~Chapter 34: Chase na nakakairita~

JAMAICCA'S POV

*riiing*

Recess na.

As expected, ala naman masyadong ginawa ngayong araw na ito. First day eh. Nagpapakilala lang ang mga teachers at ganun din ang students.

Ngayon, papunta kami ni Cassandra sa canteen para makakain. Yung anaconda ko sa tiyan tumatalon sa sa sobrang gutom eh.

Ang nakakapagtaka, si Cassandra palang at sina Chase at Daisy ang nakikita ko ngayong araw na to. Wala sila Alex, Calix, Sabrina etc. buhay pa kaya yun.

Siguro umabsent dahil alam nilang wala pang gagawin ngayon. Mga tamad talaga.
Pagkakuha namin ng pagkain ni Cassandra, naghanap kami ng upuan. Oo nakahanap kami ng upuan pero unexpected dahil yung upuan na yun at kaharap kung saan nakaupo sina Chase at Daisy!

Pero wala kaming choice kung hindi umupo dun.

Pagkaupi namin, hindi nalang namin pinansin ang dalawa para hindi kami mailang.

"Boo!"

"Ay gatok anak ng shame!" Napatingin ako sa nanggulat. Hinampas ko ng malakas ang braso niya na ikinatawa nilang dalawa ni Cassandra.

"Anong tinatawa-tawa niyo?" Napansin ko namang nakiupo siya samin ni Cassandra. Dala niya din kasi yung pagkain niya.

"Sinabi ko bang makikain ka samin?"

"Si baby girl oh, pasimple ka pa eh gusto mo lang rin naman ako makasama kumain." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ang kapal ng mukha mo, Chase ah!" Hindi ko mapigilang sumigaw. "At tsaka anong tawag mo sakin?"

"Baby girl." Nakangisi niyang sabi. Napalingon ako sa puwesto nila Daisy at Chase na parang naninigurado kung narinig nila yun. Baka kasi kung ano isipin nila.

At hindi ako nagkamali, narinig nga nila dahil nakatingin silang dalawa sakin. Pero ang pinagkaiba, ang mukha ni Chase ay hindi na poker face. Naka-tiim bagan na siya. Parang nagpipigil. Tapos si Daisy nakangisi lang sakin.

Dahil dun, sinamaan ko ng tingin si Chase na nakakairita. Tumingin naman siya kung saan ako nakatingin kanina which is kina Chase.

"May something ka talaga sa dalawang yun. Kaaway mo ba yung dalawang yun?" Tanong niya sakin. Sabihin ko na ba? Teka, bakit ko naman sasabihin? Hindi naman kami close. Pero parang gusto kong sabihin para hindi niya na ako kulitin sa mga ganyan-ganyan.

"Ehem.." Tumayo bigla si Cassandra dala-dala yung pagkain niya. "Iwan ko muna kayo ah." Paalam niya at binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing 'Sabihin mo na para hindi ka na kulitin!' Look.

Pagka-alis niya, bumuntong-hininga ako at tumingin kay Chase na nakakairita. "Ano... Kase... Ganto kase yun..."

"Pwedeng maki-table kami?" Pareho kaming napalingon ni Chase sa babaeng nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang malamang si Daisy pala yun at kasama niya si Chase.

"Sure." Payag agad ni Chase na nakakairita.

Gusto ko sana sabihin sa kanya 'Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakikitable ka na nga lang samin ni Cassandra tapos mag-aaya ka pa!' Kaso parang nawalan ako ng dila at hindi ako makapag-salita.

Pareho silang umupo sa table namin. Katabi ko si Chase na nakakairita, tapos magkatabi sina Chase at Daisy.

Ni hindi man lang makatingin sakin si Chase.

Talaga bang nang-aasar silang dalawa at nakikiupo pa sila sa amin? Nananadya na sila ah!

"Nagtataka siguro kayo kung bakit kami naki-table." Nakangiting saad ni Daisy. Hmmp! I have a plastik, i have a Daisy. Ugh! Plastik Daisy.

"Well, sa tingin ko kasi mas cute pag magkakasa-kasama tayo. Para bang double date." Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Double date?"

"Oo, napapansin kasi namin ni Chase, kanina pa kayo sweet na sweet." Hindi ko maiwasang umirap. Porket nakiupo lang sweet na agad? Porket nakikipag-usap lang sweet na agad? Ang OA ah..

If i know, binibilog niya lang yung utak ni Chase para makapag-isip siya ng kung ano-ano.

Narinig ko namang tumawa yung nakakairitang Chase at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. "Ganun ba tingin niyo samin ni baby girl?" Nanlaki pareho ang mga mata nila. Siniko ko sa tagiliran ng palihim si Chase na nakakairita.

"Kayo na?" Napatingin ako kay Chase nang bigla siyang nagsalita. Kalmado ang pagkakasabi niya nun pero may diin. Ang talim ng tingin niya sakin na halos mahiwa na ako.

Gusto ko man sabihin  sa kanila na 'Hindi kami!' Pero palagi akong blangko kapag kausap ko na sila. Lalo na kay Chase.

"You dont have to hide it from us, Jamaicca." Sabi ni Daisy. Anong itatago ko eh wala na naman talagang kami.

Bwisit kasi tong si Chase na nakakairita eh! Nakikisabay sa mga pang-aasar ni Daisy.

"Baby girl, subuam kita." Rinig kong sabi ni Chase na nakakairita at itinapat sakin ang kutsarang may kanin at ulam. "Say, ahh.."

"Alam mi ka-hmmp!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sinubo sakin yung pagkain. Tumatawa-tawa pa siya. Argh!

"Aww.. Ang sweet nila, right babe?" Mas lalong kumapit si Daisy sa braso ni zchase habang nakatingin lang si Chase ng matalim sakin.

"I lost my appetite." Sabi ni Chase sabay tayo at alis. Hinabol naman siya ni Daisy.

"Alam ko na kung ano sila sayo." Napatingin ako kay Chase na nakakairita. Nakangisi siya sakin. "Ex mo?

Bumuntong-hininga ako. Wow. What an observant.

*riiing*

Sabay kami ni Chase na pumunta sa klase namin. Tutal magkaklase naman na kami. Simula kanina nung iniwan kami ni Cassandra sa canteen, hindi ko pa siya nakikita. Buhay pa kaya yun? Haha.

As usual, pagpasok ko sa classroom. Pinagtinginan naman ako. Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga babae dahil nakita nila kaming magkasabay pumasok ni Chase na nakakairita. Mga malisyosa.

Hindi na ako nagtaka na nandito na sa classroom si Chase at Daisy. Nagulat ako nang makita si Cassandra na nandito na. Nakangiti siya sakin. Ngumiti din ako sa kanya at tumabi. Leaving Chase na nakakairita behind.

"san ka nagpunta aber?" Tanong ko.

"Eh.. Sa hallway hallway lang ako.. Nakikipag-usap kay Jaxx."

"Huh? Pumasok siya?"

"Ah, hindi. Kausap ko sa phone. Absent daw siya dahil boring daw ang turo sa first day. Tsaka kaya din daw siya umabsent dahil nagpapa-miss siya sakin. Hmmp! Ang kapal ng mukha." Tumawa lang ako. Bagay sila, infernes. Naiinggit ako. Joke!

Kontento na ako kung ano meron ako ngayon. No boyfriend? No problem. I dont need one.

"Oo nga pala, nasabi mo na ba kay Chase?" Bulong sakin ni Cassandra. Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Chase na nakakairita.

"I can hear you guys, ya know?"

"Hindi ko sinabi, nalaman niya."

"Ooh.. Observant ka pala, Chase?" Kinindatan naman ni Chase si Cassandra. Naku, Chase. Wag si Cassandra, jojombagin ka ni Jaxx kung sakali.

"Oo alam niya, pero hindi ko pa naiku-kwento. Sino ba siya para maikuwento ko? Close ba kami?"

"Ouch, baby girl.." Tumingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa dibdib niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. "Youre hurting my feelings. Hindi ba friend ang turing mo sakin?"

"HINDI!" Sigaw ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang tuwang-tuwa na ewan.

"So, bestfriends?"

"No?!" Umakto siya parang nag-iisip. Maya-maya bigla siya nagulat.

"More than friends?! Like lovers? Naku, baby girl.." Napailing-iling siya na para disappointed na ano. "Sorry girl, pagpasensyahan mo na.. Di kasi ako marunong makuntento sa isa." Napairap ako sa sagot niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Oh siya wag ka nang kumanta, baka umulan wala akong dalang payong." Pang-aasar ko sa kanya. Hinawakan niya ulit yung dibdib niya na para bang nasaktan ulit.

Sa sobrang inis ko, sinapak ko na talaga ng tuluyan yung dibdib niya kaya napahawak ulit siya dito na ikinatawa ko. Oh ano ka ngayon? Masakit? Hahhaha.

"Pwede bang manahimik kayo?" Napatingin kami sa harap kung nasaan sina Chase. Ang sama ng tingin ni Chase saming dalawa. Akala mo ang laki ng atraso namin sa kanya. "Eskwelahan to. Kung maglalandian kayo, sa motel niyo i-diretso."

____________________
Short UD.

Lulubusin ko na ang pag-UUD. Para matagal ang pahinga ko pagkatapos.

Seriously, gusto ko nang tapusin etong storyang to pero hindi ko alam kung papaano kaya nasa-stuck ako. Excited na kasi akong simulan yung second story ko eh. Iihhh!

Please dont forget to vote and comment really apprieciate it!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top