~Chapter 19: Her command~

JAMAICCA'S POV
"Jamaicca, pansinin mo yung mga babaeng yun oh." Sabi niya sabay turo niya sa tatlong babaeng kanina pa masama ang tingin sakin.

Teka, yung isa dun parang si...

Francheska!

"Bat ang sama ng tingin nila sakin? Ano nanaman bang ginawa ko?" Tanong ko.

"Baka may ginawa ka na hindi mo alam." Sabi ni Cassandra.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa kanila.

"Uhm.. Excuse me, bat ang sama ng tingin niyo sa bestfriend ko?" Bakas sa boses at mukha niya ang pagiging sarcastic. Halatang naiinis na siya sa tingin sakin nung tatlo.

"Bakit? Sigurado ba kayong siya ang tinitingnan namin ng masama? Ang feeling niyo naman." Sabi ni Francheska. Narinig ko namang tumawa yung dalawa pa niyang alipores.

Naalala ko tuloy yung mga babaeng gusto akong saktan. Yung dahilan kung bakit gusto kong iwasan si Chase. Dahi pag hindi ko siya iniwasan, kakalbuhin nila ako.

Wait lang..

Hindi kaya sila yun?

Yung mga babaeng pinagtaguan ko sa cr, yung mga babaeng nagsabi na kakalbuhin nila ako, yung mga babaeng naiinis kapag lumalapit ako sa JCACZ.

Wait lang, nandito ba sila para kalbuhin ako?!

Agad naman akong nataranta at napatakbo sa labas. Pupunta muna ako sa field. Umupo ako sa ilalim ng puno.

Hanubayan! Sa sobrang kaba ko naiwan ko si Cassandra.

Sorry, Cass..

'Hindi. Hindi Jamaicca ang pangalan mo, Cassie. Cassie Ventura ang real name mo.'

Naalala ko na naman yung sinabi niya.

Aish ang sakit na ng ulo ko! Litong-lito na ako.

Sino ba yung babaeng yun? Ako ba yung Cassie na tinutukoy niya? Bakit niya akong tinawag na anak? Bakit niya kilala si daddy? Kaano-ano ko ba siya?

Naluluha na ako sa kakaisip. Madami pala akong hindi alam sa buhay ko.

Sino ba ako?

Anak ang tawag sakin ng babaeng yun. Gusto kong maniwala na nagloloko lang siya pero hindi eh. Mukhang hindi naman siya nagbibiro.

So ibig sabihin nanay ko siya? Hindi ko tunay na magulang sina mumu at daddy?

Hindi ko alam pero masakit malaman na hindi mo kadugo ang sarili mong magulang.

Pinaglihiman nila ako. Wala silang sinabi sakin.

My life is a one, big, LIE.

"Bakit nandito ka? Klase na ah." Napatingala ako sa nagsalita sa harap ko. Si Chase.

"Anong paki mo?" Wala ako sa mood na maging mabait ngayon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sitwasyon kong ito.

Pinunasan ko agad ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi.

"Bat ka umiiyak?" Sabi niya at akmang pupunasan ang pisngi ko pero iniwas ko ito.

"Anong paki mo?" Pagkasabi ko nun nagbago ang expression ng mukha niya, yung kaninang nag-aalalang mukha, napalitan ng naiinis na mukha.

"May paki talaga ako! Bilang kapa-" i cut him off.

"Bullsh*t Chase! Kapatid? Kapatid ba talaga ang dahilan?! Hindi ako tanga para hindi malaman na iba ang turing mo sakin!" Sigaw ko. Buti nalang at may klase ngayon kaya kaming dalawa lang yung tao.

"F*ck! Oo na, ginagamit ko ang pagiging magkapatid natin para ma protektahan ka! Para mabantayan ka. Ginagamit ko yung pagiging step-brother and sister natin para magkaroon ako ng karapatang alagaan at protektahan ka. Kahit hanggang doon nalang tayo. Para sayo rin naman yan eh." Tumulo luha ko.

'Kahit hanggang doon nalang tayo.'

'Kahit hanggang doon nalang tayo.'

'Kahit hanggang doon nalang tayo.'

"Para sakin? Bakit? Sinabi ko bang protektahan moko?" Natahimik siya saglit. "Humihingi ba ako ng tulong galing sayo?" Naging blangko ang expression niya.

"Sana naman naisip mo na kaya ko to ginagawa dahil nag-aalala ako sayo. Dahil may pakielam ako sayo."tumalikod siya sakin. Ngayon likod niya nalang ang nakikita ko.

"At sana naman naisip mo rin na kaya ko to ginagawa dahil hanggang ngayon ikaw parin ang nilalaman ng puso ko." Tsaka siya umalis.

Nakaramdam naman ako ng guilt. Ang tanga ko, ginawa niya lang naman lahat ng yun dahil gusto niya akong protektahan. Nagmamalasakit na nga siya sakin ako pa yung nagalit sa kanya.

Stupid Jamaicca.

Sa sobrang kaiisip at kaiiyak hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

_______________
Minulat ko ang mata ko at nandito parin ako sa ilalim ng puno sa field.

Sheeetee! Anong oras na ba?

Tiningnan ko yung watch ko at..

Wooo! Salamat, akala ko ang tagal kong natulog eh.

30 minutes lang pala.

Pumasok na ako sa loob ng eskwelahan dahil sa tingin ko wala na naman sina Francheska at ang mga alipores niya.

Pero saktong pagpasok ko nakita ko sila.

Nasa harap sila ng pinto ng eskwelahan at mukhang may inaabangan.

At sa tingin ko ako yun.

Nang makita nila ako, lumapit agad sila sakin at nagulat ako sa ginawa ni Francheska.

*paaak*

Napahawak ako sa pisngi ko.

Ang bigat at ang init ng palad niya. Sa sobrang lakas ng sampal niya, namanhid ang pisngi ko.

"Layuan mo ang JCAZC." Banta niya. Tumulo naman ang mga luha ko,

Aalis na sana siya pero bago siya umalis, may sinabi pa siya sakin.

"Hindi to pakiusap, its a command." Saad niya. Inirapan niya pa ako bago umalis. Tumakbo naman agad ako papunta sa banyo.

Pagpasok ko sa banyo, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Hala!

Bumakat yung kamay niya sa pisngi ko.

As in kitang-kita.

Mabuti nalang pala at nag-away kami ni Chase kanina.

Dahil panigurado ngayon, hindi kami magpapansinan. Kaya madali lang para sakin na iwasan si Chase.

___________________
Hello!

Long time no see ah?

Tagal po ba ng UD?

Sorna! V^____^V

Oo ngga po pala, HAPPY 600+ READS!

At tsaka rank #948 po tayo sa teenfiction! XD

Long way to go!XD

SALAMAT PO SA MGA SUMUSUPORTA NG STORY KO!

Di bale, mas pagbubutihin ko pa!

Dint forget to vote and comment!

Enjoy!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top