~Chapter 8: Kyle's Visit~
JAMAICCA'S POV
"Oh my gosh! Bakit ang small naman ng house mo, baby?"sabi ni Sabrina kay Chase habang pinagmamasdan yung bahay namin. "Look oh! Ang dami pang dust!"
"Tss.." Feeling ko asar na asar na si Chase dito sa Sabrinang to eh. Sino bang hindi maaasar? Ang arte, maldita, maarte, maldita, maarte, maldita oo nga pala, nasabi ko na bang siya ay maarte at maldita?
Lumapit naman si Sabrina kay Chase at niyakap ang braso nito. "Babe, san ako matutulog?" God! Is she seducing Chase?
Aaminin ko, masakit sa mata pag nakikita ko sila ng ganto. Pero hindi ako nagseselos ah. Ako? Selos? Wag na lang, sayang ganda ko.
"Stay away from me, sa guest room ka matutulog." Lumapit naman siya sakin at tumabi. Nandito kasi ako sa living room, nanonood ng tv.
"Babe, bat ka naman ganto sa fiance mo? Bahala ka, magtatampo ako sayo."
"I dont care." Saad ni Chase. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nakikita ko siya na tumingin sakin sa peripheral vision ko.
Pagtingin ko sa kanya, mukhang nagulat siya at umiwas ng tingin. Weirdo.
"Uhmm... Gusto mo ng.. Popcorn?" Alok niya sakin. Lumapit naman samin si Sabrina at gumitna siya samin. "Babe, ako gusto ko."
"Hindi kita tinatanong, si Jamaicca tinatanong ko."
BASAG! XD
"Pfft.."pagpipigil ko ng tawa. Pahiya ka noh?
Napansin ko naman na palihim siyang umirap sakin. Plastik talaga.
Mga ilang minuto rin kaming tahimik ni Chase. Ang maingay dito si Sabrina. Kung ano-ano ang nginangawa, nakairita amp!
"Babe, lipat mo yung palabas please? Ang boring eh." Pero hindi siya pinansin ni Chase.
"Jamaicca, hindi ka pa ba pupunta sa kwarto mo?" Parang iritang-irita siya pag nandito ako. Parang nahiya naman ako.
"Sige aakyat na ako." Paalam ko sabay akyat sa hagdan.
Pagpasok ko sa kuwarto ko, humiga agad ako sa napakalambot kong kama. Hay..
1 new message..
From: Chase
One week lang siya dito, pagtiisan mo na.
Sana lang kaya ko siyang tiisin.
Makapag-FB na nga lang.
57 friend requests, 273 notifications, 22 messages.
Hala? Kaka-open ko lang nito kahapon ah?
Well, ganun talaga pag famous. XD
inuna ko yung messages ko at nakita ko yung message sa kin ni Cassandra 1 day ago.
'Kamusta date niyo ni Chase?'
'Date? Anong date?'
Agad naman siyang nag-reply. Aba online ang bruha.
'Yung deal niyo sa battlefield, remember?'
Loading...
Loading...
Loading...
"Ay sh*t ka!" Napamura ako. Oo nga pala! Nakalimutan ko yun ah? Ano kaya naging reaksyon ni Chase?
Siguro kaya siya nagalit sakin kahapon dahil nakalimutan ko na nga yung deal namin, nakita niya pa kami ni Alex na naghahalikan.
Kailangan kong mag-sorry sa kanya.
Agad naman akong bumaba papuntang living room para tingnan kung nandun pa siya. Pero wala na siya at wala na rin si Sabrina. San kaya sila nagpunta?
Hinanap ko siya sa labas ng bahay pero wala, sa banyo wala, sa kitchen wala. Teka, baka nasa kuwarto lang siya.
Umakyat naman agad ako papunta sa kuwarto ni Chase.
Pagpasok ko dun, nakita ko si Samantha na kinukulit si Chase in a sweet way. Sa tingin ko, next time nalang ako mag-sosorry... Nakaka-abala ata ako sa kanila eh.
Bumalik nalang ulit ako sa kuwarto para makapag-FB.
Habang nagso-scroll ako ng mga messages sakin ng friends ko, nakita ko yung pangalan ni Kyle.
^____^
'Hi Jam! Nood tayo ng movie ngayon, you want?' Nagninging naman ang mga mata to. OMO! Sakto, wala akong gagawin ngayon.
'Ok ok! Punta ka dito now na, bigay ko sayo yung address. Dala ka pizza ah.'
'Ok!'
*********
Bigla namang may kumatok sa front door. Si Kyle na siguro yan. Ang bagal niya ah, mga 30 minutes pa siyang nakapunta dito.
Pagbukas ko ng pinto, tama nga hinala ko. Siya.
Nanlaki namna ang mata ko nang makita ko ang 4 na box ng pizza na dala niya. Dami! *o*
"Yay! Your here!" Sabi ko habang pumapalakpak at tumatalon.
"Isip bata." Medyo natatawa siya. Ginulo niya buhok ko.
Kinuha ko agad yung 4 na box ng pizza sa kanya at inilagay sa kuwarto ko.
Excited na ako! Sa pizza. XD
Pagpasok niya sa kuwarto ko, sumunod na din siya. Ako naman lumapit agad ako sa mga cd at pumili na ng movie.
"Anong gusto mong palabas Kai?"
"Ikaw bahala.."
"Train to busan!"
"Akala ko romantic movie ang pipiliin mo."
"Ayaw mo? Okay lang.."
"Hindi sige! Train to Busan, hindi ko pa napapanood yun eh. Hehe."
Isinalang ko na agad yung cd ng train to busan at umupo na kami ni Kyle sa sofa. Pero hindi pa nagsisimula yung palabas. Dumating sina Chase at Sabrina.
"Hi! Can we join in?" Makapal na mukhang saad ni Sabrina.
Ayoko sana silang isali pero pumayag na din ako.
Hinila naman agad ni Sabrina si Chase papunta sa sofa kung saan nandun kami at umupo.
"Anong movie?" Sabi ni Sabrina
"Train to busan." Sabi naman ni Kyle. Kung napapansin niyo na hindi nagpapakilala si Kyle kay Sabrina, masungit kasi yang si Kyle. Hindi talaga nakiipag-kaibigan.
"I dont want! I want romantic movies." Ang kapal amp! Nakikinood na nga lang eh.
"Shut up, Sabrina. Nakikinood ka lang. Wak kang mag-inarte hindi ka maganda." Cold na sabi ni Chase. Buti nga bleh! Basag ka nanaman epal ka kasi eh! XD
"Whatever."
KYLE'S POV
first time mag pov ah. Haha
"Whatever." Sino ba tong babaeng to? Akala ko kung makapag-inarte, siya ang may-ari ng bahay eh.
Tumignin ako kay Chase at ngumisi. Kanina ko pa napapansin na ang sama ng tingin nya sakin. Panigurado nagseselos ang g*go.
Well, sinadya ko naman na pumunta dito para pagselosin si Chase. Revenge time!
Kinuha ko yung isang box ng pizza at binuksan ito. "Jam, you want?"
Yung kaninang nakasimangot na mukha niya, ay biglang sumigla. Kumuha siya ng isang slice at ginawang parang toilet paper. Kumbaga ni-roll niya. Ganyan yan kumain ng pizza.
Palihim naman akong ngumiti. Oo gusto kong pagselosin si Chase. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ang sweet ko kay Jam.
Alam niyo naman na siguro na gusto ko siya diba? Kaya gusto ko rin tong ginagawa ko.
Dati pa kami mag-bestfriend, dati ko pa rin siyang nagustuhan. Kaso nababakla akong sabihin sa kanya dahil baka pag sinabi ko sa kanya iwasan niya ako. Nauna niya akong nakilala kesa kay Chase pero mas naunang niyang mahalin si Chase.
Nagtampo ako sa kanya nun kaya pinalabas ko na pumunta akong New York. Hindi naman talaga ako pumunta, nagtampo ako kaya nagtago ako. Dun na nagsimula ang pagiging gangster ko, dun na rin ako nagkaroon ng grupo.
Kaya ako naging gangster ay dahil na rin kay Jamaicca. Nabalitaan kong gangster si Chase kaya sumali ako.
Pero nung nakita ko kagabi si Jamaicca, parang nawala ang tampo ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin.
"Yuuuuuuuck!" Sigaw ni Sabrina habang pinapanood yung train to busan. Ang arte naman neto, konting dugo lang nag-iinarte na. Si Jamaicca naman
"Tss."
**********
JAMAICCA'S POV
Salamat sa movie at pizza Kai." Sabi ko. Paalis na kasi si Kai eh. Ang bilis nga eh.
"Wala yun. Basta tawagan mo lang ako. Im only one call away, ill be there to save the day, superman got nothing on-aray!" Napasigaw siya nung binatukan ko siya ng malakas. Kumanta ba naman..
"Wag ka ng kumanta, maabutan ka pa ng ulan pag-uwi mo." Sabi ko sabay tawa. Napa-pout nalang siya. Kahit kailan talaga ang sarap niyang inisin.
Napansin ko namang napatingin siya sa likod ko kaya lumingon ako at tiningnan kung ano yung tinitingnan niya.
Paglingon ko, nakita ko si Chase ang sama ng tingin samin. Nung nakita niya na nakatingin ako sa kanya, umiwas agad siya ng tingin at pumuntang living room. Anong meron dun?
"Jealous." Bulong ni Kyle sa sarili niya pero narinig ko yun. Jealous? Whos jealous?
"Oh sige na, alis nako. Kita nalang tayo sa school." Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Sa school? Alam mo ba kung san school ko?"
"Oo, dun din ako nag-aaral." Nanlaki naman mata ko sabay hampas sa balikat niya.
"Bat di mo sinasabi sakin? Ang bad mo talaga!"
"Bakit tinatanong mo ba?"
"Aish, Umalis ka na nga! I hate you."
"I love you."
"Leche! Alis! Shoo shoo!" Umalis naman siya habang tumatawa parin.
"Chase baby! Date tayo!" Rinig kong sigaw ni Sabrina. Napatingin ako sa kanila.
"Ayoko." Cold na sabi ni Chase.
"Ay nako, utos ng daddy mo yun or should i say daddy natin kaya sa ayaw or sa gusto mo, were going on a date right now." Napaka-awkward ng situation ko dito. Parang third wheel lang ako.
Napatingin naman sakin si Chase."Sa isang kunsiyon." Sabi ni Chase habang nakatingin parin sakin.
"Anything babe."
"Sama natin si Jamaicca." Nanlaki mata ko. Ako? Epal talaga! Nang-aasar ba siya? Napatingin sakin si Sabrina na halatang galit na galit.
"What?! Pano naging date yun kung kasama siya?" Tinuro-turo pa ako. Bastos.
"Deal or no deal." Sabi ni Chase
"Chas-"
"DEAL OR NO DEAL?"
"Aish fine, deal!" Tumingin ulit sakin si Sabrina at inirapan ako.
________________________
Helloooooo!
Dahil po weekend ngayon, nakapag-UD! Woohoo!
Oo nga pi pala, happy 200 reads! Asenso tayo ah? XD
Abangan niyo rin po yung second story ko, ang title ay 'Laro Tayo! Taguan ng Feelings!' Maganda po promise pero prologue palang po nagagawa ko kaya stay tuned nalang po kayo para dun!
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top