~Chapter 24: Nurse Jaxx~
JAXX'S POV
Naritinig kong tumatawa si Jamaicca ng mahina.
"Wag ka ngang tumawa." Im pissed. Pano ba naman kasi puno na kasi yung jeep kaya nakasabit ako dito. Ganto pala ang ginagawa pag puno na.
'Bakla, ang gwapo.'
'Oo nga eh, kung ganyan lang ka gwapo ang makakasabay ko sa jeep eh di magpapasabit nalang rin ako para magkasama kami.'
'Tsaka bat siya nagje-jeep? Mahirap ba siya?'
'Hindi naman siguro, tingnan mo nga itsura oh. Yan? Mahirap?'
Naririnig kong bulong ng dalawang bakla sa loob ng jeep. Eww...
At take note, mukha pa kaming tanga ni Jamaicca dahil naka-costume kami.
Airgh! San ba bahay ni Cassandra?
"Ma, para ho." Malakas na sabi ni Jamaicca sa driver. Hininto naman ng driver ang sasakyan. Pagtingin ko kay Jamaicca, may para sinisignal siya sakin kung ano.
'Ano yun?' I mouthed.
'Bumaba ka na!' Sabi niya. Sinunod ko naman ang utos niya at bumaba na ng jeep. Tapos inalalayan ko siya sa pagbaba.
"Nasan tayo?"
"Nandito yung bahay ni Cassandra." Saad niya. Inikot ko yung mata ko sa buong paligid.
"Lead the way, superwoman." Sabi ko habang nakangisi. Inirapan niya lang ako at nagsimula nang maglakad.
Mga ilang minuto kaming naglakad hanggang makadating kami sa bahay niya.
Halata pala sa labas ng bahay niya, ay hindi siya ganun ka yaman.
*tok tok*
Pagbukas ng pinto...
O.o
O.O
"Bakit nandito kayo?" Gulat na gulat na saad niya. Teka, ilang araw ko lang naman siyang hindi nakita pero parang may nagbago sa kanya? Parang mas lalo siyang pumayat. At parang namumutla siya.
"Yah! Bakit hindi ka pumunta sa party ko? Mag-explain ka nga!" Labyu.. XD
Naramdaman ko namang kinalabit ako ni Jamaicca kaya napatingin ako sa kanya.
"Jaxx mauna na ako, hinahanap na ako ni mama sa bahay. May taxi dito sa lugar na to. Sige. Bye Cassandra!" Umalis na siya.
"Tinatamad ako.." Walang gana niyang sagot at isasara na ang pinto pero iniharang ko dito yung paa ko.
Katangahan pala yung ginawa ko.
"Aray ko!" Napahawak ako sa paa ko. Tumingin ako sa kanya, halata sa mukha niya ang concern sakin. "Why did you do that?!"
"Anong why did you do that? Nakita mong isasara ko yung pinto tapos ihaharang mo yung paa mo?" Teka, bat parang ang lamya lamya niya?
"Teka, bat ang lamya mo?"
"Wa-wala.." Shes hiding something from me. Kinapa ko yung noo niya at...
Oww!
Ang init ng noo niya. As in nakakapaso. May lagnat siya?
Itinabig niya naman yung kamay ko sa noo niya. "Get your hands off of me."
"May lagnat ka?"
"Obvious ba?" Narinig ko naman siyang umubo. Sumilip ako ng bahagya sa loob ng bahay niya at wala siyang kasama.
"Walang nag-aalaga sayo?" Sabi ko. Ngunit hindi siya sumagot.
"Umalis ka na." Pero instead na umalis ako, pumasok ako sa loob ng bahay niya. "Hoy! Sinabi ko bang pumasok ka?"
Lumapit naman ako sa kanya at hinila ko siya. Pero ayaw niyang magpahila.
Ang lakas pala netong babaeng to.
Ayaw mong magpahila ah?
Binuhat ko siya. Yung buhat pang sako. "Ho-hoy! Bitawan moko!" Sabi niya habang pinag-sususuntok yung likod ko.
"Hahaha. Pano kung ayaw ko?" Hinanap ko kung nasaan yung kama nila. Nang mahanap ko, ihiniga ko siya dun.
Ang init ng costume ko.
Hinubad ko ang prince charming kong costume dahil hindi ko naman kailangan ng costume. Kahit wala akong costume prince charming naman na talaga ako. XD
Ang tanging natira nalang sakin ay sando.
Tumingin naman ako kay Cassandra. Agad naman niyang kinumutan sarili niya at tumingin sakin na parang takot na takot. Eh?
"Bat ganyan ka makatingin?" Tanong ko.
"Anong gagawin mo sakin?" Gagawin?
"Gagawin?" Tinitingnan ko kung saan siya nakatingin. Then napatingin ako sa katawan ko, i smirked.
Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan. "Ano sa tingin mo?"
Naglakad naman siya paatras ng paunti-unti habang naka-evil grin. Nakakatawa ang mukha nya.
"Kung a-ano man ba-balak mo.. St-stop it."
"Pano kung ayaw ko?" Mapang-asar kong tanong.
CASSANDRA'S POV
"Pano kung ayaw ko?" Tanong niya. Ghad!
Lapit parin siya ng lapit sakin kaya atras lang ako ng atras. Hanggang sa ma-realize ko na wala na pala akong aatrasan dahil pader na yung nasa likod ko.
"A-ano ba Jaxx! Ma-may sakit ako, nilalagnat ako. Ma-mainit ako." Sabi ko. Hindi namna ako nagfe-feeling na may gagawin siya sakin. Ang mga tipong babae kasi niyan sexy, maganda, hot, gorgeous in short, perfect. Swerte nalang ako kung magustuhan ako ng taong katulad niya.
"Mainit ka?" Tumango ako.
"Eh di mas lalo pa kita papainitin." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ahh!" Tumili ako at pumikit. Sana may makarinig sakin sa labas. Re-rapin ako netong g*gong to.
"Hahahah!" Idinilat ko ang mga mata ko. Tawa siya ng tawa habang hinahawakan pa yung tiyan niya. "Nakakatawa ka promise, hahaha!"
Teka, bat parang... Medyo... Nahihilo...
Ako...
*black out*
__________________
Iminulat ko ang mga mata ko at...
Teka, panaginip lang lahat yun?
"Buti naman at gising ka na." Napatingin ako sa gilid ko at...
Hindi yun panaginip!
"Hindi yun bangungot?" Tanong ko kay Jaxx. Pinitik niya naman ang noo ko ng mahina.
"Ano sa tingin mo?" So.. Totoo nga siya? "Aalagaan muna kita sa ngayon. Walang nag-aalaga sayo at sobrang taas ng lagnat mo kaya dito muna ako. Hindi naman kita madala sa ospital dahil napagtanong ko na malayo daw ang ospital dito sa lugar niyo."
"Hindi, kaya ko na to." Sabi ko habang sinusubukang umupo. Hindi pa ako nakakaupo ng maayos, ihiniga niya na ulit ako.
"Wag nang makulit, kaya nagkakasakit eh." Sabi niya habang nilalagyan ng malamig na tubig ang bimpo na ipapamunas niya sakin.
"Sorry kung hindi ako nakapunta sa party mo ah, sorry din yung wala akong gift. Happy birthday nalang."
"Oo nga pala, bat hindi ka pumunta?" Hindi ako sumagot. Ayokong malaman niya na may kumuha ng invitation card ko. Ayoko na ng gulo.
"Is there something wrong?" Tanong niya. Ayokong magsalita dahil baka malaman niya na may kumuha ng invitation card ko.
"Ano?! May kumuha ng invitation card mo?! Sino?!" Nagulat ako nang napasigaw siya.
"Pano mo nalaman?" Tarantang tanong ko.
"Your thingking out loud." Saad niya.
Toinks. Katangahan.
"Malalagot sila kung sino mana ng kumuha nun."
"Wag! Wag na, please Jaxx ayoko ng gulo."
"Mali yun! Sayo yun! Alam mo bang kanina pa kita hinihintay sa party ko? Tapos hindi ka pala naka-attend dahil mah kumuha ng invitation card mo?" Kanina niya pa ako hinihintay? Ako? Ako hinihintay niya?
"Hinihintay moko?"
"Oo! Kanina pa. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpa-party." Saad niya.
O.O
_________________
Gusto ko pa po sanang dagdagan yan pero ayoko naman po ng mahabang UD. Pa-onti onti lang.
Dont forget to vote and comment.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top