Epilogue
CASSANDRA'S POV
"Doc nagmamaka-awa ako sa inyo, please buhayin niyo siya doc. Please I'm begging you buhayin niyo siya." Hindi matigil ang luha na dumadaloy sa pisngi ko. Kulang na lang lumuhod ako dito para lang buhayin si Jamaicca.
"Sorry.. We did everything we can." Yun lang ang nasabi ng doctor. Nakayuko lang siya samin. Nanghihina ako kaya napaupo nalang ako sa sahig habang umiiyak. Tumingin si Calix samin ni Jaxx na gulat na gulat. Umiiyak din siya.
"Bat nandito kayo?" Nagtaka kami sa sinabi niya.
"Ano?"
"Wala dito si Jamaicca." Sabi ni Calix. Kumunot lang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito?
"Eh sino yan?" Sabi ko habang turo-turo yung pasyente na nakahiga sa hospital bed. Hindi ko masyadong makita ang mukha dahil malayo kami sa kanya pero panigurado naman na si Jamaicca yan.
"Tita ko yan. Nasa kabilang kuwarto si Jamaicca. Akala ko ba naman pinuntahan niyo na. Sinundan niyo pala ako." Nanlaki mata ko sa sinabi niya. "Pumunta na kayo dun, maayos na siya." Pagka-sabing pagka-sabi niya nun, tumakbo ako palabas sa kwartong iyon na parang nakikipag-karerahan. At ganun din si Jaxx.
Pagpasok namin sa kwarto na nilipatan ni Jamaicca, nandun silang lahat. Si Calix lang ang wala dahil nasa tita niya nga siya.
Hindi pa nagigising si Jamaicca. Pero buhay siya. Buhay siya at yun ang importante ngayon.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit. "Jamaicca!"
"Teka teka teka, wag masyadong mahigpit hintayin mo muna na magising siya." Sabi ni Zane habang hilihila ako palayo kay Jamaicca. Naramdaman ko nanaman na may dark aura sa paligid ni Jaxx nang gawin yung ni Zane.
"Kamusta na siya?" Tanong ko sa kuya niyang kambal.
"Ok na daw siya. Buti naagapan. Hintayin nalang daw natin siyang magising." Sabi ni Cris. Napangiti ako at napaluha sa sobrang saya. Para akong baliw, iyak, ngiti, iyak, ngiti.
(Let's fast forward some things.)
_____________
JAMAICCA'S POV
Iminulat ko ang mata ko at puting kisame agad ang bumungad sakin.
"Guys guys, gising na si Jamaicca!" Sigaw ng isang tao na sobrang tining ng boses. Kilalang-kilala ko kung sino siya.
"Ang ingay Cassandra, ka-aga aga eh." Reklamo ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Kasabay nun ang pagsakit ng parte ng katawan kung saan ako nabaril.
"A-aray ko!" Inda ko na ikinaalis ng yakap ng Cassandra sakin. Tiningnan niya agad yung dibdib ko kung nasan yung sugat ko.
"Sorry Jamaicca, natuwa lang ako." Tumawa siya ng mahina. Napansin ko namang parang namamaga mata niya.
"Umiyak ka ba?"
"Ha? Ah.." Bigla siyang napatingin kay Jaxx na nakatingin din sa kanya. "Ah oo! Syempre iiyak ako! 50-50 buhay ng bestfriend ko matutuwa pa ako? Hahaha. Bes pahangin lang ako sa labas ah?" Sabi niya tsaka dumiretso sa labas. But i can sense na may problema siya. Something related kay Jaxx maybe?
Nginitian ko nalang siya at tumingin sa paligid. Napansin ko naman agad ang dalawa kong ugok na kuyang kambal. Lumapit agad sila sakin at akmang yayakapin ako ni kuya Cross nang biglang hilahin ni kuya Cris yung buhok siya palayo sakin.
"Nakita mo na ngang may sugat siya sa dibdib tapos yayakapin mo pa?" Saway ni kuya Cris.
"Sorna. Na-miss ko lang tong bunso ko." Sabi ni kuya Cross. Si kuya Cris naman, ginula alng ang buhok ko.
"Pasalamat ka binigyan ka ni lord ng pangalawang buhay."
"Hmmp! Pusa ako noh! May siyam akong buhay. Ay hindi, 8 nalang pala. At isa pa, hindi pa ako pwedeng mamatay. Marami pang nagmamahal sakin."
"Oo nga. Papasukin ko na ba sila?" Kumunot noo ko.
"Ha?"
"Cross tawagin mo na nga sila." Sabi ni kuya Cris. Tumango naman agad si kuya Cross at lumabas na ng kuwarto. Sinong sila.
Maya-maya lang bumukas ang pinto at bumungad sakin sila nanay, mama at daddy. Halata sa mga mata nila nanay at mama na umiyak sila. Lumapit sakin si daddy at niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit masakit yung dibdib ko, ininda ko para mayakap ko lang siya.
Kinapa-kapa niya yung likod ko na para bang hindi naniniwala na yakap-yakap niya ang anak niya.
"Ikaw ba talaga yan anak? Gising ka na ba talaga?" Sabi niya habang yakap-yakap parin ako. Ang tagal naming nagyakapan na para bang kaming dalawa lang ang naroon sa kwarto. Maya-maya may nararamdaman akong pumapatak na tubig sa likod ko.
Teka... Umuulan ba?
That's when i realized na umiiyak si daddy. Umiiyak si daddy na ikinadurpg ng puao ko. Pinag-alala ko ba talaga siya masyado?
"I'm sorry.." Sabi ko habang tumutulo na ang luha ko. Pano ko nasikmuraang pag-alalahanin si daddy ng ganto?
"No anak.. Wala kang kasalanan. Ako ang dapat na mag-sorry. Nagkulang ako sa pag-aalaga sayo. Na-focus ko at naubos ko ang mga panahon ko sa trabaho. Please forgive me." Umiling-iling lang ako.
"No dad, wala kang pagkukulang. Sadyang matigas lang ang ulo netong anak mo." Sabi ko na ikinatawa niya. Pagkatapos nun, bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at tumingin sa paligid. Nanlaki mata ko nang makita na lahat ng tao sa kwartong yun ay umiiyak. At take note ha, pati yung nurse na nagbabantay.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay niyakap naman ni nanay yung ulo ko at nagsimula nang humagulgol. Hindi ko mapigilang matawa. Nang marinig niyang tumawa ako, nagulat ako nang bigla niya akong batukan. "Aray! Nay! Injured ako!" Reklamo ko.
"Injured ka sa dibdib hindi sa ulo! Sira ulo to. Tumawa ka pa habang mangiyak-ngiyak na ako sa kaka-alala sayo. Bakit mo sinalo yung bala ha?! Kay Chase na san-" napatigil siya sa pagsasalita nang sinenyasan siya ng beautiful eyes ko. Hay nako nay, sa harap pa mismo ng magulang ni Chase?
"Pero anak, next time wag mong i-risk yung sarili mo para sa iba ha? Baka mabaliw ako kapag nawalan ako ng anak." Sabi niya na may halos sincerity sa boses. Tumango lang ako. "Oh sige na, ayoko ng drama. Bibili lang ako ng makakain mo ha? Baka kasi ayaw mo ng hospital food eh." Sabi niya tapos lumabas ng kwarto.
Ayaw niya pa ng drama ah?
Sunod naman na lumapit sakin ay si mama. Hindi ko man kadugo, pero ina na ang turing ko sa kanya. Kumbaga parang pangalawang ina.
Akala ko yayakapin niya ako pero ginulo niya lang ang buhok ko katulad ng ginawa ni kuya Cris sakin. Nakangiti siya na halatang masaya siya na gising na ako.
"Hindi na kita yayakapin ah? May sugat ka sa dib dib eh. Sira-ulo kasi tong si Benjamin eh! May pa yakap-yakap pa sayo." Sabi niya habang binatukan si daddy. Napakamot lang ng ulo si daddy na ikinatawa naming lahat.
May narinig naman akong bukas ng pinto. At sumalubong sakin si Alex na may dala-dalang isang basket ng prutas. Natulala siya saglit nang makitang gising na ako pero agad din naman siyang natauhan. Ngumiti siya sakin.
"Good morning sleeping beauty." Nginitian ko siya. Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Strange. Hindi pa kita nahahalikan pero nagising ka na?" Sabi niya. Tinanggal ko naman ang kamay niya sa ulo ko. Aish. Bat ba ang hilig nilang guluhin buhok ko?
"I dont need a prince charming." Sabi ko. "Oo nga pala, nasan sila Calix at Zane?" Tanong ko.
"Nasa burol sila ng tita ni Calix." Maikling sagot niya. "Naospital ang tita niya same day nang dinala ka dito. Ilang araw namatay din."
"Paki-sabi sa kanila condolence.." Sabi ko. Tumango lang siya.
"Eh... Si.... Chase?" Pasimple kong tanong. Umiling-iling lang siya habang nakangisi.
"Bumili lang ng pagkain niya. Alam mo bang halos hindi na umaalis ng ospital yun? Umaasa kasi siya na maaabutan ka niyang magising. Dito na nga yung natutulog at kumakain. Halos hindi na nga maligo yun eh. Ayaw ka niyang iwan, baka daw kasi magising ka." Natulala ako sa sinabi ni Alex. Talaga?
Narinig kong nagbukas yung pinto. At nakita ko siya.
May dala siyang isang styrofoam na may pagkain siguro sa loob. Nakatulala siyang nakatingin sakin. At ganun din ako sa kanya.
"Labas muna kami ah." Sabi ni Cris at lahat ng tao nagsilabasan. Pati yung nurse hinila ni kuya Cross palabas para makapag-usap siguro kami ni Chase?
Lumapit siya sakin habang nakatulala parin siya. Nang makalapit siya sakin, binitawan niya ang styrofoam na hawak niya at bigla akong niyakap ng mahigpit.
Sa mga sandaling iyon, parang nawala yung sakit na iniinda ko sa mga yumayakap sakin kanina. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang yakap niya.
Matagal-tagal din kaming magkayakap at wala man lang nagsasalita samin. Hanggang sa may maramdaman akong likido na pumapatak sa likod ko.
Umiiyak si Chase?
Ako ang unang kumalas sa yakap namin at tiningnan kung umiiyak nga siya. At tama ako. Blangko ang expression niya habang nakatingin sakin pero may tumutulong luha sa mga mata niya.
Niyakap niya uli ako. Kakalas sana ako nang bigla siyang magsalita. "Saglit lang please. Ganto muna tayo kahit sandali lang. Ang tagal kong hindi naramdaman to eh." Saad niya. Wala naman akong nagawa kundi itugon ang yakap niya.
"Tinakot moko. Akala ko mawawala ka na sa buhay ko."
"Masamang damo ako. Ang masamang damo, matagal mamatay." Sabi ko.
Bigla siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Kahit na! Dapat hindi mo sinalo yung bala na dapat mapupunta sakin."
"Wow. Salamat ah.. Salamat at niligtas kita." Sarkastiko kong sabi.
Napakamot siya ng ulo. "Oo na. Salamat na. Nakakahiya pa to sakin eh. Imbis na protektahan kita, ikaw pa ang pumrotekta sakin. Napaka-careless ko kasi eh. Tapos sinisisi pa ako ng bestfriend mo." Napakunot noo ko.
"Sinisisi ka ni Cassandra? Saan?"
"Na kung hindi mo daw sinalo yung bala, ako daw ang mababaril. Kasalanan ko daw ang lahat. Gusto ata akong patayin ng bestfriend mo eh."
"Pero Chase.. Nung wala pa akong malay... May nangyari ba kina Cassandra at Jaxx? Para kasing magkagalit sila eh."
"Huh? Bat mo naman nasabi yan?"
"Wala lang.. Feeling ko lang." Napatingin siya sa taas na para bang nag-iisip.
"Hindi ko alam eh. Teka nagugutom ka ba? Nauuhaw? Gusto mo kuha kita tubig? Ano? Sabihin mo lang." Natawa ako sa inasal niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin habang naka-pout. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Wala lang. Ang kyut mo lang kase eh. Sige na, matutulog na muna ako. Umalis ka na sa harapan ko.
"Tulog nanaman? Kakatulog mo lang eh. Ilang araw pa nga tapos matutulog ka ulit? At tsaka, kung makataboy ka para ba akong aso ah. Hoy for your information, ako ang pinaka-nag alala sayo habang natutulog ka ng ilang araw." Sabi niya.
"Oo na. Sige na. See you in my dreams nalang." Akmang tatalikod na ako sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sakin. Isang nakakatakot na ngisi na ikinakaba ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maging inches nalang ang pagitan nito.
"Sa isang kundisyon." Tumingin siya sa labi ko. "I miss your kiss." Sinabi niya yan habang nakatingin ng nakangisi sa labi ko. Napalunok ako. Palapit na ng palapit ang mukha niya. Gusto ko man siyang itulak pero feeling ko naka-glue ako sa pwesto ko at hindi ako makagalaw. Kaya wala na akong nagawa kundi pumikit nang biglang...
"Woah.. Live porn." Naidilat ko ang mata ko at bigla kong naitulak si Chase palayo na ikinatumba niya. Napalakas ata ang tulak ko. Nakatingin samin sina Zane at Chase habang nakangisi saming dalawa.
"Tss... Istorbo." Sabi ni Chase habang bumabangon sa pagkakatumba niya.
"Sige na Chase, lumayas ka na. Next visitor naman." Sabi ko.
"Kiss ko?"
"Aish!" Sigaw ko sa kanya at akmang babatuhan siya ng unan nang nagmadali siyang tumakbo palabas ng kwarto. Lumapit naman sakin ang dalawa na may dalang flowers habang nakangisi parin. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Oh. Flowers for you. Tinext kasi kami ni Cassandra kanina. Sabi niya gising ka na daw. Kaya bumili kami ng flowers." Sabi ni Zane. "Ilapag ko nalang dito ah." Sabi niya habang tinuturo yung couch. Tumango lang ako.
"Thank you." Sambit ko. "Nga pala, wala ba kayong napapansin kina Cassandra at Jaxx?" Kumunot pareho noo nila.
"Ano?" Sabay pa nilang tanong.
"I mean, feeling ko.. Feeling ko lang ah. Something's off sa kanilang dalawa." Napatingin sila sa isa't-isa at para bang nagsesenyasan. Ano ba to may sarili silang language?
"Uhm.. Mauna muna ako s inyo ah, may aasikasuhin pa ako eh." Paalam ni Zane at tsaka dumiretso palabas ng kwarto. Napabuntong-hininga naman si Calix habang nakatingin sakin.
"Ano na?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina kasi nung dinala ka dito... Naunang makapunta dito si Jaxx. Tapos, bumili siya ng makakain para sa lahat. Nang maka-alis siya, dun naman dumating si Cassandra. Napaiyak si Cassandra nang malaman ang kalagayan mo kaya kinom-"
"Wag ka nang mag-kwento!" Reklamo ko.
"Oo na oo na! Sabihin nalang nating... Nag-away sila dahil sa selos." Kumunot noo ko.
"Selos kanino?"
"Kay... Zane." Nanlaki mata ko.
"Ano?"
"Nahuli niya kasing magkayakap sina Cassandra at Zane. Kino-comfort lang naman ni Zane si Cassandra pero nag-isip si Zane ng iba bukod dun. Kaya ayun. Pareho naman silang may kasalanan eh. May kasalanan si Jaxx kasi hindi niya muna pinag-explain si Cassandra. At may kasalanan din si Cassandra dahil alam niya na ngang seloso si Jaxx, nakipag-yakapan pa kay Zane." Tumango-tango lang ako at hinawakan ang baba ko na para bang nag-iisip. Pano ko ba masusulusyunan to?
"Tutulungan mo silang magkabati noh?" Tumango ako. Nginitian niya ako. "Count me in." Nginitian ko siya.
"Tawagin mo yung iba, isali din natin."
"No."
"Bakit?"
"Tayong dalawa na lang. Masyadong malaki ng risk na mahuli tayo kaya marami tayo."
"Eh masyado namang matagal kapag tayong dalawa lang."
Napahawak siya sa baba niya. "Ganto nalang, isali din natin si Zane. Para siya mismo ang makapag-explain."
"Bakit kasi hindi niyo nilapitan si Jaxx para makapag-explain?"
"Siya ng itong umiiwas eh." Napabuntong-hininga ako. Hayyy kagigising ko lang stress agad ang sasalubong sakin. Mas gusto ko pang matulog kesa eto madadatnan ko eh.
"So kailan natin sisimulan ang plano?" Tanong ko.
"Kapag naka-alis ka na sa ospital na ito." Sabi niya.
A few days later...
"Were so happy you're back, Jamaicca." Sabi sakin ni kuya Cris.
"Huh? I'm back? Dindi naman ako nawala ah.."
"Muntik lang." Sabi ni kuya Cross na ikinatawa naming tatlo ni kuya Cris.
Oh, oo nga pala. Sa mga araw na nakalipas, sinabi na namin ni Chase kina daddy at nanay yung tungkol samin dalawa in the past. Sobrang nagulat nga sila eh. Tanong ni daddy bakit daw ngayon lang namin sinabi. Payag naman siya saming dalawa ni Chase. Kaso ang weird daw. Pero kung ano daw makakapagpasaya sakin, makakapagpasaya na rin sa kanya.
Kaya, nanliligaw na ulit sakin si Chase!
*ding dong*
"Bunso, manliigaw mo binubulabog nanaman tayo." Iritang sabi ni Cross. Siniko naman siya sa nagiliran ni kuya Cris. Mga aso't pusa.
"Ikaw na magbukas ng pinto, wag mong pansinin tong gagong to." Sabi ni kuya Cris. Tumango lang ako at dumiretso sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang napaka-gwapo niyang mukha. Naka-checkered siyang polo at naka-gel din ang buhok niya. Casual lang ang suot niya pero elegante tingnan. May dala siyang flowers at chocolates.
Kung titingnan mo siyang mabuti, hindi siya mukhang bad boy.
Nginitian ko siya at kinuha at chocolates. "Thank you."
"Yung chocolates lang talaga yung kinuha ah." Napatingin ako sa flowers na nasa kamay parin niya at agad kinuha iyon sa kanya.
"Pasok." Utos ko at pumasok naman siya. Dumiretso siya sa sofa at umupo. Umupo rin ako sa sofa na katapat kung saan siya nakaupo. Nag-iintay ako ng sasabihin niya pero tinititigan niya lang ako. Parang pinagmamasdan niya lang ng mabuti ang mukha ko. Medyo na-concious ako pero nakatitig parin ako sa kanya.
"Magtititigan lang ba tayo dito?"
"Pwede rin." Ipinatong niya pa yung ulo niya sa kamay niya habang nakangiti.
"Ano bang kailangan mo? Bat ka nandito?"
"Wala lang. Gusto ko lang makita yung future wife ko." Sabi niya sabay kindat sakin.
Tumingin-tingin ako sa paligid na kunwaring naghahanap "Nasan?" Pagkasabi ko nun, yung ngiti niya kanina biglang naglaho na parang bula. Yung itsura niya ngayon parang napaka-cold.
Pero infernes, wafu padin. XD
*ding dong*
"Saglit lang ah." Paalam ko sa kanya at tsaka dumiretso sa pintuan. Binuksan ko iyon at bumungad sakin si Calix na naka-tuxedo. Muntik na akong matawa. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan.
"We need to talk." Sabi niya.
"We are talking." Sagot ko. Tumginin ako kay Chase at nagulat ako nang makitang masama ang tingin niya kay Calix.
Napatingin siya kay Chase saglit at ibinaling ulit ang tingin sakin na para bang hindi natatakot sa sama ng tingin sa kanya ni Chase.
Naramdaman ko namang hinawakan niya yung wrist ko. "In private." Hindi pa ako nakakasagot ay bigla niya na agad ako hinila palabas ng bahay.
Nang makalayo na kami sa bahay, napadpad kami dito sa maliit na eskinita. Halos walang tao dito
"Tapos na." Bigla nabuhay yung diwa ko nang sabihin niya sakin yan. "Si Cassandra at Jaxx nalang ang kailangan. You go get Cassandra, I'll go get Jaxx."
Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. "Teka teka, nasan si Zane?"
"Nasa venue na. Fetch Cassandra for me. Thanks." Paalis na sana ulit siya pero nilingon niya ako. "Oh, I almost forgot. Itetext ko nalang sayo yung address ng venue. Magsuot kayo ng formal dress. Bye!" Sabi niya tsaka umalis.
Pagkaalis na pagkaalis niya, kinuha ko agad yung cellphone ko at tinext si Cassandra.
To: Cassandra
Bes, where are you?
Pagka-send ko nun, wala pang isang minuto ay nag-reply kaagad siya.
From: Cassandra
Bahay lang, bakit?
To: Cassandra
Shoping tayo. :)
From: Cassandra
Sige, magbibihis lang ako tapos pupuntahan nalang kita diyan sa bahay mo.
To: Cassandra
No need, wala ako sa bahay at papunta na ako sa bahay mo. Ikaw nalang magbihis.
Sent.
Tinext ko na rin si Chase.
To: Chase
Chase, sorry hindi na ako makakauwi may lakad ako. Sorry talaga.
Sent.
Pagka-send na pagka-send ko nun, hindi pa ako naglalakad ay nag-ring na agad ang phone ko.
Chase is calling...
I answered it, Of course.
"Hell-"
("Bakit?") nagtaka ako sa tindig ng boses niya. Napaka-cold. Mapagkakamalan mong ibang tao siya sa boses niya.
"Sorry, Chase i can't explain right no-"
("Bakit") inulit niyang sabi. ("May lakad kayo ni Calix?") pagkasabi niya nun, parang hindi tanong. It's more like as state ment.
"Ah... O-oo! Tama tama! May pupuntahan kami ni Calix kaya hindi na ako makakauwi mamaya pa."
("Talagang siya pa ang inuna mo kesa sakin..") nakunot ang noo ko dahil sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Ano? Pakiulit nga?"
("Ang sabi ko magpakasaya kayong dalawa. Sige na.") magsasalita pa sana ako pero pinutol niya na yung tawag. Oh no, hindi kaya... Galit siya?
Bakit naman siya magagalit? Ano nanaman bang nagawa ko? Dahil ba sa mamaya na ako makakauwi? Ayan ang ayoko sa kanya eh. Walang explanation kung bakit nagagalit.
Teka, pano ako nakasisigurado na galit siya? Baka bad mood lang. Pero hindi naman siya galit sakin diba?
Pagdating ko sa bahay ni Cassandra...
Oo, naglakad lang ako. Sayang pamasahe. XD
Ipinindot ko agad ang doorbell at ilang saglit pa ay may nagbukas ng pinto pero hindi si Cassandra. Isa sa mga maid niya.
Oo, mas mayaman sakin si Cassandra. Poor lang ako,
"Ma'am hanap niyo po si ma'am Cassandra?" Tumango ako nang nakangiti at tsaka niya ako pinapasok.
Pagpasok namin sa bahay, nakasalubong ko ang nanay niya.
"Goodmorning po tita!" Lumapit ako sa kanya at binigyan ng beso.
"Hi Jamaicca. Ang tagal na kitang hindi nakikita ah." Nginitian ko lang siya as a response. "Nabalitaan ko nabaril ka daw. Ok ka na ngayon? San ka binaril?"
"Sa dibdib po. Ok naman na po ako ngayon kaya wag na po kayo mag-alala."
"Oh siya. Dumiretso ka na sa kwarto ni Cassandra. Tell me Aicca, bakit ba umiiyak yun?"
"Po?"
"Palagi siyang umiiyak. Nakakulong lang siya sa kwarto niya at ayaw lumabas ng bahay. May alam ka ba tungkol dito? Nag-aalala na kasi ako para sa kanya eh. Akyatin mo na nga siya." Dumiretso na ako sa second floor para akyatin ang kwarto niya.
Umiiyak si Cassandra?
Agad kong pinihit ang pintuan sa kwarto niya pero lock pala ito. Pero alam kong umiiyak siya. Naririnig ko ang kanyang mga hikbi mula sa labas.
"C-Cassandra?" Pag-aalinlangan kong pagtawag sa kanya. Bigla namang nawala ang mga malalakas na hikbi niya nang marinig ang boses ko.
"Wa-wait lang b-bes ah. A-aayusin ko lang etong... Etong k-kwarto ang kalat eh.." Sabi niya.
Maya-maya bumukas ang pinto at bumungad sakin si Cassandra na magang-maga ang mata.
Kahit wala akong makitang patak ng luha sa mukha niya, alam kong umiyak siya dahil sa pamamaga ng mga mata niya.
Pero hindi ko ipinahalata na alam kong umiiyak siya. Kailangan ma-succeed tong plano natin. At eto lang ang paraan para maging sila ulit. Ang magpanggap na walang alam.
I know, nangengeelam kami ni Calix at Zane sa lovelife ng iba. Pero jusko, ayoko nang makitang nasasaktan ang bestfriend ko. Ako rin ang nasasaktan. At ganun din sina Calix at Zane kay Jaxx. Pakielamero na kung pakielamero, atleast may ginawa.
Nginitian ko siya ng napaka-lapad. "Ready ka na ba?" Kunwaring exited kong sabi.
"Ah... O-oo naman! Na-miss ko kaya to. Let's go na?" Sabi niya tsaka kami dumiretso palabas ng bahay nila.
Naghanap kami ng taxi na masasakyan. Nang makahanap kami, pumasok agad kami dun. Sabi ko sa kanya sa malapit nalang kaming lugar mag-mall.
"Oo nga pala, Cass. Bat hindi kita nakita ng ilang araw? Nagbakasyon kaba?"
"H-ha? Ah o-oo! Inaya ako ng pinsan kong mag-baguio for 5 days. Sorry bes ah." She lied.
"Ok lang yun."
"Oo nga pala, Jamaicca. Ano bibilhin mo sa mall?"
"Ha? Ah.. A-ano.. Mga... Damit? O-oo! Mga damit para sa... Isang formal birthday party. At invited daw tayo bes. Kaya kung ako satin, maghanap na tayo ng susuotin hehe." Palusot ko. Nabunutan naman ako ng tinik nang mapansin kong parang naniwala naman siya.
Pagdating namin sa mall, naghanap agad ako ng pinaka-malapit na salon at hinila siya papunta dun. Pagpasok namin sa salon, kinausap ko agad yung mga bakla kung ano yung gusto naming itsura. Sinabi ko na light make-up at kulot na buhok lang ang gusto namin. Nang magsisimula na, umupo ako sa tabi ni Cassandra.
"Pero Jamaicca, hindi ko naman kasi kilala yung magbi-birthday. Sigurado ka ba na ok lang na kasama ako?"
"Gaga! Iinbitahen ka ba nun kung hindi ka kilala? Kilala ka nun!" Palusot ko.
"Sino ba yung magbi-birthday?" Pagkasabi niya nun, parang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Anong sasabihin ko?
"A-ah.. A-ano kasi... Uhm.. Malalaman mo pagdating natin dun." Sabi ko. Tumango naman siya. Parang nabunutan ako ng tinik. Whew! Buti naniwala siya.
Matapos naming mag-salon, tinext ko agad sina Caliz at Zane para malaman kung ano na nangyayari kay Jaxx.
To: Calix and Zane
Oh ano na? Kamusta na si Jaxx? Tapos na kami mag-salon at bibili nalang kami ngayon ng susuotin tapos didiretso na kami diyan.
Sent.
Wala pang limang minuto ay nag-reply agad sila.
From: Calix
Kasama ko na si Jaxx. Bibili nalang din kami ng susuotin.
"Ah.. Cass, bili na tayo ng susuotin." Nginitian ko siya at tumango naman siya.
"Dun tayo bumili!" Sabi niya tsaka niya ako hinila papunta sa isang branch ng damitan.
Pagkapasok na pagkapasok namin, naghalungkat agad siya ng mga damit at ganun din ako.
Maya-maya may nakita ako dress na sa tingin ko ay bagay sakin.
Simple, elegant yet formal.
"Jamaicca! Nakapili ka na?" Tumango ako at tinuro ko yung dress na susuotin ko. "Tara sukatin natin."
Matapos naming sukatin, dumiretso kami sa counter para bayaran at lumabas. Naghanap agad kami ng restroom sa mall para dun nalang kami magpalit.
"Ayun oh." Turo ni Cass sa isang restroom kaya dumiretso kami dun.
Pagpasok ko sa isang cubicle, dun ko na tinext ulit sina Calix at Zane.
To: Calix and Zane
Ano nang nangyayari sa inyo?
From: Zane
Aicca! Nandito na si Jaxx sa venue dalian niyo!
Nanlaki ang mata ko sa message na yun at nagmadali ako magbihis.
Pagkalabas ko ng cubicle, saktong pagkalabas rin yun ni Cassandra kaya hinila ko agad siya palabas ng banyo habang tumatakbo.
"Oy saglit lang! Bat ka ngmamadali?"
"Uhm.. Nagsisimula na daw kasi yung party kaya kailangan na nating pumunta dun." Sambit ko.
CALIX'S POV
"Sino ba kasi yung susurpresahin? Hindi ko nga kilala kung sino tapos pinapunta-punta moko dito. Tayong dalawa palang nandito wala pa yung iba. At tsaka sigurado ka bang pup-"
"P*ta bro manahimik ka nga!" Napatakip ako ng tenga ko. Ang sakit sa tenga ng mga talak akala mo babae. "Saglit na lang yun."
"Sino ba hinihintay natin dito bro? Baka niloloko mo lang ako ah. Pati ba naman ikaw lolokohin ako." Hindi ko mapigilang batukan siya ng medyo malakas. "Aray gag- sakit ah! Bakit ba?"
"Ang drama mo." Sabi ko sa kanya. Mga ilang minuto ang nakalipas, hindi ko mapigilang i-text si Jamaicca kung ano nang nangyayari.
To: Jamaicca
Nasan na kayo????
Sent.
Wala pang limang minuto, nag-reply ka-agad siya.
From: Jamaicca
Papunta na kami. Papuntahin mo na si Zane sa hintayan.
Pagkabasa ko nun, tinext ko agad si Zane para salubungin yung dalawa pagdating.
"Ano na?" Napatingin ako kay Jaxx. Halatang naiirita na siya sa tagal.
"Papunta na daw."
"Papunta pa lang?! Pinagpapawisan na ako sa suot ko oh!" Sabi niya sabay turo sa pormal niyang damit.
From: Zane
Papunta na kami sa lugar. Countdown ka ng 30 seconds.
Hinila ko agad si Jaxx papunta sa dapat niyang pwesto pagdating ni Cassandra.
"O-oy ano ba!" Reklamo niya. Tiningnan ko orasan ko.
15 seconds.
"Bro, bumilang ka 1 to 10."
"Bakit ba kasi?!"
"Punyeta. Bumilang ka nalang kasi!" Sa huli, hindi rin siya nakapalag sakin at bumilang.
"1.."
"2.."
"3.."
"4.."
"5.."
Five seconds at tsaka ko narinig ang mga footsteps na palakas ng palakas.
"6.."
"7.."
Seven seconds at tsaka ko narinig ang mga tunog ng damo na naapakan nila.
"8.."
"9.."
"Jaxx?" Napatigil si Jaxx sa pagbibilang at pareho kaming napalingon sa nagsalita. Nandun si Cassandra, Jamaicca at Zane sa harap namin.
Pumalakpak ako ng isang beses at sakto, pumatay ang mga ilang at konting liwanag lang ang nakikita. Kasabay din ng pagpatay ng ilaw ang pagtugtog ng music.
Tadhana.
"Anong nangyayar-" bago pa matapos ni Cassandra ang pagsasalita niya, sabay naming tinulak si Cassandra at Jaxx palapit sa isa't-isa. Hindi naman na sila naka-angal.
"Sige na guys, ako nang bahala dito. Makiki-third wheel muna ako sa dalawa. Mag-eexplain pa ako eh. Mauna na kayong umuwi." Sabi ni Zane at tsaka lumapit papunta sa dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Jamaicca dito.
Pakiramdam ko gusto pang makita ni Jamaicca ang mga pangyayari sa dalawa pero alam naman naming dalawa na privacy nila yun kaya napag-isipan ko nalang na ihatid si Jamaicca pauwi sa bahay niya.
Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko, may naaninag akong isang lalaki.
Kailangan ko rin palang mag-explain.
"Hey, bro." Bati ko kay Chase. Ang sama ng tingin niya samin ni Jamaicca na ikinataka ni Jamaicca.
"San kayo galing? Date?" Napatingin kami ni Jamaicca sa isa't-isa.
"Huh? Date? Di ah." Sabay naming sagot ni Jamaicca.
"Wow. Sabay pa talaga kayo ah. How sweet. Kung hindi date, eh bat kayo nakasuot ng ganyan?" Sabay turo sa mga pormal naming suot. "Bakit kayong dalawa lang ang magkasama? At bakit pang-may boyfriend at girlfriend ang pinuntahan niyong lugar?" Mas lalong sumama ang tingin niya samin. Lalo na sakin.
Hindi ko mapigilang ngumisi. "Tsk tsk tsk. Wow bro. Nagbago ka na nga talaga. For the first time pinagseselosan moko haha." Sabi ko. Mukhang natauhan siya at nawala ang sama ng tingin niya samin.
"Ha? A-ako? Nagseselos? Ka-kanino? Sa inyo? Hahaha. Ang galing niyong mag-joke." Sarcastic niyang sabi.
"Kung ganon, so ok lang na magdate kami ni Jamaicca?" Sabi ko sabay akbay sa kanya. Bigla namang nagbalik ang sama ng tingin niya kanina habang nakatingin sa kamay ko na hinahawakan ang balikat ni Jamaicca.
Ang sarap talagang inisin nitong g*gong to.
"Chill lang bro." Sabi ko at tsaka kumalas sa akabay ko kay Jamaicca. "Sa totoo niyan pinagbabati namin sina Cassandra at Jaxx. Kahit tingnan mo pa dun oh. Andun sila." Sabi ko sabay turo yung lugar kung nasan yung tatlo.
Mukhang nabawasan ang galit ni Chase pero parang hindi parin siya naniniwala.
JAMAICCA'S POV
"Oh sige, maniniwala ako. Sa isang kundisyon."
"Ano?" Tanong ko.
"You're going on a date with me. Right now." Sabi niya at biglang hinila ako sabay takbo kaya napatakbo ako ng di oras.
"Have fun!" Sigaw ni Calix at naaaninag ko pang kinakawayan niya kami.
END OF STORY.
_______________
YES! Sa wakas nakapag-UD na rin!
Sorry po kung ang tagal ng UD. Hindi po kasi ako sanay mag-UD ng medyo mahaba kaya natagalan.
Tsaka sorry rin po dahil sobrang PANGIT netong last chapter. Nag-maski pops nalang po ako kasi may hinahabol po akong date.
Maraming salamat po sa suporta sa storyang ito! Tapos na rin sa wakas!
WALA PO AKONG BALAK MAGLAGAY NG BOOK 2. Nakakasawa na sila Chase at Jamaicca.
Seriously, konti nalang talaga gigive-up na ako sa chapter na ito. As in nahirapan ako dito sa chapt na to. Hindi lang halata. XD
Pero maraming salamat po ulit sa mga sumuporta. Sana po hindi po kayo nag-expect ng sobra-sobra. 12 years old palang po ako kaya wala po akong ka-alam alam sa paggawa ng storya. Kaya lang naman po ako gumagawa ng stroya ay kapag wala po akong magawa.
Pero again, sana po suportahan niyo rin po ang mga susunod kong story at susubukan ko po na mas galingan pa ang mga ginagawa ko sa bawat storya na gagawin ko. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top