~Chapter 16: Wedding Gown~
CHASE'S POV
'Why did you do that?!'
'Teka, nasan nga pala si Alex?'
Naalala ko nanaman yung sinabi niya sakin kanina.
Bakit ba napakamanhid niya?
Tinulungan ko na nga siya dun sa kidnapper niyang pinsan, siya pa nagalit sakin.
Ako na nga ang sumagip sa kanya, hinahanap niya parin si Alex.
Hindi niya ba napapansin na ginawa ko yun dahil nag-alala ako sa kanya? Ginawa ko yun dahil gusto ko siyang protektahan? Ginawa ko yun dahil mahal ko siya. At sana aware din naman siya. Kahit na mag step-brothers and sisters nalang kami, may nararamdaman parin ako sa kanya.
Tapos malalaman ko pang may date sila ng pinsan niya!
Oo na, nagseselos na ako. Hindi mo naman ako masisisi. Hindi mo naman masasabi na wala akong karapatan eh sa nararamdaman mo rin yan.
Ang masaklap pa dun, nagseselos ako sa pinsan niya! F*ck Chase! Pati pinsan niya pagseselosan mo? Ganun ka ba ka possessive?
Ganun ko kasi siya kamahal eh.
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko, nakikinig ng Grenade, by Bruno Mars.
Medyo nakakarelate ako dito pero, medyo lang.
Ang dami ko nang kaagaw kay Jamaicca...
Si Kyle, Alex, Jaxx at si Jameson pa din ata.
Eto talaga mahirap kapag pinakawalan mo ang taong mahal mo eh.
Ang sakit pala. Sobrang sakit.
At sinisisi ko lahat yun kay mama.
Kung hindi niya kasi pinakasalan yung tatay ni Jamaicca, hindi kami magkakaganito.
Pero naiintindihan ko rin naman siya. Nagmahal lang siya. Pero kung mahal niya talaga ako, mas pipiliin niya yung kaligayahan ko kesa sa kaligayahan niya.
Pero ipapangako ko, kukunin ko ulit si Jamaicca. Pero sa ngayon, wag muna.
____________________
JAMAICCA'S POV
1 week later...
"Huy, bat ka naman nawala sa field trip aber?" Sabi sakin ni Cassandra. Nandito kami ngayon sa DQ. Im craving for ice cream eh. Nagpasama ako.
"Ah, eh sumakit kasi bigla ulo ko." Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling pero.. Bahala na.
"Oo nga pala, anong nangyari dun sa field trip niyo?"
"Oh, eh ayun na nga. Nakakuha kami ng isang red flag kaya exempted kami sa test. May pasok nga ngayon eh, pero dahil exempted yung group namin, waley pasok. Yehey!"
Tss.. Para talagang bata.
"Hi girls." Napalingon kami sa nagsalita. Si Jaxx na may kasamang blonde girl. Fling niya siguro yun.
"Nandito din pala kayo."
"Ay hindi, wala kami dito. Nakikita mo nga kami eh." Pamimilosopo ni Cassandra sabay irap. Bat parang inis si Cassandra kay Jaxx? Ano meron? May na-miss ba ako nung umalis ako sa field trip?
Natawa lang si Jaxx.
"Bat ka natatawa? Hindi ako clown para pagtawanan mo ah. Masyado akong maging maganda para maging clown."
"Sugar, let's buy na. Were wasting our time with this bitch." Nanlaki naman ang mata ni Cassandra sa sinabi nung blonde girl kaya napatayo siya.
"Jaxx, dapat ang pagtawanan mo yung kasama mong yan. Tutal mas mukha namang clown sa kapal ng make up niya." hindi ko naman mapigilan na matawa. Totoo naman kasi eh. Ang kapal ng make-up niya.
Akmang sasampalin nung blonde girl si Cassandra pero naunahan na siya ni Cassandra.
"Next time na magmamaldita ka, kilalanin mo muna kung sino yung pinag-mamalditahan mo." Kitang-kita yung bakas ng kamay ni Cassandra sa pisngi nung babae. Maluha-luha na nga rin siya eh.
Sa bigat ba naman ng kamay ni Cassandra.
"You'll pay for this!" Sabi nung girl sabay hila kay Jaxx. Muntik na akong matawa dahil mag-wawalk out na nga lang, isinama pa si Jaxx.
"Galing mo dun ah! Idol ko yan idol ko yan!" Sabi ko.
"Naman! Ako pa? Ako pa? Magpapatalo ako sa babaeng yun? Ako pa? No thanks." Sabi niya. Tapang niya ah.
"Hi Jamaicca!" Nanlaki bigla mata ni Cassandra nang makita si Sabrina.
"Uy, nandito ka pala."
"Ay hindi, wala ako dito. Kaya nga kausap moko dito eh." Sabi niya at tsaka umirap sakin. Maldita talaga.
Inilapit naman ni Cassandra yung bibig niya sa tenga ko. "Bat ang close niyo?" Bulong niya. Si Sabrina nakatingin lang saming dalawa.
"Hindi naman, bati lang kami."
"Ang weird lang kasi. Sa school sobrang maldita yan. Tapos sayo mabait. Unfair."
"Next time na pagbubulungan niyo ako, siguraduhin niyo munang hindi ko maririnig." Napatingin naman si Cassandra sa kanya. Halata namang nag-iinit na ang dugo niya kay Sabrina pero hindi niya kayang pagmalditahan dahil ang magulang pala ni Sabrina at ang magulang niya, ay magkaibigan. Malalagot siya sa parents niya kapag inaway niya si Sabrina.
"Oh, whos your friend?" Sabay turo kay Cassandra.
"Si Cassandra, Cassandra si Sabrina, fiance ng kapatid ko." Sabi ko. Pilit namang ngumiti si Cassandra. Gusto kong matawa sa mukha niya.
"Oh, kaya nga pala ako nandito, dahil tutulungan mokong maghanap ng wedding gown." Nanlaki naman ang mata namin ni Cassandra.
"WEDDING GOWN?!" Sabay naming tanong.
"Oo, para sa wedding namin ni Chase." Nang-aasar ba siya? Sakin pa talaga siya nagpapasama.
Well, hindi niya namna kasi alam na may something kami ni Chase dati eh.
"Diba matagal pa bago kayo ikasal? Bat bibili ka agad?" Napaka-weird niya. Ganyan ba siya ka-excited na ikasal?
"Bakit bawal bang advance? Mahirap kayang maghanap ng gown! Wala naman akong mapuntahan dahil lahat ng friends ko ay nasa ibang bansa." Sabi niya pa.
Napabuntong hininga na lang ako. "Kailan ba?" This is bullsh*t. Bat ba ako pumapayag na tulungan siyang makahanap ng gown para sa wedding nila ng EX KO? Ang tanga ko din eh.
"Now na." Hindi pa ako nakakapagsalita, ay hinila niya na ako palayo kay Cassandra.
_____________________
CASSANDRA'S POV
"Kailan ba?" Halata palang sa itsura at boses ni Jamaicca, mukhang ayaw niyang sumama kay Sabrina.
Sino bang gustong sumama diyan sa brihang yan!
"Now na." Hindi pa ako nakakapag-react, bigla niya nang hinila si Jamaicca palayo sakin. No!
Ghad! Hindi niya ba alam ang salitang manners? Kita niyang kasama ako ni Jamaicca tapos bigla niyang kukunin sakin.
Lahat nalang kinukuha niya!
Si Chase, si Jamaicca, sino next?
Hmmp! Maka-uwi na nga lang.
Pagkalabas ko ng SM, papunta na sana ako sa sasakyan ko sa parking lot nang may nasaksihan ako.
"Please, dont do this to me!"
!!!
Si blonde girl at si Jaxx!
Umiiyak si blonde girl habang si Jaxx, wakang emosyon. Anong... Meron?
"Please Jaxx, Im sorry. Hindi ko naman sinasadyang pagmalditahan si Cassandra eh. Tinutulungan lang naman kita sa kanya eh." Wait lang, ako ba ang dahilan kung bakit nag-aaway sila?
Ibang level na itey!
"Can you just shut up? Una't sa lahat, hindi ko kailangan ng tulong mo. Pangalawa, ang kapal din ng mukha mong pagmalditahan ang mahal ko. At pangatlo, hindi kita kailangan. Its over!"
Teka teka, MAHAL KO?!
May gusto sakin si Jaxx? As in, may gusto ang isang cassanova slash playboy slash bad boy slash gangster sa isang napakagandang dilag slash sexy slash cute slash super hot na si ako?
Baka trip niya lang?
Oo nga, tama tama baka trip niya lang. Asa ka nanaman eh, kaya nasasaktan.
"No no no no no, please please please please lets work this out." Sabi niya.
Nagulat nalang ako sa susunod na ginawa niya.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ni Jaxx. Ghad! Desperada amp!
Niyayakap niya yung binti ni Jaxx habang si Jaxx nakatingin lang sa kanya. Parang hindi siya naaawa.
"Get away from me." Ghad! Napaka-relaxed ang boses niya pero may halong awtoridad. Kakatakot amp!
Mukhang natakot naman si blonde girl kaya tumayo siya at bumitaw sa pagkakayakap niya sa binti ni Chase.
Gusto ko nang umalis dito.
Aalis na sana ako nang...
"Kiss me! Kiss me at hinding-hindi na kita papakielaman! Just one last kiss! At hindi na kita gagambalain! Hindi na ako magpapakita sayo." Sabi nung babae. Ghad! Nasa teleserye ako! Asan popcorn?
Bigla namang kinuha ni Jaxx ang kwelyo ng damit ng babae at tsaka siya hinalikan. Hindi parang smack lang as in, GUMAGALAW!
At sobrang awkward nito para sakin!
Nasa public place sila tapos maggaganito sila? Get a room!
Ayokong makakita ng ganito. Baka bigla nalang silang maghubad dito ghad aalis na ako!
Palayo na ako sa lugar nila nang..
"Cassandra!" Napalingon ako sa nagsalita.
O.O
"Ja-Jaxx.."
"What are you doing here?"
Pero instead na sagutin ko ang tanong niya, kusa nalang akong napatakbo. Hindi ko nga alam kung bakit ginawa ko yun eh.
_________________
JAMAICCA'S POV
"Ano mas beautiful? This or this?" Sabi niya habang hawak hawak yung dalawang gown. Mag-dalawang oras na kami dito at bagot na bagot na ako.
Ang choosy kasi ni Sabrina. Kailangan daw perfect ang gown para sa kanya.
Kung ako siya, wala akong pakielam kung anuman ang suot kong gown, kung anuman ang theme ng wedding namin, kung anuman ang mga handa naming pagkain. Basta ikasal lang kami ni Chase.
Wait lang, Chase? Mali mali. Erase.
"Wait lang ha? Punta lang me sa fitting room." Sabi niya. Hindi ko lang pinansin. Hindi ba siya nagsasawa sa kasusukat ng gown? Kasi yung mga staff na tumutulong sa kanya, mukahg kanina pa naiinis sa kaartehan niya eh. Eh ako nga nakaupo lang ako dito naiirita na ako eh sila pa kaya?
"Anak?" Napalingon ako sa boses na yun. Hmm.. Sounds familiar. I think ive heard it somewhere..
May nakita akong isang babae. Parang kasing tanda lang ni dad. Mukhang mayaman. Tapos maganda siya. Sino namna to? Tsaka sinong anak? Sino yung tinatawag niya eh ako lang naman yung nandito? Dont tell me, may nakikita siyang hindi ko nakikita..
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap.
"Anak! Ang tagal kitang hinanap!"
Huh?
__________________
Ang bagal ng update ko gayon dahil po busy. Sorry pooo.
Sana po nagustuhan niyo ang chapter na ito.
Dont forget to vote and comment!
I would really really really appreciate it!
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top