~Chapter 38: The Location~
JAMAICCA'S POV
Idinilat ko ang mga mata ko.
Black. Pitch black ang nakikita ko. Nasan ba ako?
Maya-maya biglang bumukas ang ilaw. Medyo blurry pa ang paningin ko at medyo nahihilo pa ako. Ano bang nangyare?
Nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan. Pero hindi nakatakip ang bibig ko.
Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko parin ma-identify kung nasan ako. Parang abandoned lang siya na chu chu. May mga kuwarto. Basta ang alam ko, abandoned.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa buhok ko ng sobrang higpit, hindi ko maiwasang sumigaw. "Good morning, princess." Boses babae. Very familiar. Eto yung boses ng nag-black mail sakin three years ago. At kilalang-kilala ko kung sino ang may ari ng boses na to.
"Hayop ka." Narinig ko ang tawa niya. Tawang baliw. Unti-unting luminaw ang mga paningin ko hanggang sa makita ko siya.
She really has an angelic face. Hanggang face lang.
"Hayop ako? Mas hayop ka. Inagaw mo na sakin lahat." Kumunot noo ko.
"Wala akong inaagaw sayo."
"Talaga ba? Inagaw mo sakin lahat! Sarili kong kapatid kinalaban ako dahil sabi niya bestfriend ka niya! Yung JCACZ kinaiinisan na ako ngayon dahil sayo! Tapos si Chase... Si Chase f*ck!" Sigaw niay sakin at tsaka sinabunutan ang buhok niya. Yung kilos niya... Ibang-iba na ngayon. Parang may something na siya sa utak?
May nakita akong tumulong luha galing sa mga mata niya. Umiiyak siya? I didnt do anything. Why is she crying?
"Ano bang kailangan mo sakin?" Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ako kinidnap-kidnap. Dapat nga masaya na siya at lubayan niya na ako. Nanalo siya. Nasa kanya si Chase. Hindi pa ba siya kuntento.
Hinawakan niya ang parehong pisngi ko gamit ang isang kamay niya alng. Sobrang higpit. Nararamdaman kong bumabaon ang matutulis niya kuko. Nararamdaman ko din ang unti-unting pag-agos ng dugo sa pisngi ko.
"Kailangan? Simple lang, papatayin kita." Gigil na gigil niyang sabi sakin. Marahas niyang binitawan ang pagkahawak niya sa pisngi ko. Nagdudugo ito. Sa sobrang higpit siguro ng hawak niya.
"Why do you want to kill me?"
"BECAUSE YOU RUINED EVERYTHING!" Sigaw niya.
"Wala akong sinira! Hindi ka pa ba masaya? Nasa iyo na si Chase! Ikaw ang nanalo sa labang ito. Now let me go!" Sigaw ko rin sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin sa kaliwang pisngi. Sobrang lakas, na halos namanhid na ang pisngi ko.
"Nasa akin? Never siyang naging sakin dahil sayo! Alam mo ba? Na kahit tatlong taon kang nawala, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw! Nasaktan na nga siya dahil sayo pero ikaw parin ang mahal niya!" Nakita ko nanaman ang mamasa-masa niyang mata. Umiiyak nanaman siya, at ngayon mas malala pa.
"Bat ang.. Bakit ang unfair?! Nandito ako palagi para sa kanya pero bakit ikaw parin ang hinahanap niya? Bakit... Bakit ganun?" Humagulgol na siya. Oo aaminin ko, nasasaktan ako para sa kanya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, sa tingin ko hindi ko makakaya. Masyadong masakit. Masyadong mahirap. Masyadong komplikado.
"Sa tingin mo masusulosyonan ang problema mong yan kung papatayin mo ako?" Kalmadong sambit ko. Agad namaing siya tumigil sa pag-iyak at halatang natigilan sa sinabi ko.
"O-oo, mas ma-maganda kung wala ka sa piling ni Chase!" Sambit niya.
"Ano namang mangyayari kung mawala ako? Do you think pag nawala ako mawawala rin ang feelings ni Chase para sakin? Sa tingin mo ganun-ganun lang yun?" Nabigla siya sa sinabi ko. Ghad shes so stupid!
"Manahimik ka!" Nagulat ako nang bigla siyang magtapat ng baril sa akin.
"A-atleast mababawasan yung s-sakit na nararamdaman ko! At sa tingin mo wala nang karapatang magmahal si Chase ng iba kung sakaling mawala ka? Mamahalin niya rin ako, tandaan mo yan!" Dahilan niya. Umiling-iling lang ako. Baliw na siya. Baliw na siya sa pagmamahal ni Chase. Teka, minahal ba talaga siya ni Chase?
"Daisy hindi pa huli ang lahat, itigil mo na to.. Alam kong hindi lang ako nahihirapan kundi ikaw rin sa sitwasyong ito. Please, Daisy. Lets stop this." Sambit ko. Unti-unti naman siya parang natatauhan. Unti-unti niyang binababa ang baril na itinapat niya sakin. Tama ang ginagawa mo, Daisy.
Pero mas nagulat ako nang bigla siyang tumawa at itinutok ulit ang baril niya sakin. Pero this time, kinasa niya na. Parang handang-handa na siyang patayin ako.
"Stop? Hahaha. Nakakatawa ka, nandito na tayo eh. Papalayuin pa ba natin ang sitwasyon? Goodbye, Jamaicca." Napansin ko namang parang hihilahin niya na yung trigger. Ang nagawa ko nalang ay ang pumikit. Maghintay ng mangyayari.
*boogsh*
Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Ngunit wala akong naramdaman na sakit. Ganto ba kapag nabaril? Hindi mo maramdaman?
"Ano yun?" Nakapikit parin ako nang tanungin yun ni Daisy.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Na-nandito parin ako.. W-walang nangyari?
*boogsh*
Kung hindi lang ako nakatali. Napatakip na ako ng tenga ko. Isang putok ng baril pero hindi galing sa baril ni Daisy. Parang galing sa labas. Siguro yun ang narinig kong putok ng baril kanina. Sa sobrang lakas napagkamalan ko sigurong nabaril ako. Haha. Tanga ko talaga.
Jamaicca, seriously! Nakidnap ka na tumatawa-tawa ka pa diyan?
Pero nabuhayan naman ako nang malaman kong may tao sa labas. Pano ko nalaman? May pumutok na baril eh. Hindi naman siguro sila mag-aaksaya ng bala para lang sa wala diba?
Yes, may magliligtas sakin!
May lumapit namang lalaking may baril kay Daisy. Tauhan yata. "Ma'am, may nakapasok." Nanlaki pareho ang mata namin ni Daisy. Sino?!
"Wag niyong hahayaan na makapunta samin. Patayin niyo." Sabi niya sabay tawa ng parang baliw. Umalis naman ka-agad yung lalaki.
Hindi kaya sila Chase yun? Nandito sila para iligtas ako?
Whoever it is, doesnt matter. Kahit nakagapos parin ako dito at hindi pa ako naliligtas, i already want to thank him or her so much.
*boogsh boogsh*
Puro nalang sunod-sunod na putukan ang narinig ko. Sana ligtas siya.
Nagulat ako nang biglang tanggalin ni Daisy yung mga tali sa paa at kamay ko. Siguro ililipat niya ako sa ibang kwarto. Pero siyempre papalampasin ko pa ba tong sitwasyon na to?
Nang matanggal niya na yung mga tali, hinawakan niya ako pero tinabig ko yun. Sinuntok ko siya sa mukha at sinipa ko siya sa tiyan. Napayuko siya sa ginawa ko. Hindi ko na pinalampas ang panahon at sinipa ko siya sa mukha. Nakasisiguro ako malakas yun kaya napabagsak siya sa sahig. Pero binuhat ko siya at isinandal ko sa ding ding. Hinawakan ko ang leeg niya ang sinakal iyon. Kung baliw siya, mas baliw ako.
Kung hindi niyo alam, natuto ako makipag-away sa ibang bansa noon. Naging patapon ang buhay ko dun kaya marami akong natutunan na mga bagay, at isa dito ang pakikipag-laban.
Noong akala kong mapapatay ko na si Daisy, nagulat ako nang bigla niyang kunin yung baril na nasa bulsa niya at itinapat sakin.
"I.. baba.. moko.." Hindi maka-hinga niyang sabi. Wala naman akong choice kundi ibaba siya. Itinaas ko ang kamay ko na nagsasabing wala akong gagawing masama. Sa ngayon.
"Bunso!" Napatingin ako sa may pintuan.
"Kuya Cross?!" Lalapit na sana siya sakin pero siya naman ako tinapatan ni Daisy ng baril.
"Sige, subukan mong lumapit. Hindi ako magdadalawang-isip na hilahin to." Kahit sabihin yun ni Daisy, parang wala lang sa kanya. Blangko lang ang expression niya na ikinatakot ko. Hindi ko pa nakikita si kuya Cross ng ganung itsura. Nakakatakot siya.
"Wag kang mag-alala, hindi ako takot sa baril." Sabi niya at naglakad papunta sakin. Pero bago pa man siya makapunta sakin, biglang tumawa si Daisy.
Nagulat kami ni kuya Cross nang itapat naman ni Daisy yung baril sakin. "Sige, hindi ka nga takot. Si Jamaicca kaya? Lumapit ka at papatayin ko siya o lalayo ka?" Nsgbago yugn expression ni kuya Cross. Mula blangko napalitan ng pag-aalala. Hindi sa sarili niya kundi sakin.
Unti-unti naman siyang umatras para makalayo sakin.
"Wag kang mag-alala, bunso. Susunduin ka na ng kuya mo. Uuwi na tayo, hintay ka lang ah?" Seriously, gusto ko sanang umirap sa kanya dahil ginagawa niya akong bata.
Bago oa man ako makasagot, may dalawang humila sa kanya paupo sa isang silya. Tauhan siguro to ni Daisy. Itinali din siya katulad ng nangyari sakin kanina. Napansin ko naman na nakuha yun ang atensyon ni Daisy kaya tumakbo ako papunta sa kanya at inagaw ang baril. Nagulat siya sa ginawa ko pero bago pa man siya kumilos, itinapat ko na sa kanya yung baril.
Napansin ko ring tinapatan ako ng baril ng dalawang tauhan niya. Hindi ako natatakot sa inyo.
"Bunso!" Tawag sakin ni kuya Cross. Siguro takot na takot siya para sakin. Pero bakit hindi ako natatakot? Parang handang-handa akong isugal ang buhay ko.
Nagulat nalang ako nang biglang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Ganun din ang ginawa kay kuya Cross.
Unti-unti namang dumidilim ang mga paligid sa paningin ko. Parang.. Inaantok ako.
And everything went black.
CHASE'S POV
"Anak, nandito si Kyle at ang kasama niya. Baka daw makatulong siya sa paghahanap kay Jamaicca." Sabi ni daddy. Pumasok naman si Kyle. Tiningnan ko lang siya ng masama.
Nandito kami sa kwarto ni Jamaicca. Baka may mahanap pa kaming clues kaya hinahalungkat namin yung buong kwarto.
"Maitutulong? Wala kang maitutulong dito kaya umalis ka na." Sabi ko. What do you expect? Ang gang group nila ay kalaban ng gang group namin. I-eexpect mo ba na magiging mabait ako sa kaniya.
"Actually, may maitutulong ako.. Malaking-malaki." Sabi niya. Kumunot naman ang noo naming lahat.
"Ano yun?" Tanong ni Calix.
"Chase, lumabas ka na diyan." Napakunot ang noo ko nang sabihin ni Kyle yun? Ako?
"Chase? As in... Siya?" Tanong ni Zane sabay turo sa akin. Umiling lang si Kyle.
Out of nowhere, biglang lumitaw si Chase.
Si... Asong Chase!
Yung aso ni Jamaicca, yung buntot ng buntot sa kanya. Yun! Yung g*gong yun!
"What are you doing here?" Cold kong sabi. Ngumiti lang siya. Urgh! I hate his smile. F*ck!
"Actually, he's my cousin. Kaya wag kang magalit sa kanya. Pinlano ko talagang palapitin siya kay Jamaicca." Kumunot nanaman ang mga noo namin.
"Bakit?" Tanong ni Zane.
"Well, para mabantayan si Jamaicca. Simula palang alam na namin ang plano ni Daisy, tatlong taon na naming alam at hindi sinabi yun. Simula palang nu-"
"F*ck tatlong taon niyo na palang alam?! Tapos hindi niyo sinasabi samin?! G*go ka ba ha?!" Kinwelyuhan ko siya. Pero blangko lang ang mukha niya. Bago pa may mangyari sa kanyang masama, hinila na ako nina Alex at Cris.
"Hindi namin sinabi dahil alam naming magpapadalos-dalos ka. Magpapa-control ka sa emosyon mo. At natatakot kaming sabihin sayo dahil baka masaktan mo si Daisy. Oo, ayoko kay Daisy dahil sa mga ginawa niya pero hindi ibig sabihin nun na deserve niyang masaktan. Nabulag lang naman siya sa pagmamahal sayo eh." Pangatwiran niya. Natigilan ako. Hindi ako makapag-salita dahil alam kong lahat yun ang totoo.
"Kyle, ano ang maitutulong mo samin para makuha si Jamaicca?" Tanong ni Cris. Binago niya ang usapan dahil alam niya siguro ang susunod na mangyayari. Baka mas lumalim pa ang usapan namin.
"Alam ko kung saan siya tinago." Nanlaki ang mata ko.
"Saan?" Pagkasabi ko nun, ngumisi siya. Parang may bright idea na pumasoks a utak niya. Nagtinginan lang kami ni Cris.
~~~
"Dito ba talaga yun?" Napatingin ako sa lugar. Halatang abandoned na. Hindi ko alam kung ospital ba siya o ano. Pero puro kwarto. Ang nakakapagtaka ay walang nagbabantay sa entrance. Napaka-tahimik din. Parang walang tao.
Napansin ko namang napatingin si Kyle sa phone niya. "Sh*t!"
"Bakit?" Tanong ko. Ipinakita niya sakin yung phone niya. May message ni Cross.
"Teka, kasama ni Cross si Cassie?!" Gulat na tanong ni Cris. Tumango lang si Kyle.
"Oo. At wag daw tayo tatawag ng pulis, mas lalong mapapahirap ang sitwasyon. Nakatali daw sila sa upuan sa loob ng isang truck. Lumipat daw sila ng lugar! Guys, trap to!" Nataranta ako. Anong trap?
"Teka, nasan sila Chase, Zane at Calix?" Tanong ni Cris.
"F*ck. They've been caught. Yumuko kayo." Agad naman silang yumuko. Kami kami nalang nila Cris, Kyle at Ale- teka...
"Si Alex?" Tanong ko.
Napalinga-linga si Cris. "Katabi ko lang siya kanina lang eh..
Naglakad kami papunta sa labas. Pero bago pa kami makalabas, may biglang humila sakin at tinakpan ako ng panyo sa ilong at bibig. Hindi ako makapalag dahil marami sila.
Trap nga to.
________________
UD.
Sorry po kung naiinis kayo na pinapahaba ko pa ang storyang to. Actually patapos na pero konti-konti lang talaga yung nilalagay ko sa isang chapter kaya maraming chapters pa bago matapos. Pero wag mag-alala, patapos na po to.
Dont forget to vote and comment! Really appreciate it!
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top