~Chapter 3: Battle Lesson~
JAMAICCA'S POV
"Teka teka Chase..." Napahinto naman kami sa paglalakad at tinanggal na niya yung akbay niya. "Nakakatakot dito, Baka nagkamali tayo ng pinasukan na school. Baka nga hindi eskwelahan to eh. Parang kuta ng m-"
"Ang daldal mo, dito tayo pina-enroll ni daddy kaya sa ayaw at sa gusto mo, dito tayo mag-aaral. At isa pa, may dahilan naman siguro kung bakit dito tayo pina-enroll ni dad dito kaya manahimik ka." Cold niyang sabi. Nakakatakot siya. Nanahimik nalang ako baka magalit pa to sakin. Siguro bitter siya dahil break na kami. XD chos.
Pagpasok namin, pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante. Yung mga babae nakatingin kay Chase, kilig na kilig. Yung mga lalaki naman nakatingin....sakin? Ano problema nila?
Napatingin ako kay Chase. Bat ang sama ng tignin niya sa mga lalakeng nakatingin sakin? Ano bang ginawa ng mga lalake at ang sama ng tingin niya?
"Wag kang lalayo." Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko at mas lalo pa akong hinila papunta sa kanya. Over protective kuya. Yuck, kadiring pakinggan! XD
*riiiing*
TUNOG NG BELL YAN.
Narinig ko naman nagsi-sigawan yung mga estudyante papunta sa klase nila. Bakit kailangan pa nilang sumigaw?
"Ano meron?" Earthquake drill? Eh kung earthquake drill, bakit sa loob sila ng klase tumatakbo?
"Come on, lets run." Tapos tumakbo siya at hinila niya ako papunta sa klase namin. At sakto nakadating na kami sa klase namin.
Nag-sitilian naman yung mga babae nung nakita si Chase. OA...
Pumunta nalang ako sa bakanteng upuan sa likod. Bale dalawa nalang ang bakanteng upuan dun. At magkatabi pa.
Pagkaupo ko, tinadtad ko ng mga tanong si Chase. "Ano bang ginagawa sa school of gangsters? Ano bang pangalan ng paaralang ito? At bat puro black and red dito? Tsaka bakit sila pinapayagang magdala ng mga delikadong bagay sa eskwelahan? At bakit binubugbog nila yu-"
"Sh*t! Manahimik ka nga, isa-isa lang. Halikan kita dyan eh." tapos ngumisi siya. Namula ako bigla. Putragis ka Chase enebe.. XD
"Okay, first question, ano-ano ba ang ginagawa ng mga estudyante sa school of gangsters?"
"Isa lang ang itinuturo dito, kung pano makipaglaban." Ang tipid magsalita amp!
"Okay? Second question, anong pangalan ng school nato?"
"Tsk, wala ka ba talagang alam? Sa susunod, bago ka pumasok sa bago mong eskwelahan, kumuha ka muna ng mga impormas-"
"Oo na, oo na. So, ano nga ang pangalan ng school na to.
"Darkblood Academy."
Natigilan ako ng ilang segundo tapos... "Pfft..hahahha" hindi ko na napigilan yung tawa ko. Dark blood? Hahaha ang korni ah. San niya naman nakuha yung pangalang yan? Yuck hahaha.
"Mukha kang timang."
"Hahaha, darkblood?"
"Para kang baliw, stop laughing." Utos niya. Tumigil naman agad ako sa kakatawa. Oo nga pala, yung third question.
"Goodmorning class..."
"Ay tae ka!" Sigaw ko. Nagulat ako dun ah. Napatingin ako dun sa nagsalita. Yung professor namin nakatayo sa pinto.
Nagsitilian naman yung mga babae. Naka-all black siya. Tapos sa bandang waist niya, may chain na nakapalibot. Tapos yung sa bandang shoulders niya, may mga spikes na nakalagay. Tapos yung tingin niya, nakakatakot.
Pero gwapo siya. Waaaaa!
ANG LANDI KO!
Kumuha naman siya ng chalk at parang may sinusulat sa blackboard. Yung kulay ng blackboard hindi green, black talaga.
'Professor Alcantara'
Waaa! Pati yung pangalan niya ang gwapo tingnan! I think im in looooove agaiiiiin!
Ang sarap niyang titigan, hindi nakakasawa mukha. Akin ka nalang, akin ka nalang, iingatan ko ang puso mo. XD
"Stop staring at him." Napatingin ako sa kanya. Grabe ang sama ng tingin sakin. Then i realized something. Ang lapad ng ngiti ko na ikinataka naman niya. Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.
"Selos ka?" Mapang-asar kong tanong. Halata naman kahit hindi niya sabihin eh.
"Tss..." Ibinaling nalang niya yung tignin niya sa iba. Bastos.
"All of you, field, now." Huwaw? Field agad? Sinulat lang yung pangalan niya pinapunta agad kami sa field? Aba matinde..
Wala rin naman kaming nagawa kaya pumunta nalang rin kami.
Pagpunta namin dun, ang daming tao. May nakita kaming ibang estudyante na hindi namin kaklase. Pero sa tingin ko pareho lang kami ng year.
"Chase?"
"Hmm..." Napatingin ako kay Chase. Naka-pikit lang siya habang naka-crossed arms. Nasa likod ko lang siya nakatayo. Anong kaartehan yan?
"May mga section-section bang nangyayari dito? Kung meron, anong section tayo?"
"Meron, highest section tayo." Grabeh ang tipid ng sagot. Kung ano lang talaga yung tinanong mo, yun lang ang sasagutin niya. Tapos nagagalit siya kapag marami akong tanong eh ang konti naman ng impormasyong binibigay niya sakin! Hmmp!
"Anong basehan ba sa pagiging highest section?"
"Highest, yun ang pinaka-malakas na estudyante sa eskwelahan."
"Pinaka-malakas?! Mali ako ng section."
"Stupid, highest section ka talaga. Diba magaling ka naman makipag-laban?"
"Oo per-"
"Hay, wala na ba talagang preno yang bibig mo? Kapag hindi ka nanahimik, hahalikan talaga kita. Kayang-kaya kong gawin yun dito, kahit magkapatid na tayo." Nakangisi siya. Namula nanaman ako sa sinabi niya.
*piiiiit*
WAG KAYO, TUNOG NG PITO YAN. XD
"Lets start our first lesson.." Ang tinde talaga... First day lesson agad?
"Kyla Vergara, section 1 vs. Philip Salvador, section 3." Vs.? Bakit? Ano bang gagawin nila?
"Anong meron?" Tanong ko sa katabi kong babae. Feeling close. XD
"Hindi mo alam?" Wow, what a great question. Sa tingin niya magtatanong ako kung alam ko naman kung ano nangyayari?
Umiling nalang ako. "Una, maglalaban muna kayo, kumbaga quiz/lesson to. Kapag panalo ka, 8 ang score. Pwede ring 9 at 10 pero kadalasan, 8. Pero kapag nandaya ka, 0 ka. Tapos pag natalo ka, kailangan mo pang makipaglaban hanggang sa manalo ka. Kaya pagkatapos nito, bugbog katawan mo. Ang professor ang magbi-bigay kung anong score mo. Highest, 10 ang score, kaso bihira lang yun maibigay. Ang karaniwang highest na ibinibigay ay 8 lang." Humarap siya sakin. Ang ganda niya. Para siyang manika. Nginitian ko siya at ganun din siya sakin.
"Teka, bagong lipat ka noh?" Tanong niya sakin.
"Ah, oo eh. Kaya wala pa akong alam."
"Im Cassandra nga pala." Tapos inabot niya yung kamay niya. Grabe ang bait niya.
Inabot ko din yung kamay ko. "Jamaicca."
"Tara, dun tayo sa harap." Tapos bigla niya akong hinila papunta sa harap. Feeling close din. XD
Halos hawiin niya yung mga taong nakaharang eh. Grabe ang lakas netong babaeng to. Tulak lang siya ng tulak sa ibang estudyante kahit hindi niya kilala.
Nung nasa harap na kami, nakita ko nang nag-aaway yung dalawang magkalaban. Grabe ang galing nila.
"I'll kill you b*tch!" Sigaw nung lalaking kalaban ng kaklase namin. Philip ba yun? Ah basta, yung kalaban ng kaklase naming babae.
"Tss.. If you can!" sabi nung girl habang nakangisi. Hindi ba siya natatakot? Lalaki kalaban niya. Malakas.
Pero sa tingin ko mas malakas yung kaklase naming girl dahil section one siya. Diba nga sabi ni Chase yung section one ang pinaka-malakas na section?
Napansin kong na-corner yung kaklase naming babae. May nakita rin akong parang line na nakapalibot sa pwesto ng battle. Siguro kapag lumagpas ka dun, talo ka na. Hindi kasi siya lumalagpas eh.
Nakita ko naman na nakangisi parin yung kaklase naming babae. Bat hindi siya natatakot? Ang tapang niya ah.
Bigla namang sumugod yung lalaki papunta sa kanya at aakmang suntukin siya nang biglang lumusot yung babae sa ilalim ng lalaki at tsaka siya sinipa ng malakas sa tagiliran dahilan para mapaluhod yung lalaki. Pero hindi parin lumalagpas yung kalaban niyang lalaki.
Pero hindi parin nakuntento yung babae kaya sinipa pa niya yung lalaki sa ulo. At nung nakalagpas siya sa line, dun na pumito yung professor namin.
"Kyla Vergara, 8." Tapos narinig kong pumalakpak yung mga nanonood. Yung lalaki namang natalo, dinala muna sa clinic. Dumura kasi siya ng dugo.
"Ang galing naman niya, pano niya natalo yung lalaki?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ang galing niya noh? Bestfriend ko yan." Proud niyang sabi.
"Ang swerte mo na nagkaroon ka ng bestfriend na katulad niya." Sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Wala lang swerte ka lang." Sabi ko. Tumawa naman siya, may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Gusto mo sabay ka samin sa canteen mamaya?"
"Naku ba-"
"Aicca!"
"Ay palaka!" Sh*t nagulat ako dun ah. Napalingon ako sa nagsalita. Si Chase lang pala akala ko kung sino.
"Bakit ba? At kailangan mo pa talagang sumigaw?" Irita kong sabi.
"Kanina pa kita hinahanap! Nandito ka lang pala. Sana nagpaalam ka sakin. Stupid." Sabi niya. Ano ko ba siya, magulang?
"Tss... Oo nga pala, Chase, si Cassandr-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Cassandra.
Yung mata niya hugis puso habang nakatingin kay Chase. At sobrang nahihiya siya.
CONFIRM XD
"Bernard Barbajera, 6." Hala! Hindi ko napanood yung laban nila! Ang bilis naman nun.
"Next, Payton Smith, sec 2 vs. Jamaicca Torres De Vega, sec 1." Teka, anu daw? Jamaicca Torres De Vega? Sino yun? Ako ba yun?
"Next ka na Jamaicca." Sabi sakin ni Cassandra sabay tulak. "Goodluck!"
Tumingin ako kay Chase. Ang cool niya tingnan. Hindi ba siya nag-aalala sakin? Sa kapatid niya?
Pumasok ako sa loob ng malaking bilog na line at tumingin sa makakalaban ko.
P*tragis!
Malaki-laki siya, pero sexy. Halata sa katawan niya na sanay na siya sa pakikipaglaban. Tapos ang kapal ng make-up at ang sama ng tingin sakin.
'Go Payton! Woohoo! Talunin mo yang loser na yan!' Napatingin ako dun sa nagsalita.
May fansclub pa ah. Eh di siya na.
Pero sa tingin ko naman ay mas malakas ako.
Hellooo? Hindi naman siguro ako ipupunta sa highest section kung mas malakas siya sakin diba?
*piiiit*
TUNOG NG PITO YAN!
Nagsimula nang mag-sihiyawan ang mga tao. Takte, nanginginig ako.
Nagsimula narin kami umikot sa loob ng bilog. Natatakot ako sa mga tingin niya. Para bang kakainin ako.
"Ahh!" Sigaw niya tapos bigla siya sumugod papunta sakin. Ang ginawa ko, tumakbo ako. Pero nasa loob parin ako ng bilog. Naghahabulan kami dito, mukhang tanga lang kami.
Sa huli, naabutan niya ako sinuntok niya ako sa sikmura. Aguy! Ang sakit amp!
Sisipain niya ako sa tagiliran kaya sinubukan kong umiwas. Pero hindi parin ako naka-iwas.
Aicca, kaya moto. Diba magaling ka umiwas sa dodgeball nung grade 6 isipin mo na dodgeball siya. Tutal mukha naman siya bola. XD
Susuntukin niya sana ako sa mukha pero sa wakas naka-iwas ako at ginantihan ko siya ng suntok sa mukha.
Napa-atras siya at parang may kinapa sa labi niya. Nagdudugo labi niya ngayon. Susugod ulit siya sa akin pero sinubukan kong gayahin yung ginawa ng babae naming kaklase sa kalaban niya.
Nilusotan ko yung kalaban ko at kung si-swertihin ka nga naman, nagawa ko. Pero bigla niya akong tinulak kaya napadausdos ako sa linya.
*piiiit*
"Payton Smith, 9." Wala na huhuhu talo na ako.
Narinig ko namang nagsi-palakpakan ang mga tao. Ang swerte pa niya, nakakuha pa siya ng 9.
Sinubukan kong tumayo pero sumasakit parin yung tagiliran ko. Grabe ang lakas ng sipa.
"Next, Jamaicca Torres De Vega, section 1." Put*ngina ako nanaman?! Pwede ba yun? Kakatapos ko lang kaya.
"And..."
"Chase De Vega, sec 1."
TO BE CONTINUED...
_______________
Hello po!
Wala lang gusto ko lang mag-hello. XD
Ok lang po ba. Pangit noh? Kasing pangit ko XD
Ie-edit ko po kasi yan, kaso next time nalang, marami po akong ginagawa.
ABANGAN NIYO NALANG PO YUNG NEXT UD KO.
THANK YOU!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top