Chapter 1
Kakagising ko lang at nag-aayos na ako ng sarili ko. Well bago akong lipat sa school na hindi ko naman gusto talaga, tsaka wala akong masyadong kilala sa lugar na ito, dahil malayo ito sa lugar namin noon, medyo lang naman.
May sarili akong apartment dito, binili sa 'kin nila Mommy para may titirhan ako. Habang si Nalia naman ay may sarili sila bahay rito, malayo masyado sa apartment ko, kaya sa school nalang namin balak magkita.
Nakaayos na ako ng uniform ng school skirt iyon halos malapit lang sa tuhod ang haba. Ayoko nga dahil maikli masyado pero no choice, nasa rules ng school.
'Yong iba tingin sa akin Lesbian or Tomboy agad dahil sa pananamit ko, boyish ako manamit pero, ang totoong sexuality ko ay bisexual, inabot ako ng buwan bago ko nasigurado, ilang buwan ako nalito hanggang sa ma realized ko na. I like girls, I like guys, I like both.
Tanggap nila Mommy na ganito ako, dahil iisa naman nila akong anak.
Wala silang magagawa kundi tanggapin kung ano ako.
Mabilis ko kinuha ang cellphone ko nang mag-ring ito, at si Nalia nga ang tumatawag.
"Hello?" Sagot ko.
"Alessia, nauna na ako ha." Saad niya, alam ko naman mauuna na siya sa 'kin, noong isang araw pa siya excited na pumasok. Dahil noong nag-enrolled kami ay gustong-gusto na agad niya 'yung school.
First year college na ako, sa kursong. Education, major english.
Kahit hilig ko mag-design at mag-tahi nang mga damit ay education nalang ang kinuha ko, dahil hilig ko din ang mga bata. Siguro hobbies ko lang ang pananahi.
Mabilis ko kinuha ang susi sa side table sa kama ko, saka dali-daling bumaba at sumakay sa sasakyan ko.
Eighteen years old na ako, kaya binigyan na ako nila Mommy ng sasakyan. Nung una ayaw nila ako payagan dahil daw baka mapahamak ako. Pero, sinabi ko kaya ko na ang sarili ko dahil ayoko naman na may driver pa ako.
Hindi ako masyado lumalapit sa mga lalaki. Dahil hindi talaga ako komportable sa kanila simula noon hanggang ngayon.
Mabilis ako nakarating sa school, dahil ilang kilometer lang ang layo no'n sa apartment ko.
Mabilis ako napailing nang mapansin ko agad ang mga tingin nila sa sa akin, ang suot nilang palda ay hanggang hita lang at 'yung akin naman ay pinaabot ko hanggang tuhod ko. Dahil ang ikli masyado hindi ko ata kakayanin maglakad ng ganu'n ang suot.
Kinuha ko ang handbag ko saka sinara ang sasakyan at nagsimula nang maglakad sa side-walk.
Na-tour na kami rito, rati kaya medyo sa ulo ko na ang pasikot-sikot sa school.
Naglakad muna ako papunta sa cafeteria, para bumili ng maiinom, tsaka nagugutom din ako hindi naman ako kumain ng agahan sa bahay.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko ng mag-beep iyon ibig sabihin may nag-text.
Nalia:
Nasaan kana?
Ako:
Nasa cafeteria, ikaw?
Nalia:
Ay sige wait mo me, may papakilala rin ako.
Tinago ko nauli ang cellphone ko saka humarap sa counter.
"Isang chicken sandwich at isang bottle of watter." Saad ko at akmang kukuhanin kona ang card na binigay sa 'kin ni Mommy ng may bigla maglapag ng card sa harap ko.
"Libre na kita. Miss beautiful..." Mabilis umarko ang isang kilay ko, may isa na namang haliparot.
"Sino ka?" Pagtataray ko, ano'ng tingin niya sa 'kin walang pera? I have my own money, 'no.
"I'm Laurence Mikhael Razon. How about you?" Pakilala niya, at titig na titig niya tanong sa 'kin, peke akong ngumiti sa kan'ya saka kinuha ang card ko sa wallet at inabot iyon sa counter para magbayad.
"I'm not interested, Sir." Sambit ko saka mabilis na kinuha ang binili ko at humanap ng table. Mukha na siyang matanda for me, baka nga professor ko ang lalaking 'yon.
Professor tapos humaharot, tsk.
Ako:
Bilisan mo ang pag-punta dito may asungot!
Nalia:
Teka naman, naglalakad na nga, teka sino asungot?
Ako:
Ewan ko kung sino ang lalaki 'yun.
Nalia:
Ay lalaki?, baka type ka HAHAHA
Ako:
Eww....
Ako type? Sorry ka nalang, 'di kita type, tsaka may gusto ako ngayon, babae.
"Bakit na naman?" Pagtatanong ko nang bigla-bigla nalang siya umupo sa harap ko. Wala yata itong balak tigilan ako. Hindi ko siya kilala 'no.
"Can I know your name?" Tanong niya, palihim naman akong umirap. Ayoko maging salbahe rito lalo't na bago lang ako pero, kung garne kakulit na lalaki laging lalapit sa 'kin masasapok ko.
"No." Sino ba kasi 'to at ang kulit.
"Why?"
"Because, I don't want, so leave." Utos ko at umirap.
"Bakit ako aalis kung Tito ko ang may-ari ng school na ito." Pagmamayabang niya, 'di ko naman tinatanong.
"Eh 'di 'wag ka umalis." Sabi ko nalang saka sinimulan kumain. Ano akala niya pipilitin ko siya umalis? Eh 'di kung ayaw niya 'wag siya umalis. Asa naman siya. Tsaka hindi ko binili ang lugar na 'to.
"Bakit ka gan'yan?" Tanong niya ulit, mariin ako napa pikit dahil ang daldal niya.
"Alin gan'yan?" Tanong ko.
"Bakit hindi ka, interested sa 'kin? Hindi mo ba alam na isa ako sa habulin at sikat sa school na ito? Lahat ng babae gusto ako maging boyfriend at halikan. Tapos ikaw hindi mo ako kakausapin, iba ka." Hindi makapaniwala sabi niya. Iba talaga ako dahil hindi ko type sa isang lalaki ang maharot, mahilig ako sa matalinong lalaki at babae.
"Sad'ya iba ako enge-enge ka." Irita kong saad, ang daldal niya para siyang babae.
"Lesbian ka 'no?" Biro niya pero, natigilan ako, alam ko biro lang 'yun pero, naiinis na ako.
"Bisexual."
"So you still interested?" Gulat niyang tanong, sayang din ang lalaki 'to gwapo, matangkad, mayaman, at mukha matalino naman kaso babaero lang. Nakakahiya.
"Tingin mo?"
"Yes? Because you said you're a bisexual, you still attracted to men."
"Tama ka pero, 'di ako papatol sa katulad mo, malandi, babaero, at mukhang matanda."
"Seriously?!"
"Yes. Kaya tigilan mo ako. Nagkakagusto ako sa lalaki pero, 'di kita type. " Walang gana kong sabi saka tumayo at iniwan siya roon.
Sa tingin ko naman titigilan niya na ako ngayon alam niya na hindi ko siya type. Tsaka hindi talaga ako interested sa kan'ya, sa mga dati nga nagustohan ko noon 'di ako gumagawa ng move kasi uncomfortable pa rin sa akin lumapit sa lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top