~Chapter 15: Barbie and Chocolate~

JAMAICCA'S POV

"Jamaicca gising!" Nagising agad ako dahil sa boses ni Alex.

"Magtago ka, may nakakita satin na ibang grupo." Naalarma naman ako nun. Ako nalang pala hindi gising. Wala na kasi si Sabrina sa tabi ko eh.

"Nasaan sila Chase?" Taranta kong tanong.

"Nagtatago sila ni Sabrina. Magtago tayo." sabi niya. Sa itsura at boses niya, hindi siya natataranta. Ang cool lang. Lalabas na sana kami ni Alex sa tent nang bigla niya akong pigilan.

"Bago ka lumabas, yumuko ka. Paunahin moko." Dumiretso naman siya sa unahan ko at tsaka kami yumuko. Paglabas namin, may apat na estudyante na nag-uusap. Hindi ata nila kami napansin ni Alex.

Nang makapagtago kami sa mga bushes, naaninag ko sina Chase at Sabrina sa kabilang side. Nasa bushes din sila.

'Nasan na kaya yung mga yun?' Rinig kong sabi nung grupo. Group 10 ata sila eh.

Napansin ko naman na sumesenyas si Chase kay Alex.

"Magkita kayo ni Sabrina sa ilog. Kami na bahala dito." Sabi niya. Hindi pa ako nakakapagsalita sumugod na sila.

Nakipaglaban sila dun sa apat. Pati yung dalawang babae. Ang gagaling nga ng mga babae pero siyempre mas magaling sila Chase.

Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon kaya dumiretso na ako sa ilog.

Pagdating ko sa ilog, wala si Sabrina?

"Hmmp!" Napalingon ako sa boses na yun.

Nakita ko si Sabrina na nakatakip yung bibig na may kasamang balot na balot na tao. Hindi mo alam kung babae o lalaki. Isa lang ang sigurado ako.

Hindi yun estudyante. Hindi ko yun kaklase.

May bigla namang nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko... Bat parang nahihilo ako?

"Sleep well, Jamaicca." Rinig kong sabi ng balot na balot na lalaki sakin.

_______________
CHASE'S POV
"Nasan na sila?" Hingal na hingal na sabi ni Alex sakin. Kakatapos lang naming bugbugin yung group 10. Nandito kami ngayon sa ilog.

Bat wala sila?!

"Baka may pinuntahan lang."

Alam ko na, tatawagan ko nalang sila.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa, teka? Nasan na yung phone ko?

"Bawal gadgets remember?"

F*ck! Oo nga pala. Pano ko na sila matatawagan niyan?

"Try using the walkie talkie instead." Saad niya.

JAMAICCA'S POV
Urgh. Ang sakit ng ulo ko siyeet!

Pagmulat ko ng mata ko...

Teka, nasan ako? Anong nangyari?

Hindi ko alam kung nasan ako pero parang familiar etong lugar na ito...

Teka, oo nga pala! Nakidnap kami ni Sabrina. Wait, nasan na pala si Sabrina?

"Jamaicca!" Napalingon ako sa gilid ko. Katabi ko lang pala si Sabrina. Nakatali siya sa isang upuan katulad ko. Ano bang pakay nila at kinidnap kami? Hindi naman kami sobrang yaman para kidnapin. Konti lang. XD

Narinig ko namang bumukas yung pintuan. (Hindi ko na po nilagyan ng sound effects kasi mukhang tanga na rin naman po. XD)

May isang balot na balot na tao. Hindi mo malaman kung babae o hindi.

"Si-sino ka?" Medyo kinabahan naman ako nang unti-unti siyang lumapit sakin. Pero bago pa man siya lumapit sakin ng tuluyan, sinipa ko yung ANO niya. Yung tuhod niya.

"Oww!" Oh? Lalaki pala siya? Halata naman sa boses eh. Tsaka, bat parang ang familiar ng boses?

"SINO KA BA HA? BAT MO BA KAMI KINIDNAP? FYI, HINDI KAMI MAYAMAN KAYA WALA KANG MAKUKUHA SAKIN!" Sigaw ko. Nagtaka naman ako ng bigla siyang tumawa ng malakas. Eh?

"Hahaha! Nakakatawa ka, Chocolate promise! Hahaha."

Teka, wag mong sabihin... Siya si..

"Jameson?"

Itinanggal naman niya yung nakatakip sa mukha niya. Si Jameson nga!

"Hi Chocolate."

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kilala si Jameson.

Si Jameson kasi, pinsan ko siya. Nakatira siya sa Korea. Dati nung bata ako, nakatira ako sa Korea, palagi ko siyang kasama kung nasan ako. Parang kuya ko na rin siya. Nung naging 13 na ako, tsaka ako umuwi sa pilipinas. Simula nun hindi ko na ulit siya nakita.

Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko. Tawag niya sakin chocolate dahil dati nung bata ako ang hilig ko dun. Sa sobrang hilig ko dun, nakakain ako ng tae dahil napagkamalan kong chocolate. XD

Tawag ko naman sa kanya si Barbie. Crush niya si barbie dati. Karamihan tuloy napagkakamalan siyang bakla dahil dati ang hilig niyang mangolekta ng barbie dolls. Nakakatuwa nga eh.

Itinanggalan naman kami ni Sabrina ng tali.

Niyakap ko ng mahigpit si Jameson.

"I miss you so much, barbie." Kumalas naman siya sa pagkakayakap namin at sinamaan ako ng tingin.

"Aish stop! Hindi ko na crush si barbie. Ok Chocolate?"

"Eh bakit ako?" Pinisil naman niya yung pisngi ko.

"Eh mahilig ka parin naman sa chocolates eh."

"Super grabe yang cousin mo, Jamaicca ah! Magpapakita lang sayo kailangan pang mang-kidnap." Inis na saad ni Sabrina. "At idinamay pa ako! Dapat ikaw nalang kinidnap eh. Imbes na kasama ko ngayon si Chase, nandito ako. Kasama kayo."

"Chocolate, sino sya? Katulong mo?" Hindi ko naman mapigilang tumawa. Nanlaki bigla yung mata ni Sabrina.

"A to the N to the O?! ANO?! Eh mas mukha pa ngang katulong sakin yang si Jamaicca eh!"

Ang sarap pala ng feeling na nakikita mo kung kinaiinisan mo na mainis. XD

Napatawa naman si Barbie. "Chill. Napagkamalan lang."

Bigla namang humarap sakin si Jameson. "Oo nga pala, yung dala mong walkie talkie, may tumawag sa iyo dun. Lalaki. Tell me, cuz. Do you have a boyfriend?"

Nanlaki naman bigla yung mata ko.

"Ha? Hi-hindi ko naman boyfriend si Chase eh." Narinig kong tumawa ng mahina si Sabrina.

"Grabe ah. Sabi may tumawa na lalaki, walang sinabi si Chase. Feeler." Oo nga noh. Bat ko ba inisip na si Chase yung tumawag? Pwede namang si Alex.

"Ang bait mo talaga, Sabrina. Akala ko pa naman na friends tayo." Sabi ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Magtataray na naman to.

"Oy oy oy, oo nag-sorry ako dahil sa mga kamalditahang ginawa ko sayo. Pero hindi ibig sabihin nun na friends na tayo. Nangangarap ka ata ng gising." Ngumisi naman siya sakin. Ghad! Shes hella annoying.

Inirapan ko nalang siya.

"Jamaicca!" Napalingon kami sa nagsalita. Ang alam ko na lang na sunod na nangyari, nakahandusay na si Jameson sa sahig.

Tutulungan ko sana si Jameson na tumayo pero hinila agad ako ni Chase palayo sa kanya.

"Why did you do that?!" Inis na saad ko. Pagtayo ni Jameson, nakita ko na nagdugo yung gilid ng labi niya.

"Ikaw dapat nag tinatanong ko niyan! Bakit tinutulungan mo pa yang g*gong yan! Eh kinidnap ka na nga niyan!" Inis na saad niya habang tinuturo-turo pa si Jameson.

"Bakit Chocolate? Sino ba yan?" Ang sama din ng tingin ni Jameson sa kanya.

"Wow. Ang sweet ha. Chocolate? Sandali lang akong nawala may iba ka na." Sabat ni Chase.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Medyo naiirita na ako. Hindi ko kasi siya maintindihan.

"Ok, let me introduce myself..."

"Im Jameson Smith. Im Jamaicca's Cousin. Kaya you dont have to be jealous." Sabi niya habang nakangisi kay Chase. Eh?

"Ha? Jealous? Ako?" Natawa nalang sa kanya si Jameson.

Naghihintay ako na magpakilala si Chase pero mukhang walang balak kaya ako nalang ang nagpakilala sa kanya.

"Barbie, si Chase nga pala. Eto yung sinasabi ni dad na magiging step-brother ko."

Napatingin naman ako kay Chase nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. "Barbie? You gay bro?" Sa tono ng boses niya, halatang may halong pang-aasar. Pero mukhang hindi naman naasar sa kanya si Jameson. Instead, natawa din.

Bigla namang pinisil ni Jameson yung pisngi ko. "Sabi ko sayo, baby girl. Wag mo akong tatawaging barbie dahil napagkakamalan nila akong bakla."

Naalala ko tuloy dati, palagi siyang binubully na bakla dahil may dala siya palagi na barbie doll sa bag niya. Namimiss ko na yung mga araw na yun.

Agad naman ako hinila ni Chase papalapit sa kanya kaya napatigil si Jameson sa pagpisil ng pisngi ko.

Natawa nalang ulit si Jameson. Seriously, what's so funny?

"Sige, Chocolate. Alam kong may fieldtrip kayo. Pupuntahan ko lang si tito Benj."

"Bakit?"

"Ipapaalam sana kita. Date tayo." Tumingin siya kay Chase nung sinabi niyang date tayo. Napansin ko namang mas lalong sumama ang tingin ni Chase sa kanya. Inaasar niya ba si Chase?

"San naman?"

"Secret. Bye Chocolate!"

"Bye Barbie!" Tapos umalis na siya.

"Tara na." Cold na sabi ni Chass

"Teka, nasan nga pala si Alex?" Hindi niya kasi kasama si Alex eh.

"Ipinaalam ka niya kay professor. Ipinakausap niya na pauwiin ka nalang muna." Mas lalong naging cold yung boses niya.

__________________
*ding dong*

Binuksan ko agad yung front door at..

"Hi Chocolate!"

"Hi Barbie! Why are you here, aber?"

"Sinabi ko na sayo kanina eh. Sabi ko diba pupuntahan ko si tito Benj." sabi niya.

"Hindi mo pa ba napupuntahan? Grabe ah. Nauna pa ako sayo."

"May pinuntahan pa kasi ako." Sabi niya sabay pasok sa bahay.

"Hoy Barbie, wala pa akong sinabing pinapapasok kita."

"Tss.. Wala karin namang magagawa kundi papasukin ako eh." Sabi niya. Bigla namang dumating si dad at mom.

"Hi Tito!" Lumapit siya kay dad tsaka niya niyakap. Yung yakap na pang-lalaki talaga.

"Uy Jameson! Nakauwi ka na pala?"

"Kahapon lang po. Ipapaala ko po sana si Jamaicca kung pwede kaming mag cine sa sabado."

"Sure. Oo nga pala, Jameson. Si Elizabeth nga pala. Asawa ko."

"Hello po tita." Sabi niya tsaka nagmano.

"Anubayan, hindi mo na kailangang magmamo. Nagmumukhang matanda ako eh." Sabi ni mom sabay tawa.

"Oo nga pala, Jamaicca. May surprise ako sayo." Sabi sakin ni Jameson.

"Ano yun? Dont tell me, uuwi ka na agad sa Korea. Oo nga pala, kailan ka uuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo na agad akong paalisin?"

"Hindi naman sa ganun."

"Eh ayun nga ang surprise ko. Mag-eenroll na ako sa eskwelahan mo dahil dito muna ako titira sa pilipinas." Nanlaki naman ang mata ko. Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap. I really miss him so much. Akala ko kasi matagal pa bago ulit kami magkita. Ang usapan kasi namin ni dad uuwi lang ako ng Korea kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral.

"Why are you here?" Napalingon agad kaming lahat kay Chase. Ang sama ng tingin niya kay Jameson. Seriously, hindi parin siya makaget-over sa pag-kikidnap sakin ni Jameson?

"Just visiting Jamaicca. Why do you have to know?"

"You dont have to visit her. Nakita mo na siya kanina."

"Chase, stop. Walang ginagawa si Jameson sayo kaya pwede ba." Saway sa kanya ni mom.

"Tss.." Sabi niya tsaka umakyat.

"Oo nga pala Jameson, kailan ka magsisimulang pumasok sa eskwelahan nina Jamaicca?"

"Sa monday na po."

_______________________
Hello!

Medyo napatagal, second periodic test po naming ngayon at bukas kaya hindi nakapag-US. Ipinilit ko na nga lang pong mag-UD ngayon eh kaya pagpasensyahan niyo na.

Wag pong kakalimutan na mag-vote at comment!

Enjoy!

Dedicate ko po tong chapter na to kay Natskie_15 dahil potinutulungan ko siya sa story niya.

Ano connect? XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top