~Chapter 18: How she died.~

ALEX'S POV (first time mag-POV XD)

"Ano re? Bar mamaya?" Aya sakin ni Jaxx. Umiling lang ako.

Oo nga pala, nandito kami ngayon sa bahay ni Calix. Nandito lahat ng JCAZC except kay Chase. Hindi ko alam kung nasan yun.

"T*ngina ang Kj mo naman! Buong JCAZC kasama ikaw hindi?" Sabi ni Zane habang inaakbayan ako.

Hindi ko trip ang trip nila.

"May pupuntahan ako eh." Saad ko.

"Ok lang, next time ka nalang sumali samin. Importante ata yang pupuntahan mo eh." Sabi ni Calix. Eto lang ata ang matinong kausap dito eh.

"T*ngina pare! May mas importante pa ba sa mga chicks pare?! Chicks!" Sabi ni Zane. T*ngna ang libog talaga nito, puro chicks alam eh.

Binatukan naman ni Jaxx si Zane.

"Libog mo talaga."

"IKAW PA TALAGA NAGSABI NIYAN AH?" Sabay-sabay naming tanong. Sinamaan lang niya kami.

"Makapag-salita kayo akala niyo hindi malibog eh noh?"

"Hindi naman talaga kami malibog eh. Wag mo kami itulad sayo." Sabat ni Zane sabay takbo. Hinabol naman siya ni Jaxx. Naki-epal na din sa kanila si Calix.

Makaalis na nga. Madamay pa ako sa katarantaduhan nila.

Pumasok na ako sa sasakyan ko at pumunta na sa dapat kong puntahan.

Pagdating ko sa sementeryo, dinalaw ko siya.

"Hi Love, miss me?" Sabi ko habang inaapuyan yung kandila.

"Alam mo, may nakilala akong babae. Ang pangalan Jamaicca. Alam mo? Ang dami-dami niyo similarities. Kaya nga siguro nagustuhan ko siya." Pagkasabi na pagkasabi ko nun, biglang namatay yung candila. Natawa naman ako at sinindihan eto ulit.

"Eto namang si Love, napaka-seloso. Gusto ko lang naman siya eh. Ikaw naman mahal ko at ikaw LANG NAMAN ang mamahalin ko. Wala nang papalit sa puwesto mo sa puso ko."

Ipinakita ko sa kanya yung blue folder.

"Love oh, eto na yung blue folder natin. Pasensya na kung ngayon ko lang kinuha ah. Kinuha ko na para sayo. Tinulungan din ako ni Jamaicca sa pagkuha niyan kaya wag kang magagalit sa kanya ah?" Sabi ko tsaka inilapag yung blue folder sa puntod niya.

Oo tama kayo, tatay niya ang tito ni Chase. Which means, magpinsan sila ni Chase.

Her name is Isabella De Vega. Ang only child ng tito ni Chase.

Dati nung magkasintahan pa kami, ayaw na ayaw ng tito ni Chase sakin. I-aarrange marriage daw kasi si Bella sa ibang lalaki.

Pero pinagpatuloy parin namin ang pagmamahalan namin. Lahat naman ng kamag-anak namin ay sang-ayon sa pagmamahalan namin, pati si Chase. Pero ang dad lang talaga niya ang ayaw.

Halos tuwing kasama ko siya, may nagbabantay sa kanya kaya hindi kami palagi nagkakasama. Kaya naisipan naming mag-tanan.

Nung gabing iyon, hinihintay ko siya sa park dahil dun ang meeting place namin. Nag-hintay ako ng limang oras dun, pero hindi siya pumunta.

Kinabukasan, nalaman ko nalang na patay na siya. Car accident daw.

Pero sobrang nasaktan ako nung si Chase pala yung driver!

Sabi sakin ni Chase, napagutusan lang daw siya ng tito niya na kunin si Bella. Kaya kinuha niya, habang nagmamaneho daw siya, ginugulo ni Bella ang manibela kaya nabangga sila sa isa pang sasakyan.

Pero hindi ako naniwala sa kanya.

Kaya napag-isipan kong pagselosin si Chase. Gagamitin ko lang sana si Jamaicca para pagselosin siya pero nag-iba ang pangyayari.

Nagkagusto ako sa kanya.

Pagkalapag ko ng blue folder, umalis na ako. Tuwing nakikita ko ang puntod ni Bella, naaalala ko ang lahat ng pangyayari nung pagkamatay niya. Naaalala ko na mismong pinsan niya ang pumatay sa kanya.

Bumabalik lahat ng galit ko kay Chase.

Papasok na sana ako sa sasakyan ko pero may napansin akong isang babae na papalapit sa blue folder.

Si Jamaicca ba yun?

_____________________
JAMAICCA'S POV
Ano ba? Bubuksan ko ba?

Alam kong wala naman akong karapatan na buksan ito dahil hindi naman para sakin to pero hello? May kinalaman sakin to noh! Kami kaya kumuha neto.

Napatingin ako sa puntod.

Isabella De Vega
2000-2014

2 years ago..

Tsaka, De Vega? Ka surname ni Chase? Baka coincidence lang..

2016 ngayon, 16 years old na siya. Magka-edad pala kami eh.

Napatingin ako sa blue folder.

Urgh! Curiosity youre killing me!

Unti-unti kong tinanggal yung goma na naka-pulupot dito. Disisit!

Unti-unti ko binuksan yung folder at...

"What are you doing?"

"Ay Tekla!" Napalingon ako sa likod ko.

Oww... Sh*t.

"Ah.. Eh.. Tinatanggal ko lang yung dumi. May nakita a-ako sa loob eh." Palusot ko.

Worst palusot ever.

Natawa lang siya.

"Gusto mo bang makita yung nasa loob?" Pero imbes na sumagot ako, nanahimik nalang ako. Umupo naman siya sa tabi ko at kinuha yung folder.

Pagkabukas niya, ang daming pictures. May kasama siyang isang babae. Ang ganda.

.

At marami pang iba. Sobrang saya nila dito, niya dito. Ngayon ko lang nakita si Alex na sobrang saya. Special someone niya siguro yan.

May bigla namang tumusok sa puso ko.

Siya siguro si Isabella De Vega. Sa picture parang ang saya-saya niya.

Ang swerte siguro ng babaeng yan, kaya niya kasi pangitiin si Alex ng ganyan. Ni ako nga hindi ko magawa eh.

OA na kung OA pero masakit naman talaga na iba yung nagpapasaya sa taong mahal mo eh.

Teka, mahal ko na ba siya? Hindi siguro. Gusto lang siguro.

"Jamaicca!"

"Huh?"

"Kanina ka pa nakatulala diyan. Oh, nakita mo na?"

"Ah, oo. Si Isabella ba yan?"

"Oo, first and last love ko."

Ouch!

Gatok ka Alex, tinatanong ko ba kung siya ang first and ehem ehem... La-last love mo? Nakakasakit ka na ah.

"Ah.." Wala akong masabi. Maiintindihan ko sana na siya yung first love niya pero dinugtungan niya pa ng last love eh. Huhu ang sakit.

Wait lang, asa naman ako na mamahalin ako ni Alex? Feeling ko din eh noh?

"Halika, hatid na kita."

"Naku, wag na. Hindi pa naman ako uuwi eh tsaka, may gagawin ka pa ata baka nakakaabala lang ako sayo." Sabi ko.

"Wala akong gagawin ngayon. Kung gusto mo, food trip ulit tayo? Sige na, miss ko na yung isaw eh." Natawa naman ako. Ayaw na ayaw niya nun dati eh.

"Oh sige na nga." Pagkasabi ko nun, yung ngiti niya abot hanggang tenga.

Pagdating namin dun sa park, ulit. May nakita agad kaming street foods. Pupunta sana siya sa may bandang isaw pero hinila ko siya kung san yung dugo.

Kumuha naman ako ng dalawa at binigyan ko siya ng isa. Katulad ng dati, tinignan niya lang ito.

"Ano yan?"

"Dugo."

"Dugo?!" Nanlaki mata niya. Muntik na akong matawa buti nalang napigilan ko.

"Oh, kakainin mo ba o tititigan mo lang?" Nagdalawang isip pa siyang kunin pero kinuha niya na lang rin.

Natatawa ako sa itsura niya habang kinakain niya ito.

Ang cute lang.

__________
Hello!

Short UD lang po kasi may pasok pa po ako.

Dont forget to vote and comment!

Mamaya ko nalang po siya i-eedit pagkauwi ko nalang.

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top