Chapter 2

Matama ko lang tinitigan si Art. Tinanggap ko naman ang kamay nyang nakalahad sa aking harapan pero hindi ako nagsalita ng anuman.

Art is obviously a rich kid, at masyadong nakakapagtaka na gusto nya nakipag kaibigan sa akin. Hindi sa inaano ko ang mga mayayaman, pero tanging sa nobela at teleserye lang mayroong katulad nila na gustong makipagkaibigan sa mga mahihirap na kagaya ko. Yung tipong hindi nila alintana ang estado ng buhay na mayroon ka at walang silang pakialam sa agwat ng estado nyo sa bahay. Yung tipong hindi nila binabase sa yaman o hirap ng isang tao ang pagiging magkaibigan.

I don't want to judge Art, pero hindi naman siguro maiiwasan na ganun hindi ba? Kung mayroon man kasi na mga taong ganun, malamang ay iilan lamang at kung makakasalamuha mo sila, in the end, mahirap pa din na paniwalaan ang mga tulad nila.

Nagpakawala ako ng isang malalim ma buntong-hininga. Alam ko na hindi magandang mang judge ng isang tao, and I don't want to judge Art either. He don't deserve it dahil hindi ko naman talaga syang lubos na kilala. Sabi nga don't judge the book by it's cover.

Nginitian ko nalang sya pero wala pa din akong binigay na sagot sa sinabi nya. Mas okay na siguro na pakisamahan ko nalang sya. If he is sincere of what he said, makikita at makikita ko naman iyon sa mga susunod na araw.

Muli nalang akong tumingin sa mga nagkakagulo sa baba dahil sa mga bagong dating na animong mga hari lugar.

Ano nga ulit ang sinabi ni Art na tawag sa kanila?EXE4? Pero lima sila? Bakit EXE4? Diba dapat EXE5?

Ano nga ba ulit ibig sabihin nun? Extemely Elite 4?

Sabagay, mukha nga naman silang mas mayaman sa lahat ng naandito. Sa damit at sa hitsura nila, no offense to other, pero talagang angat na angat silang lima.

Nagkibit-balikat nalang ako at nagdesisyon na bumalik sa loob ng classroom. Kung ano man sila sa paaralang ito ay wala akong paki-alam. Nandito ako para mag-aral at hini para makichismiss sa kung sino ang mga tulad nila.

Pero nakakatuwang isipin lang na may ganun dito. I mean, nasa kolehiyo na kami at may mga ganitong mga estudyante na kung maka asta ay kala ko kung sinong hari ng paaralan, which is makikita mo lamang sa mga high school student. College like us should be more mature not like that. Not to mention na sa ganitong uri pa talaga ng eskwelahan mayroon ganyan. Yung uri ng eskwelahan na tinitingala at ginagalang ang mga estudyante.

Napailing ako sa aking isipan. Hindi ko talaga inii expect ang ganito sa paaralang ito. Nakaka disappoint lang dahil unang araw palang at ganito na ang nakita ko.

"If they know that there is someone who is not interested at them, paniguradong makukuha mo ang atensyon nila."

Napalingon ako sa aking tabi. Umupo sa bakanteng upuan si Art at inayos nya ang kanyang dalang bag sa kanyang likuran. Makangiti sya tumingin sa akin.

"Ano ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Those five, students admire them a lot kahit noong nasa grade school at high school palang sila. They are the epitome of boyfriend and husband for everyone. Pangarap sila ng lahat ng kababaihan dito." Sagot ni Art.

"O tapos?"

Malakas na tumawa si Art. "You're really not interested in them."

"Required ba na maging interesado ako sa kanila?"

"Hindi naman. Sadyang nakakapanibago lang na may isang tulad mo na walang interes sa kanila. Masyadong bago kasi at nakakapag isip. What makes you not interested to them?"

Napatango nalang ako at hindi nalang sumagot pa. Pero napapaisip ako kasi parang kailangan ko maging interesado sa kanila. Parang obligado ako na kilalanin sila.

Natapos ang buong maghapon ko ng matiwasay kahit papaano. Art never leave my side. Mukhang desidido sya na maging kaibigan ko. Hinayaan ko nalang. Nakakahiya naman na ipagtabuyan sya gayong sya na ang lumapit sa akin. Baka naman kasi talagang seryoso sya makipag kaibigan sa akin. Sa tingin ko naman kasi ay wala syang kaibigan sa paaralang ito. Walang lumalapit man lang sa kanya para batiiin sya. Kung baga nasa parehas lang kami na sitwasyon kaya hinayaan ko nalang. Wala naman mawawala sa akin kung magiging magkaibigan kami.

Naging parye din ng maghapon ko ang limang iyon. Sa kasamaang palad ay nasa iisang building kami. Daig pa nila ang hari kung pagsilbihan at katakutan ng ibang estudyante. Lalo na yung parang lider nila. Akala mo kung sinong gwapo kung umasta. Maputi lang naman. Kung iitim sya mas di hamak na gwapo ako sa kanya.

Pakarating ko ng bahay ay agad akong naglaba ng aking damit tapos ay nagluto ako ng aking pagkain. Wala akong pasok sa bake shop na pinapasukan ko. Unang araw kasi ng pasok ko at binigyan ako ng ako ko ng tatlong araw na leave para daw kakapag adjust ako kahit papaano. May sweldo pa din naman ako kahit na naka leave ako.

Pakatapos ko kumain ay humarap  ako sa laptop na binigay sa akin ng aking tiyahin. Bukod kasi sa ako ang pinatira nya sa bahay nya  ay binigay nya din sa akin ang luma nyang laptop dahil kakailanganin ko daw ito.

Sa screen ay naka flash ang website ng eskwelahan ko at sa ibabaw ng keyboard ay ang papel na binigay sa akin ni Art kung saan nakasulat ang pangalan ng limang estudyante na iyon. Ayon kay Art, kahit daw hindi ako interesado sa kanila ay kailangan ko pa din malaman kung sino sila.  Binigay nya lang sa akin ang mga pangalan nila at ako na daw ang bahala umalam sa kung sino ang limang iyon. He also instructed me na sa website ng school ko malalaman ang tungkol sa kanila.


Dinampot ko ang papel at binasa ang mga pangalang nakasulat doon. Pamilyar sa akin ang lahat ng apelyido nila. Bukod kasi sa kakaiba ang mga ito, iba din ang dating nila. Apelyido palang, yayamanin na ang dating.

Ang mga Lennox at Armstrong ay kilalang mga negosyante sa loob at labas ng bansa. Halos hawak nila ang lahat maliban sa mga sasakyan resort, hotel, sasakyan at shopping mall. Ang Remington naman ay kilala bilang mga may-ari ng sasakyan , hotel at resort na kilala sa buong mundo. Ang mga Stallard ay kilala sa politika. Ang apelyidong Stallard ang tinitingala at nirerespeto ng lahat pagdating sa mga politician dahil kilala silang mabait at may malasakit sa tao. Ang mga Stallard na abogado ay pantay tumingin at magbigat ng hustisya sa mga tao. At ang mga Langston naman ay kilala bilang mga undergroubd businessman. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang kwentong iyon. Ang tanging alam ko lang ay sa kanila kinukuha ang mga baril para sa pulis at militar maging ang mga war aircraft sa ibang bansa. Sila din ang may-ari ng kilalang shopping mall sa bansa.

Travis Lothaire Armstrong, Thunder Zyth Remington, Zyair Morgan Stallard, Aziel Saint Langston and Slater Nicholai Lennox.

Nagpakawala akong muli ng isang malalim na buntong-hininga. Binaba ko ang papel sa tabi ng laptop at nag umpisa akong magtipa ng pangalan na nasa papel.

Kung parte sila ng mga kilalang pamilya na iyon, hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang ang paghanga ng mga estudyante sa kanila. Pero hindi parin sapat na dahilan ang apelyido na mayroon sila para umasta na kala mo hari sa paaralan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top