Chapter 1
WinSmith International School. Most prestigious and famous International school. The best among the best school in the country.
Swerte ko nga ba na naandito ako ngayon? Swerte na nga bang maituturing na nakatapak ako ngayon dito? Swerte ba na isa na ako sa mga estudyante dito?
Ewan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maisip kung tama ba na naandito ako. Tama ba na sinunod ko ang gusto ni mama kahit na alam ko ang hirap ng buhay namin.
Hindi ako ipokrito para sabihing hindi ko kailan man pinangarap na mag-aral dito. Na hindi ko kailan man pinangarap na makatapak man lang sa lupaing kinatitirikan ng WSIS. Of course, pangarap ko iyon. Pero alam ko naman na hanggang doon lang ako. I mean, hanggang pangarap lang talaga ako. Kung baga hangang SANA ALL lang ako. Sa hirap ng buhay namin, wala talaga akong plano na ipursige ang pangarap ko na makapag-aral dito.
Ang tuition lang dito sa isang semestre ay katumbas na ng isa hanggang dalawang taon na allowance ng buo kong pamilya. Yung ibabayad ko sa dalawang semester ay pwede na namin maipambayad ng buo para mapasaamin na ang lupang kinatitirikan ng aming bahay at pwede na kami makabili ng sarili naming pwesto sa palengke. Kung hindi dahil kay mama at kung hindi ako nakapasa sa scholarship nila ay hindi ako mag-aaral dito.
Oo, andon na ako sa siguridad ng future ko kung dito ako mag-aaral. Kung baga, kahit gaanong hirap ang danasin ko sa pag-aaral dito ay sure ball naman ang magandang future ko. Ang mga estudyante kasi sa WSIS ay pinag-aagawan ng mga malalaking kompanya. Basta alam na nila na gagraduate ka na, liligawan ka na agad nila para pumirma ng kontrata sa kanila. Yung iba ay sila na mismo ang nag-aalok ng OJT sa mga graduating student tapos diretso na nilang kukunin bilang empleyado. Kung baga, hindi ka na mahihirapan pa maghanap ng trabao dahil iyon na mismo ang lalapit sayo. Hindi ka na makikipagsapalaran pa o kaya ay magbibilad sa araw o mauulanan sa paghahanap ng trabaho. Hindi ka na maghihintay ng tawag mula sa mga kompanya na pinasahan mo ng resume. Hindi ka aasa sa salitang TATAWAGAN KA NALANG NAMIN mula sa mga taga HR. Hindi ka na din gagastos sa paghahanap ng trabaho. Yung gagastusin mo ay sa paglalakad nalang ng requirements na ipapasa mo sa kanila para sa filing.
WSIS student are treasures to all the companies. Dyamante at ginto ang tingin sa mga estudyante dito. Sa kalidad kasi ng edukasyon na kayang ibigay ng WSIS ay kayang-kayang makipag kompetensya ng mga estudyante sa mga mag-aaral ng kilalang paaralan sa labas ng bansa. Kahit ang mga guro dito ay hindi basta-basta. I mean, hindi lang basta nakapagtapos at naka pasa sa LET. Karamihan dito ay mga may masteral degree na sa ibang bansa pa nila kinuha. Kung tama ang impormasyon na nakuha ko, ang mga professor sa LAW course ay mga PhD graduate at sa ibang bansa pa sila nagtapos. Ganun kataas ang standard ng mga teachers at professors na kinukuha ng WSIS.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ko pang hanapin ang classroom para sa unang klase ko. Sinadya ko na maagang pumasok dahilsa laki ng WSIS, mahihirapan akong hanapin ang classroom ko. Ginamit ko na nga ang mapa ng nakuha ko sa registrar noong nag enroll ako para hindi ako mahirapan.
Hindi ko maiwasang mamangha kung gaano kaganda at kalaki ang WSIS. Nakakalula, nakakamangha. Ang tatayog ng mga building nila at halatang matibay. Ang mga tanim na makikita sa paligid ay halatang alagang-alaga. Sa tingin ko ay wala pa sa one-fourth ang nakikita ko na parte ng paaralan. Ayon kasi sa mapa na hawak ko ang lugar na kinaroroonan ko ngayon ay harapan palang. Sa gawing likuran ay may malaking track field at soccer field. Mayroon din swimming pool, tennis, volleyball at basketball court. Hindi ko alam kung ilang araw aabutin bago ko malibot ang buong lugar, pero wala naman akong balak libutin ito. Hahanapin ko lang nag soccer field dahil sumali ko doon.
Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na din ako sa business building kung saan matatagpuan ang classroom ko sa bawat subject. Hindi ko maiwasan na muling mamangha dahil sa gara ng loob ng building. Kung titignan kasi sya sa labas ay hindi nalalayo ang hitsura nito sa ibang building nadaanan ko, pero yung loob nya ay nakakamangha at nakakapanliit. Napagara dahil may escalator at elevator. Tiles ang sahig at salamin ang dingding. Madami din estudyante na sa loob at abala sila sa pakikipag kwentuhan.
Dumiretso ako sa taas. Hindi ako gumamit na escalator dahil ayaw ko makaagaw ng pansin sa mga estudyante. Wala naman kasing nakasakay doon at hindi rin naman ganun kataas ang aakyatin kaya naghagdan nalang ako.
Mabilis ko naman nahanap ang classroom na pakay ko. Pumasok ako sa loob at pumwesto sa pinakahuli. Nagpakawala ko ng isang malalim na hininga at tumingin sa labas ng bintana.
May iilang estudyante na din sa loob at hindi ko maiwasan namanliit sa mga gamit at suot nila. Mahirap man ako at hindi ko man makita ang presyo ng mga gamit nila, alam ko na mahal ang mga iyon.Samantalang yung akin ay sa bangketa lang nabili ni mama. Ayaw ko man ng nararamdaman ko, ay hindi ko naman iyon maiwasan.
Sabagay ano ba dapat asahan ko sa mga estudyante dito? Lahat sila ay anak mayaman. Natural na mamahalin ang mga gamit nila. Malamang nga ang medyas nila ay kasing halaga ng bag ng gamit ko.
Tahimik akong nakamasid sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga ibon habang iniisip ko kung tama ba talaga ang desisyon ko na naandito ako. Ramdam ko na kasi na hindi ako nababagay dito. Gusto ko na magback out at bumalik nalang sa amin. Pero sa tuwing naaalala ko ang kadramahan ni mama, at ang mga pangarap ng mga kapatid ko, hindi ko maiwasang makonsensya.
Kung bakit naman kasi kailangan dito pa ako mag-aral? Para sa akin ay hindi nakasalalay sa paaralan iyong pinanggalingan ang pag-asenso mo sa buhay. Nasa pagsisikap at diskarte pa rin iyan. Oo nanggaling ka nga dito, anong naman silbi noon kung wala ka naming diskarte sa buhay? Oo, makakapasok ka sa magagandang kompanya, pero hindi mo naman mahahawakan ang mataas na posisyon maliban siguro kung pagalawin mo ang pera.
Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sana lang ay makahanap ako ng butas para maka-alis dito at makabalik sa amin.
Naputol ang aking pagmumun-muni ng biglang may sumigaw mula sa labas ng classroom, kasunod niyon ay ang pagmamadali paglabas ng mga estudyante na kasama ko sa classroom. May mga estudyante din akong nakitang tumatakbo patungo sa kung saan.
Tumayo ako at lumabas din sa silid par alamin kung ano ang nangyayari. Ganun na lamang ang gulat ko na makita ang dami ng mga estudyante na nakukumahog sa pagtakbo sa hagdan pababa. Kunot-noo akong lumapit sa railng at sumilip sa baba. Halos mapuno ang espasyo sa unang palapag sa dami ng mga estudyante naandon. Nakakumpol silang lahat sa magkabilang gilid at maymalaking espasyo sa gitna. Lahat sila ay nakatingin sa may entrance kaya naman ako din ay napatingin doon at naki-abang sa pwedeng mangyari.
Hindi nagtagal ay may pumasok na limang lalaki. Agad kong naitakip ang aking kamay sa tenga ko ng sabay-sabay na magsitilian ang mga babae habang naglalakad papasok ang limang lalaki.
"Sino ba sila?" Takang tanong ko sa aking sarili.
"EXE4 Short for Extremenly Elite Four."
Napatingin ako sa aking likuran. May lalaking nakatayo doon at nakangiting nakatingin sa akin.
"Hi, I'm Arthur. You can call me Art."
"Hi." Nahihiyang bati ko sa kanya.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Nakangiti pa din nya na tanong sa akin.
"Huh?"
Ano daw? Sya makikipagkaibigan sa akin? Nalipasan ba sya ng gutom? Anong trip nya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top