~Chapter 23: Finding Cassandra~
JAMAICCA'S POV
To: Cassandra
Cass, buhay ka pa? Bat di ka nag-rereply? Mag-reply ka kung pupunta ka ah.
Send.
Hays, kanina ko pa tinetext si Cassandra pero ni isang reply wala siya. Ano kayang nangyari dun?
Wala namang sumasagot kapag tumatawag ako, baka naiwan yung phone?
Birthday party na ni Jaxx ngayong araw. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano susuotin ko.
Magaala-cinderella ba ako or sleeping beauty or ariel or snow white or super woma- tama! Super Woman. May costume akong super woman.
Isang oras nalang at magsisimula na yung party. Ako, nandito parin sa bahay at hindi pa nakakapag-bihis.
Kinuha ko agad sa closet ko yung super woman kong costume. Buti nalang itinago ko to.
Isinuot ko agad yung costume ko at nagsimula nang magmake-up.
Done!
Okay na, hindi naman kailangang kopyang-kopya si snow white eh. Light make-up lang ginawa ko dahil baka pag kinapalan ko, maging clown pa ang costume ko.
Tinignan ko kung anong oras na.
30 minutes nalang at magsisimula na yung party.
Paglabas ko ng kuwarto ko, napatingin ako sa kuwarto ni Chase.
Buksan ko kaya? Nandyan kaya siya? Mag-sosorry na ba ako kahit wala akong ginawa?
Sabi ng puso ko, mag-sorry ako pero sabi ng utak ko, dumiretso nalang ako sa party.
Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?
Nalilitong-litong-litong-litong-litong-litong-litoooo 🎶 XD (thunder, lightning, rain. XD)
Fine, kakatok ako. Ano namang masama? Kakatok ka lang naman eh.
Ididikit ko na sana yung kamay ko sa pinto para kumatok nang bigla itong bumukas.
O.O
O.O
Bat hindi pa siya naka-bihis?
Naka-jacket lang kasi siya. Hindi ba siya aattend ng party ng BESTFRIEND NIYA?
"Chase.." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at dinaanan niya lang ako.
Bastusan tayo dito?
Fine, kung ayaw niya eh di wag. Ako na nga itong nagso-sorry kahit walang ginawa, tapos siya pa ang umiiwas. Taas ng pride niya.
"Honey." Tawag sakin ni mom. "May sumusundo sayo sa baba." Huh? Sumusundo? Sino?
Bumaba naman agad ako at...
"Hi Jam!"
Wow... Ang pogi niya.
Naka-aladdin siyang costume. Kita tuloy abs niya, hawt!
Pero wag kayo, bestfriend ko yan. Ayokong pagnasahan.
Pero enebe! Six pack abs ayaw niyo pa? Tinapay bes! Ulam!
"Na-star struck ka ba sa kapogian at ka-hotan ko? Paki-sara ang bibig tumutulo ang laway.""Natauhan ako sa sinabi niya at inihagis ang kung anumang bagay na malapit sakin.
"Kapal mo!" Sigaw ko. Natawa lang siya. Lakas talagang maka-asar amp!
"Let's go?"
"May sinabi ba akong pumapayag na ako? Anong gagawin mo kung ayaw ko?" Lumapit naman siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Wala ka ring choice. Hahaha" hinila niya naman ako palabas. Ni hindi na nga ako nakapag-paalam kina daddy eh.
Paglabas namin ng bahay, may naabutan kami sa tapat ng sasakyan ni Kai.
Si Chase.
Ang sama ng tingin niya samin habang nakayukom ang kamao. Para siyang tigre na kahit sinong tao kakainin niya ng buhay.
Ano nanaman ba ang ginawa ko para magalit ito?
Ayan ang ayaw ko sa kanya eh. Nagagalit siya pero ayaw niyang sabihin ang dahilan.
Pagkatapos ng ilang segundong titigan, umalis na agad siya.
"Bat ang sama ng tingin satin ni kuya?" Napansin ko namang ngumisi si Kai.
"Jealous." Hindi ko narinig yung sinabi niya dahil binulong niya lang.
"Ano yun?"
"Wala, sabi ko pasok na tayo sa sasakyan dahil baka ma-late pa tayo." Saad niya. Ah, yun lang naman pala.
___________________
JAXX'S POV
Bat wala pa siya? Kanina pa ako naghihintay pero ni anino niya hindi ko makita.
Talaga bang hindi siya pupunta ng birthday party ko?
Naka-suot ako ngayon ng prince charming na costume.
"Happy birthday Jaxx!" Bati sakin ni Sabrina. Nginitian ko lang siya. Naka-Harley Quinn siyang costume. Ibinigay naman niya sakin yung regalo niya. Hindi muna ako magbubukas ng regalo, tinatamad ako at wala pa ako sa mood.
"Happy birthday." Bati sakin ni Daisy. Magkapatid sila ni Sabrina. Naka-Enchantress naman siyang costume. Inabot naman niya sakin yung regalo niya. Mas malaki yung sa kanya kesa kay Sabrina.
Tumingin ulit ako sa pintuan to see kung nandun na siya, and for the 10th time, wala siya.
"Bro." Napalingon ako sa nagsalita.
Muntik na akong matawa sa mga costume nila.
Apat na g*go. Alam niyo na kung sino yun.
Biruin mo yun? Badboy magco-costume?
"Happy birthday bro! Grabe tanda mo na! 18? Dapat pala lolo na tawag ko sayo." Pang-aasar sakin ni Zane. Naka-Spiderman siyang costume. Aba g*go to ah. Lolo? Masyado akong gwapo para maging lolo.
"G*go. Mas matanda ka sakin." Tumawa naman silang lahat. Napansin ko naman wala silang dala na regalo.
"Regalo ko?"
"Condominium sa Korea nalang ang regalo ko sayo." Sabi ni Calix. Naka-Captain america siya na costume. Hmm... Pwede na.
"Ako, sports car nalang. Yung bagong labas ibibigay ko." Sabi ni Chase. Naka-superman siyang costume. Ang nakakatawa, yung kulot niya sa buhok.
"Akin, restaurant nalang sa New York." Sabi ni Alex. Eto naman, naka-batman.
"Salamat, mga pare ah? Palagi kayong nandiyan para sakin. Kahit na mga gwapong g*go tayo, we always got each other's backs." Sabi ko with sincerity. Minsan lang ako maging seryoso.
Binatukan naman ako bigla ni Chase. "T*nginamo. Drama mo." Natawa naman silang lahat.
"Sige pare, upo lang kami ah." Sabi ni Alex. Tumango lang ako.
Tumingin ulit ako sa pintuan. May pumasok pero akala ko si Cassandra na, si Jamaicca at Kyle lang pala.
O.o
Sakto, si Jamaicca. Siya makakapag-sabi kung nasan si Cassandra at kung bakit siya wala.
Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Nasan si Cassandra?"
"Wow. Pambungad agad sakin si Cassandra ah. Happy birthday muna." Sabi niya sabay abot sakin ng regalo niya. Naka-superwoman siyang costume. Bagay talaga sila ni Chase.
"Salamat." Napatingin naman ako sa katabi niya. Si Kyle.
"Happy birthday." Sabi niya sabay abot sakin ng regalo. Naka-aladdin siya. Tumango lang ako bilang pasasalamat.
"Now, tinatanong mo kung nasan si Cassandra right?" Tumango ako.
"Well... Hindi ko rin alam kung nasa siya eh. Kanina ko pa siya tinatawag at tinitext pero ni isang reply wala siya. Baka.. Walang balak pumunta?" Bumagsak naman yung balikat ko.
Sakit umasa.
Pakiramdam ko kahit birthday ko, hindi ako masaya. Bakit ayaw niyang pumunta? Kung hindi siya pupunta bat niya pa kinuha yung invitation card ko?
Umupo nalang ako sa puwesto ng JCAZC. Nawalan ako ng gana.
Siya nga ang pinaka-iintay ko dito sa party siya pa mawawala? B*llsh*t.
"Re? Ok ka lang?" Tanong ni Calix. Napansin niya siguro na wala ako sa mood. Nag-okay sign lang ako pero bakas parin sa mukha ko ang pagka-BM.
"Bipolar." Bulong ni Alex.
Ang sakit sa ulo isipin kung bakit hindi siya pumunta.
______________________
Natapos ang party, lahat masaya except sa birthday celebrant.
"I know kung bakit ganyan ka." Napatingin ako kay Jamaicca. Bumuntong hininga naman ako.
"Do you wanna visit her? Para malaman mo kung bakit hindi siya pumunta." Bigla naman akong nabuhayan.
"Alam mo kung saan siya nakatira?" Napairap naman siya sa sinabi ko.
"Duh.. Sa tingin mo hindi kita aayain kung hindi ko naman alam ang tirahan niya? Halika na nga.." Sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko.
"San tayo pupunta? Tsaka pano tayo makakapunta sa bahay nila kung wala tayong sasakyan?" Tanong ko.
"Eh di magji-jeep!"
"Ano? Jeep? Ayoko. Taxi nalang."
"Anukaba! Wala nang taxi ngayong oras na to. Bihira lang dumaan taxi dito. Jeep na lang."
"Maghanap nalang tayo ng taxi." Narinig ko namang nagbuntong-hininga siya.
"Gusto mo bang pumunta kina Cassandra?" Tumanog naman ako. "Eh di mag-jeep tayo."
_________________
Ayan na Jaxx ah? Regalo ko sayo. Pwede mong dalawin si Cassandra sa tirahan niya yehey! XD
Ok lang po ba UD?
Gusto ko papo sanang ituloy pero inaantok na po ako kaya hanggang dito nalang muna po.
Salamat po sa mga nag-vote ng chapters ko previously. Really apprieciated it!
At sana po i vote at comment niyo rin po tong chapter na ito para ganahan po akong mag-UD.
Susubukan ko pong tapusin agad tong storyang to as soon as possible para po mai-publish ko na yung mga stories sa drafts ko.
May dalawang stories pa po kasi ako dun eh. Reserved na po.
Kaya sana po maka-abot po tayo ng kahit 1000 reads para ganahan akong matapos tong storyang to.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top