~Chapter 27: Romantic Date~

JAMAICCA'S POV
Pano kaya kung dumilat ako sa kalagitnaan ng drama niya? Gulat na gulat siguro yun..

Bumaba nalang ako ng sasakyan na parang walang nangyari. Hindi ko sasabihin sa kanya. Kasi alam kong nakakahiya yun kapag sinabi ko sa kanya.

Eto naman kasing si Chase eh. May pagka-tanga, kanina pa kami ang tahi-tahimik sa sasakyan tapos kung kailan tulog ako tsaka ako kakausapin.

Shunga lang. XD

Pagpunta namin sa destination..

*O*

Isa lang ang masasabi ko, ang GANDA.

Para siyang isang napaka-lawak na park. Ang linis-linis tapos halos lahat ng nandito pinapalibutan ng christmas lights. Yung mga puno, swing, poste, lahat-lahat may nakapalibot na christmas lights. Tapos wala pang tao. Madaling araw na kasi ngayon, 12:00 na siguro kaya walang tao. Sobrang tahimik.

"Namangha ka na niyan?" Pagtingin ko sa kanya...

"Kanina ka pa nakatingin sakin?" Imbes na sumagot siya, ngumisi lang siya.

Nakakahiya.

Kasi habang pinagmamasdan ko yung paligid, nakanganga pa ako. Yung parang manghang-mangha talaga. Nagmukha pa tuloy akong tanga huhuhu.

Sa sobrang kahihiyan, umupo nalang ako sa swing.

Naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko at naki-swing din. Hindi ko siya pinapansin at pinagmamasdan lang yung buong park.

Kung tutuosin maganda parin etong park na ito kahit walang christmas lights. How come na hindi ko alam etong lugar na to?

Dati pa ako naghahanap ng mga lugar pag senti-senti eh dito pala meron..

"Jamaicca.."

"Hmm?"

"Aalis ka na ba talaga sa bahay?" Natigilan ako. "Titira ka na ba talaga sa nanay mo?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo, dun naman talaga dapat ako eh."

"Masaya ka naman sa bahay natin diba? Wala ka namang naka-away diba? Bat ka aalis?" Tumayo ako sa swing at umupo sa harap niya para maabot siya. Naka-upo rin kasi siya sa swing.

"Para makilala ko yung tunay kong ina."

"Hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangang kilalanin ang tunay na ina kung masaya ka naman sa piling ng mga nag-aaruga sayo." Natawa nalang ako.

"Alam mo Chase, kaya gusto ko makilala ang ina ko ay para malaman kung anong dahilan kung bakit niya ako iniwan. At para mabigyan siya ng chance sa pagiging anak niya ulit sakin."

"Oo na oo na, ang hirap makipag-debate sayo. Mananahimik na po ako." Tumawa ulit ako.

*grrr*

Napatingin si Chase sakin, sunod na tumingin siya sa tiyan ko.

Gutom na ako.

Nakakahiya at narinig niya pa yun. XD

Tumawa siya. "Gutom na si baby? Wait lang ha." Pinitik naman niya ang mga daliri niya at bigla namang dumating ang mga lalaking may dalang table, chairs, at siyempre yung mga pagkain.

"Wow.. Handang-handa ah.." Masasabi ko na nagbago na si Chase. Kasi dati nung kami pa, hindi siya mahilig sa dates. Bihira lang kami mag-date. Tapos hindi siya marunong mag-set ng dates pero tingnan mo ngayon oh, diba effort kung effort.

Hinila niya naman yung upuan para maka-upo ako. Gentleman.

*grrr*

Urgh! Oo na nga eto na nga oh! Kakain na!

Tumawa siya. "Kumain ka na nga. Kanina pa nagrereklamo yang tiyan mo."

Kumain nalang ako. Ang bilis ko talagang magutom. Kanina lang sa prom kumain ako eh.

Nilubos ko na ang pagkain ko sa date namin. Hindi na naman ako nahihiya sa kanya.

"Damn. Dahan-dahan sa pagkain. Baka mabulu-" hindi na niya natapos ang pagsasalita niya nang bigla akong mabulunan. Lumapit naman agad siya sakin at tinapik-tapik yung likod ko. "Ok ka lang? Tubig oh.." Sabay abot sakin ng tubig. Ininom ko ito.

"Sabi sayo wag matakaw eh. Wala namang aagaw ng pagkain mo." Pang-aasar niya sakin. Sinuntok ko lang siya ng mahina sa balikat.

"Magtha-thank you na sana ako sayo dahil kahit papaano nag-alala ka sakin eh, nevermind."

"Welcome. Ituloy mo nalang yang pagkain mo."

"Wag na."

"Natrauma?" Tatawa-tawang sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Napansin ko namang may tatlong dumating na lalaki na may dalang violins at nagsimula nang magpatugtog. Paglingon ko kay Chase, nakayuko siya habang inaabot ang kamay niya sakin. Inabot ko naman din yugn kamay niya.

Pumunta kami sa gitna ng park at nagsimula nang sumayaw.

Alam ko, mukha kaming tanga. Pero parang sobrang romantic netong date na to. Hindi naman sa kinikilig ako pero parang ganun na nga. XD

Sino ba namang hindi kikiligin? Isipin mo, nag-set siya ng napaka-romantic na date para sa iyo. Oh diba? Effort talaga.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

"Ha?"

"Etong date natin."

"Oo, nagustuhan ko lahat-lahat. Salamat."

Ngumiti naman siya.

"Wag kang excited. Hindi pa tapos."

"Ha?"

"3.. 2.. 1.." Nagtataka ako nung umpisa kung bakit nagbibilang siya pero nagulat ako sa next na nangyari.

"Ang ganda.." Fireworks. Ang daming fireworks. Ang alam ko hindi pa bagong taon. Paano siya nakapag-set ng napaka-gandang date na ito? Feeling ko ang next na gagawin niya ay magpropose sakin. XD

Hindi naman ako excited diba?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap nalang siya ng mahigpit.

Simula nung nag-let go ako sa kanya, it made me realize something.

Na hindi ko pala kaya.

"I love you." Saad ko.

"Love you too Aicca."

_____________________
Hello!

Napabilis UD ko noh? May hinahabol po kasi ako.

Sorry po kung corny yung kinalabasan. Hindi ako magaling sa romantic scenes etc.

Sana lang po nagustuhan niyo kahit papaano yung chapter na to.

Please dont forget to vote and comment.

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top