Chapter 3

Pagod akong bumaba ng sasakyan ko at nagsimula maglakad papunta sa gate ng apartment ko.

Mabilis ako natigil sa pagbubukas ng gate nang may narinig akong sumusunod sa likod ko.

Shit! Pati ba naman dito nandito ang lalaking 'to?

"Ano'ng ginawa mo rito?" Tanong ko. Dahil nasa may tapat na rin siya ng gate ng apartment ko.

Impossible naman dito siya nakatira? "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko ulit nang hindi siya umimik. Dali-dali naman lumaki ang mata niya at akmang lalapit siya sa 'kin ng pigilan ko siya.

"Kanina mo pa ako bwinibwisit sa School." Pagod na pagod kong sambit. Habang hawak-hawak ang likod na sobrang sakit dahil sa ginawa ko kanina.

Sino ba naman hindi mapapagod, eh sa dami ng nilinis kong Restroom bilang parusa.

'Di man lang sinabi sa'kin na gano'n karami ang Restroom ng buong campus. Sa private ako nag-aral before University rin malaki rin pero nasa 2-3 restroom lang yata ang meron per building pero, sa school na iyon, 5-8 per building tapos bukod pa ang Restroom ng Men and Women.

"Dito ako nakatira." Saad niya saka ngumiti, tumaas naman ang kilay ko bago ngumisi.

"Ano'ng dito ka nakatira?" Tanong ko. "Bahay ko 'to, ungok." Malakas naman siyang tumawa saka tatakbo bumalik sa sasakyan na itim na nasa likod lang ng sasakyan ko.

Mabilis ako nagtaka ng lumabas siya roon, may dalang dalawang paper bag. Pero mas nagtaka ako ng i-abot niya ang isa sa 'kin pero hindi ko agad kinuha 'yun.

"Ano 'to?" Tanong ko saka pinagtitigan ang paper bag. Pero imbes sagutin ako ay isenenyas niya sa 'kin na kunin ko, nagdalawang-isip muna ako kung kukunin ko pero nang makita kong nangangalay na siya kinuha ko nalang.

Kawawa naman.

"Nakita kitang pagod na pagod kanina, wala kang pagkain, kaya binilhan kita ng Isaw, Balut, at Mango Graham shake." Sabi niya sabay kamot sa batok.

Hindi ko alam sa sarili ko bigla ako napangiti. Pagdating talaga sa pagkain lalo't na Isaw at Balut napapangiti ako.

Pero; kanino naman nito nalaman na favorite ko ang Isaw at Balut?

"Paano mo nalaman favorite ko ang mga 'to?" Nakataas ang kilay ko tanong, ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki.

"Sa kaibigan mo. I asked her na kung ano favorite at mga hilig mo. I told you gusto kita at seryoso ako sa 'yo." Seryoso ang mukha niya sabi pero hindi pa rin ako naniwala.

Ano kaya ang hindi niya maintindihan sa salitang hindi ako papatol sa katulad niya?

Tsaka, uso ba talaga 'yung love at first sight? Like? Ang weirdo niya, kakilala niya lang sa 'kin gusto na niya agad ako.

Sabi sa 'kin ng mga ka-schoolmate ko. 'Wag ako magpapauto sa lalaking 'to dahil kilala ito sa Campus namin na playboy at mahilig manira ng puso ng babae.

'Yung tipong papaasahin ka lang niya lalandiin ka tapos kapag sawa na siya sa 'yo iiwan kana niya.

Kaya hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to ngayon.

Lalo't na hindi rin ako interested sa kaniya.

"Seryoso mo mukha mo." Sabi ko bago binuksan ang gate akmang i-lo-lock ko na sana ang gate nang bumaling ako sa kan'ya at tumingin nang deretsyo sa kan'ya

"Salamat pala rito." Sabi ko bago siya tuluyan iniwan doon nakatayo at pumasok na sa bahay.

Nilapag ko muna sa sala ang pagkain saka umakyat sa second floor at naligo.

Pagkatapos ko maligo ay saka ako bumaba ulit sa sala at binuksan ang TV para manood ng kung ano-ano.

Agad ko naman binuksan ang WiFi ko para i-check kung may nag-message sa 'kin.

Pero mas nagulat ako ng lahat ng social media ko ay fina-llow ako ng Laurence na 'yon.

Twitter:

LaurenceMikhael_ started following you.

Facebook:

Laurence Razon sent you a friend request.

Instagram:

Khael_razon followed you.

Pinindot ko ang instagram account niya.

Razon.

25 Post 5,061 Followers 56 following

I don't do relationships.
Future Ceo, pwede rin future mo.

Ulol ba siya? Sinabi nang ayoko sa kan'ya! Pero tuloy pa rin siya sa pangu-ngulit sa 'kin.

Mariin ako napamura ng may Unknown number ang bigla tumawag sa 'kin.

"Hello?" Sagot ko pero sigurado na ako kung sino 'to.

"Hi Baby, eat your dinner na."

"Gago kaba or baliw?"

"Baliw lang sa 'yo."

"Ulol! Tigilan mo ako. Wala kang mahihita sa 'kin, okay?." Sabi ko. saka sinimulan kumain.

"I don't care, Alessia. Mahal na yata kita." Wika niya na kinanganga ko. Punyeta, mahal ang pota.

"Mahal? Eh isang araw mo pa lang ako nakikilala. May sira kana sa ulo pagamot ka sa Doctor." Usal ko saka tumuloy sa pag-nguya.

Narinig ko naman siya ngumisi muna bago muli nagsalita.

"Alam mo Baby, ewan ko rin nang makita kita minahal na agad kita." Nanlalambing ang tono niya at mukhang tuwang-tuwa pa siya. Napangiwi naman ako dahil nandidiri ako sa mga sinasabi niya.

"Pwede ba tigilan mo ako. Ayoko sa mga lalaki manyak sila, mga gago, hayop at mga walang pakialam sa babae kaya layuan mo ako please lang." Huli kong sinabi bago ko pinatay ang tawag.

Pabagsak ko hiniga ang katawan ko sa sandalan ng sofa saka mariin na pinikit ang mga mata.

Tandaan mo Alessia, masasama ang mga lalaki mga hayop sila walangya, walang awa at manyak.

Mariin ko nakagat ang pang-iibabang labi ko saka mariin na pinikit ang mata.

No... No... Please ayoko, ayoko na maalala 'yon.

Mabilis ko na idilat ang mata ko ng bigla ko narinig mag-ring ang phone ko.

"H-Hello?" Nautal ko sagot habang lumalalim ang paghinga ko.

No, Alessia, ikalma mo ang sarili mo. 'Di ba ayaw muna mangyari ang mga 'yon kaya please... Kalma.

"Baby, okay ka lang?" Nag-aalala ang tono niya sabi, habol ang hininga ko saka pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"O-Okay lang ako, 'wag k-ka na tumawag sabi..." Pigil ang utal kong usal saka mariin na pinunasan ang maliit na butil ng luha tumutulo sa mata ko.

"Are you crying?"

"No. Bye." Sabi ko saka mabilis na binaba ang tawag.

Dali-dali ako tumakbo sa kwarto ko saka nagtalukbom ng kumot.

Hanggang ngayon natatakot pa rin ako. Almost four years na din ang nakalipas. Pero ito pa rin ako nagtatago sa masamang nakaraan ko.

Umiyak nalang ako nang umiiyak hanggang sa kainin ako ng antok.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Kanina pa kami lakad nang lakad kung saan, kaya nagtataka na ako.

"Basta Kitianna sumama ka nalang samin. Mabilis lang naman tayo 'wag ka mag-alala." Sabi nila sa 'kin kaya tumungo nalang ako at nagpatuloy sa pag-sunod sa kanila.

Medyo nakaramdam na ako ng pagkakaba nang makita ko ang kalangitan na nagdidilim na.

Ano ba kasi ginagawa namin dito sa gubat?

"Mga Kuya uwi na tayo, gabi na po." Saad ko at akmang tatalikod na ako sa kanila ng sabay nila hawakan ang braso ko.

"Mamaya na magsasaya pa tayo."

Mabilis ko nadilat ang mga mata ko dahil sa masamang panaginip. Shit! bakit bumabalik na naman ang ala-alang 'yun?!

"Ah!" Sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko.

"Alessia, open this fucking door!" Mabilis ako napatayo nang marinig ko 'yung malakas na sigaw mula sa baba.

Ha?! Paano niya nalaman gising pa ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top