Chapter 3

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pumunta ako sa kuhaan ng gatas at dyaryo tsaka ko iyon diniliver sa bawat bahay. Pakatapos ko makulekta ang bayad ko para sa trabahong iyon ay masaya akong umuwi at naghanda para pumasok. Naglakad lang ako papasok dahil malapit lang naman ang eskwelahan sa tinitirahan ko idagdag pa na hindi naman ganun kainit ang panahon.



Padating ko sa eskwelahan ay nagkakagulo na ang lahat ng estudyante. Buong pagtataka kong sinulyapan ang aking relong pambsig dahil baka nagkamali ako ng inaakalang oras.

7am.

Tama naman ako. Maaga pa pero andami na agad estudyante. I mean, ang simula ng klase dito ay alas otso ng umaga. Ala-syete palang ng umaga pero nakakapagtaka na napakadami na nila.

"Gian." Napalingon ako ng marinig ko ang aking pangalan at nakita ko si Art na nagmamadaling naglalakad papalapit sa akin.

"Anong meron?" Agad na tanong k okay Art pakalapit nito sa akin. Isa pa itong lalaking ito. Ang sabi nya sa akin kahapon ay hindi sya pumapasok ng maaga pero heto sya ngayon at maagang pumasok.

"Slater." Sagot nya. Napakunot-noo ako. Mukha kasi syang excited na hindi mo mawari.

"Slater Nicholai Lennox?" Takang tanong ko.

"None other than."

Napatango nalang ako. Kaya naman pala excited na aligaga sya.

"Anong meron sa kanya?" Muling tanong ko.

"That." Sagot ni Art sabay tingala.

Tumingala din ako at kasabay noon ay ang kusang pagtaas ng aking kilay dahil sa aking nakita. Isang itim na helicopter na napakababa ng lipad. Sa katawan nito ay may malaking LENNOX na nakasulat.

"Inside that is Slater." Ani Art.

"Huh?" Buong pagtataka na tanong ko. Hindi ko makuha ang ibig nang sabihin.

"Service ni Slater yung helicopter."

Muli ay kusang tumaas ang aking kilay. Ano daw? Service? Yung helicopter ng pamilya nila eh ginawang service nya papasok? Anong utak mayroon sya?

Bigla akong hinila ni Art patungo sa kung saan patungo din ang mga estudyante. Hinayaan ko nalang sya dahil bumangon ang inis ko.

Naiinis ako. Oo alam ko mayaman ang mga Lennox. Halos kalahati ng malalaking negosyo sa bansang ito ay pagmamay-ari nila. Slater is the youngest Lennox. Spoiled brat at mayabang. Ayun sa nabasa ko kagabi, bukod sa sobrang yabang ay bully din ito. Sya ang may pasimuno ng colored card na kinakatakutan ng lahat. Pero sa kabila ng masama nyang ugali ay madami pa din ang humahanga sa kanya.

An epitome of dream man, boyfriend and husband.

Ganyan sya idescribe ng mga babae at bakla. Yung mga lalaki naman ay hinahangaan sya dahil sa galing nyang magbasketball at magdala ngmga damit. Mayroon pa nga syang sariling fansclub, maliban sa fansclub ng mismong grupo nila.

Sya din ang leader ng EXE4. Sa totoo lang, sa kabila ng mga nabasa ko sa website tungkol sa kanilang lima, what they are doing is still childish to me. College na sila para sa mga ganyang pag-uugali nila.

Nakipagsiksikan kami sa mga estudyante para lang makarating sa unahan. May mga nagalit pero binalewala sila ni Art. Ako ay nakikisingit nalang kahit na wala naman akong interes para alamin ang nangyari. Ang higpit kasi ng hawak sa akin ni Art kaya hindi ako makapalag.

Nang makarating kami sa unahan ay saktong pababa si Slater kasunod ang mga kaibigan nya. Yung kilay ko ay kusang tumataas sa mga nakikita ko, lalo na nung nagsitilian ang mga estudyante.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila. Anak mayaman lang naman sila. Sige sabihin na din natin na gwapo sila. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko na hindi. Pero suma-total, estudyante pa din naman sila. Walang mali kung hahangaan mo sila, pero kung ganitong paghanga ang ibibigay mo sa kanila, they don't deserve it, lalo na si Slater.

Hinila ko ang kamay ko mula kay Art at umalis sa lugar. Nag-aaksaya lang ako ng oras sa kanila.

Naglakad ako patungo sa building naming at habang nasa daan ay inalala ko ang mga nabasa ko tungkol sa kanila.

Aziel Saint Langston. Mas kilala sya bilang Saint at tanging mga malalapit lang na kaibigan ang tumatawag sa kanya na Aziel. EXE4 called him Aziel but all the students called him Saint. Labing-syam na taon gulang at mula sa angkan ng kilalang notorious mafias. Hindi ko alam kung talagang mayroong mafia at kung talagang nakakatakot sila. All I know is that mafia is just a fictional identity of all the fictional character. Ang alam ko lang, ang mga Langston ay kilala sa bilag supplier ng mga baril. Gumagawa din sila ng mga war aircraft sa ibang panig ng mundo.

Aziel Saint was born with a demi-god look. Yun ang sabi sa website. Hindi ako tutol doon dahil kung titignan sya, para syang demigod na dito talaga sa lupa nakatira. His gray eyes make him look like one. Yung lang, mukha syang demigod ng mga gangster dahil lagi syang may eyeliner. It emphasized his eyes but it made him look like a very dangerous one. But that eyes made every girl and gays swept in his feet. He has a very expressive eyes na kahit ako ay makakapagsabing napakaganda nitong titigan.

Travis Lothaire Armstrong, a certified cassanova of WIS. Basta nakapalda, papatusin nya. Every girl has an expiration and his one and only role is one week affair. Hindi pwede lumagpas doon at wala dapat magdemand ng hihigit pa doon. Well, willing naman ang mga babae eh. Ayun sa mga comment na nakikita ko, willing ang mga babae na maging karelasyon nya. Ang importante daw kasi sa kanila eh yung label na TRAVIS EX GIRLFRIEND dahil kaya nila iyon ipagmayabang kahit kanino. They can proudly says that once in their life, they became Travis girl.

Travis is very charismatic. He has a beautiful eyes, a very proud nose and a kissable lips na kinababaliwan ng lahat. Idagdag pa ang well built body na. Sabi nga ng iba, Travis has a body na ang sarap pagnasaan kahit sa imahinasyon. Braso palang daw, ulam na.

Travis is a half Greek and half American. Mama nya ay greyigo habang ang kanyang ama ay Americano. They owned the biggest and famous mall in the country. Sila din ang may-ari ng kilalang jewelry store at pharmacy sa loob at labas ng bansa. Magaling makisalamuha sa tao si Travis. Palakaibigan daw ito. Sa edad nyang labingsyam ay katulong na sya ng kanyang ama sa kanilang negorsyo. He is the youngest yet he is very responsible. Yun nga lang, babaero.

Zyair Morgan Stellard. People called him Zyair dahil tulog sir daw kasi. He is the grandson of the former president of the country and the youngest son of Doctor Thomas Stellard and Hollywood actress Syra Mendel Stellard. Sabi sa impormasyong nabasa ko sa website, si Zyair ang pinakatahimik sa grupo. Kung hindi daw sya kasama ng grupo, mahahanap mo sya sa mga lugar na walang tao, natutulog.

He and Slater are best friends. Though they have a opposite attitude, malapit sila sa isa't isa. Zyair also like playing guitar and violin. Namana nya sa kanyang ina ang galing nya sa pagtugtug ng mga instrument habang ang kanyang talino ay nakuha nya sa kanyang ama. Top student siya simula noong bata sila at lagi silang magkakompetensya ni Slater sa ranking. Bihira din sya makipag-usap sa ibang tao. Tanging kay mga kaibigan nya lang daw ito nakikipag-usap at sa mga magulang.

Zyair, in my own word, can describe as the most beautiful man I ever see. Literal yan. With those eyes that pair with long lashes, prominent noses, beautifully shaped lips and with small face with fair skin, literal na kaya nyang taubin kahit ang mga babae.

Thunder Zyth Remington. He is the eldest in the group. Originaly, he is not part of the group. Kakabalik lang daw nito noong nakaraang taon. Pinsan sya ni Slater. His family owned the school. Maliban kay Zyair, si Thunder ang may kakayahang kumontrol sa ugali ni Slater.

Walang masyadong impormasyon tungkol kay Thunder. He is a private person at nirerespeto iyon ng lahat. Kaya kahit na madami silang alam na impormasyon tungkol sa kanya ay hindi na nila sinasabi bilang respeto sa kanya.

Gwapo si Thunder. Hitsura palang nya, alam mo nang isa syang responsabling tao. Mukhang mahilig sya sa mga charity works dahil halos lahat ng picture nya ay mga nasa charity event.

Slater Nicholai Lennox. The most annoying, magniloquent, egocentric, thrasonical person na nakilala ko. Pakiramdam ko talaga ay wala syang gagawing matino sa buhay nya at sa buhay ng ibang tao.

Slater is the youngest daughter of Janrein Zelena Lennox, who is a very famous and respectable business woman. May balita na si Slater daw ang papalit sa kanyang ina. He is the heir of the Lennox Corporation as Tim Reigo Lennox, his brother don't want to take over their family business and his sister, the eldest of the Lennox, Jora Maria Lennox already married to another business tycoon.

Slater is the most famous among the five. He is good in singing, dancing, playing musical instrument and dancing. Not to mention that he is handsome. DAW. Gwapo daw ito sabi nila though hindi ko makita kung nasaan ang kagwapuhang sinasabi nila.

Slater visual is beyond the top. It is superficial and there is something in it that you can't just explain. If you look at him, you can fell something like "ah I want this man. I want him to be mine.!" Maybe it is because of the combination of genes of his parents. He inherits everything. On top of his characteristics is his beautiful eyes especially when he smiles. His nose , his lips and that flawless soft skin is something for everyone to dream of. He also has this body that you want to lean on and hugged. Those veins in his arm that you'd wish for something like 'I want to die in those arm.'

Hindi ko mapigilang kilabutan sa comment na yun. Hindi ko talga makita ang mga sinasabi nya kahit pa gumamit ako ng isang libong magnifying glass.

Ay ewan. Sa kanilang lima, si Zyair lang ang mukhang matino. But Slater? Bulag ang magsasabing isa syang matino at kahanga-hangang nilalang. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top