~Chapter 20: Quadruple Date?~

JAMAICCA'S POV
"Jamaicca.." Rinig kong boses ng isang lalaki. Im sure na hindi si dad to. Uhm, antok pa ako.

"Jamaicca, gising na.." Bwiset naman tong lalaking to. Sino ba to at ang kapal ng mukhang istorbohin ang tulog ko.

Masyado pa akong inaantok kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Mga ilang minuto din ay wala nang nang-iistorbo sakin. Eh di maganda! Makiramdam naman kayo. Nakikita niyong inaatok yung tao-

"Ahhhh!" Napabangon ako ng di-oras. Gatok surprise shower yun ah.

"Goodmorning chocolate." Napatingin ako sa harapan ko. Kumuha ako ng unan at pinag-hahampas hampas siya.

T*ngna inaantok pa ako tapos bubuhusan ako ng malamig na tubig!

Take note: MALAMIG na tubig as in, may yelo!

"Hahaha! Aray masakit!"

"P*kyu po kayo! Natutulog pa ako eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh ayaw mo pang bumangon eh!"

"Ano bang pakielam mo kung bumangon man ako oh hindi?"

"Op op op, may nakakalimutan ka ata.."

"Eh?"

"Sabado ngayon." Ang lapad ng ngiti niya ngayon. Eh?

"Ano naman ngayon?" Pagkasabi ko nun, nawala yung ngiti niya.

"May date tayo, remember? Pinaalam na kita kay tito nung isang araw." Ay p! Takte oo nga pala.

"Nakalimutan ko. Hehe.."

"Ikaw chocolate ah, kinakalimutan mo na date natin. Nagbago ka na talaga..." Napapout pa siya. Kunwaring sad face.

"Ang drama mo. Mukha kang tanga." Hindi niya parin binabago yung mukha niya. Napabuntong-hininga naman ako.

"Oo na oo na, maliligo na ako." Nagbago naman bigla yung mukha niya. Sumaya ulit yung mukha niya

Tss... Bipolar.

____________
"Ano nga pala papanuorin natin? Diba mag-sisine tayo, Barbie?"

"Wag na tayo mag-sine. Arcade nalang tayo." Bigla naman akong na-excite.

"Sige sige!"

Pagdating namin dun, ang daming tao. Sabagay, sabado kasi eh.

"Anong unang gusto mong puntahan?"

"Coin machine!" Since bata pa lang ako favorite ko na yun. Tumango lang siya.

Pagdating namin sa coin machine, madaming naglalaro pero buti nalang may empty slot pa.

Pupuntahan na sana namin yun pero may couple na siningitan kami.

"Babe oh, try natin to." Teka, bat parang familiar yung boses na yun?

Paglingon nila..

O__O

"Chocolate, diba yan yung katulong mo? Yung nakasama mo nung kinidnap kita? Day off niya pala ngayon..." Sabi ni Jameson. Hindi ko alam kung nang-iinis siya o talagang akala niya katulong ko si Sabrina.

"How many times do i have to tell you, IM NOT A MAID!" Napatingin ako sa kasama niya, umiiwas siya ng tingin sakin. Napatingin naman ako sa kamay nila.

Wow. Holding hands. Sweet. (Insert sarcasticness here.)

"Nagda-date kayo?" Tanong ko kay Sabrina. Napa-irap naman siya.

"Dont state whats obvious."

"Ah! Double date kaya tayo?" Napatingin naman ako kay Jameson. Double date? Pano magiging double date eh hindi nga kami nagda-date ni Jameson.

"No."

"No!"

Awkwardness..

Sabay ka kaming nagsalita ni Chase.

"Sige na, Chocolate. Gusto kong maranasang mag-double date."

"Me too." Saad ni Sabrina. Hindi talaga ako makapaniwala na sumang-ayon siya.

"Pero hindi ibig sabihin na gusto ko na kayong makasama. Gusto ko lang rin ma-experience noh!"

-__-

Sabi ko nga.

Hindi nalang ako sumagot. Hindi ko alam kung ano isasagot ko eh.

Nakakapagtaka dahil hindi din sumasagot si Chase.

"Well, silence means yes." Sabi ni Jameson tsaka ako hinila kung saan.

"Saan gusto niyong restaurant?"

"Shakeys!" Saad ni Sabrina. Silang dalawa lang ang na-eexcite ni Jameson. Kami ni Chase, walang imik.

Pagpasok namin sa Shakeys, naghanap agad kami ng upuan.

"Kami na ni Chase oorder. Anong gusto niyo?"

"Bahala na kayo." Sabi ni Sabrina.

"Ikaw Jamaicca?"

"Bahala narin kayo." Tsaka naman siya umalis.

"Hmm... Date mo ngayon ang sarili mong pinsan? That's new." Napatingin ako kay Sabrina. Parang nang-aasar siya na parang ewan.

"Hindi kami nagda-date na parang magkasintahan. Kumbaga parang cousin date ito."

"Thats what i said. Ano bang nasa-isip mo?" Aish! Ang lakas talagang mang-asar netong bruhang to. She knows how to get into my nerves.

"Wag mo akong simulan. Badtrip ako." Banta ko. Natawa naman siya. Actually maganda-ganda na ang samahan namin ni Sabrina simula nung nag-sorry siya. Pero maldita talaga siya kaya hindi naiiwasang magmaldita sakin.

"Jamaicca?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Uy! Kai!" Tumayo naman ako at niyakap siya. Habang niyayakap ko siya, may batang babaeng nasa likod niya nakangiti sakin. Sino to?

Humiwalay na ako sa yakap namin.

"Oo nga pala, Aicca. Si Ginger, sister ko."

"Hi." Saad ko. Ang cute ng ngiti niya.

"Hi ate Aicca! Alam niyo po, palagi po kayong kinikwento sakin ni ku-hmmp!" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ni Kyle yung bibig niya.

"Oo nga pala Kyle, si Sabrina. Future sister ko."

"Future sister?" Takahg tanong ni Kyle.

"Yuckiness Jamaicca ah." Sabi ni Sabrina. Tumawa naman ako ng mahina.

"Hi Sabrina." Sabi ni Kyle. Tumango lang si Sabrina. Suplada.

"Wait lang, sibling date niyo ba?" Tanong ko. Tumango naman si Kyle.

"That's great! Alam niyo, may double date kami ngayon. Wanna join?" Napatingin naman ako kay Sabrina. Seryoso ba siya?

"Ano, Ginger? Ok lang ba?"

"Yehey! Triple date! Triple date!" Ibinaling naman ni Kyle ang tingin niya samin.

"Are you sure na hindi kami nakakaabala sa inyo?"

"No. Hindi kayo nakakaabala, kaya join na kasi!"

"Oo nga, kuya."

"Ok. Thats a yes then."

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni Chase kasama si Jameson. Ang dami nilang dalang pagkain ah. Sakto kasama na samin sila Kyle.

"Were having a triple date." Saad ni Sabrina.

"That sounds exciting!" Sabi ni Jameson. Hay nako..

Narinig ko namang nag-buntong hininga si Chase at inilapag sa table yung mga pagkain na inorder nila. Buti nalang ang pinili naming table ay yung pang-walong tao na.

_______________
"Urgh.. Im so fuuuull.. Nawala diet ko." Sabi ni Sabrina. Ako naman hindi nabusog, konti lang nakain ko kanina dahil naa-awkwardan ako samin ni Chase.

"Where do you wanna go next?"

"Hmm.. How about sine?" Napatingin naman sila sakin. Bakit? Dun naman talag punta namin ni Jameson simula palang eh. Bat hindi natin tapusin dun?

"Anong movie?" Tanong ni Jameson.

"Kahit ano basta romantic. Favorite yun ni Ginger eh. At isa pa, triple date naman tayo eh." Sabi ni Kyle. Nag-agree naman ang lahat.

"Kami nang boys ang bibili ng ticket. Kayo bili kayo popcorn. Ginger, behave okey?" Saad ni Kyle. Tumango naman si Ginger. Such a sweetheart!

Bumili kami ng tatlong malaking popcorn. Hihintayin nalang namin yung boys.

Pagdating ng boys..

"Guys, tingnan niyo kung sino yung nakita namin."

O.O

"Hello."

Si Alex na may kasamang babae. Date niya rin ata.

"Date niyo?" Tanong ni Sabrina.

"Oo."

"May triple date din kami eh. Sali na kayo samin para maging quadruple date." Natawa naman si Alex.

"Okey."

Seryoso? Date pa ba to?

________________
Haiii!

Sorry po kung napatagal yung UD. Tinapos ko papo kasi yung Chapter 1 ng second story ko.

Try niyo pong basahin yung second story ko called "The Badboy's Pretend Game" maganda po siya promise!

Congratulations po satin! Rank #827 po tayo sa teenfiction! Ang bilis po ng progress. Salamat po talaga!

Stay tuned for more UD's

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top