~Chapter 17: Mumu~

JAMAICCA'S POV
"Anak! Ang tagal kitang hinanap!"

Huh?

"Teka lang po, nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang ana-" bigla siyang kumalas sa yakap at tsaka tumingin sakin.

"Ikaw si Jamaicca diba?"

O.O

"Pano niyo po nalaman?" Nagulat nalang ako nang biglang tumulo ang luha niya at niyakap niya ako ulit.

"Hindi. Hindi Jamaicca ang pangalan mo, Cassie. Cassie Ventura ang real name mo." Nanlaki ang mata ko. Hindi kaya siya yung kausap ko sa cellphone? Si Jess ba yun?

"Teka, kayo po ba yung..."

"Oo tama ka. Ako yun. Ako yung kausap mo sa telepono, at ako rin ang tunay mong ina."

Nanlaki bigla mata ko. Lumayo agad ako sa kanya. Hindi kaya baliw to? Ang hirap paniwalaan yung sinasabi niya.

Napagkamalan lang niya siguro ako. Tama, tama. Napagkamalan lang.

"Jamaicca!" Napalingon ako sa boses na yun. Si Daddy.

Lumapit agad siya sakin at hinila niya ako sa likod niya.

"Benjamin! Akin na ang anak ko!" Sigaw nung matandang babae. Parami narin ng parami ang taong nanonood samin dito.

"Wala kang anak dito! Iniwan mo siya diba? Tapos ngayon aangkinin mo? Akin siya!" Teka, Iniwan niya ako? Bakit naman? Kaano-ano ko ba siya?

"Benj, nagmamaka-awa ako. Ibigay mo na sakin ang anak ko. Pwede ka pa rin namang bumisita sa kanya eh." Sabi niya habang...umiiyak na siya!

"Bumisita? Ako bibisita?! P*tangina ako pa talaga ang bibisita! Alam mo, papayag pa sana ako kung bibisi-bisita ka lang eh. Pero kukunin mo ang anak ko? Magkakademandahan tayo." Never in my life makita si daddy ng ganto. Parang sobrang galit siya, na ikinatakot ko naman.

"May karapatan parin ako sa kanya! Anak ko siya! Hindi ka tunay na ama!" Dahil sa sinabi niyang yun, kusa nalang na tumulo luha ko. Napansin naman nilang dalawa yun kaya napatigil sila sa pag-aaway at napatingin sila sakin.

Niyakap naman ako ni daddy. "Daddy, totoo po ba yun?" Hindi ko alam pero may parte ng feelings ko na ayokong malaman pero may parte na gusto ko.

Niyakap nalang niya ako ng mahigpit. Dun na ako nagsimulang umiyak. So totoo nga. Ibig sabihin hindi si mumu ang tunay kong ina.

Ang sakit.

Bat ba parang teleserye tong buhay ko? Puro sakit nalang nararamdaman ko. Letse ka talaga author. Dahil sayo nagkanda-letse letse buhay ko eh.

Ikinalas ko nalang ang yakap namin ni daddy at bigla akong tumakbo palabas. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko pinansin.

Naguguluhan ako. Nalilito ako. Gusto kong mapag-isa.

Hindi ko na nga nahintay si Sabrina sa fitting room. Bahala siya dun. Sa umpisa pa lang naman ayoko na siya eh.

Mukha akong tanga dito. Naglalakad ako habang nakayuko at umiiyak at tumatawa. Para kong baliw.

Naiiyak ako dahil hindi ko pala sila tunay na magulang. At natatawa ako, because my life is a one big lie. Kung hindi pa sinabi sakin nang matandang yun na anak niya ako, hindi ko pa malalaman. Itatago pa nila sakin, bakit? Bakit nila kailangang itago?

Kusa nalang na huminto ang paa ko sa paglalakad. May sariling mundo din ang paa ko eh noh?

Napatingin ako sa lugar.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko sa sementeryo.

Pupunta nalang ako sa puntod ni mumu.

"Hi mumu." Sabi ko sa puntod niya. Umupo asko sa tapat nun. Tuwing nakikita ko ang puntod ni mumu, hindi ko mapigilang umiyak.

I miss her. I miss her sooooo much.

"Sorry kung hindi po ako nakadawal nung undas ah? Field trip po kasi. Sorry din po dahil wala man lang akong dalang flowers or candles." Sabi ko. Nakakatawang isipin na mas pinili ko ang field trip ko kesa ang pagdalaw sa kanya. Wala talaga akong kwentang anak.

"I miss you mumu..." Ang sakit na ng puso ko. Ayoko na, pagod na ako.

"Mumu, ang hirap. Ang hirap ng wala ka dito. Mas maayos ang buhay ko nung nandito ka pa." Sabi ko. Pero kahit alam kong wala na siya, alam ko ring binabantayan lang niya ako. Sa langit.

"Mumu, miss ko na memories natin, miss ko na bonding time natin nila daddy. Miss na miss ko lahat sayo."

"I love you, mumu." Kung pwede lang siyang mag-respond. Kung pwede niya ring sabihin sakin na mahal niya ako... Pero hindi na.

Naramdaman ko naman na may dumaang malamig na hangin sa katawan ko. Mas lalong tumulo ang luha ko. Si mumu yun..

Niyakakap niya siguro ako.

Ipinikit ko nalang ang mata ko para mas maramdaman ang malamig na yakap niya sakin.

__________
Napamulat ako ng mata ko.

Nakatulog pala ako sa sementeryo.

Siguro dahil na rin sa sobrang pagod ko.

Anong oras na ba?

Shete! 4:30 na pala? Kaninang 11:45 pa ako dito eh.

Tatayo na sana ako pero may napansin ako sa kabilang puntod.

O.O

Si Alex.

Mukhang may dinalaw din siya.

Nakita ko namang dala niya yung blue folder na kinuha namin sa principal's office.

Inilapag niya ito sa tapat ng puntod na binibisita niya at tsaka umalis.

Seryoso ba siya?! Nakipag-patayan pa kami para lang makuha yung folder na yun tapos ilalagay niya lang dun?

Lumapit ako sa puntod kung nasa yung blue folder.

Medyo matagal-tagal narin akong curious kung anong laman nito eh.

Buksan ko kaya?

____________________
Hello po!

Happy 500 reads!

Nangangalahati tayo ah? Pramis ko sa inyo, kapag naka-1000 reads tayo, maglalagay ako ng SPG dito sa story ko! Yehey! XD

Hindi, joke lang! Hindi ako marunong gumawa nun.

Pag naka-1000 reads ako, maglalagaya ako special chapter.

Pramis yan!

So... Napag-isipan ko pong iklian yung UD pero bibilisan ko nalang po yung UD.

Para naman magmukha akong active.

Ewan ko po kung ok lang po sa inyo yung gantong ka-ikli na UD every chapter.

Pero i-tatry ko parin pong habaan kapag mahaba po ang time ko.

So.... Yun lang po.

Dont forget to vote and comment.

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top