~Chapter 4: Deal~

JAMAICCA'S POV
"Sir, eh kakatapos ko lang pong lumaban. Bugbog pa po katawan ko. Pwede po ba next round na lang po kami?" Reklamo ko, hindi naman talaga ganun kasakit yung katawan ko, ayoko lang na makalaban ang sarili kong kuya. Umiiwas lang ako. Pero may mga bagay talaga na kahit anong gawin mo hindi mo kayang iwasan. XD

"Wala akong sinasabi na bawal ang ganun, Miss De Vega. Kaya pumasok ka na sa ring kung ayaw mong i-zero kita dito."

Pumasok nalang rin ako sa ring. Hmp, Shunget! Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit isinusugal ko ang buhay ko para lang sa lecheng grades na yan eh. And besides, i dont find this educational.

Pagpasok ko sa ring, sumunod agad sakin si Chase. Hindi ko alam kung sino yung chini-cheer ng mga estudyante ako ba o si Chase eh. Si Chase siguro, asa pa ako!

Nakangisi lang si Chase sakin. Ghad! Nang-iinis pa talaga siya ah.

*piiit*

Naghanda ako sa anumang mangyayari pero nakatayo parin siya at walang ginagawa. Pero hindi ako nagpaloko. Nag-aabang lang ako sa anuman ang gagawin niya.

Pero wala talaga eh.

Pinagbubulungan na kami dito ng mga estudyante. Pati yung professor namin nagtataka din.

"Hoy, bakit ayaw mong lumaban?" Maangas kong tanong.

"Lets make a deal."

"Deal? Anong pautot yan?"

"Pag ako nanalo dito sa battle na to, magda-date tayo." Sabi niya. Ok?

"Pano pag ako nanalo?" Tanong ko. As if naman. XD

"I will be your slave for 1 week."

Hindi ko alam kung bakit pero nagningning yung mata ko nang sinabi niya yun. Alam ko namang hindi ako mananalo pero kung manalo man ako, magiging slave ko siya. Exciting yun!

Pero alam imposible naman na matalo ko siya pero bakit hindi ko subukan? Wala namang mawawala sakin eh.

Lumapit siya sakin. Dahilan para mapaatras ako at iniyukom ang kamay. Pero siya tuloy parin ng tuloy. Ako paatras parin ng paatras hanggang sa umabot ako sa linya. Naku hindi pwede! Kapag lumagpas ako sa linyang to, automatic out na ako.

Nang makalapit na siya, ihinarang ko nalang ang mga braso ko kung sakaling may gawin siya. Hinintay ko kung ano yung gagawin niya.

.
.
.
.
.
.
.
Eh?

Napatingin ako kay Chase, inaabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands.

Epic. XD

Nag-aalangan pa akong abutin yung kamay niya dahil baka hilahin niya ako bigla at itulak sa linya pero inabot ko nalang rin.

Wala pang 5 seconds binawi ko agad yung kamay ko at umatras. Parang sinasabi ko na umpisahan na yung battle.

Kinilabutan ako nang nakita ko siyang nag-evil smile.

Ang bilis magbago ng expression niya.

Nagulat ako nang bigla niya akong sugudin dahilan para mapatakbo ako.

So, naghahabulan kami dito sa loob ng ring. Napapansin ko yung mga kaklase namin dito nagbubulungan na. Narinig ko naman na sumisigaw yung fangirls ni Chase. Siya na may fangirls.

Sa huli, nahabol niya ako. Sinipa ko siya sa pagkalalaki niya. Napaluhod naman siya sa sakit. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at sinuntok ko yung mukha niya ng sobrang lakas. Pumutok yung labi niya. Sisipain ko sana ulit siya pero nahawakan niya yung paa ko tapos bigla siyang tumayo.

Sinubukan kong hilahin yung paa ko pero malakas siya kaya mahirap. Lumapit siya sakin habang hawak parin yung paa ko. Ako naman naa-out of balance na.

Hinila niya bigla yung paa ko papunta sa kanya kaya syempre pati ako nahila na rin. Ni-wrap niya yung legs ko sa waist niya. Eh?

Lumapit naman siya sakin kaya napapa-atras ako. Ang nakaka-asar lang ay nakangisi siya. Halata na nang-aasar talaga siya. Sarap sapakin sa mukha argh!

Napansin kong nasa likod ko na yung line. Naku! Hindi pwede! Kapag lumagpas ako dun talo ako.

Paglingon ko kay chase bigla nalang niya akong dinambahan kaya pareho kaming nahulog at lumagpas sa linya at siya yung nasa itaas.

AKWARD...

Pinagtitinginan na kami dito ng mga kaklase namin. Parang iba na yung iniisip nila samin at napansin na yun ni Chase.

"Ikaw talaga bunso, ang sweet mo sakin." Tumayo siya at inabot niya yung kamay niya para makatayo rin ako. "Tulungan na kita bunso." Inabot ko nalang rin. Wahaha, ang panget niyang umakting XD

Buti naman at nakakapansin siya na parang nagdududa na yung mga kaklase namin samin.

"Chase De Vega, 6. Ang lame ng laro niyo." Reklamo ni prof. Wow. Best professor ever.

Wala pa akong panalo huhu..

"Aicca!"

"Ay bakla!" Nakakagulat naman tong si Chase oh. "Bat kailangan mong manggulat?!" Sigaw ko.

"Eh gusto ko manggulat eh. At sino yung sinasabihan mo ng bakla? Ako? Sa gwapo kong to?" Woooo! Ipo-ipo.

"Woo! Ang hangin, muntik na akong tangayin." Sabi ko.

Tumawa siya ng mahina. "Mamaya, 6:30 pm, sa park." Sabay alis. Teka, bat siya aalis eh hindi pa tapos yung klase.

*kriiiing* (tunog ng bell XD)

Ang galing ah, manghuhula ba siya. Saktong sakto pag-alis niya nag-ring yung bell eh.

"Ok class, itutuloy natin to bukas. tapos sa wednesday naman, yung mga panalo ng first round yung maglalaban-laban. Class dismissed."

'Yes!'
'Party, party!'
'Kaya gusto kong mag-aral dito eh, half day lang yung klase.'

Teka, half day lang klase dito?

"Huy!"

"Ay bakla!" Isa pa tong si Cassandra, nanggugulat. "Hanubayan, Cassandra."

"Hehe, sorry. Ano, tara na sabay na tayong mag-lunch."

"Sure." Tapos pumunta na kaming canteen.

Ang daming katanungan ang nasa-isip ko ngayon. Kaya ibubuhos ko yun kay Cassanda. XD

"Cassandra, half day lang klase dito?"

"Ah, oo. Astig noh? Ewas ko nga eh pero eto lang ang alam kong eskwelahan na half day lang."

"Napansin kong may fangirls agad si kuya dito sa school, eh diba first day palang? Sikat ba si kuya?" Tanong ko.

"Huh? Sinong kuya?" Epic. XD oo nga pala, hindi niya pa alam na kuya ko si Chase.

"Si Chase nga pala, yung kuya ko." Nanlaki mata niya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Parang nakakita ng multo.

"Kuya mo si Chase?! As in, yung leader ng JCAZC?"

"JC- ano ulit?"

"JCAZC. Pinaka-malakas na grupo ng gangsters dito sa eskwelahang to. Kaya pala kanina parang sobrang close kayo. Magkapatid kayo. Tsaka, sigurado ka bang kapatid mo siya? As far as i know wala siyang kapatid." Natawa naman ako. Hindi talaga siya maniwala na kapatid ko si Chase. Kahit ako rin naman nung umpisa eh.

"Actually stepsister niya ako. Kakakasal lang ng magulang namin." Sabi ko.

"Ahh..."

"So, matagal nang nag-aaral dito si Chase?"

"Oo naman, since grade 1 dito na siya nag-aaral. Yung tito niya kasi ang may ari ng eskwelahang ito. Eh yung tito naman niya walang anak kaya soon, mapupunta na tong eskwelahang to sa kanya. Agn galing nga eh, ganun ganun nalang ibigay ng tito niya yung eskwelahan sa kanya. Mayaman kasi eh."

"Teka, bakit pala yun ang pangalan ng grupo nila?"

"Ah yung JCAZC? Pinag-sama samang pangalan yun ng miyembro ng grupo nila. J for Jaxx, C for Calix, A for Alex, Z for Zane at C for Chase." May grupo pala siya? At matagal na pala siyang nag-aaral dito. Madami pala akong hindi alam tungkol kay Chase. Maganda na rin pala at nag-hiwalay kami.

"Corny.." Bulong ko sa sarili ko. Bigla namang tumawa si Cassandra. Narinig niya kaya yun?

'Nanjan na yung JCAZC!" Sigaw ng babae.

Biglang nagsi-tilian yung mga babae at tumakbo papunta sa entrance ng canteen.

"Tara!" Sigaw ni Cassandra tapos bigla niya akong hinila.

Nang nasa unahan na ako, kitang-kita ko na sila.

Wafu wafuu!

Alam ko na kung bakit hindi pinapakilala sakin ni Chase yung kabarkada niya. Baka ma-inlove kasi sila sakin kaya tinatago ako ni Chase para sakanya lang ako. XD

ANG FEELING MO JAMAICCA!

Nang pumasok yung lima sa canteen, ang sakit sa tenga ng tilian ng mga babae.

Umupo yung grupo ni Chase sa table na may nakalagay na 'JCAZC only' Tss.. Pa-VIP naman sila. Mga estudyante lang rin naman sila dito ah!

"Nakikita mo yang lalakeng yan? Yan si Jaxx Gonzales, Pinaka-playboy sa kanila. Halos lahat ng mga estudyante dito gusto siya maka-fling pero ayaw niya makipag-fling sa mga babaeng ka-schoolmate niya." Sabay turo sa lalaking nasa kaliwa. Ang angelic ng face niya. Siguro kung hindi sinabi sakin ni Cassandra na bad boy siya, hindi ko mapagka-kamalan. Sobrang cute niya din, sa tingin ko, siya ang pinaka-cute sa grupo nila.

"Bakit naman ayaw niya?"

"Baka daw kasi ipagmayabang ng mga babae dito na naging boyfriend nila siya." Ang hangin din neto. Porket gwapo. Ang feeling talaga amp!

"Siya naman si Calix Villafuente, ang pinaka-goodboy sa kanila.  Well lahat naman sila bad boy pero sa kanilang lima, siya na ang pinaka-good boy." Tinuro naman niya yung nasa kanan. Halata naman na good boy siya dahil nginingitian naman niya yung mga babae na nasasalubong niya.

"Siya naman si Alex Castro, The mysterious one. May pagka-weird siya kung umasta. Pero kahit na weird siya marami paring nagkaka-gusto sa kanya. Ang JCAZC ay playboys. Siya lang hindi. Siya ang pinaka-bestfriend ni Chase sa kanilang apat." Tinuro niya yung nasa likod. Ang goth niya kung manamit. Tapos sa bandang ilalim ng mata niya, may parang black eyeliner na nakalagay. Bakla ba siya? Bakit siya naka-make up?

"Nakikita mo ba yung katabi ni Chase na yun? Yan naman si Zane Bartolome. The hyper one. Sobrang kulit niya. Para bang sirang plaka. Napaka-childish pa. Pero kung magalit yan mas nakakatakot pa kay Chase. Kaya, mag-ingat ka sa kanila kahit na step-brother mo pa ang leader. Maniwala ka man o hindi, pinsan ko sya." As if naman matatakot ak- wait, what??

"Pinsan mo siya?!" Tumango lang siya. Hindi ko aakalain na may pinsan siya diyan. Well hindi naman ako nagtataka dahil maganda at gwapo naman sila pareho pero... Aish! Basta.

"At last but not the least, kilala mo na siya pero ipapakilala ko parin. Chase De Vega. Leader ng JCAZC. Siya ang pinaka-malakas at pinaka-magaling sa bakbakan. Siya rin ang pinaka-gwapo at pinaka-sikat. Halos lahat ng mga estudyante dito patay na patay diyan. At isa na ako dun. Kahit mapa-lalaki nagkakagusto diyan. Kaya nga nakaka-inggit ka eh. Kahit stepbrother mo siya at hindi mo siya kaano-ano. Nakatira kayo sa iisang bahay." Natawa naman ako. Hay, sana Cassandra ikaw nalang ang stepbrother ni Chase. Para hindi na ako makipag-break sa kanya.l

Napatingin ako sa JCAZC, nagulat ako nang bigla kong nakita si Chase na nakating- i mean, nakatitig sakin. Naku Chase wag kang tumitig, kinikilig ako.XD

Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa direksyon ko. Bigla naman niyang hinawakan ang wrist ko at hinila ako sa table nila. Yung mga estudyante nakatingin samin pati yung mga miyembro ng JCAZC.

"Kilala niyo na siguro siya. Jamaicca, girlfriend ko." Sabi niya sa miyembro ng JCAZC sabay akbay sakin. Ngumisi naman yung apat na miyembro sakin. Naririnig ko rin na nagbubulungan yung mga estudyante. Siniko ko yung tagiliran niya at inalis yung braso niya sa pagkaka-akbay niya sakin.

"Ahmm.. Stepbrother ko siya. Hindi boyfriend." Depensa ko at sinamaan ko siya ng tingin. Baka kung ano pa sabihin ng mga estudyante dito. Hearthrob pa naman to.

"Teka, bat ba ako nadito? Ano bang kailangan niyo sakin? Naiwan ko tuloy si Cassandra." Sabi ko habang hinahanap si Cassandra.

"Sa ayaw at sa gusto mo dito ka sasabay mag-lunch." Cold na sabi niya.

"Hoy, step-brother kita at hindi tatay kaya bat naman ako susunod sayo?" Pagmamatigas ko. I heard everyone gasped. Except yung JCAZC. Bat kaya sila hindi nagulat? Siguro dahil kaibigan ni Chase to. Pero alam na kaya nila na naging kami ni Chase. Baka kasi nai-kuwento ni Chase sa kanila eh. Natatakot tuloy ako.

Teka, bat naman ako matatakot? Eh ano ngayon kung malaman nila? Psh.. Stupid Aicca!

"G*go ka Chase! Bat mo ginawang stepsister ang girl-ARAY!" Sigaw ni Zane. Sikuhin ka ba naman ni Chase ng malakas sa tagiliran sino hindi masasaktan dun?

"Pero pare, ang ganda at ang sexy ng STEPSISTER mo ah." Sabi naman ni Jaxx ba yun? At diniinan niya yung salitang 'stepsister' ang weird ah...

"G*go. Wag mong manyakin kapatid ko."

"Wow, Protective STEPBROTHER. Haha" asar ni Calix.

"SHUT UP!" Sigaw ni Chase.

"Hi Chase!" Napalingon kami sa nagsalita. Isang babae, at sobrang ganda niya. Sobrang sexy, sobrang hot. At malaki yung ANO niya. huhu kakainggit. XD

Lumapit siya kay Chase at kumapit siya sa braso niya na parang boyfriend niya si Chase. Teka, napaisip ako dun ah. Boyfriend ba niya si Chase?

Hindi ko alam pero biglang kumulo yung dugo ko nung lumapit siya kay Chase. Ang landi niya, oo maganda siya, sexy at hot pero... Ang landi niya.

Napansin naman niya ako kaya tinarayan niya ako at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaka-intimidate siya.

Bigla namang nanlaki yung mata niya. "Oh my gee..." Lumapit siya sakin at tinitingnan niya ng mabuti yung mukha ko.

"Diba ikaw yung bitch na ex girlfriend ni Chase dati? Stepsister ka na pala niya..." Nagulat lahat ng mga estudyante. Pinagpawisan naman ako. Sh*t! Ang alam nila samin ni Chase ay magkapatid kami. Ibubuking ba talaga niya ako? Kaya ko nga itinatago para walang gulo eh!

TO BE CONTINUED..

________________
Hello!
Sorry po medyo natagalan mag-UD. Tinamad po ako eh. XD (ang babaw ng dahilan.) hindi po, grounded po ako for 1 week eh.

Ok lang po ba yung UD ko? I-eedit ko pa po yan, intay lang.

Yun lang po XD

BYE!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top