~Chapter 26: Forgiveness~
JAMAICCA'S POV
Nakakapagod ang araw ko ngayon, kakauwi ko lang galing sa bahay ni Cassandra. Sinabi ko sa kanila na tinatawag na ako ni mama pero ang gusto ko lang naman talaga ay maiwanan silang dalawa dun eh. XD
Oo na, shiniship ko na si Jaxxandra. >.<
Pero hindi ko parin makalimutan yung ginawa ko kay Chase kanina. Ang tanga ko! Dapat pinatawad ko na siya! Tutal may kasalanan din naman ako eh, nag-aalala lang siya sakin kaya niya ako gustong protektahan. Para sakin din naman yung mga ginagawa niya.
Okay, mag-sosorry na ako.
Pumasok ako sa kuwarto niya. Nakakapag-taka dahil bukas ito.
Simula kasi nung nag-away kami, palagi na niyang sinasara yan. Nandyan man siya o wala.
Pagpasok ko, wala akong Chase na nakita. Sinilip ko yung banyo pero nang pagsilip ko dun, may biglang yumakap sakin mula sa likod.
"Looking for me?" Nararamdaman ko yung hininga niya sa leeg ko. Napangiti ako. Hindi siya nagalit sa ginawa ko kanina?
Haharap na sana ako sa kanya pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya sakin.
"Cha-" sinusubukan ko paring pumiglas. Pero tumigil ako nang bigla siyang nagsalita.
"Hayaan mo lang akong yakapin ka." Nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.
Na-miss ko to.
Yung mga yakap niya, presensya niya, lahat.
Alam ko, ilang araw lang kaming hindi nagpapansinan pero anong magagawa ko? Hindi ako sanay na hindi siya makasama.
"I knew you can't resist me." Ngumisi naman ako.
"Confident huh?" Naramdaman ko naman yung ulo niya na tumango. Sinubukan ko ulit bumitaw sa yakap niya at buti nalang binitawan niya ako.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. "Chase, im sorry. For everything." Nakatingin lang ako sa mata niya at ganun din siya. Halata sa mata ko ang pagkasincere ng mga sinasabi ko.
"Sorry kung hindi ko man ma-appreciate ang pagmamahal mo sakin, sorry kung ako pa yung nagalit sayo, sorry kung nag-iwasan tayo, sorry kung ma-pride ako, sorry k-" bigla niya ulit akong niyakap.
"Shhh. Kahit hindi ka mag-sorry, pinatawad na kita." Muntik na akong ma-iyak. Ang dali niyang magpatawad pero ako hindi ko magawa. Ang sama ko talaga.
"Sorry, kung umalis ako dun sa party ni Jaxx. Gusto naman kitang patawarin nun kaso hindi ko talaga alam kung bakit ko nagawa yun. Siguro dahil ma pride ako, or siguro-" bago ko pa matapos ang pagsasalita ko, tinakpan niya bibig ko.
Bastusan tayo dito?
"I told you, you dont have to say sorry cause no matter what ill forgive you." Deym! Ang hot niya kapag nag-eenglish!
Kumalas naman siya sa yakap at idinikit niya pareho yung noo namin.
"Pero, pwede ka bang mag-promise sakin?"
"Sure."
"STAY. AWAY. FROM. BOYS." Mahinahon ngunit may awtoridad niyang sabi. Bawat words sa sentece na yun ay may diin. Ngumisi ako.
"Oh, so i guess i have to stay away from you?"
"That's not what i meant. Patapusin mo muna kasi ako. What i meant is, stay away from boys, except me."
"Pero anong gagawin ko kung sila mismo ang lumalapit sakin?"
"Ang dami mong dahilan. If i know, baka kaya ka maraming dahilan dahil gusto mo na lumalapit sila." Walang expression niyang sagot. Nanlaki naman mata ko.
"Ang babaw naman ng tingin mo sakin."
"Bakit? Hindi ba totoo?"
"Hindi."
"Okay. Prove it." Nakunot naman mata ko. Prove what?
"How?"
"Oh... I dont know... Maybe...? Kiss me?" Nanlaki lalo mata ko. Anong kinalaman nung sa pinag-uusapan namin?
"Ano konek nun?"
"Okay. Sabi ko nga gusto mo talagang lumapit dun sa mga lalaking yun eh." Tumalikod naman siya sakin at nagsimula na maglakad palabas.
Anong ginawa ko?
Tumakbo ako sa kanya. Kinuha ko ang braso niya at hinila ito papalapit sakin. Pagkaharap niya sakin, hinalikan ko siya.
Pinangako ko sa sarili ko na smack lang pero sabi nga nila, lahat ng pangako, napapako. XD
Tumugon naman siya sa halik ko.
Akala ko maglalast lang ng 10 seconds ang halik namin pero the next thing i knew, nakahiga na kami sa kama niya.
At.....
Alam niyo na. XD
__________________
Short UD.
Hindi po ako marunong gumawa ng BS kaya pa-sabaw po itong chapter na to. XD
Sana po nagustuhan niyo tong short UD ko.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top