~Chapter 25: Pride, f*ck off~

Dedicate ko lang pong chapter na to kay @joey-annbrutas kasi palagi po siyang nagvo-vote. Salamat po!

Ps.
Flashback lang po muna to sa nangyari sa party ni Jaxx.
________________________
JAMAICCA'S POV
"Were here." Sagot ni Kai at tsaka hininto ang sasakyan niya. Nauna siyang bumaba at pagkababa niya, binuksan niya agad ang pinto ng kotse niya para makalabas ako.

Gentleman.

Tiningnan ko ang lugar ng party ni Jaxx at isa lang ang masasabi ko.

Wow.

Ang laki ng venue at ang ganda. Halatang pinag-planuhan at halatang binayaran ng malaki.

"Ready ka na bang pumasok?" Tanong sakin ni Kai. Tumango lang ako.

Pagkalapit namin sa entrance ng party ni Jaxx, may dalawang bodyguard na humarang.

"Card please." Sabi nung isang bodyguard. Card? Anong card? Credit card?

"Jam, yung invitation mo ibigay mo." Ah.. Invitatin card... Ok yun lang naman pala.

Inabot ko agad yung invitation card at tumingin ako kay Kai. Teka, pano pala siya makakapasok kung wala siyang card?

"Pano ka makakapasok kung wala kang invitation card?"

"Sino may sabi sayong wala ako?" Sabi niya sabay labas ng card niya. Inabot niya ito sa bodyguard at pumasok na kami sa loob.

"Pano ka nakakuha eh hindi mo nga kilala si Jaxx?"

"Kilala ko siya, dati pa. Magkaaway kasi ang grupo namin." Bat hindi ko alam yan? Andaya nila. Hindi nila sinasabi. Palagi silang may sekreto.

"Oh, kung magkaaway grupo niyo, bat ka nabigyan?"

"Ewan ko. Siguro dahil gwapo ako." Napairap naman ako sa sinabi niya at tsaka siya binatukan. "Ah-aray! Sakit Jam ah." Reklamo niya.

"Ang kapal kasi ng mukha mo." Tumawa lang siya.

Sa kalagitnaan ng paguusap namin ni Kyle, lumapit samin si Jaxx. "Nasan si Cassandra?"

Wow. Cassandra agad ang nasa bibig neto. Hindi pa nga ako nakakabati eh.

"Wow. Pambungad agad sakin si Cassandra ah. Happy birthday muna." Sabi ko sabay abot ng regalo. Mas lalo siyang gumwapo sa costume niya. Prince charming. Whew.

"Happy birthday." Bati ni Kyle at iniabot ang regalo niya. Tumango lang si Jaxx. Ang cute nilang tingnan. Hindi halatang magkaaway ang grupo nila.

"Now, tinatanong mo kung nasan si Cassandra right?" Tumango lang siya.

"Well... Hindi ko rin alam kung nasan siya eh. Kanina ko pa siya tinatawag at tinitext pero ni isang reply wala siya. Baka.. Walang balak pumunta?" Napansin ko namang parang nanlamya siya sa sinabi ko.

Hay, pag-ibig nga naman..

Teka, mahal nga ba talaga ni Jaxx si Cassandra? Kung hindi, bakit nung malaman niyang mukhang hindi pupunta si Cassandra ay parang nalungkot siya?

Hay nako, bahala na.

"Chocolate!" Napalingon kaming dalawa ni Kyle sa tumawag.

Naka-ironman siyang costume.

"Oh, akala ko ba barbie costume mo? Bat naka-ironman ka? Hahaha"

"Nice one, chocolate." Sarcastic na sabi niya. Ang bigat siguro ng cotume niya. Metal kasi eh.

Napatingin naman si Jameson sa katabi kong si Kyle. "Teka, diba ikaw yung nakasama namin sa Quadruple date?" Tanong ni Jameson.

"Im Kyle, bestfriend ni Jamaicca." Sabi ni Kyle sabay abot ng kamay niya kay Jameson. Inabot nalang rin ni Jameson.

"Jameson. Boyfriend ni Jamaicca." Sabi ni Jameson habang tatawa-tawa pa. Halatang nagulat si Kyle sa sinabi ni Jameson kaya sinipa ko ang paa niya. "Aray ko, chocolate ah!"

"Pinsan ko siya." Saad ko. Parang nabunutan naman ng tinik si Kyle pagkasabi ko sa kanya nun.

Naramdaman ko namang inakbayan kaming dalawa ni Jameson. "Dun tayo sa JCACZ, chocolate."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Sinilip ko kung saan nakaupo ang JCAZC at nagulat ako sa nakita ko.

Sino yung kasama ni Chase na babae?

Parang nag-init naman yung dugo ko. Ang kapal naman ng mukha niyang magdala ng babae sa birthday party ni JAXX? Bakit? Birthday party niya ba to? Tsaka, pano yan nakakuha ng invitation card eh hindi nga ata kilala ni Jaxx yan?

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin ako kay Kai na parang nanghihingi ng tulong.

"Ah, pare. Hinihintay kasi siya nila Sabrina dun eh. Mamaya nalang siguro." Sabi ni Kyle. Tumango naman si Jameson at umalis. Whew! Thank you Kyle!

Inabot naman ni Kyle yung kamay niya. "Lets go?"

Inabot ko naman yung kamay ko at pumunta kami sa pwesto nila Sabrina.

Nagulat ako nang makita ko na nandito rin pala si Daisy sa party ni Jaxx pero hindi ko siya pinansin. Umupo nalang ako sa tabi ni Sabrina at si Kyle naman sa tabi ni Daisy.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Sabrina. "Sinabi ko bang umupo ka sa tabi ko?"

Hay nako, nagtataray nanaman.

Sa tingin niya may mangyayari kung magtataray lang siya ng magtataray?

"Hindi."

"Eh hindi naman pala eh. Bat nandito ka?"

"Kailangan pa bang sabihin sayo na uupo ako sa tabi mo bago umupo sa tabi mo? I can sit wherever, whenever i want." Wala ako sa mood makipag-usap ng maayos sa kanya. Ewan ko, simula nung makita kong may kasamang babae si Chase nawala ako sa mood.

Hindi naman sa nag-aassume ako pero panigurado sa kanya yung babaeng yun eh. Pano ang close close nila, ni hindi nga pinapansin nung apat yung babae eh. Si Chase lang pumapansin.

"Haist! Sino ba yung babaeng haliparot na kasama ni Chase? Dapat ako yu kasama niya eh! Ako lang! Ako yung fiance!" Sabi ni Sabrina.

"Comfront her." Mahinahong sabi ni Daisy.

"Wow. What a great idea. Ang stupid mo talaga ate kahit kailan, kapag ginawa ko yun, eh di nasira yung party?" Nanlaki naman ang mata ko.

"Sis, cocomfront mo llang naman. Hindi ko sinabing awayin mo."

"Sis? Ate?" Napatingin ako sa kanila.

"Hindi mo alam? Kahit kailan talaga wala kang alam sa buhay.." Sabi ni Sabrina. Alam kong biro lang niya yun pero ang sakit din ah.

"Whatever."

"Jam." Napalingon ako kay Kyle. May dala siyang mango juice at iniabot niya ito sakin. "Alam ko naman na hindi ka umiinom ng alak kaya juice nalang." Dag dag niya. Aww. Ang sweet.

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya dahil nanggigigil ako sa mala-siopao niyang pisngi. "Aww.. Youre sooo cu-"

"Excuse me." Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

O.o

"Pwede ba kaming maki-table?" Tanong niya. Hindi, ayoko nga.

"Bakit dito? Ang dami namang pwedeng upuan na table ah.." Pagkasabi ko nun, naramdaman kong may sumipa sakin sa paa. "Ouch!" Sinamaan ko ng tingin si Sabrina kasi alam kong siya yung sumipa sakin.

"Sure, babe." Sabi ni Sabrina. Napatingin naman si Sabrina dun sa kasama niyang babae at inirapan niya ito. Tss.. Kahit kailan talaga.

"Oo nga pala. Si Willow, kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa babaeng kasama niya.

Willow huh?

Kumaway lang si Willow sa amin. Tss.. Pacute.

Tumingin ako kina Daisy at Sabrina at ramdam na ramdam ko ang pagseselos nila sa babaeng yun.

I feel you guys. XD

"Jam, gusto mo sushi?" Alok sakin ni Kyle at nilagyan niya ng sushi yung plate ko.

"Thanks, Kai." Sabi ko at kinain ko nalang ung sushi. Medyo tahimik ngayon dito kaya ang awkward..

"Ikaw Willow, anong gusto mo?" Napatingin kaming lahat kina Chase at yung Willow na yun. Tumingin naman sakin si Chase. Na parang nang-aasar pa. Nung pagtingin niya kay Kyle, biglang naging dark ang aura niya.

"Kahit ano nalang." Pabebeng sagot ni Willow. Eww.

Maya-maya may narinig kaming music. Upbeat music. Parang pang-club, party party. XD

"Chase, sayaw tayo." Alok nung Willow na yun. Wow ang kapal ng mukha. Siya pa talaga nag-alok ah.

Napatingin naman sakin si Chase bago sumagot. "Sige." Agad namang hinila ni Willow si Chase papunta sa dance floor.

"That wh*re, ang kapal ng mukha niyang agawin sakin si Chase." Bulong ni Sabrina. Walang sayo, Sabrina.

"Restroom lang ako ah." Paalam ko at tsaka umalis.

Pagpasok ko sa restroom, walang tao. Sinilip ko yung mga cubicle pero wala talaga.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Huminga ako ng malalim. Kaya mo to Jamaicca, tapusin mo lang etong party na ito at tapos ka na, pwede ka na ulit magkulong sa kuwarto mo pagkatapos. Tapusin mo lang ito.

Pagbalik ko sa table namin kanina, nawala na yung magkapatid na sina Daisy at Sabrina. Si Kyle nalang ang nandun.

Suddenly hindi na naging upbeat yung music.

Parang slow dance na.

Napansin ko namang tumayo si Kyle at lumapit sakin. Inabot niya yung kamay niya sakin sumayaw at inabot ko ito.

Pagpunta namin sa dance floor, maraming tao pero marami paring space para pagsayawan. Napansin ko naman sina Willow at Chase sa may bandang gitna.

Wow. Center of attention sila ah.

Habang sumasayaw kami ni Kyle, hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya.

Nakakatunaw kasi yung titig niya sakin. Like, nakaka-awkward.

"Ayaw mo naman ako titigan ng ganyang lagay noh?" Pang-aasar ko at tumawa ako ng mahina. Umiwas naman siya ng tingin.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan samin hanggang sa nagsalita siya.

"Jamaicca, kung... Magkagusto sayo besfriend mo, may chance bang... Msgustuhan mo rin siya?" Bat niya tinatanong out of nowhere sakin yan?

"Well, it depends. Bat mo naman naitanong?"

"Wa-wala." Huminto naman kami saglit sa pagsasayaw. Ngumiti siya sakin pero ibang ngiti, ngiting parang... Malungkot?

"CHANGE PARTNERS!" Sigaw ni Jaxx sa unahan.

"Ibibigay na kita kay Alex." Sabi niya. Napansin ko naman si Alex sa likod niya. Lumapit siya sakin at inabot niya ang kamay niya kaya inabot ko rin.

"Long time no talk ah." Saad niya.

"Oo nga eh, nagkikita tayo pero hindi naman tayo nagpapansinan." Saad ko habang naka-pout. "Hindi na tayo bati."

Tumawa lang siya. "Sorry about that. May inasikaso lang ako kaya medyo busy. Kamusta ka na?"

"Hahaha. OA ah, one week lang naman tayong hindi nagkita kinakamusta mo agad ako?" Pero honestly, gusto kong magalit sa kanya dahil hindi niya ako kinakausap for one week.

"Malay mo, sa one week na yun may mga bagay na pala na nagbago." Pagkasabi niya nun, naisip ko agad kami ni Chase.

Hindi na kami nagpapansinan for one week, but that doesn't mean na may nagbago na samin.

Or baka meron na nga?

Sa kalagitnaan ng sayaw namin, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you."

Wit lang, pakiulit nga?

'I miss you'

'I miss you'

'I miss you'

Pwede na bang mamatay? As in now na?

Feeling ko parang lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko sa sobrang pula.

"Hahaha. Youre blushing!" Tinakpan ko agad yung mukha ko. Nakakahiya!

"CHANGE PARTNERS!"

Buti nalang nag-change partners na dahil nahihiya n ako kay Alex. Kakahiya, nakit aniya pa akong nag-blush.

Pero nagsisi ako nang makita ko kung sino makakasayaw ko.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. As in nagtititigan lang kami.

Mukhang naiilang siya na makipag-sayaw sakin.

Ok, i understand na ayaw niyang makipag-sayaw sakin.

Papunta na sana ako sa tbale namin kanina para magpahinge pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry.." Rinig kong bulong niya. Sinubukan kong kumalas pero dahil nga mahigpit ang pagkakahawak niya, hindi ko magawa.

"Chase, bitawan moko." Saad ko pero ayaw niya talagang bumitaw.

"I'm sorry." Dahil hindi ako makawala sa yakap niya, sinipa ko pagkalalaki niya. "Sh*t! F*ck!" Sigaw niya. Tumakbo ako palabas ng party na yun.

Babalik nalang ulit ako sa party pag wala na si Chase.

Gusto ko na siyang patawarin pero bat hindi ko magawa?

Siguro dahil sa pride ko?

Urgh! Pride, f*ck off!
____________________
UD.

Sorry po kung natagalan UD ko. Sinaniban po kasi ako ng espiritu ng. Katamaran eh. XD

Dahil sumasanib na naman ang espiritu ng katamaran, hindi ko na,po i-eedit tong chapter na to.

Dont forget to vote and comment para mawala ang aking espiritu ng katamaran at para ganahan ulit akong mag-UD.

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top