umalis saka pumunta sa clinic.

Pagkadating ko doon, walang tao. Ako nalang mang gagamot sa sarili ko gaya ng dati. Kapag nagkakasugat ako o anoman ako lang ang naggagamot sa sarili ko. Kahit gaano pa yan kalaki o kaliit ako mismo ang gumagamot sa sarili ko kaya yakang yaka ko ito.

Kinuha ko kung nasaan ang first aid kit saka sinimulang gamutin ang sarili ko. Ng matapos ay binalik ko yun saka lumabas ng clinic.

Dumiretso na ko palabas ng school may trabaho pa akong dapat pasukan. Nang makarating ako kaagad akong nagbihis at nagtrabaho.

Pagod akong napasandal sa gilid ng locker ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa sugat ko. Hindi naman ganon kalala pero bat ganito kasakit?

Lumalabas na naman ba ang symptoms? Napapikit ako ng bumalatay ang sakit sa ulo ko.


"Oh Devi, ayos kalang?" tanong ni Marco, Kagagaling lang niya sa loob. Nakatitig lang siya sa akin. "Bakit?"

Siguro ay napansin niya ang galaw ko.

Nagdadalawang isip pa ako na sabihin. Sabay hawak sa ulo ko kung saan banda yung sugat. "Ah..."

Taka naman siyang napatingin sa kamay ko kaya madali ko yung tinanggal.

Umakto ako na wala lang iyon, "Ah wala medyo nahihilo lang ako."


"Ah..." saka siya tumango, at lumapit sa locker niya, "Kung ganoon," he pause while fixing his thing. He look at me with his usual blank expression, and said, "Mabuti pang umuwe ka na, at nang makapagpahinga ka na."


Concern niyang sabi sa akin bago umalis. Magpapasalamat pa sana ako kaso umalis na siya. Bigla naman akong napangiti, kahit papaano may concern pa sa akin.

Gaya nga ng sinabi niya umuwe na ko. As usual naglakad uli ako. Habang naglalakad naalala ko yung tanong ng isang kong Teacher. She ask me about my art work.

I was busy played my pen by sketching some artwork produced by my bored thoughts. When she suddened appeared on my back side, "Anong itatawag mo dyan?"

Nabitin sa ere ang paglapat ng dulo ng lapis sa papel. Kung saan ako gumuguhit ng isang imahe. Nanlalaki ang mata habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa pagkagulat.

Unti uniting umangat ang tingin ko kay Ma'am. Una kong napansin ang mga labi niyang nakangiti, tila masayang nag aabang sa isasagot ko.

Bumalik ang tingin ko sa sketch pad ko, saka nag isip. Ano nga ba?

Napaangat muli ako ng tingin sa kanya, saka siya binigyan ng isang maliit na ngiti, kasabay ng... "Hindi ko pa po alam."

Hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap sa salita na pwedeng mag describe doon. Hanggang sa nakarating na ko sa bahay.


Gaya ng natural na pangyayari sa bahay. Isang araw na walang pumansin sa akin. It's okay, I used to it anyway.

Mukhang alam ko na kung anong itatawag ko sa drawing na nakita ni Ma'am kanina.

I bite my lips, preventing to show my smile. While I writing, what Am I going to call this artwork of me.

I put down my ballpen, and raise it up, "Outcast."

That is, that is the name of this artwork.

~~PrincessNalics~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top