~Chapter 12: Field trip~

JAMAICCA'S POV
"P-po?"

("Anak! Ilang taon na kitang hinahanap! Nasan ka? Pupuntahan kita diyan.") ano bang pinagsasabi neto? Anong anak?

"Nagkakamali po kayo."

"Anak sino ang kausap mo diyan?" Napalingon ako sa nagsalita. Si dad. Lumapit naman siya sakin.

"Wa-wala po." Sabi ko kay dad.

("Benj! T*ngina mo! G*go ka ibalik mo sakin yang anak ko!") sa sobrang lakas ng sigaw niya mukhang narinig ni daddy yun kaya hinablot niya agad sakin yung phone ko. Nakita ko naman na papunta na sina Chase, Sabrina at si mama dito samin.

"Jess?" Teka, kilala ni daddy yun? At tsaka sino ba yun? Dont tell me kabit yun ni dad. Susumbong ko siya kay mumu.

("Ibalik mo sakin yang anak ko! Ibalik mo sakin si Cassie!")

"Cassie?" Sabi ko. Napalingon naman sakin si dad. Sino si Cassie?

"Wala kang anak dito. Iniwanan mo siya sakin tapos ngayon hahanap-hanapin mo? Anak ko siya!" Kinabahan naman ako sa sinabi ni dad. May posibilidad na ako yung itinutukoy nila. Ang laki laki ng posibilidad.

("F*ck you! Give me back my daughter!")

"No!" Pagmamatigas ni dad.

("Fine! Hahanapin ko nalang siya. Kaya itago mo na yang anak ko hanggat kaya mo dahil kapag nahanap ko siya, akin na siya at hindi ko na siya ibabalik sa-" hindi pa tapos magsalita yung babae, Dad hung up on her. Tumingin naman siya sa akin.

"How did she got your number?"

"I-i got her number.." Napayuko ako. Natatakot ako sa kanya ngayon. Baka magalit siya lalo sakin.

"What do you mean?" He paused for a while. "Nakuha mo ba yung number niya dun sa envelope?"

Tumango ako. Akala ko magagalit siya sakin at sisigawan niya ako pero nagulat ako sa ginawa niya.

Bigla niya akong niyakap.

Yung yakap na sobrang higpit. Yung yakap na parang maghihiwalay kami. Yung parang hindi na kami magkikita. Naiyak ako. Bat ganito yakap niya?

_______________
SABRINA'S POV

"Babe, what happened? Bakit ang dami mong sugat?" Sabi ko. But still, he looks sooo hot!

"Wala kang pakielam." Cold niyang sabi.

Nandito kami sa dining room, nagdi-dinner. Lahat kami nandito.

I noticed na kanina pa pasulyap-sulyap si Chase kay Jamaicca. Si Jamaicca naman, parang wala sa sarili. They are acting very weird. And Im gonna find out why.

*ate calling..*

Urgh! Ano nanaman ba gusto niya?

Lahat napatingin sakin nang biglang nag-ring yung phone ko. Nginitian ko lang sina tita at ti- ehem. Mom at dad pala. >.<

"Excuse me, i have to take this call." Sabi ko tsaka ibinigay ang pinaka-sweet at pekeng ngiti. Ngumiti lang sila kaya lumabas na ako ng bahay.

"What is it ba?"

("Hello sis!") masiglang bati niya. Psh. May kailangan to, pag may kailangan lang naman to mabait eh.

"Ano?"

("Where are you?")

"Bat ko kailangang sabihin sayo?" Pagtataray ko.

("Diba gusto mong mapasayo si Chase? Pwes sumunod ka sakin. Nasan ka?") natahimik naman ako. Ano nanaman balak nito.

"O my god bakit ba? Nandito ako sa bahay nina Chase.

("Perfect. Per bago mo makuha si Chase, you have to get rid of Jamaicca first.") nagulat naman ako sa sinabi niya. Get rid? Like, patayin?

"Hindi ako mamamatay tao." Natawa naman siya sa sinabi ko. What's so funny?

("That's not what i meant.")

("What i mean is... Kung gusto mong mapasayo si Chase, kailangan muna mawala si Jamaicca. Pero hindi mo papatayin.")

"I barely understand what you said." Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

("Sis, paganahin mo naman yan utak mo for once.") napa-irap nalang ako.

("Ok eto ang first step mo, kailangan mong maging ka-close si Jamaicca. You have to get to know her. Be kind to her.") napataas namana ang kilay ko at natawa.

"And why should i do that?"

("Kasi, pag nakuha mo na yung tiwala niya, sobrang dali nna para sayo na masira silang dalawa ni Chase. Kaya mo siyang siraan kay Chase. At pag nagawa mo yun, sayong-sayo na si Chase.")

"Pero.. Ang pangit ng pagkilala niya sakin. Unang pagkita ko palang sa kanya ay tinarayan ko na siya. At tsaka, hindi ko na kailangang gawin lahat yan. Next month, ikakasal na kami ni Chase at wala nang magagawa si Chase para mahalin ako."

("Stupid talaga kahit kailan, sa tingin mo hindi magagawa ni Chase na i-ditch ka sa wedding day mo pag nalaman niya? At porket ba ikinasal kayo no choice siya para mahalin ka? Kung husband mo na siya kapag ikinasal kayo, para sa kanya, papel niyo lang yun. That's the only way upang makuha mo si Chase sa kanya.") napangiti ako. Mapagkakatiwalaan talaga tong si ate.

"Thanks ate Daisy."

_________
JAMAICCA'S POV

"Excuse me, i have to take this call." Tsaka siya ngumiti nang mala-angel. Fake.

Bago naman siya lumabas ay nginitian siya nina mom at dad.

Kung plastikan lang ang labanan, talo na ko expert ka diyan eh.

Sobrang tahimik dito, walang may lakas-loob na magsalita. Ako, hindi ko parin maalis sa isip ko yung sinabi nung babae. Ano ulit pangalan niya? Jess? Yun ang rinig kong tawag ni dad sa kanya eh.

"Anak..." Napalingon ako kay dad. Parang nag-aalala siya na ewan. Kinabahan naman ako. Saan naman siya nag-aalala?

"Kalimutan mo nalang yung nangyari kanina." Sabi ni dad. Tumango lang ako, pero ang hirap alisin sa isip lalo na kapag kasama ka sa pinag-uusapan nila.
__________________
"Huy, alam mo ba?"

"Hindi pa."

"Ano ba! Wag pilosopo. Yung Sabrinang fiance ni Chase? Ang arte-arte! Akala mo naman ang ganda-ganda. Feel na feel niya pa na maging fiance si Chase. Malas pa at kaklase natin siya." Sabi niya. Napatingin naman ako kay Sabrina na nasa unahan.

"Kilala mo yung fiance ni Chase?"

"Oo naman! Balitang-balita na kaya siya sa buong campus. Sila ni Chase." Nakakunot ang noo niya.

"Bat ang panget ng mukha mo?"

"Hoy! Ang kapal mo ah, mas maganda pa kaya ako sayo!"

"Tangek, hindi yun ang ibig kong sabihin. Bakit ka nakasimangot?"

"Hmmp! Inagaw niya sakin si bebe Chase!" Pagmamaktol niya, hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit dahil sinabihan niya ng 'bebe' si Chase pero nangibabaw yung tawa ko.

"Hu-hu.... Wa-wa naman si bebe Chase mo hahaha!"

"Hoy hoy hoy hoy hoy, wag mo ngang asarin si bebe Chase ko!"

"Hahaha"

"Aba! Nang-aasar ka tala-"

"Goodmorning." Cold na sabi ni Prof. Alcantara.

"Goodmorning Professor Alcantara." Matamlay naming sagot.

"Ok class, ang lesson natin ngayon is about surviving. Sa pakikipaglaban, hindi natin alam kung anong mangyayari satin. At hindi rin natin alam kung saan tayo mapapadpad. Kaya this coming wednesday, mag fi-field trip tayo sa isang gubat na kung saan matututo kayong mag-survive." Natuwa naman ang lahat sa sinabi ni prof. Alcantara. Ako, meh, not interested.

"Tutal 52 naman kayo, 4 na miyembro kada grupo. Ang mga miyembro na yun ay bibigyan isang tent na kung saan sila matutulog. Mapa-babae man o mapa-lalaki, share kayo sa isang tent." Natuwa naman ang mga lalaki. Mga g*gu talaga.
"Sasabihin ko ngayon kung sino-sino ang magkaka-grupo pero sasabihin ko muna kung ano yung mga bawal dalhin sa field trip."mhe paused for a minute.

"Uhm... Apparently, damit lang ang dadalhin niyo." Nagulat ang lahat.

'Sir, as in.... Damit lang talaga? No water, foods, personal hygenes, gadgets or anything?' Malanding sabi nung babaeng nasa harapan ko.

"WALA." Muntik na akong matawa dahil sa mga pagmumukha ng mga kaklase kong babae. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hahah!

'Uhm... Sir, sagot niyo na po yung pagkain?' Tanong nung lalaki sa may bandang likod.

"No. Kayo mismo ang hahanap ng pagkain niyo dun." Nagulat naman ang mga babae. Yung lalaki parang excited pa.

Ang dami niyong arti mga girls!

"Sir hindi niyo po ba tatanungin kung sino yung mga kasali at kung sino yung mga hindi?" Sabi ko.

"No. Sa ayaw at sa gusto niyo, lahat kaso kasali. Dont worry, alam kong lahat kayo ay mayaman pero libre lang tong field trip na to. At isa pa, naipagpaalam ko na kayong lahat. At pumayag lahat ng parents niyo."

"Ehem, ok. Ang mga magkakagrupo.." Natahimik naman ang lahat.

"Group 1, Roma, Xandra, Tyler and Aiden."

"Group 2, Jaxx, Cassandra, Ginger and Jason."

"F*ck!" Napatayo naman si Jaxx sa kinauupuan niya. Napatingin naman sakanya halos lahat.

"Hahaha! Bro ka-group mo si Ginger!" Natatawang sabi ni Zane.

"Diba patay na patay sayo yun?" Tanong ni Calix habang nakangisi.

"SHUT UP!" Sigaw niya kina Calix at Zane. Pero imbes na manahimik sila, mas lalo pa silang tumawa.

"Is there a problem?" Natahimik lahat nang magsalita si prof. Pero tumatawa parin sina Calix at Zane. Hindi ba sila natatakot kay prof?

Hindi nalang pinansin ni Jaxx si prof at umupo ulit.

"Group 3, Calix, Eunice, Harvey and Euna."

"Hahahaha!" Tawa nina Jaxx at Zane. Ano nanaman tinatawa nila?

"Instant karma bro!" Sigaw ni Jaxx.

"Hahaha! Diba yan yung kambal na nagkakagusto sayo?" Kambal? Patay na patay sa kanya sina Eunice at Euna?

"Group 4, Zane, Mimi, Brian and Caroline."

'OMG Im so lucky talaga! Ka-group ko pa si Zane!' Rinig kong sabi ni Caroline na nasa unahan ko lang.

"Group 5, Alex, Jamaicca, Chase and Sabrina."

Tae!

"Uhm.. Sir, pwede po bang group 6 nalang po ako?"

"No." Wow, deretsahan ah..

"Sige na sir... Please?"

"If i said no, i meant no." Aish! Bat naman ayaw niya? Makikipagpalit na nga lang eh.

Ang awkward naman kasi eh. Si Alex, ako, si Chase at si Sabrina. Parang hindi fieldtrip ang pupuntahan namin kung hindi double date.

Teka, bat ko ba iniisip na double date kaming apat? Erase, erase.

____________________________
Short UD.

Sorry po sa mga maling grammars kung meron man po.

Dont forget to vote and comment!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top