~Chapter 2: School of Gangsters?!~
JAMAICCA'S POV
'Hoy pukengkeng gumising ka na!'
'Hoy pukengkeng gumising ka na!'
'Hoy pu-'
*Alarm off*
Ugh! I hate mondays..
Grabe hindi ako nakatulog masyado kagabi, sumasakit tuloy ulo ko.
Naninibago kasi ako dito sa bagong bahay namin. Lumipat kaming lahat sa medyo malayong lugar. Sabi kasi ni daddy tutal kasal na sila, kailangan na namin tumira sa iisang bahay.
In-enroll na din daw ako sa isang paaralan at first day of school ngayon. Medyo kinakabahan nga ako eh.
Mabait kaya mga estudyante dun?
Marami kaya akong magiging bagong kaibigan?
Tataas kaya grades ko? XD
May gwapo kayang professor dun? Sana naman...XD
Ah basta, ang alam ko lang kinakabahan ako.
Pumunta na agad ako sa banyo para maligo at magbihis.
Actually hindi naman talaga ako naninibago sa bahay kaya ako hindi makatulog, hindi ako makatulog dahil sa nangyari kahapon.
*FLASHBACK*
"Jamaicca..." Napatingin ako sa kanya. Naging seryoso mukha niya. Tumayo siya at nilapitan ako. Anong meron sa kanya?
Napansin ko naman na palapit siya ng palapit sakin. OMO! Anong gagawin niya?
Paatras ako ng paatras habang siya mas lalong lumalapit. Rape! Naku! Chase, wag dito, wag ngayon...XD
"Ahhh!!! Rape!" Napatili ako ng di oras sa ginawa niya. Akala ko ba naman kung ano gagawin niya. Niyakap lang pala niya ako. Teka? Niyayakap niya ako? Bakit?
Sinubukan kong kumalas sa yakap namin, kaso malakas siya eh hindi ko siya kaya. At tuwing kumakalas ako sa yakap, mas lalo niyang hinihigpitan yakap niya. Ang bigat pa niya.
"Im sorry..." Napatigil ako sa kapipiglas nang sinabi niya yun. Hindi ko akalain na nanggagaling sa kanyang bibig yang mga salitang yan.
Seriously, isang gangster maririnig mong mag-sorry? Sa wattpad mo lang ata makikita yun.
Hindi ako nakapag-salita. Wala rin naman akong sasabihin eh. Para san pa at nag-aaksaya ako ng laway sa kanya?
"Im sorry..."
"Chase, pupunta nako kay dad hinahanap n-"
"Im sorry..."
"Oo na, umalis na tayo dito mapapagal-"
"Im sorry..."
Nagsimula na akong kumalas ulit.
"Chase pag hindi ka kumalas sasapa-"
"Im sorry.."
"Chase ano ba! Hindi ka nakakatuwa. Wala na ring kwenta yang sorry sorry mo, nasaktan na ako." Kumalas na agad siya sa yakap namin at hinarap ako sa kanya.
"Hindi mo kailangan patawarin ako, pero nag-sorry na ako." Cold na sabi niya habang naka-poker face naglakad naman agad siya palayo sakin. Eh bat niya kailangang paulit-ulitin yung sorry niya? Tss...
Hindi pa siya gaanong nakalayo, tumigil siya sa paglalakad.
"Pero eto ang tatandaan mo, Hindi ako papayag na matapos lang ang relasyon natin ng ganto..." Sinabi niya sakin yan ng hindi man lang lumilingon sakin. Tapos nagpa-tuloy ulit siya sa paglalakad.
*END OF FLASHBACK*
Yun, yun ang nangyari kahapon. Ano kaya yung ibig sabihin niya nung sinabi niya na hinding-hindi matatapos ang relasyon namin ng ganto?
Hay ewan...
Bumaba na agad ako pagkatapos kong magbihis.
Pagbaba ko, nakita ko agad sila sa dining area. Sila mama, daddy at.... Kuya.
"Princess, sit down." Utos sakin ni dad. Uh oh...
Umupo ako sa tabi ni Chase. Yun lang vacant seat eh.
"Ba-bakit p-po dad?" Kinakabahan ako. Nakakatakot magalit si tito or should i say dad. Pero, galit nga ba siya?
"San ka pumunta kahapon?" Napatingin ako kay Chase. Patay malisya lang siya. Bwisit ka talaga sa buhay ko Chase ipapahamak mo pa ako eh!
"Na-nagutom p-po ako kahapon k-kaya sa so-sobrang gutom k-ko po kumain na-nalang po ak-ko sa isang re-restaurant malapit." Paliwanag ko. Nanginginig ako ngayon. Im not a good liar.
Hindi naman umimik si daddy at kumakain lang siya. Napatignin ako kay mom. Kumakain lang din siya.
"Mom, dad, are you... Upset?"
"No honey, were not upset. We are... Disappointed." Sa sinabi ni mom na yun. Nalungkot ako. Maraming ini-expect sina mom and dad sakin.
"Sorry..." Napayuko ako. Nalulungkot ako at nahihiya sa kanila. Tanga mo Aicca! Dapat hindi mo nalang sinundan si Chase sa labas ng simbahan!
"Princess, Chase, alam kong sa simula pa lang ayaw niyo na yung kasal na yun pero sana naman atleast dumalo lang kayo. Kahit hindi kayo makipag-cooperate dumalo lang kayo. Sobrang matutuwa sana kami." Napayuko ako. Nahihiya ako kina mom at dad. Leche ka Chase! Sana mamatay ka na!
"Chase." Tawag ni dad.
"What?" Ang galang eh noh?
"Tutal magkasama narin naman kayo ng kapatid mo sa iisang school, would you mind kung pwede mo siyang bantayan?" Sabi ni dad.
"Im not a babysitter."
"Come on, Chase. Please?" Sabi ni das.
Narinig ko namang napabuntong-hininga si Chase. "Whatever."
"Thanks, oh and by the way, mawawala kami ng daddy niyo for 1 week. Kaya ikaw Chase, ang in charge muna dito." Napatingin ako kay Chase. Ngumisi lang siya. Ang daya! Siya in charge. Dapat ako nalang eh. Mas responsable pa ako diyan eh.
"Alis nako." Patayo na sana si Chase nang nagsalita si mom.
"Sabay na kayo ng kapatid mo, Chase." Takte naman oh! Nang-aasar ba talaga sila? Haist bahala na nga. Ayoko namang mag-commute eh. Sayang lang sa ganda. XD
Kahit hindi pa ako tapos kumain, lumabas na ako. Kilala ko si Chase, nang-iiwan yun kapag mabagal ang isang tao. Akala mo palagi parang may pupuntahan yun eh.
Paglabas ko, nakita ko naman na nakasandal siya sa van na sasakyan namin. At aba matinde, naka-shades pa. Ang arte papasok nalang sa sasakyan mag-shashades pa.
"Good morning kuya." Hindi naman naging big deal sa kanya yung pagtawag ko na 'KUYA' sa kanya. May nakakakita kasi samin, yung mga maid at guwardiya ng bahay namin.
"Psh.." Tapos pumasok siya sa van namin ng naka-shades. Sumakay nalang rin ako.
Wala ba siyang balak tanggalin yung shades niya?
Teka, bat ko ba pinapakielaman yung shades niya? XD
Nakakabingi yung katahimikan dito. Gusto kong kausapin yung driver para mabasag yung katahimikan.
"Kuya malapit na po ba tayo sa bago naming eskwelahan?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanang kamay niya at parang kung ano-anong ginagawa sa kamay niya. Parang yung sa mga nagmu-musically lang.
Narinig ko namang tumawa si Chase. "Pipi yan." Yun lang yung sinabi niya. Ahhh, kaya pala parang nagmu-musically siya kanina... Sign language pala. XD
*******
Papalapit palang kami sa bagong eskwelahan namin, kinabahan naman agad ako.
I mean, maganda naman yung eskwelahan pero... Yung kulay ng school, sobrang dark kaya medyo nakakatakot din. At nakakatakot talaga yung mga estudyante.
Sino ba naman hindi matatakot eh halos lahat ata ng mga lalaking estudyante may dala-dalang delikadong gamit. Example, yung isa may dalang baseball bat, yung isa may ice pick, yung isa may basag na bote. Ano ba to? Kulang na lang magdala sila ng baril eh. Ano ba to kuta ba to ng mga terorista? XD
Bat sila pinapayagan na magdala ng mga ganyan dito sa eskwelahan? Nananakot ba sila? Dahil kung oo, takot na ako.
Bumukas naman yung gate ng eskwelahan nung papasok kami sa loob. At mas natakot ako sa mga nakita ko.
Yung mga estudyante na halata mong mahina, binubugbog nila. Mapa-lalaki man o babae.
T*ngna ayoko na dito!
Napansin ko lang, bat puro black and red ang nandito? Kasi pag-pasok mo palang, mapapansin mo na. Sa uniform, plants, walls and floors, gate atbp.
Hindi ko nga alam kung pano nila nagawang kulayan ng black and red yung mga halaman eh. XD
Napansin ko naman si manong driver namin. Nagsa-sign language nanaman siya.
"Eh?"
"Sabi niya nandito na tayo, pwede nang bumaba." Cold niyang sabi tapos binuksan naman niya yung pinto ng van para makababa siya. Seryoso pano niya na-intindihan yun?
"Wala naman sinabi ah...tss..." Napatingin naman si Chase sakin. Sa mata niya parang sinasabi niyang 'Ano pang hinihintay mo? Bumaba ka na.' Ako? Bababa? Hahaha! Ayoko!
"Tsk. Wag kang matakot, nandito ako." Tapos inabot niya yung kamay niya sakin. Ngumiti lang siya sakin. Oo nga pala binilin ako ni mama sa kanya kaya for sure hindi niya ako pababayaan.
Medyo nawala naman yung takot ko, kaya inabot ko lang din yung kamay ko sa kanya.
Inalalayan naman niya ako pababa. Nagda-dalawang isip pa ako kung bababa ako pero hinila niya na ako. Muntik na nga akong masubsob nung hinila niya ako eh. Ang lakas kaya niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
Siya? Tumatawa lang.
Agad namang umalis yung van namin. Wag mo kong iwan! Ayoko dito! Ayoko magpa-iwan! Huhuhu wala na...
"Ano ba meron dito sa eskwelahang to? Bat parang ang dangerous ng lugar na to?" Tanong ko kay Chase. Ngumisi lang siya.
"Hindi mo ba alam kung anong klaseng eskwelahan to?" Napatingin siya sakin. Klase ng eskwelahan?
"Eh?"
"Well sweetypie, i guess hindi mo pa alam kung anong klaseng eskwelahan to..." Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Wait, anong gagawin niya. Nakangisi parin siya sakin hanggang ngayon.
"Eto lang naman ang....
.....school of gangsters."
O_____O
"HUWAT!?" Napasigaw ako. Siya natawa lang. Lintek na kuto naman oh! Bat ngayon lang niya sinabi?!
Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Chase papasok sa eskwelahan. No! Ayoko dito! Gusto ko pang mabuhay!
TO BE CONTINUED...
________________
Short UD. So... Hello po!
Napag-isipan ko pong ganto nalang po ka-ikli ang mga UD ko pero mas dadalasan ko ang pag-uupdate.
Sorry po kung natagalan. Nag-review po kasi ako para sa exam namin heheh.
Hindi naman po sa lahat ng oras ganto ka-iksi yung UD ko. Try kopong habaan next time.
SEE YA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top