Special Chapter Part I (HAPPY 1000 READS!)

JAMAICCA'S POV
"Aicca, prom na natin tonight. Pupunta ka?"

Nandito kami ngayon sa isang mall. Sabi ni Cassandra wala daw siyang magawa kaya sinamahan ko siya.

"Hindi na, tinatamad ako eh."

*poink*

"Aray!" Ang sakit binatukan ako!

"Anong tinatamad ka? Hindi pwede! Dapat kasama ka." Sabi niya pa. Inirapan ko siya.

"Tsk. Tinatamad ako Cassandra..."

"Mamaya na yang tamad-tamad na yan. Ngayon, shopping tayo ng gown natin para sa prom night." Hindi pa ako nakakapagsalita hinila na niya agad ako.

"Ho-hoy! May sinabi na ba akong pumayag ako?"

"Kahit naman wala kang sabihin no choice ka rin eh." Sabi niya.

Maya-maya pumasok kami ni Cassandra sa isang boutique. Pagkapasok na pagkapasok namin, pinaupo na niya agad ako at namili agad siya.

Kinuha ko nalang yung phone ko at nag-FB na lang.

Pagpalipas oras, tutal ang tagal ko nang hindi nabubuksan FB ko.

Habang nagso-scroll ako, may nakita akong isang post ni Chase.

'Watching her.' 1 minute ago.

Yun lang yung post niya? Hindi man lang tinag kung sino? Tss..

Pero infairness ah kahit yun lang yung post niya, 109 likes at 30 comments.

Famous...

Pero ano? Watching HER??

Lumingon-lingon ako sa paligid. Baka nandito siya.

Then i realized something. Natawa ako.

Ang feeling mo Aicca, porket watching her ikaw na agad? Malay mo si Willow pala yung pinapanood niya...

Tandaan mo Aicca, kapatid ka lang niya.

"Okay lang ba to?" Natauhan ako sa boses ni Cassandra kaya napatingin ako sa kanya.

Hmm.. Nagsukat na pala siya hindi ko napansin. Lutang isip ko ngayon.

Pero, ang ganda niya sa gown na yan ah.

"Isara ang bibig, tumutulo na ang laway." Pang-aasar niya sakin. Umirap lang ako sa kanya kaya napatawa siya.

"Ok na yan."

"Wushu! Kanina halos tumulo laway mo kakatitig sakin tapos sasabihin mong okey na yan. Dont me bes." Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpapatuloy ang pagfa-Facebook.

"Hoy, halika. Ikaw naman." Napatingin ako sa kanya.

"Ako?"

"Ay hindi, si ate. Ate halika sukatan kita." Sabi niya sa isang babae na nasa katabi ko. Tss, nakakahiya pa siya eh.

"Ayoko ngang pumunta sa prom." saad ko. Ngunit hinila niya ako papasok sa fitting room.

"Oh." Abot niya sakin ng isang black dress.

"Ano to?"

"Black dress."

"Alam ko."

"Bat mo tinatanong?"

"Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko dito?"

"Malamang susuotin!"

"CASSANDRA!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Lalabas na ako. Sukatin mo." Sabi niya bago lumabas ng fitting room. Bumuntong hininga nalang ako.

Papagbigyan ko na. Pag hindi ko pinagbigyan yun, magbabangayan lang kami ng magbabangayan.

Habang sinusukat ko yung dress, out of nowhere namang pumasok si Cassandra sa fitting room.

"Cass ano ba! Usong magpaalam bago pumasok." Sabi ko.

"Oops sorry." Sabi niya at lumabas ulit ng fitting room. "Jamaicca, pwede bang pumasok?" Sabi niya sabay pasok ulit sa fitting room. Inirapan ko lang siya.

Nang matapos kong ayusin yung dress na suot ko, humarap ako sa kanya. "Okay lang ba?"

Naghihintay ako ng sagot niya pero ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang siya sakin.

"Huy. Buhay ka pa?"

"Perfect!" Biglang sigaw niya kaya napatalon ako sa gulat. Natawa naman siya. "Okay ka lang?"

"Gags ka ba? Ginulat moko tapos tatanungin mo kung okay lang ba ako?"

"Sorna. Yan nalang bilhin natin para sayo, dali hubarin mo na. Feel na feel suotin eh."

"Anong feel na feel pinapasukat mo sakin tapos sasabihin mong feel na feel ko?" Sabi ko habang hinuhubad yung dress.

"Oo na lang. Pagkatapos nating bilhin yan, punta tayo Shakeys nagugutom ako."

Pagka-bihis ko, pumunta kami sa counter para bilhin na yung susuotin namin mamaya.

"Ah, miss? May mask po ba kayo dito? Parang half of the face covered?" Tanong ni Cass sa cashier.

"Yes po,mam, meron po kami." Nagtaka naman ako.

"Mask? Para saan?"

"Hindi mo alam?"

"Tatanungin ko ba kung alam ko naman?"

"Malay ko ba, tatanga ka eh." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Siya naman, tumawa lang. "In-announce ni Principal De Vega na gusto niyang prom ay mysterious. So kailangan matakpan ang mukha mo ng mask kahit half lang ng face. Basta hindi kalang makilala buong magdamag sa prom. Kapag wala kang mask, hindi ka pwedeng makapasok. Astig noh?" Tumango-tango lang ako. Dami nilang ek-ek.

_____________
Nandito kami ngayon sa Shakeys. Umorder na kami pero wala pa yung pagkain kaya nag-uusap lang kami dito sa table namin.

*Chase Calling*

"Wait lang Cass ah." Patayo na sana ako para lumabas at sagutin ang phone nang bigla niya akong hilahin paupo ulit.

"Dito mo na sagutin yan. I dont mind."

Sinagot ko naman agad ang tawag habang si Cassandra nakatingin lang sa akin.

"Hello Chase?"

("Nasan ka?")

Sabi na nga ba hindi ako yung nasa status niya sa FB eh. Hindi niya kasi alam kung nasan ako.

Nakaramdam ako ng inis nang malaman kong hindi ako yun.

Sino kaya yun?!

"Paki mo?"

("I want to know.")

"Eh ayoko eh. Wag ako gambalain mo."

("Bakit parang bad mood ka? Meron ka ba?") Tinanong niya pa talag kung bakit bad mood ako ah?

"Bakit hindi tanungin sa sarili mo? Ewan ko sayo. Panuorin mo nalang diyan yung babaeng nasa status mo." Ibababa ko na sana yung phone nang bigla siyang tumawa.

("Im watching her right now.")

"Why do you have to tell me? Paki ko?"

("Tumingin ka sa labas.")

Tumingin ako sa labas ng Shakeys. Mga ilang seconds ko din siyang hinahanap hanggang sa makita ko siya sa isang sulok. Nakatingin sakin. Hindi mo agad mahahalata na siya yun dahil naka-shades at salamin siya. Naka-all black pa akala mo magnanakaw.

*Call ended*

Aba ang kapal ng mukhang patayan ako ng tawag!

Hindi ko naman mapigilan ngumiti nang malaman ko na ako pala yung pinapanood niya. >.<

"Ikaw Aicca, hindi mo sinasabi sakin na bati na pala kayo ni Chase." Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"Eh, kagabi lang naman kasi nangyari eh." nanlaki mata niya.

"KAGABI NANGYARI?! ANG ANO? DALI KWENTO MO!" Sigaw niya. Tinakpan ko naman ang bibig niya dahil baka kung ano isipin nung mga customers na nasa paligid. Ang lakas ng boses amp!

"Shatap!" Mahina kong sabi.

"Oh may gaas! so meron nga?!"

"Wait lang, diba may gusto ka kay Chase? Bat parang tuwang-tuwa ka pa?"

"Anu ka ba? Hindi ko naman talaga gusto si Chase eh! Gusto lang kitang pagselosin para aminin mo na sakin yung tungkol sa inyo ni Chase. Tinatago mo pa kasi sakin eh magkaibigan naman tayo. At tsaka wag mo ngang ibahin ang usapan, ikwento mo na!" Napabuntong hininga nalang ako at ikinwento ang mga pangyayari.

FLASHBACK....

Akala ko maglalast lang ng 10 seconds ang halik namin pero the next thing i knew, nakahiga na kami sa kama niya.

At.....

*tok tok*

"F*ck." bulong sakin ni Chase nang marinig niyang may kumatok.

"Chase? Jamaicca? Bumaba na kayo. Nandito na dad niyo, salubungin niyo." Pagkalabas ni mom nun, may naririnig ako na footsteps pababa ng hagdan. Umalis na siya siguro.

Umuwi na pala siya ng ibang bansa..

Tumayo naman ako sa pagkaka-higa ko.

Muntik na. Muntik ko nang maibigay ang v-card ko.

Hmm... Maybe next time, Chase.

Palabas na sana ako ng kuwarto niya pero nilingon ko muna siya.

Halata sa mukha niya na nanghihinayang siya.

Gusto ko sanang matawa sa mukha niya pero mukhang na-bad mood siya sa nangyari.

Gusto ko sanang wag na bumaba. Ayoko pang makita si dad.

Pagbaba ko, nasa dining table na sina mom at dad. Napatingin naman silang dalawa sakin.

"Anak, umupo ka. Dinner is ready." Saad ni mama. Nagdadalawang-isip akong umupo pero anong gagawin ko? Magulang ko sila. Kailangan ko silang sundin.

Ay hindi pala, ampon lang pala ako. Hindi ko sila kadugo, hindi ko kadugo si dad.

Pagkaupo ko sa pwesto ko, sakto bumaba narin si Chase na nakakunot ang noo.

"Chase, ok ka lang? Umupo ka na." Sabi ni mom. Sumunod nalang rin si Chase. Kumain nalang ako.

Halos mabingi ako sa katahimikan dito. Ni isa walang nagsasalita. Pero naglakas loob akong magsalita.

"Dad, gusto kong tumira sa totoo kong magulang." Pagkasabi ko nun, may narinig akong nabasag na baso.

_____________________
Hello!

Sorry kung napatagal yung UD ko pero HAPPY 1K READS!

Huhuhu thank you po talaga! Na-complete na po goal ko sa storyang ito.

(Ang goal ko po kasi ay magka-1000+ reads sa bawat storyang gagawin ko.)

Eto na po promise kong special chapter. May part two po to wag po kayong mag-alala.

Pinag-iisipan ko pa po yung maglalagay din po ako ng part 3 pero.... Hay basta ewan. XD

Maraming salamat po talaga sa suporta!

Hindi ko alam kung bakit ko to tinawag na special chapter eh kapareho lang rin naman ng mga normal chapters ko. XD

YUN LANG PO ENJOY!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top