~Chapter 40: Pain~
CHASE'S POV
"Jamaicca kumapit ka lang, konting oras nalang wag kang bibitaw." Sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Nandito na kami sa ospital at papunta na kami sa emergency room.
Kahit gaano kabilis yung pagtulak sa kaniya ng mga nurse, pinipilit ko paring hawakan ang kamay niya habang nasa likod ko ang iba.
Papasok na sana kami sa emergency room nang biglang humarang yung isang nurse.
"Sir, bawal po kayo pumasok." Saad niya. Napaupo nalang ako sa ding ding habang yung kamay ko ay nasa mukha ko. Gusto kong umiyak. Dahil sakin kaya siya nagka-ganyan.
"Anong nangyare kay Jamaicca?" Napalingon kami sa nagsalita. Si daddy.
Kinausap nalang siya nina Cris at Cross. Ako, dumiretso ako sa labas. Kailangan ko ng hangin.
Paglabas ko, walang tao. Umupo ako sa sahig ay ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko. Doon ko nilabas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Please, Jamaicca lumaban ka.
CASSANDRA'S POV
"Nasan si Jamaicca?" Napalingon silang lahat sakin. Hingal na hingal ako. Itinakbo ko kasi yung ospital mula bahay.
Lumapit sakin si Alex.
"Nasa emergency room. Malapit na daw siyang ilipat sa isang kwarto. Dont worry, alam kong mabubuhay siya."
"Ano ba kasing nangyari?"
"Isinalo niya yung bala na dapat tatama kay Chase." Nakunot noo ko. Ah, so si Chase pala ang may kasalanan? Dahil sa kanya nag-aagaw buhay ang best friend ko?
"Nasan si Chase?"
"Anong gagawin mo?" Tanong niya.
"Nasan si Chase?!" Napasigaw ako. Lumapit naman sakin si Calix at siya kumausap sakin
"Look, Cassandra. Hindi kasalanan ni Chase na humarang si Jamaicca ka-"
"Ah.. So parang sinasabi mo na kasalanan pa ni Jamaicca na hinarang niya sarili niya para kay Chase?" Nanlaki ang mga mata niya at sasagot pa sana pero inunahan ko na siya. "Napaka-duwag niya! Biruin mo? Imbes na protektahan niya si Jamaicca, si Jamaicca pa ang pumrotekta sa kanya! Ang hina-hina niya! Imbes na ligtas si Jamaicca sa kanya, siya pa ang nagpapahamak kay Jamaicca!" Tumulo na ang mga luha ko. Ayokong mawalan ng bestfriend.. Shes all ive got. I cant lose her now.
Lumapit sakin si Zane at nagulat ako nang bigla niay akong yakapin ng mahigpit. I really need this. Kahit sino pa tong yumayakap sakin, kailangan ko to.
Kaya tumugon ako sa yakap. Kung mahigpit ang yakap niya sakin, mas hinigpitan ko yung akin. Hindi ako makapaniwala na si Zane pa ang gumawa nito. Si Zane na makulit at mapang-asar.
"Anong nangyayari dito?" Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko. Si Jaxx.
May dala siyang pagkain. Nakatingin samin ni Zane na magkayakap. Bigla naman akong kumalas at pinunasan ang mga luha ko.
Pero mas lalo akong nagulat na yung kaninang gulat sa mukha niya, napalitan ng expressionless face.
Wag mong sabihing...
"Pare.." Nilapitan siya ni Zane pero umalis lang siya. "Ano nanaman ba ang iniisip ng g*gong yun?" Rinig kong bulong niya sa sarili niya. Pareho pala kami ng iniisip.
Akmang pupuntahan niya si Jaxx pero pinigilan ko siya. "Ako na kakausap." Sabi ko. Tumango lang siya sakin kaya dumiretso na ako para hanapin si Jaxx.
Jusko, ang laki-laki netong ospital na ito. San ko kaya siya mahahanap?
Akala ko mahirap siyang hanapin, pero nandito lang pala siya sa rooftop.
Walang tao dito, kaming dalawa lang. Nakatingin siya sa view ng rooftop habang ako tinitingnan yung likod niya.
"Jaxx.." Tawag ko. Lumingon siya sakin na blangko ang expression.
"Umalis lang ako sandali tapos makikita ko nang may kasama kang iba? Wow ha." Cold niya sabi sakin. Grabe nilamig ako dun ah.
Lumpit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Jaxx, wag ka nang magselos. Ka-"
"Ako? Nagseselos? Hahahaha. Ang taas naman yata ng tingin mo sa sarili mo. Ako na si Jaxx _____ magseselos sa isang katulad mo? Girlfriend lang kita, kayang-kaya kitang palitan. Kahit na sino, kahit na ilan." Nang sabihin niya yun hindi ko na napigilan sarili ko na sampalin siya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Isa sa mga babae niya lang pala ang tignin niya sakin.
Nang tumignin siya sakin, halata sa mukha niya na nagulat siya. Siguro nagulat siya nang makita akong umiiyak.
"Bago ka magsalita ng ganyan, dapat pinag-explain mo muna ako. Pangalawa, hindi naman masama ang magselos. Kung hindi ka nagseselos, eh di dapat sinabi mo nalang na hindi ka nagseselos. Hindi yung kailangan mo pang magsalita ng masama. At panghuli, kung isa sa mga babae mo lang pala ang tingin mo sakin, eh di sana hindi mo nalang ako ginawang girlfriend." Sambit ko na ikinatigil niya.
"Cassandra! Jaxx!" Napalingon kami sa sumigaw. Si Calix. "Si Jamaicca!" Na-alerto agad kami nang marinig ang pangalan ni Jamaicca. Anong nangyari sa bestfriend ko.
Sinundan lang namin si Calix kung saan siya pupunta at nagtaka ko ng pumasok siya sa isang kuwarto. Nilipat na si Jamaicca?
Pagpasok namin sa kwartong yun, kinabahan ako sa narinig kong tunog.
Eto... Eto yung tunog kapag wala nang buhay yung tao ah.
Tapos may nakita akong parang computer or TV. Straight horizontal line lang ang nakikita ko.
"Clear." Napatingin ako sa mga nurses at doctor na nakapalibot sa pasyente.
Jamaicca...
Kung kaninang sakit na sinabi sakin ni Jaxx, mas lalong dumoble ngayon.
Paulit-ulit nilang kinukuryente ang katawan ng pasyente na sigurado akong si Jamaicca pero walang nangyayari.
Mas lalong sumakit ang puso ko nang sumuko na ang mga nurse at doctor sa pag-revive kay Jamaicca.
"Were sorry, ginawa na po namin ang lahat para mabuhay siya."
_______________
Yung next chapter neto last chap na. Stay tuned.
Please don't forget to vote and comment. Sorry po natagalan yung UD.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top