~Chapter 39: Sacrifice?~

JAMAICCA'S POV
"Psst, bunso.."

"Bunso." Naalimpungatan ako. Ano ba yan inaantok pa ako eh.

Pagdilat ko...

Teka, nasan nanaman ako?!

Katabi ko si Cross. Parehong nakatali yung mga kamay at paa namin sa isang upuan. Pero ang pagkaiba lang, iba nanaman yung lugar. Hindi ito yung abandunadong lugar na pinagtaguan namin. Para siyang isang ospital. Halatang abandunado rin. Pero mas nakakatakot dahil may mga dugo sa pader. Parang lugar ito ng pinagpaslangan. Parang slaughter house.

"Asan tayo?"

"Mamaya ko na i-eexplain sayo. Sa ngayon, mag-back to back tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano?"

"Back to back." Sumunod naman agad ako kahit wala akong alam sa pinagsasabi niya.

Naramdaman ko nalang na parang may ginagalaw siya sa kamay ko.

"A-anong-"

"Shh... Kinakalas ko yung tali mo." Nanahimik nalang ako. Ayokong mag-ingay dahil may mga naririnig akong mga usapan sa labas. Siguro mga tauhan yun ni Daisy. Teka, nasan nga ba si Daisy?

Bigla namang lumuwag yung kamay ko. Nakalas niya na yung tali sa kamay ko.

"Salamat." Pagkasabi ko nun, dumiretso ako sa paa ko para ikalas ito.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" Ay, oo nga pala. Siya pa. Sakto naman at nakalas na ang tali sa mga paa ko kaya dumiretso ako sa kanya.

Agad-agad ko yung kinalas at saktong pagkalas ko ng kamay niya, may narinig kami mula sa labas.

"Ma'am nakuha na po namin sila."

"Isama niyo siya sa dalawa." Bigla naman akong nataranta. Naku, pano pag nalaman nilang nakalas namin yung tali? Alam naming kahit gaano kami kalakas, marami parin sila kaya wala kaming laban.

"Play dead."

"Huh?" Play dead? Ano ako aso? Ginawa akong aso.

"Magpanggap ka na nakatali parin yung kamay mo." Tumango lang ako. Ipinagdikit ko yung mga kamay at paa ko na kunwaring nakatali parin. Nagpanggap na rin akong walang malay at ganun din ang ginawa ni kuya Cross. Sakto naman at narinig naming bumukas yung pintuan.

"Ipasok niya yan." Rinig kong pagkakasabi ng isang lalaki at kasabay nun ang pagbalibag ng bagay na hindi ko malaman.

"Oww.." Nagulat nalang ako na hindi pala bagay yun kundi tao! Gusto ko man maidilat ang mga mata ko, hindi ko magawa dahil bakka mabuking ako.

Mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ang boses n yun. Pamilyar. Hindi kaya...

"Yan ang napapala niyo sa pagiging pakielamero." Babae yung boses at alam na alam ko kung kanino yun. That b*tch!

"Saan mo dinala si Chase g*go ka!" Tama nga ang hinala ko. Si kuya Cris to. Napansin ko ring gumalaw ng konti si kuya Cross nang malaman na kambal niya pala yung nahuli.

Maya-maya may narinig nanaman kaming apat na kalabog. Alam namin na tao yung may gawa ng kalabog na yun pero hindi namin alam kung sino.

"Syempre sa special room siya. Special siya sakin eh." F*ck you b*tch! Simula pa lang akin na siya!

Nang marinig naming sunara yung pinto, agad kaming dumilat ni kuya Cross at tumingin kami kina kuya Cris.

Nandito sila kuya Cris, Alex, Zane, Calix, Chase na nakakairita at Kyle. Nakatali yung mga paa at kamay nila at nakahiga lang sila sa sahig. Nagulat sila nang malamang nagtutulog-tulogan alng kami. Hindi na kami nagsayang ng oras at tsaka kinalas ang mga tali na nasa kamay at paa nila.

"Bat wala kayong tali? Hindi kayo tinalian?" Tanong ni Calix.

"Teamwork." Tipid na sagot ko.

Nang makalas na ang mga tali nila sa paa, kinalas narin nila yng sa mga paa nila.

"Nasan si Chase?"

"Sa special room daw. Hindi namin alam kung saan yun."

"Halika na." Akmang lalabas na si Zane sa kwarto pero hinila siya pabalik ni Alex.

"What do you think youre doing?"

"Lalabas."

"Pagkatapos mong lumabas, ano na gagawin mo?" Natigilan si Zane. "Exactly."

"We need a plan." Sabi ni kuya Cross. Lumapit naman si Cris sa kanya at sinuntok siya sa balikat.

"G*go ka! Kanina ka pa namin hinahanap tapos nandito ka lang pala. Bro kung gusto mong makatakas si Cassie dito, wag kang maging makasarili. Nandito kami oh!"

"Sorry bro, ayoko lang na mag-alala kayo."

"Eh sa ginagawa mong yan mas lalo kaming nag-aalala eh!"

"Oy oy oy, mamaya na ang away. Tumakas muna tayo dito." Singit ni Calix. Para naman kasing g*go tong dalawa kong kuya eh. Nag-away sa kalagitnaan ng kidnapping.

"So ano na ang plano?" Tanong ni Zane.

"I have a perfect idea." Napatingin kaming lahat kay Alex.

DAISY'S POV
"Hey babe.." I said sweetly nang magising siya. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya habang tinitignan yung paligid. Kung yung mga barkada niya at ang b*tch na Jamaicca na yun ay nakagapos, siya hindi. Ihiniga ko lang siya sa isang kama. I would never do that to him, pwera nalang kung walang choice. Pero may dalawa naman akong tauhan ko na nagbabantay sakin kung sakali mang may gawin saking masama si Chase.

Nanlaki pa ang mata niya nang makita ako. "You! What are you doing here?" Tumingin-tingin ulit siya sa paligid. "Where am I? And where are my friends?" Instead na sagutin ko, nginitian ko lang siya. Sweet smile.

"Wala ka naman sigurong ginawang masama kay Jamaicca diba?" Nang sabihin niya yun, agad na nawala ang mga ngiti sa labi ko. Nilapitan ko siya at sinampal ng malakas.

"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan na yan sa mukha ko!" Sigaw ko sa kanya. Matagal-tagal din bago siya makasagot. At ang isinagot niya lang ay isang mahinang tawa at ngisi.

"Bitter ka?" Kumunot noo ko. "Bitter ka ba dahil kay Jamaicca?"

"Ano?"

"Bitter ka ba dahil... Hanggang ngayon ay siya parin ang mahal ko?" Nang masabi niya yun, parang may tumusok sa puso ko. Akmang sasampalin ko ulit siya pero nagsalita ulit siya.

"Bitter ka nga." Tumingin siya sakin ng seryoso. "Wag kang mag-alala. Kahit hindi ko man mahal si Jamaicca ngayon, hindi parin kita mamahalin. Pinaglaruan lang kita." Tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Ang sakit marinig yun sa sarili niyang bibig.

Pinagsususuntok ko siya sa dibdib. "Bwisit ka! Bakit mo ba ako pinahihirapan? Kahit kailan ba hindi mo talaga ang minahal? Mahal na mahal kita tapos ganito ang isusukli mo? Bwisit ka! I hate you! Bakit siya parin?! Nandito ako palagi sa tabi mo! Nilayuan ka na niya tapos siya parin ang habol mo?! Please Chase, love me!" Humagulgol na ako habang sinusuntok-suntok parin ang dibdib niya.

"Kahit kailan hindi ko minahal at hindi ko mamahalin ang isang desperadang katulad mo." Natigilan ako. Sa pag-iyak, pagsuntok. Tumigil ako.

Tumawa ako ng malakas. "Desperada? Sino? Ako? Hahaha!" Tumingin siya sakin. Tiningnan niya ako na para ba akong nakakaawa. Ang sakit.

"Youre sick."

"Yep. And its because of you. Hindi ako desperada. Sadyang nabaliw lang ako kakamahal sayo."

"Sincere kong sasabihin sayo to.." He paused for a while. "Im sorry... For.. Everything."

Tumulo ulit ang mga luha ko. "Hindi yan ang usto kong marinig sa bibig mo. Hindi sorry! I love you, i love you lang hindi mo pa masabi?! Ang daling sabihin bat hindi mo kaya?!"

"Sorry Daisy.. I'm sorry for everything." Napaupo ako sa sinabi niya. Nakakapaghina. Nawawala lahat ng lakas ko. Bat may lakas ng loob siyang sabihin sakin yan? Tama na please..

"Look Daisy, hindi ako galit sayo. Naaawa lang ako sayo. Kung nagsisisi ka man sa ginagawa mong to, you can still change your mind. Stop this. Alam kong ayaw mo rin na mangyari to." Tumawa ako sa sinabi ko. Hinila ko ang baril sa bulsa ko at itinapat yun sa kanya.

"Parehong-pareho kayo nang sinabi ni Jamaicca sakin." Kinasa ko ang baril na hawak ko. "Kung hindi ka man mapupunta sakin, mas maganda nalang kung mamatay ka na."

Pinikit ko ang mata ko bago paputukin yung baril.

Naidilat ko ang mga mata ko dahil sa sigawan at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Jamaicca? Jamaicca gumising ka please! F*ck! Tumawag kayo ng ambulansya! F*ck f*ck!" Natatarantang sabi ni Chase. Nakapatong na sa hita niya ang walang malay na si Jamaicca. Napansin ko na yung dalawa kong tauhan ay nakahandusay na sa sahig. Kusa kong nabitawan yung baril na hawak ko.

A-anong... Anong nagawa ko?

Tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig na sa takot. A-ako ba talaga ang gumawa nun?

Hindi.. Hindi ko napatay si Jamaicca.. HINDI KO NAPATAY SI JAMAICCA!

"Ja-Jamaicca?" Akmang lalapit ako sa kanya nang biglang humarang sina Calix, Zane at Alex. Tumulo mga luha ko.

N-napatay ko si Jamaicca... Deserve ko pa bang mabuhay?

Tumingin ako sa baril na nasa sahig. Kung nakapatay ako, ano pang silbi ng buhay ko?

Kung buhay ang kinuha mo, buhay din ang kapalit.

Wala sa sarili kong kinuha ang baril na nahulog ko kanina. Itinapat ko yun sa gilid ng noo ko. Tumignin ako sa kanila.

Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat.

"I-im so.. So sorry..." Pinikit ko ang mata ko bago ko paputukin yung baril.

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top