~Chapter 13: Fishing~

JAMAICCA'S POV
("Tandaan mo yung bilin ko Jamaicca, wag kang kakausap ng kani-kanino.") Napabuntong hininga naman ako.

"Dad, alam ko na po yan since nung bata pa ako. You dont have to tell it again."

("Nag-aalala lang ang daddy mo sayo.. Lalo na at may gusto pang kumuha sayo.") yung bandang huling parte medyo hindi ko narinig dahil binulong niya lang.

"Ill miss you dad.."

("Ill miss you too sweetie, ibaba ko na. Darling! Gusto mo bang makausap si Jamaicca?") tinatanong niya siguro si mom.

("Pakisabi nalang sa kanila na mag-ingat sila!") rinig kong sigaw ni mama. Napangiti naman ako.

("Oh, narinig mo naman yun diba? Mag-ingat. Kaya wag na wag kang kakausa-") yan nanaman siya.

"Bye dad." Sabi ko tsaka ko tinapos yung tawag.

"Ok, pwede nang pumasok sa bus." Sabi ni prof. At agad namang nagsipasok ang lahat.

Pagpasok namin ni Cassandra sa loob, naghanap na agad kami ng upuan. Dalawahan ang mga upuan dito.

Napatingin naman ako sa pintuan ng bus.

Si Sabrina at Chase.

Kapit na kapit si Sabrina kay Chase na para bang unggoy. Si Chase naman, iritang-irita.

Napatingin naman sila sandali sakin. Ang nakakapag-taka, ay ngumiti sakin si Sabrina. Alam kong pekeng ngiti yun pero nginitian ko na rin lang siya. Umupo naman sila sa bandang likuran lang namin.

"Psst.." Napalingon ako sa sumutsot. Sino yun?

"Psst.." Napatingin ako sa kabilang row, nakita ko si Jaxx na katabi si Alex. Feeling ko si Jaxx yung sumusutsot pero hindi ko nalang pinansin.

From: Jaxx

Jamaicca.

Napatingin ako kay Jaxx. Nakangiti lang siya sakin.

To: Jaxx

Bakit?

From: Jaxx

Palit tayo.

To: Jaxx

No.

From: Jaxx

Please?

To: Jaxx

Ayoko.

From: Jaxx

Pretty please?

To: Jaxx

Wag mo ngang ubusin load ko!

From: Jaxx

Pumayag ka na nga kasi, katabi ko si Alex.

To: Jaxx

So?

From: Jaxx

Sige ka, sasabihin ko kay Alex na may gusto ka sa kanya.

Nanlaki naman mata ko at napatingin sa kanya. Nakangisi lang siya sakin. Tumingin naman ako kay Alex na katabi niya lang. Ngumiti siya sakin kaya nginitian ko na lang din.

Sinamaan ko ng tingin si Jaxx pero nakangisi lang siya sakin. Argh! Pang-inis ka talaga Jaxx!

Tumayo naman ako para pumunta dun at ganun din siya.

"Hi." Bati sakin ni Alex.

"Hello."

"Bat kayo nagpalit ni Jaxx?"

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman, actually mas gusto nga kitang katabi eh."

>.<

From: Jaxx

Salamat! Oo nga pala, hindi na kita itetext kasi kanina pa masama ang tingin satin ni Chase.

Napatingin naman ako kay Chase at ang sama ng tignin niya samin ni Alex. Ano nanaman ba yun?

From: Chase

Nag-tetextan kahit halos magkatabi lang sila... Sweet.

Kahit na text lang yun ramdam ko parin ang sarcasm sa text niya. Ano bang ipinalalabas niya? Na lumalandi nanaman ako.. Tss..

Sa halip na replyan ko, hindi ko nalang pinansin. Medyo inaantok na rin ako kaya natulog nalang ako. Kung ako sa kanya, itulog niya nalang rin yan.

________________
"Aicca? Aicca? Gising na.." Nagising ako na ang pagmumukha ni Alex ang una kong nakita.

Sheeet!

Sobrang lapit niya, ilang inch na lang magkakahalikan na kami. Naalala ko tuloy yung nangyari nung gabi na hinalikan niya ako. Bakit niya kaya ginawa yun? May gusto kaya siya sakin?

Hay nako Aicca, masakit umasa.

"Hmm?" Sabi ko sabay kuskos mata.

"Good morning." Ngumiti siya sakin. Sa sobrang lapit niya akala mo hahalikan ako eh.

"Gu-gud morning di-din.." Concious na concious ako. Baka may muta pa ako, or tuyong laway sa mukha ko. Nakakahiya pa.

Pinisil niya naman ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo talaga."

"Jamaicca! Baba na tayo dali!" Sigaw sakin ni Cassandra. Hindi naman siya mukhang excited noh?

Bigla niya naman ako hinila nang hindi pa nagpapaalam kay Alex. No! Dont hila-hila me kay prince charming!

Pabebe lang Aicca? XD

Pagbaba namin, nasa kalagitnaan na kami ng gubat.

"Class, line up." Utos ni prof.

"Ok, eto ang gagawin niyo. Nagtago ako ng tatlong red flags dito sa gubat. Kapag nahanap niyo yun, exempted kayo sa periodical test natin." Naghihawan naman ang mga kaklase natin.

'Sir, pano po kapag may nakita kaming ibang group? Ano po gagawin namin?' Tanong nung nerd na lalaki.

"Kung gusto niyo, saktan niyo sila. Parte yan ng activity natin ngayon. Matuto kayong dumepensa."

"Sir, parang hunger games?" Tanong ko. Cool.

"Exactly. Pero... Try not to kill someone." Natawa naman ang iba kong kaklase.

Napansin ko namang may dalang malaking basket si prof na punong-puno ng walkie talkie. "Kung sakaling mawala kayo." Agad naman kaming kumuha ng tig-iisang walkie talkie.

"Pwede na kayong pumunta sa kani-kanilang grupo."

Group 5, nasan ang group 5...

Aha!

Nakita ko agad sina Chase at Sabrina. Ang sweet sweet nila. Nahihiya tuloy akong lumapit. Baka istorbo ako sa kanilang dalawa eh.

Imbes na lapitan ko sila, hinanap ko muna si Alex. Para naman hindi ako third wheel diba?

"Huy!"

"Ay palaka!" Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "Hinahanap moko? Tara na nga.." Sabi niya tsaka ako hinila papunta kina Chase at Sabrina.

"Lahat ba nasa kani-kaniyang grupo na?" Sabi ni prof.

"Yes sir!" Sabay sabay kaming lahat. Nagulat nalang ako nang biglang humugot ng baril si prof sa kaniyang bulsa. Papatayin ba niya kami?

*pok* (tunog po ng baril yan, pagpasensyahan na po.. XD)

Nagsitakbuhan naman sila papunta sa gubat. Teka, simula na ba?

"Halika na Jamaicca!" Sabi ni Alex. Hinawakan naman niya yung kamay ko at hinila papasok sa gubat. Teka, pano sila Chase

"Huy, pano sila Sabrina?"

"Dont worry, sinusundan nila tayo." Sabi niya.

Huminto kami saglit. Hingal na hingal na ako. Para namang walang tao dito sa lugar na hinintuan namin kaya feeling ko safe kami dito.

Kahit naman nasan kami basta makatabi ko lang si Alex feeling ko safe na ako eh. >.<

LANTOD! XD

"Oh my god! Im so exhausted!" rinig kong sigaw ni Sabrina. Napansin ko naman na lumapit sakin sina Chase at Sabrina. Si Chase tahimik lang pero si Sabrina, ang daming reklamo.

"Look oh! Kinakagat na ng mosquitos yung beautiful skin ko! OMG! Worst field trip ever i mean, field trip pa ba to? Line seriously, ganto gagawin natin buong week? Like, im sooo out. Ser-"

"Shut up, would you?" Putol ni Chase.

Hindi ko na lang sila pinansin, intead tumulong nalang ako kay Alex mag-ayos ng tent. May naitulong pa ako.

"Wag na kaya ko na to." Sabi ni Alex.

"Tulong ako. Nakakahiya naman kapag wala akong naitulong at isa pa, wala rin naman akong magawa eh." Pangangatwiran ko. Nginitian niya naman ako tapos napatingin siya sa gawi nila Chase.

"Ang gentleman mo talaga, Chase! Yung kapatid mo pa yung pinaayos mo ng tent imbes na ikaw!" Sigaw niya pero hindi siya pinansin ni Chase. Busy siya sa pakikipaglandian kay Sabrina. Anubayan! Pati sa gubat nakikipaglandian? Kahit saang lugar talaga? Mahiya naman sila.

Bitter na kung bitter, pero hindi ako nagseselos noh.

Well, fine. Siguro nagseselos ako ng konti. Onti, onti, onti lang.

Habang nag-aayos parin kami ni Alex ng tent, napansin ko naman na tumayo si Chase at lumayo samin. Bat siya lumalayo? Baka maligaw pa siya. Ano naman gagawin niya? Saan pupunta?

"Dont worry, kukuha lang ata siya ng kahoy." Napatingin ako kay Alex. Hindi siya nakatingin sakin at abala parin siya sa pag-aayos.

"Huh?"

"Halatang nag-aalala kay sa kuya mo eh. Buti nalang step-brother mo siya kundi magseselos talaga ako."

'Buti nalang step-brother mo siya kundi magseselos talaga ako.'

'Buti nalang step-brother mo siya kundi magseselos talaga ako.'

'Buti nalang step-brother mo siya kundi magseselos talaga ako.'

Bigla namang nag-init yung pisngi ko. As in nagseselos siya? Bakita naman? Hindi kaya... May feelings siya para sakin?

Hay nako Jamaicca, hindi porket na nagseselos ay may feelings na agad yung tao para sayo. Wag kang asa ng asa, kaya nasasaktan eh >.<

Pero kung walang malisya yun, bat naman siya magseselos?

Nang matapos kami mag-set up ng tent, gumawa siya ng parang sibat na gawa lang sa kawayan.

"Ano gagawin mo diyan?"

"Habang tumatakbo tayo kanina, may napansin akong ilog. Mangingisda lang muna ako." Sabi niya. Mukhang na-excite naman ako.

"Pwede sumama?"

"Bakit?"

"Malamang, mangingisda rin." Natawa naman siya.

"Marunong ka ba?"

"Oo naman! Jusko, ako na yata ang pinaka-magaling na mangingisda na nakilala mo." Pagyayabang ko. Actually hindi naman talaga ako marunong, sinasabi ko lang yun sa kanya para maisama niya ako. At hindi naman ako angkamali, dahil isinama niya nga ako.

Paalis na sana kami nang biglang sumabat si Sabrina.

"Hey! you guys are gonna leave me here?" Sabi niya.

"Sama ka?"sabi ni Alex.

"Duh." Sabi niya. Nagsimula na naman kaming maglakad.

Nang makapunta kami dun. Kitang-kita agad yung mga isda. Ang dami nga eh. Ang lalaki pa. Sineswerte ka nga naman oh.

"Here." Sabi ni Alex sabay abot ng malaking sibat samin ni Sabrina. Kinuha ko agad ito pero si Sabrina tiningnan lang.

Anong kaartehan nanaman ba ang gagawin niya?

"Anong gagawin ko diyan?"

"Subukan mong kainin." Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya.

"Sabi ko, sasama ako. Wala akong sinabing tutulong ako." Pagtataray niya tsaka umupo sa isang malaking bato. Napairap naman ako. Wala talagang tulong.

Nagsimula naman kaming mangisda. Kanina pa kami dito pero ni isa wala kong makuha. Si Alex nakaka tatlo na. Ang nakakatawa pa dun, tuwing nakakakuha siya, hinahagis niya sa pwesto ni Sabrina kaya si Sabrina, todo iwas.

"Pang-apat." Saad ni Alex sabay hagis kay Sabrina ng isda.

"Ahhh! Why do you have to throw it at me?!" Sigaw niya. "Im so malansa na!"

Gusto ko sanang matawa pero busy ako sa panghuhuli ng isda kahit wala naman akong nahuhuli. XD

"Dang it." Stress na stress na ako na kakakuha ng isda. Malaki sila at mababagal lumangoy pero ang hirap talaga eh.

"Turuan kita?" Hindi pa ako nag-rereact, hinawakan niya na ang kamay ko para turuan ako kung pano hawakan yung sibat.

May parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan niya yung kamay ko.

"Ganto lang yan oh... Kaylangan maayos yung anggulo mo..." Sabi niya habang inaayos niya yung anggulo ng binti ko.

"Tapos, wag kang masyadong gagalaw, kapag sisibatin mo siya, mabilis pero malakas." Turo niya. Dinemonstrate niya pa at nakakuha siya ng dalawang isda. Siya na magaling. "Subukan mo."

Sinubukan ko naman yung ginawa niya, maayos na anggulo at mabilis at malakas na atake. Yes! Nakakuha ako ng isa. Ang laki pa ng nakuha ko.

"Yan!"

"For the first time nakakuha rin!" Tuwang-tuwang saad ko. Iwinawagayway ko pa yung sibat na may isda. Mukha na akong tanga.

Natawa naman siya. "Akala ko ba marunong ka?"

"Sinabi ko lang yun lahat para maisama mo ako." Sabi ko habang tatawa-tawa.

"Ikaw talaga. Tutal marunong ka na, pwede ikaw muna dito? Tutulungan ko lang si Chase dun."

"Oo kayang-kaya ko na ito." Sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko bago umalis. Nagsimula na naman akong mangisda.

Hindi katulad ng kanina, wala akong nakukuha. Ngayon, madami na. Galing ko talaga haha.

"Can i help you?" Napatingin ako kay Sabrina. May dala-dala siyang sibat. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Nginitian niya naman ako. Ano nakain niya at para mabait siya ngayon?

Sinubukan niyang manghuli pero masyado siyang pabebe-este mabagal.

"Ugh." Ramdam ko na may frustration sa kanyang boses.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ulit na manghuli. Medyo awkward nga dahil tahimik eh.

"Jamaicca.." Tawag niya sakin. Napalingon naman ako sa kanya.

"Im sorry."

Ano daw?

'Im sorry.'

'Im sorry.'

'Im sorry.'

________________
BENJAMIN'S POV (tatay po ni Jamaicca)

"Hi mumu, miss ka na namin ni Jamaicca. Sorry kung hindi nakapunta si Jamaicca ngayon. May field trip kasi siya eh." Sabi ko sa puntod ni Susan. Undas ngayon kaya maraming mga tao.

Si Susan ang nagsilbing ina ni Jamaicca simula nung bata pa siya, itinuring niya si Jamaicca na tunay na anak. At dahil walang alam si Jamaicca sa nangyayari, ang pagkakakilala ni Jamaicca sa kanya ay ina.

I miss her. I miss her so much.

"Mumu.... Natatakot ako." Unti-unti namang tumulo ang luha ko." Natatakot ako na baka kunin niya si Jamaicca sakin, satin." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Natatakot ako na baka makita niya si Jamaicca at ilayo niya satin. Pero promise, mumu. Hindi ko hahayaan na makuha niya si Jamaicca."

__________________
Happy undas!

Kailan pa naging happy ang undas? XD

Dun po sa scene na tinuturuan po ni Alex si Jamaicca na mangisda, wag po kayong maniwala dun. Imbento ko lang po yun. XD Dun po sa mga marurunong, turuan niyo naman po ako para ma-edit ko. XD

Dont forget na mag VOTE AND COMMENT!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top