Chapter 13:Drunken Y/N
Y/N's POV
Pagkatapos ng last period namin ay nagmadali na akong umuwi.
Hindi ko na rin hinintay sila jungkook at Taehyung.
Magkasabay naman yung dalawang pikon na yun eh.
Gusto ko narin kasing magpahinga para makapag-isip ng maayos.
Like,bakit ako ganun makitungo Kay Taehyung?
Yung mga ganong tanong ba.
Pagkarating ko sa bahay ang tahimik.
Syempre Wala sila Mama at papa.
Sinarado ko muna yung gate at pinto pero di ko ni-lock.
Mamaya ko nalang ila-lock Yun kapag pupunta ako sa bar.
Pagka-akyat ko sa kwarto ko.
Nag shower muna ako tapos nagbihis na.
Simple lang sinuot ko,white shirt at skinny jeans lang.
Hindi naman ako pupunta sa isang occasion para magpaganda ng bongga dahil sa bar lang naman ako di-diretso.
Naguguluhan na kasi ako sa nararamdaman ko para Kay Taehyung eh.
Nag-lagay muna ako ng light make-up para pagkarating ko sa bar maayos yung mukha ko.
Ayoko ng makapal ya'know.
Hindi naman ako katulad ng ibang mga haliparotang babae na grabe ka-kapal Ang make-up.
Yung mga babaeng kulang nalang gawin nang coloring book ung mukha.
After kong mag-ayos,lumabas na ako at ni-lock na yung pinto at gate.
Sumakay na ako sa kotse ko para mabilis akong makapunta don sa bar.
Oo!marunong na akong mag-drive at nakakuha na ako ng license ko nung mga nakaraang buwan lang.
Papa-andarin ko na sana yung kotse ng magring yung phone ko.
Tiningnan ko yung caller ID.
Si jungkook pala yung tumatawag kaya sinagot ko na.
"Hello..Jungkook?Bakit ka napatawag?"tanong ko.
"Wala lang..Saan ka ba pupunta?..Nakita kasi kita na lumabas ng bahay mo eh.."sambit nya sa kabilang linya.
Jusko!Nasa Kanan lang yung bahay nila tapos tinawagan pa ako pwede namang bumaba nalang ako Dito para maka usap sya eh.
"Pupunta ako sa bar..Teka nga!Lumabas ka nga dyan sa lungga mo para maka-usap kita ng maayos"sabi ko naman na sya namang ginawa nya at in-end ko na ung call.
Bumaba na din ako ng kotse ko para puntahan sya sa bahay nya.
Nung nakapunta na ako sa bahay nya,tinanong nya agad ako.
"Oh ano na?..Bakit ka pupunta sa bar?..Anong gagawin mo dun?sunod-sunod nyang tanong.
"Hindi ba obvious?..Syempre magpapakalasing.."sagot ko na halatang may pagka-sarkastiko sa tono.
"Bakit?..Gusto mong sumama?...Wag na!baka mapagalitan ka pa ni Jin"sabi ko pa na medyo nang-aasar.
"Y/N NAMAN!..ALAM KONG MAY DAHILAN KA KUNG BAKIT KA PUPUNTA SA BAR!"irita nyang sigaw kaya natawa ako.
Pota!Ang cute!
"Ano nga yung dahilan Kung bakit ka pupunta don?"Biglang sumeryoso yung boses nya kaya napatigil na ako sa pagtawa.
"Oo na!Kasi nga nalilito na ako sa mga ikinikilos ko kay Taehyung"pag-amin ko.
"Sabi na nga ba eh..Tama lang pala naging desisyon ko"ngumiti sya ng mapait.
"W-what do you mean?"taka Kong tanong.
"N-nahahalata ko n-naman at napapansin ko rin yang mga ikinikilos mo eh..ramdam ko na may pagtingin ka Kay Taehyung.."medyo pumiyok na yung boses nya.
Wala akong masabi sa mga oras na 'to.
"Tama lang..Tama lang talaga yung naging desisyon ko.."
Kingina!Naguguluhan ako sa sinasabi nya!
"Ano bang ibig mong sabihin?!"inis kong saad dahil Naguguluhan na talaga ako.
"Na Tama lang na Hindi ako nakialam sa inyo!Ayoko namang maging hadlang sa nararamdaman mo para sa kanya!H-hindi mo ba nahahalata Y/N!!GUSTO KITA DATI PA!!P-pero Alam kong iba na yung naka-pwesto dyan!.."sabi nya sabay turo sa dibdib ko Kung saan naka-pwesto yung puso ko.
Napako ako sa kinatatayuan ko ng Makita ko na unti-unting bumagsak Ang luha nya na halatang kanina pa nya pinipigilan.
"A-ayos l-lang..As long as your happy,masaya na rin ako..Alam ko namang hanggang friends lang tayo"sabi nya habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha nya.
"I-im s-sorry"sabi ko at naramdaman nalang na basa na pala Ang magkabila kong pisngi.
"No.dont be sorry..It's not your fault"Yun ang mga huling katagang narinig ko mula sakanya bago sya pumasok sa bahay nya.
Namalayan ko nalang na pumasok na ako sa kotse ko habang pinupunasan yung luha ko na kanina pa tumutulo.
Pinaandar ko na yun ng dahan-dahan kasi baka maaksidente ako dahil hindi ko masyadong maaninag Ang dinadaanan ko.
Ayoko pang mamatay nohh!
Nung nakarating na ako sa bar in-order ko sa bartender yung pinaka-matapang na alak na meron sila.
Kinapa ko yung bulsa ko para kumuha ng pera tsaka binigay sa bartender..Pero parang may nawawala...
...
Oh f*ck!Yung susi ko hindi ko nadala..
Ihhh...Ayoko munang problemahin yon..Kaya nag-simula na ako uminom.
Nilagok ko na yun at ramdam ko ang pag-guhit ng mapait na likidong iyon sa lalamunan ko.
Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko at pag-init ng pakiramdam ko dulot ng alak na iyon.
Sunod-sunod kong ininom 'yon hanggang sa maubos ko.
Um-order ulit ako nun at mabilis ko din itong naubos.
Hindi ko Alam kung Nakaka-ilang bote na rin ako at nakaramdam na ako ng pagka-hilo kaya umupo ako sa pinaka-malapit na upuan na Nakita ko.
Letse!pang-ilang bote ko na ba 'to?
Namomroblema na nga ako sa nararamdaman ko para Kay Taehyung tapos kanina napa-iyak ko pa si Jungkook.
At isa pa!Naiwan ko yung susi ng bahay..
Takte!Dagdag problema yan!
Kaya nga dito ako sa bar pumunta eh.
Sabi kasi nila kapag daw may problema ka,pumunta ka lang daw sa bar..Tapos mawawala na daw yung mga problema mo.
Totoo ba Yun?!
Peste!nakakahilo naman itong alak na ito.
"Ang Tanga mo talaga Y/N...Alak nga eh..Talagang nakakahilo Yan...Matapang ehh"bulong ko sa sarili ko habang hinihilot ko yung ulo ko.
Isinandal ko yung ulo ko sa sandalan ng upuan para kahit papaano ay maibsan yung pagka-hilo ko at nag-simulang uminom ulit.
Tumayo ulit ako para um-order ng panibago dahil naubos ko na.
Nung naka-order na ako,babalik na sana ako sa inu-upuan ko nung may nagsalita sa likuran ko kaya humarap ako para Makita Kung sino.
"Hi Miss"sabi nung lalaking mukhang adik.
Nginitian ko ito ng pilit at tumalikod ulit para pumunta sa pwesto ko nang higitin nya ako papunta sa isang madilim na sulok.
"A-ANO BA?!B-BITAWAN MO NGA AKO!!"pagpu-pumiglas ko kahit hirap na akong mag-salita dahil sa pagka-lasing.
"Ano ka ba miss...Wag ka nang magpumiglas..Hindi mo din naman ako kaya..Masaya naman itong gagawin natin eh.."sabi nya sa pang-manyak na boses.
Pilit ko parin na alisin yung mga braso nyang naka-palupot sa bewang ko.
"PAKAWALAN MO NGA KASI AKO!!"sigaw ko kahit hilong-hilo na ako.
Kita kong papalapit ng papalapit yung mukha nya saakin.
Kingina!Ano ng gagawin ko?!
"K-kuyang mukhang adik.."sabi ko.
"G-gusto mo bang maupakan?"dugtong ko pa Dito.
"Hmm..Hindi mo naman kaya"sabi nya at akmang hahalikan na nya ako pero may nag-salita sa likuran nya.
"Hindi nya kaya!Pero ako kaya ko!"sigaw nung lalaki sabay hila dun sa damit ng lalaking manyak at bigla itong inupakan.
Maya-maya pa habang nagsusuntukan sila,napansin kong pamilyar yung mukha nung lalaki.
"Taehyung?!"gulat na sigaw ko at kahit hirap na ako sa pagkilos dahil sa pagka-lasing,inawat ko na sila.
Taehyung's POV
(A/N:Eto po yung bago pumunta si Taehyung dun sa bar...)
Kasalukuyan kong naka-upo sa sofa Dito sa may living area.
Wala lang..
Nagpapahinga lang ako..
Nanonood lang ako ng mga movies Dito.Halos di ko nga maintindihan yung pinapanood ko dahil kung ano-ano yung iniisip ko.
Tsk.
Nasan kaya si Y/N?
Nakakapagtaka si Y/N sa kinikilos nya.
Gusto ko syang makausap Kung bakit ganon sya makitungo sa akin.
Tinawagan ko na nga sya pero di ko ma-contact.
Kaya tinawagan ko si Sunhye.
[Hello?..Sino to?]
"Ahh..Sunhye,si Taehyung tohh..Alam mo ba kung nasan si Y/N?"tanong ko.
[Oo..uhm..Sabi nya pupunta daw sya sa bar..]
"Sa bar?!..Takte!!Anong gagawin nya don?!"gulat Kong tanong.
[Ano ba Taehyung?!..Syempre iinom ng alak!!Teka lang..Bakit mo Alam number ko?!]
"Kinuha ko Kay jiminie-hyung..di ko ma-contact si Y/N ehh..sige na!Bye!!"nagmamadali Kong tugon at in-end na yung call.
Dali-dali kong kinuha yung susi ng kotse ko at pinuntahan sya sa bar.
Nag-iisa lang naman yung alam kong bar na nandito kaya malamang nandun sya.
Nung nakarating na ako sa bar,syempre pumasok na ako sa loob at hinanap sya.
Halos mga 5 minutes na akong naghahanap hanggang sa makarinig ako ng sigaw.
"A-ANO BA?!B-BITAWAN MO NGA AKO!!"rinig kong sigaw nung babae na pamilyar yung boses sa akin.
"Ano ka ba miss..Wag ka nang magpumiglas..Hindi mo din naman ako kaya..Masaya naman itong gagawin natin ehh.."sabi naman nung gagong lalaki.
"P-PAKAWALAN MO NGA KASI AKO!!"sigaw nung babae at nagpumiglas.
T-teka!Boses yun ni Y/N ahh!
Hinanap ko Kung saan nanggagaling yung boses.
"K-kuyang mukhang adik.."rinig kong saad ni Y/N.
"G-gusto mo bang maupakan?"dugtong pa nito.
"Hmm..Hindi mo naman kaya"sabi nung lalaki.
Binuksan ko yung flashlight ng phone ko at pinuntahan sila.
Ang dilim
Oras na mapuntahan ko yung ugok na lalaki na yun uupakan ko talaga.
Papunta pala 'to sa sulok kaya pala walang masyadong nakakarinig.
Tsk.
Nung nakarating na ako don...Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa inis.
"Hindi nya kaya!Pero ako kaya ko!"sigaw ko at hinila ung damit nung lalaki sabay upak.
Kingina nya talaga!
Buti nalang talaga dumating ako Dito kundi baka nahalikan na nang hinayupak na yun si Y/N.
"Taehyung?!"natigilan ako sa pag-suntok dun sa lalaki nang sumigaw si Y/N at pinuntahan kami para awatin.
Halos pagewang-gewang na nga sya kung mag-lakad tapos nung inawat kami halos tumumba na.
Buti nalang naalalayan ko.
TBC.
********
A/N:
Here's the update.
Bitin PO ba?
Stay tune to the next chapter.
Vote
And
Comment!
Thank u
And
Lovelots.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top