~Chapter 36: She's missing~
JAMAICCA'S POV
"Nay, can I talk to you for a sec?" Napatingin sakin ni nanay habang naghuhugas ng pinggan. Nginitian niya ako at itinigil ang ginagawa niya.
"Ano yun anak?"
"Dati... Nung.. Kinidnap kayo ni daddy, sino yung kumidnap sa inyo?" Suminghap naman siya.
"Diba sinabi ko sa iyo dati pa na hindi ko alam? Please.. Wag mo na ipaalala." Simula nung mangyari yung kidnapping na yun, ayaw niya nang pag-usapan pa ito. Naiintindihan ko naman, na-trauma siya.
"Eh bago mangyari yung kidnapping? May kinausap ba kayo ni dad?" This time, yung mukha niya unti-unting pinag-pawisan. Umiiwas din siya ng tingins akin. Tapos parang kinakabahan na ewan.
"Wa-wala."
"Youre lying.." Napatingin siya sakin nung sabihin ko yun. "Nagkipag-kita kayo ni dad kay Daisy bago mangyari yung kidnapping tama ba?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Bakit?"
"A-anong ba-bakit?"
"Bakit ka nakipagkita sa kanya? Is something going on?" Mas lalo siyang pinagpawisan sa sinabi ko.
"I said I dont want to talk about it." Pagkasabi niya nun, tumalikod siya sakin at akmang aalis pero hirangan ko siya.
"Nay naman, Im doing this for you and dad. Cooperate naman. I want to know the truth."
"Please, anak. Not now-"
"Nay, ako rin ang nahihirapan sa sitwasyon niyo please na-"
"SHUT UP!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. First time in my entire life na nasigawan ako ni nanay. "HINDI BA SABI KO AYOKONG PAG-USAPAN?!"
Napayuko ako. Natatakot ako sa kanya.
Napansin naman niya na natakot ako sa ginawa niya kaya parang natuhan siya sa ginawa niya.
"A-anak.. Sorry. Nabigla lang ako." Parang tarantang sagot niya. Ako, nakayuko parin. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Sorry, Cassie. Naii-stress lang kasi ako these past few days. I hope you understand. Ikaw naman kasi eh, ang kulit mong bata ka. Sorry.." Itinugon ko yung yakap niya pero kumalas din ako ng mabilis.
"Nay, I have to go. May kakausapin lang ako." Paalis na sana ako nang hawakan niya yung pulso ko.
"Dont tell me, may kinalaman ito saagkidnap samin ng daddy mo?" Hindi ako sumagot. Instead, hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa pulso ko at unti-unti itong kinalas sa pagkakahawak ng pulso ko.
"CASSIE!" Rinig kong tawag niya sakin bago ako tuluyang makaalis.
Useless ang pag-uusap ko kay nanay maging kay daddy man, kailangan kong linawin ang lahat.
("Hello? Jamaicca? Do you nee-") pintutol ko ang pagsasalita niya.
"I need to talk to you. Magkita tayo ngayon sa park na pinaka-malapit sa school." In-end ko agad yung tawag. I need to clarify things.
Dumiretso agad ako sa park na pinaka-malapit sa Johnson University. Itinakbo ko nalang dahil nakalimutan kong magsasakyan. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko. Siya lang makakasagot sa lahat ng curiosity ko.
"Oh, Jamaicca. Whats up?" Napalingon ako sa nagsalita. Lumapit agad siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Ikaw ba?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ano?"
"Ikaw ba ang namblack-mail sakin three years ago?"
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Ikaw ba yung nangkidnap sa magulang ko at namblack-mail sa kanila?" Nagisip-isip pa siya na kunwaring walang ka-alam alam.
Tumawa siya. "Ah, yun ba?" Nakita ko nanaman ang pagngisi niya. "So? Anong gagawin mo?"
So siya nga!
"G*go ka-" may biglang nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko.
Alam ko to, may pampatulog sa panyo. Jamaicca, pilitin mong wag huminga... Kaya mo yan Jamaicca..
Sinubukan kong hindi huminga. Pero dahil nga hindi ko inaasahan yung pagtakip ng panyo sakin, konti lang ang na-inhale kong hangin at tuluyan naring bumigay. Unti-unti namang pumipikit ang mga mata ko.
"Sweet dreams, Jamaicca."
Everything went black.
CHASE'S POV
"Hay bunso, pick up the phone." Sabi ni Cris. Palakad-lakad siya pabalik-balik. Nakakairita na ah.
"Hoy Cris, anong problema mo diyan at kanina ka pa palakad-lakad? Nahihilo na ako sayo ah.." Tanong ni Zane.
"Eto kasing si bunso eh, ayaw sagutin yung phone. Nag-aalala na ako. Sabi kasi ni nanay umalis daw siya sa bahay ng gabi. May kakausapin daw, eh hindi naman sinabi kung saan pupunta. Haaaaay."
"Anong oras ba umalis?" Biglang nagsalita si Alex. Pag si Jamaicca talaga ang pinag-uusapan sisingit at sisingit siya. Tsk.
"Ang sabi ni nanay kanina pa daw 7:00 pm. Eh 12:00 na oh. Eto namang si Cross hindi ko rin ma-contact." Frustrated na sabi niya. Hindi pa siya umuuwi? San naman siya magpupunta.
Baka pumunta sa bahay ng bago niyang kaibigan. Tsk. Ano ulit pangalan nun? Chase din ata pangalan nun eh.
"Hanapin natin." Sabi ni Calix. Pumayag naman lahat ng members. Baka nakakalimutan nila na ako ang leader dito? Sakin at desisyon kung papayagan kong hanapin nila si Jamaicca.
Paalis na sana sila pero napatigil sila nang mapansin nilang nakaupo parin ako. Bat ko naman siya hahanapin? Sino ba siya. Tss...
"Hoy Chase, hindi ka ba susunod?" Tanong ni Zane.
"Kayo nalang. Madami pa akong gagawin."
"Asuuus! Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga siyang hanapin pero pinipigilan mo yang sarili mo dahil sa pride mo. Tsk tsk tsk.. Hay nako, Chase.." Dismayadong asar sakin ni Calix. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
CRIS'S POV
Nakakairita na tong si Chase. Ayaw pang sumama eh para naman kay Jamaicca to! Pabebe eh..
Aha! Alam ko na!
"Pero guys, sa tingin ko pumunta siya sa bahay nung kaibigan niyang lalaki eh. Sno ulit pangalan nun? Chase? Chase din ang pangalan." Bigla namang nabuhayan si Chase nang marinig ang tungkol sa kaibigan ni Jamaicca. These past few days kasi kinikwento sakin ni Jamaicca yung nakakairita niyang kaklase na si Chase. At first, nagulat ako dahil akala kong si Chase De vega talaga ang tinutukoy niya.
Nagtaka naman ang mga members sa sinagot ko. Pero binigyan ko lang sila ng tingin na nagsasabing 'sumakay nalang kayo mga g*go!'
"A-ah! Ga-ganun ba? Pero ang nakakapagtaka, bakit siya pupunta dun ng gabi na?" Pagsakay ni Zane sa trip ko.
"Malay ko, baka may group activity?" Sabi ni Alex na nakangisi.
"Tsk. Group activity? Gabing-gabi na? F*ck." Rinig namin sabi ni Chase. Nagulat nalang kami nang biglang naglakad paalis si Chase. Sinundan naman namin.
"Hoy san ka pupunta?" Tanong ko.
Sumakay siya sa sasakyan niya at ihinanda na ito. Ang nakakapagtaka ay hindi pa siya umaandar.
Napatingin siya samin. "Oh, ano pang hinihintay niyo? Sakay na!" Iritang sigaw niay samin. Napangiti nalang ako.
______________
CHASE'S POV
Badtrip naman oh! Jamaicca nasan ka na ba?
Nandito parin kami sa sasakyan at nagda-drive ako papunta sa bahay nila Cris. Kakausapin namin yung nanay nila.
Hindi kaya pumunta nga sa bahay ni Chase si Jamaicca? Sh*t f*ck!
Kung pumunta man? Anong ginagawa nila ngayon? T*ngina naman oh!
"Chase may pusa!" Sigaw ni Calix kaya bigla kong napahinto yung kotse.
T*ngina muntik na akong mauntog dun..
G*go naman kasi tong si Calix eh! Pusa lang naman pala. Mas gusto pang isalba yung pusa kesa isalba kami eh. Pano kaya kung may nauntog dito tapos himatayin pa?
Binatukan ko si Calix tutal katabi ko lang naman siya. "Sorry mga bro. Nadala lang ako." Sabi niya. Ipinagpatuloy ko nalang yung pag-drive ko.
"Hinay-hinay lang kasi sa pagda-drive Chase! May hinahabol ka ba?" Pang-aasar ni Zane. Hindi ko nalang siya pinansin. No time for jokes. We have to find Jamaicca first.
Pagdatin namin sa bahay nina Cris, naabutan namin yung nanay ni Cris at sina mom at dad sa living room.
"Anak!" Sambit ni mom. Lumapit naman agad ako sa kay mom at niyakap naman niya agad ako ng mahigpit at kumalas agad. Si dad naman, tinapik lang ako sa balikat.
Halatang nag-aalala sila kay Jamaicca.
Pero hindi na ako nagulat dun. Kahit si mom ay nag-aalala rin dahil kahit papaano, kahit konting panahon lang, napamahal na sa kanya si Jamaicca.
Naabutan kong magkayakap din si Cris at yung nanay niya na sobrang nag-aalala na.
"Asan ba kasi yang kambal mo?!" Inis pero at the same time nag-aalalang sambit ng nanay niya. Parang konti na nga lang maiiyak na siya eh.
Mga ilang minuto ang nakalipas, unti-unting kumalma ang isat-isa. Lahat kami ay naka-upo sa sofa dito sa living room.
Nagsimula nang magtanong si Cris,
"Nay, ano yung ginagawa ni Jamaicca bago siya mawala?"
"Nandun lang siya sa kuwarto niya kasama si Jameson. Bumisita kasi eh. Maya-maya umuwi na rin si Jameson. Tapos naghugas ako ng pinggan. Bumaba naman siya. Nagtanong siya sakin tungkol sa.." Napahinto siya at tumingin kay dad. Tumango lang si dad na para bang may permisong pinapayagan. Hindi ko siya maintindihan..
"Tapos ano.. Uhm.. Nagtanong siya sakin about sa... Kidnapping incident namin ni Benjamin 3 years ago." Nagulat kami sa sinabi niya. Nakidnap sila ni dad 3 years ago? Bat hindi ko alam yun?!
"Nakidnap kayo?!" Gulat na sigaw ni Zane. Binatukan lang namin siya at sinabing "Manahimik ka nga!"
"So ayun.. Medyo kinakabahan nga ako habang nagtatanong siya eh. Kasi.. Ako at si Benjamin.. Were supposed to keep that a secret. Actually, Benjamin, Jamaicca at ako lang ang nakakaalam nun. Kasi nung kinidnap kami, yung nangkidnap samin, ibinlack mail si Jamaicca about something... I dont know what it is." Sabi niya. Black mail?
"Oh..." May inabot samin si dad na CD. "Nakita namin yan sa kuwarto ni Jamaicca. Kinuha ko dahil baka importante yan at baka maka-silve yan ng problema natin. Hindi pa namin pinapanood dahil ang gusto namin ay mapanood natin lahat." Sabi ni dad.
Nagdadalawang-isip pa ako na kunin ito pero kinuha ko nalang rin. Dumiretso kami sa TV at ipinasok ang CD.
_________________
UD.
Grabe wala akong magawa dahil HANGGANG NGAYON WALA PARIN KAMING WIFI! Kaya update-update muna ako. Hehe.
Promise talaga malapit nang matapos tong story ko. Yeheeeey!
Dont forget to vote and comment.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top