Chapter 8

Trigger warning!

This chapter contains disturbing scenes, read at your own risk.

***

Maaga akong nagising, dahil kakatapos ng mid-term  namin at kailangan ko naman ayusin ang grade ko dahil mukhang may mababa, at sa mga ganitong oras inaasahan ko na ganito kaaga ay may kumakatok sa pinto ko at minsan kapag hindi ko binuksan ang pinto ay laking gulat ko may umaakyat sa balcony ko.

Naiinis ako dahil kasalanan ko pa kapag nalaglag siya tapos mamatay siya aba ayoko makulong gusto ko pa maging mabuting Guro.

Dali-dali ako bumaba at binuksan ang pinto agad ako nagtaas ng kilay nang makita ko si Naila at hindi si Laurence. Ewan ko ba sa sarili ko feeling ko kulang ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang lalaking 'yun.

Almost five months na rin nang simulan niya ako ligawan at alam ko naman na gusto ko na siya pero wala pa akong balak sagutin siya. I want to see if he really serious about me, let see if he can wait me.

Ayoko mag-settle sa relationship na hindi sigurado, I'm a kind of person na date to married ang gusto.

"Gawa mo rito?" Tanong ko saka iniwan ang pinto bukas para makapasok siya.

"Binibisita ka lang, aba ikaw Alessia nagiging babae kana talaga ha." Asar niya saka tumingin sa suot ko. Oh anong mali sa suot ko, spaghetti santo at leggings lang naman ang suot ko well black pa rin.

"Baliw." Singhal ko saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina. Pero bahagya ako nagtaka nang makakita ako ng dalawang tupperware doon kaya dali-dali ko binuksan ang mga 'yun.

Ang isa ay may laman na fried rice at 'yung isa naman may laman na tocino at sunny side up na egg, may isaw pa.

Bumaling naman ako sa papel na nasa tabi ng dalawang tupperware.

Good morning, baby this is your breakfast may mango shake sa ref nakapasok ako kanina kasi nalimutan mo mag-lock ng pinto kanina pa kasi ako katok nang katok kaso walang nasagot. Hindi ako makakasunod sa 'yo kung saan ka man pupunta ngayon may kailangan kasi ako puntahan eh labyuu.

-Laurence

Saan naman kaya ang punta ng lalaking 'to? Medyo bored ang araw na ito walang makulit na Laurence.

"Oh ano 'yan?" Mapang-asar ang tono ni naila ng makapasok sa siya kusina.

"Aba sana all nalang." Hirit pa niya habang tinitignan ang sulat ni Laurence.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta sa ref para kunin ang mango shake na sinasabi niya agad ko naman nakita 'yun pero nagulat ako nang makita ko kung gaano kalaki 'yun.

Gaslaw, tingin niya sa 'kin higante?

Kinuha ko nalang 'yun saka bumalik sa counter.

"Hoy akin yan!" Sabay agaw ko sa dalawang tupperware na nilalantakan niya.

Bakit ba kasi nandito ang babaitang 'to? Dapat nasa jowa niya 'to eh.

"Damot." Ngumuso siya saka tinignan ang hawak kong mango shake.

"Sino ba kasi 'yang manliligaw mo?" Tanong niya sa 'kin 'di ko nalang siya pinansin pero medyo tanga siya sa part na nakita na 'yung sulat 'di pa niya nabasa 'yung name.

Lumakad ako papunta sa living dala ang mga pagkain narinig ko naman ang yabag ni Naila na sumusunod sa 'kin.

"Pero hanga ako sa manliligaw mo Alessia nakabili ng isaw nang ganitong oras at hindi nagsasawa sa 'yo isipin mo 'yun five months na siyang nanliligaw sa 'yo pero 'di pa rin siya nasuko. Kung ibang lalaki 'yun baka humanap na nang iba." Deklara niya saka umupo sa tabi ko, 'yon din ang isa siguro ang nagustohan ko kay laurence hindi siya marunong sumuko.

But I think five months is not enough. I mean sa buong buhay ko ngayon lang ako na in love sa lalaki ng sobra at nagpaligaw, I need to make sure if he's willing to do anything para makuha niya lang ako, gusto ko makita kung deserve ko ba ang katulad niya.

Matapos namin kumain ng breakfast ay nagpaalam na sa 'kin si Naila may klase pa siya. Naglinis lang ako ng bahay saka naligo at nag-intindi papunta sa school.

Nag-suot lang ako ng black na top, white na jeans and white shoes. Naka messy bun naman ang buhok ko.

Naglalakad na ako palabas ng village ng mapansin ko ang sing-sing sa daliri ko. Hindi ko alam sa sarili ko napangti ako bigla.

Hindi ko alam bakit hindi ko 'to hinubad simula nang ibigay niya sa 'kin 'to.

'Wag mo sabihin gano'n ako ka in love sa kanyang? No way I want na mas in love siya kaysa sa 'kin.

Mabilis ako pumara ng taxi nang makalabas ako ng village, saktong pagkasakay ko ay sakto rin nag-ring ang phone ko.

"Hi." Simpleng sagot ko.

"Nasaan ka?"

"Taxi."

"Saan punta mo?"

"School."

"Oh, take care, uuwi na rin ako mamaya."

"Okay."

"I miss you."

"Thank you."

"Bye."

"Bye, labyu."

Gusto ko matawa sa sarili ko dahil pilit ko pinapakalma ang sarili ko at pinapakita sa kan'ya na parang wala lang ako pakialam sa kanya. But fuck, I really have a care for him.

***

Gabi na ngayon dahil dumaan pa ako sa isang derma I want to erase my scar sa bandang bewang ko. I don't want to remember anything about this scar.

Tahimik akong naglalakad ngayon malayo-layo pa ako nang kaunti sa village namin. Wala na masyadong tao ngayon dahil gabi na rin at masyado palooban ang village kung saan ako nakatira.

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba saka tumingin-tingin sa paligid ko. Feeling ko may mga taong nakatingin sa 'kin.

Pinagpatuloy ang paglalakad pero medyo binilisan ko.

Halos manlaki ang mata ko at ikatumba ng katawan ko ng may biglang lumabas na dalawang lalaki sa dilim.

"A-Ano'ng ginagawa niyo dito?" Utal kong tanong habang umaatras. No way bakit sila nandito? 'Di ba nakulong na sila? B-Bakit?

Ngumisi silang dalawa saka nagsimula maglakad palapit sa 'kin tumuloy naman ako sa pag-atras.

"'Di mo ba kami namiss?" Tanong nila pero malakas na mura lang ang binitawan ko. Natatakot ako natatakot ako. Please someone help me.

"Mga demonyo kayo!" Sigaw ko at pilit tinatago ang takot ko.

Humalakhak sila parehas.

Bigla tumunog ang phone ko kahit nanginginig na ako sa takot ay pilit ko pa rin kinuha ang phone ko.

"Baby, where are you?" Tanong sa'kin.

"L-Laurence, tulungan mo ako." Mangiyak-ngiyak ang boses ko.

"Where are you?" Agad niya tanong at halata sa boses niya ang pag-aalala.

"N-Nandito ako sa malapit sa labas ng village, please help me, ayoko rito... natatakot ako." Nanginginig kong sabi habang patuloy umaatras.

"Sino ba 'yan alessia?" Malaki ang ngisi tanong sa 'kin ni Von.

"Alessia sin—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Laurence dahil mabilis na ako tumakbo at pinatay ang tawag.

Kahit ano'ng bilis nang takbo ko palayo sa mga animal na 'to talo pa rin nila ako.

"Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ko pero wala ako magawa dahil malakas siya nagsimula na tumulo ang luha ko. No hindi pwede ayoko! Ayoko! Nakatakas na ako noon! Ayoko na maulit pa!

"Alessia, kasalanan mo kung bakit kami nakulong ng ilang taon. Pero kaya ka namin patawarin kung ibibigay mo sa amin ang matagal na namin gusto." Nakakatakot ang mukha nilang dalawa marahas nila ako hinila papunta kung saan.

Pero hindi kami pumasok sa kung saan at nandito lang kami sa gilid ng kalsada sinandal nila akong dalawa sa pader at nilabas naman ni Gil ang isang kutsyilyo.

"Kita mo 'to, isasak ko ulit sa 'yo 'to kapag nanlaban ka." Nanakot ang tingin ni Von saka tinutok sa leeg ko ang kutsyilyo.

"Mga kuya bitawan niyo ako uuwi na ako." Utos ko nang parehas nila ako hawakan sa magkabilang braso ko malakas naman humalakhak si kuya von. "Alessia 'wag ka matakot malalaro lang naman tayo..." Malaki ang ngiti niya sabi saka nilabas ang patalim natakot ako bigla hindi ako nakagalaw.

"Kapag nanlaban ka isasaksak ko sa 'yo 'to." Pananakot ni Kuya Von saka inilapat ang kutsyilyo sa katawan ko simula leeg hanggang sa makarating sa tiyan ko.

Nagsimula mag-unahan ang luha ko, Mommy natatakot ako tulungan niyo ako...

Dahan-dahan ako hiniga ni Kuya Gil sa sahig ng bahay at sinimulan haplusin ang hita ko pero mabilis ako umiwas.

"Sabing 'wag kang manlaban!" Malakas na sampal ang ginawad sa 'kin ni Kuya Von.

Tahimik akong umiyak saka pilit na lumaban nang simulan alisin ni Kuya Gil ang pagkakabutones ng blouse ko ay mabilis ko siyang sinipa.

"Ah!" Sigaw kong ng saksakin ni Kuya Von ang tagaliran ng tiyan ko.

Kahit masakt ay pilit kong sinipa si kuya von nakinabagsak niya, mabilis ko kinuha ang kutsyilyo sa tiyan ko saka sinaksak si Kuya Gil sa hita at kamay niya dahilan na ikatigil niya sa pagtatagtag ng butones ko.

Mabilis ako tumayo habang hawak-hawak ang bewang ko saka tumakbo palabas ng bahay, mabilis ang takbo ang ginawa ko dahil naririnig ko ang sigaw nila.

Akala ko kaibigan ko sila. Akala ko mga kuya ko sila pero mga hayop sila!

"Alessia!" Sigaw mula sa kung saan at alam kong boses 'yun ni Mommy.

"Mommy!" Pilit kong sigaw kahit namimilipit na sa sakit agad ko naman nakita sila Daddy at Mommy na tatakbo lumapit sa 'kin may kasama silang mga pulis.

"Jusko anak!" Sigaw ni mommy bago tuluyan ako nawalan ng malay.

"Ah!" Sigaw ko habang hawak ang ulo ko, natigil ako sa pag-sigaw nang makita ko kung paano suntukin ni Laurence si Von na wala nang malay.

"Hayop ka gago ka!" Sigaw niya habang patuloy sa pag-suntok. Nakita ko naman si Gil na may posas na sa kamay.

Kahit nanginginig sa takot ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at ika-ikang naglakad palapit kay Laurence.

No, ayokong makapatay siya nang dahil sa galit.

"L-Laurence..." Utal kong tawag saka marahan na hinawakan ang braso niya na ikinatigil niya sa pag-suntok. Agad siya tumayo at mabilis ako yinakap dahil sa pang-hihina ay napayakap na rin ako sa kan'ya.

"Baby, I'm sorry late ako." Pag-hingi niya nang tawad habang hinihimas ang likod ko umiling ako.

"W-Wala kang kasalanan, uwi na tayo ayoko na rito. Natatakot ako." Humihikib kong sabi tumungo naman siya. Marami siyang sinabi sa mga pulis pero hindi kona intindi ang mga 'yun.

Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa sasakyan.

Umiiyak lang ako hanggang sa makarating kami sa apartment niya, alam kong hindi niya ako sa apartment ko dinala.

Binuhat niya ako hanggang sa makarating kami sa kwarto niya yumakap lang ako sa kan'ya nang mahigpi.

"I'm sorry..." Pag-hingi niya ulit ng tawad habang paulit-ulit hinahalikan ang kamay ko.

"Natatakot ako..."

"Hindi mo kailangan matakot okay? Nandito lang ako, babantayan kita, hindi kita papabayaan, hindi ko sila hayaan saktan ka..."

"Laurence..." Umiiyak kong tawag sa kaniya, sobrang bait naman sa akin ni Lord para bigyan ng lalaking katulad niya.

"Shhh, Baby. Sleep na. Hindi nga kita masaktan kasi ayaw ko umiiyak ka tapos sila sinaktan ka nalang basta, hindi ako papayag hindi sila makulong!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top