~Chapter 11: Anak~

JAMAICCA'S POV
Nandito ako ngayon sa classroom, wala daw kasi yung prof namin dahil may meeting daw. Pagpa-planuhan daw nila yung atake nila sa kabilang eskwelahan.

Kasi, isa narin sa dahilan kung bakit kami tinuturuan ng away-away dito, dahil naglalaban-laban lahat ng school of gangsters dito sa pilipinas.

Ang gulo nga ngayon dito eh.

Batuhan ng papel dun, bully dito, tawanan dun, landian di-

"Boo!"

"Ay gatok anak ng shame!" Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe nakakagulat yun ah.

Narinig ko naman ang pagtawa niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Gatok? Anak ng shame? Hahaha."

Binatukan ko siya. "Peste ka. Nakakagulat."

"Malamang, ginulat ata kita eh." Pamimilosopo niya. Inirapan ko lang siya.

Nanahimik naman ang lahat nang biglang pumasok yung JCACZ. Sakto dahil napatingin saming dalawa si Chase.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Alex!" Nilakasan ko yung boses ko para marinig ng lahat. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil mukha akong tanga dito eh. Nagtaka naman si Alex pero nang mapatingin siya kay Chase, na-gets niya din at tsaka siya nakisakay.

Inilapit naman ni Alex yung mukha niya sa mukha ko. 3 inches na lang, 3 inches na lang talaga. At biglang pinisil yung magkabila kong pisngi. Kahit hindi ko tinitingnan si Chase nakikita ko sa peripheral vision ko na parang nagulat siya at parang nagagalit sa nakikita niya.

Huli ka! Selosan pala ah.

"Oo nga pala Aicca, free ka ba sa Saturday?" Tanong ni Alex. Hindi ko alam kung pakita niya lang yun kay Chase o tinatanong niya talaga ako.

"Yes, why?"

"Kung okay lang sayo, let's have a date?"

Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya. Ako, nalilito parin yung totoo ba yun o hindi. Pero nakisakay nalang rin ako.

"Oo naman!" Masigla kong sabi. Tumingin ako kay Chase na ngayon ay halos patayin na kami sa tingin niya at tsaka nag-walk out.

"Woah-ho-ho! Aicca, akala ko ba si Jaxx? Ngayon si Alex? Next naman ako! Naku! Wag." Sabi ni Zane. Napailing nalang si Calix at binatukan si Zane.

"Aray! Bat ka namamatok ah?!" Sigaw ni Zane.

"Bakit? Ang kapal mo eh! At tsaka gusto ko, bakit?"

"Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo!" Sigaw ni Zane sabay batok kay Calix. Pagka-batok na pagka-batok ni Xane kay Calix, tumakbo siya palabas at hinabol naman siya ni Calix.

"Cr lang ako ah." Paalam ko kay Alex. Tumango lang siya.

Pagpasok ko sa CR, sakto walang tao.

"I told you girl, Jamaicca is a slut!" Rinig ko sa labas ng CR. Feeling ko papasok sila dito kaya pumasok ako sa isang cubicle para magtago.

Ako ba yung tinutukoy nila? O ibang Jamaicca?

Narinig ko naman na bumukas yung pinto.

"Yeah right. Look, pati step-brother niya nilalandi niya!"

So ako nga!

"Alam niyo guys, nakita sila ng pinsan ko sa Enchanted Kingdom last week. At ang sweet daw nila! Parang hindi magkapatid." Sabi nung isang babae. Mga tatlo siguro sila.

"Tsaka alam mo ba Francheska, may fiance na daw si Chase pero nilalandi parin siya ng kapatid niya." Sabi naman nung isa. Teka, Francheska? Bat parang ang familiar nung name?

"Napansin ko rin, na nagiging malapit narin siya kina Jaxx at Alex. Ano bang problema niya? Lahat ata ng miyembro ng JCAZC ay nilalandi niya eh!"

"I can't believe her, below the belt na ang kalandian niya. Pati ba naman sariling kapatid nilalandi? Ang kapal! Alam mo, kapag nakita ko ulit na landiin niya si Chase, kakalbuhin ko siya." Sabi niya.

Sino ba sila? Bat ba galit sila sakin? Hind ko naman nilalandi si Chase eh. Si Chase mismo yung malandi! At tsaka, napaka-malisyosa naman nila! Magkapatid kami ni Chase for god's sake!

Pero hindi ko naman sila masisisi, sinabi ni Francheska sa buong school na naging kami ni Chase kaya for sure bibigyan nila kami ng malisya.

Sa tingin ko iiwas muna ako kay Chase ngayon.

Pero pano ako iiwas kung nakatira kami sa iisang bahay?!

Ay bahala na! Basta ayoko muna ng gulo ngayon. Kakalipat ko lang sa eskwelahan na ito at ayoko muna ng gulo. Iiwas muna ako.

Pero itutuloy ko pa rin ang pagpapa-selos kay Chase. XD

Siya nag-umpisa niyan eh. At way na rin ito para mabawasan  ang feelings ko kay Chase.

Nang makaalis na sila, lumabas na ako ng cubicle.

Pagbalik ko sa classroom, nakakapagtaka dahil wala ng tao. Ano meron?

"Jamaicca!" Napalingon ako sa tumawag. Si Cassandra.

"Kuya mo!" Sigaw niya. Teka, si Chase?

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko. Pero imbes na sumagot siya, hinila na niya kung saan. Ano nangyayari.

"Teka, teka ang nangyayari?" Sabi pero hindi siya sumagot.

Dinala niya ako sa canteen kung saan halos lahat nagbubugbugan. Mapalalaki o babae. Anong nangyayari dito?

Umagaw naman ng atensyon ang JCACZ na binubugbog ang kung sino-sinong lalaki na malapit sa kanila. Bat nila ginagawa yun?

"Jamaicca, si Chase pigilan mo."

"Bakit?" Stupid, malamang dahil nakikipag-bubugan siya!

"Siya ang nag-umpisa ng lahat ng to." Nanlaki naman ang mata ko. Siya? Bakit niya naman gagawin yun?

*piiiit*

Nagsidatingan naman ang mga professor sa iba't-ibang section. Isa-isa naman nilang inawat yung mga nag-aaway.

Buti nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na awatin yun. Pano ba naman, halos lahat ata ng mga nag-aaway may delikadong gamit na hawak katulad ng ice pick, basag na bote, baseball bat, pocket knife, gunting etc.

Pagkatapos ng awatan, nakita ko sina Chase at Alex na nakahandusay sa sahig. Sino ba naman hindi mapapahandusay, 20 ata ang bumubugbog sa kanila nang sabay-sabay. Pati sina Jaxx, Zane at Calix ay naka-handusay din. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko, si Chase ba o si Alex pero pinuntahan ko si Alex. Si Chase kasi tinutulungan na nina Jaxx, Calix at Zane na bumangon. While si Alex, walang tumutulong sa kanya kaya siya pinuntahan ko.

"Alex? Ok ka lang?" Again, ang stupid ng question. Malamang hindi siya okay!

Ang dami niyang pasa sa katawan, may hiwa din siya sa mukha. Malaki-laki ito. Tapos pumutok pa yung labi niya.

Tinulungan ko naman agad siya tumayo. sakto dumating yung principal, tito ni Chase.

"SINO NAG-UMPISA NG LAHAT NG ITO?!" Sigaw niya. Naku, principal. Mas lalo kang magagalit kapag nalaman mong pamangkin mo ang nag-umpisa.

Pero walang sumagot. Siguro dahil natakot sa tito ni Chase.

"LAHAT NG MGA NAGBUGBUGAN, GUIDANCE OFFICE. NOW!" Sigaw niya. Agad namang sumunod halos lahat. Bago pa umalis si Alex nginitian niya ako na para bang walang nangyari. Lumapit naman sakin si Cassandra.

"Bakit ba ginawa ni Chase to?" Tanong ko sa kanya.

"Malay ko. Nagulat nalang ako, nagkakagulo na dito sa canteen."

************
"Im home!" Sigaw ko nang makapasok ako sa bahay. Sumalubong naman agad sakin sina mama at daddy.

"Anak, alam mo ba kung ano nangyari sa kuya mo? Bat ang dami niyang pasa?" Tanong ni mama.

"Ayaw kasing sabihin samin eh." Sabi naman ni daddy.

"Hindi ko rin po alam eh. Ang alam ko lang, nakipag-bugbugan siya sa canteen. Wala nga pong nakakaalam ng dahilan kung bakit niya ginawa yun eh." Sabi ko. Napatingin naman sina mama at daddy sa isa't-isa.

"Honey, pwede bang ikaw muna ang gumamot sa sugat ng kapatid mo? Ayaw niya kasi pag kami. Baka umubra kapag ikaw." Sabi ni dad. Sumunod naman agad ako at kinuha ang first aid kit namin.

Bat naman uubra kapag ako?

Pag-akyat ko, bubuksan ko sana yung pintuan niya pero locked.

Tsk, tsk, tsk. Stupid Chase.

Sa tingin niya wala akong duplicate?

Agad naman akong pumunta sa kuwarto ko upang kunin ang duplicate ng pintuan ni Chase.

Nang makuha ko ito, binuksan ko agad yung pintuan niya. Naabutan ko siyang natutulog sa kama niya.

Grabe, ilan ba ang nakaaway niya? Ang daming sugat!

"Huy... Gising." Sabi ko habang niyuyugyog siya ng konti. Aba ayaw gumising.

"Huy! Gising!" Niyugyog ko siya ng malakas pero napa-aray lang siya. Bakit? Anong ginawa ko?

"Oww! Masakit katawan ko!" Sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Kaya nga nandito ako para gamutin diba?" Sarkastiko kong sabi. Napalingon naman siya sakin.

"What are you doing here?"

Woah.

Nilamig ako dun ah. Ang cold niya.

"G-gagamutin ko sa-sana sugat m-"

"No need." Sabi niya at tumalikod ulit. Fine! Ayaw niya, edi wag.

Bago ako lumabas inirapan ko siya tutal hindi naman siya nakalingon sakin. Naabutan ko naman sina mom at dad na nasa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Chase.

"Nagamot mo na?" Tanong ni mom. Umiling lang ako. Im getting pissed, bakit kailangang ako pa yung gagamot? Pwede namang sila.

"Aish! Pasaway talaga yang batang yan." Sabi ni dad. Tinapik naman siya ni mama. "Ano ka ba! May pinagdadaanan siguro yung bata. Jamaicca, pwede bang... Subukan mo ulit na gamutin siya? Hindi kasi ako mapapakali kapag hindi siya nagamot eh. Ikaw lang naman ang pag-asa namin eh. Baka kasi sumunod sayo." Ah, so ako na pala ang nanay niya para sumunod siya sakin at hindi sa mismo niyang nanay...

Palihim ko nalang na inirapan si mama. Pasalamat ka, mahal ka ni daddy kung hindi, pinag-mamalditahan na kita ngayon.

Siyempre dahil before ng wedding ko lang nakilala ang new mom ko, syempre hindi ko pa siya gaanong kakilala. Eh di hindi ko pa siya love. XD

Pagpasok ko sa kuwarto niya, ULIT. Hindi na siya natutulog, nakaupo na siya at parang may taong kausap sa cellphone niya.

"Ano ba!" Sigaw niya sa cellphone.

"Pwede ba Francheska wag mokong kulitin?!"

Francheska?

Ah! Diba siya yung... Yung... Boyfriend ni Chase...

At yung narinig kong sinasabihan ako ng malandi sa banyo!

"Shut up. Im hanging up." Sabi niya sabay baba ng tawag. Paglingon niya naman, nagulat siya nang makita akong nakatayo sa may bandang pintuan.

"Ano nanaman?" Iritado niyang tanong. Bakit siya ganito? May ginawa ba akong masama? Ang alam ko wala naman.

Pasalamat ka Chase kung hindi lang ako pinaki-usapan ng mommy mo, hindi ako pupunta dito.

"Inutusan ako ni mama na gamutin ka." Cold kong sabi. Habang naka-poker face.

"Dont call my mom 'mama' " saad niya.

"Ok, inutusan ako ni mom na gamutin ka."

"Dont call my mom 'mom' hindi mo siya nanay." Sabi niya. Tumango lang ako habang naka-poker face parin. Halata naman sa mukha niya na nagtataka siya kung bakit ako naka-poker face pero hindi ko nalang pinansin at binuksan na yung first aid kit ko.

"What do you prefer, betadine or alchohol?" Tanong ko habang naghahalungkat ng bulak.

Ngumisi naman siya. "Lalaki ako, alchohol."

Bakit may sinabi ba akong hindi ka lalaki? Tss..

"Talaga lang ha." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, 'hinahanap ko yung alchohol.' Saad ko.

"Talaga lang ha." Bulong niya pero rinig na rinig ko. Agad naman akong kumuha ng bulak at alchohol. Binuhusan ko ng napaka-rami yung bulak. Tingnan lang natin, yabang mo ah.

Pagharap ko sa kanya, nagulat ako nang nakatingin pala siya sakin. So, nakita niya na binubuhusan ko ng marami yung bulak?!

Pero, sa tingin ko hindi dahil nakatulala siya sa mukha ko.

"Huy, Chase." Sabi ko habang pumipitik sa harap niya. Agad naman siyang natauhan. Hindi pa siya nagsasalita, inilagay ko na yung bulak sa kanyang braso na may malalim na hiwa ng kutsilyo.

"Aray! F*ck!" Napangisi naman ako ng palihim at mas lalo pang diniinan ito.

"Ahhh! Wait lang, wait lang, masakit!" Sabi niya.

"Pfft. Hahaha" hindi ko na mapigilan na tumawa. Yabang mo ha, Ano ka ngayon? Hahaha.

"Yah!" Sigaw niya.

"Ano ka ngayon? Alchohol ka pa ah. Hahaha!"

"Aish! Madiin ka kasi maglagay. Kung didiinan mo, mas mabuting betadine na lang." Sabi niya

"Hindi, hindi. Lalaki ka eh." Sabi ko na may tonong pang-iinis. Mas diniinan ko pa yung alchohol kaya mas lalo pa siyang napapa-aray.

"Aray ko! wait, ah-sh*t! Wag mong diinan-aray! Gusto mo pa yung nangyayari-sh*t! Awww!" Nakakatawa yung mukha niya. Parang batang nakakain ng lemon.

Asim kilig. XD

Hinawakan naman niya yung kamay ko na may hawak na bulak. Napatingin ako sa kanya.

Pfft. XD

Ang sama ng tignin niya sakin ngayon, nagpipigil lang ako tumawa dahil mas lalong magagalit ito.

"Oo na, aayusin ko na, Chill." Sabi ko habang nakataas ang kamay na para bang nag-susurrender. At ginamot ko naman siya ng maayos-ayos. Medyo napapa-aray siya pero hindi katulad ng kanina.

Bago ko lagyan ng band-aid yung mga maliliit na sugat niya, hinipan ko muna ito.

"Red cross." Natatawang bulong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

*Kyle Calling*

"Hello?"

("Hi Jam!") ang lakas ng boses niya. Feeling ko rinig na rinig ni Chase dahil para siyang nagkaroon ng dark aura.

"Hi Kai, napatawag ka?"

("Miss na kasi kita eh. Pa-kiss naman oh")

"Hahaha! Kiss mo mukha mo! Ano nga?"

("Ah... Eh... Favor naman oh.")

"Ano?"

Pero bago pa magsalita si Kyle, hinablot sakin ni Chase yung cellphone ko.

"Busy siya, wag kang epal." Sabi niya bago ibaba yung phone. Hinablot ko naman agad yung phone ko sa kanya.

"Why did you do that?!"

"Wag ka ngang makipaglandian sa lalaking yun!" Sigaw niya. Aba, sinisigawan ako ah.

"HINDI AKO NAKIKIPAGLANDIAN SA KANYA!"

"Talaga lang ha? Sa tingin mo matutuwa sina mom at dad diyan sa ginagawa mo? At bawal ka pa mag-boyfriend!"

Aish! Nag-iinit na talaga ako!














Baka iba yung iniisip niyong 'pag-iinit'. Hindi yun!

"Ano bang ginagawa ko? Sinasabihan mokong nakikipaglandian eh ikaw nga yun!"

"A-ano?"

"Kapag ako nakikipag-usap sa lalaki, nakikipaglandian na agad? Tapos pag ako bawal mag-boyfriend eh bakit ikaw?" Sabi ko.

"Anong ako?"

"Ikaw, may.. Girlfriend... Ka. Tapos ako bawal? Ikaw pwede kang makipag-landian sa girlfriend mo sa phone, pero pag may kausap lang akong lalaki sa phone bawal? Ano ba kita? Tatay kita?" Sabi ko. Napangisi naman siya at parang nagpipigil ng tawa.

Sinamaan ko siya. "Why are you laughing?!" Sigaw ko.

"Tumatawa ba ako?!"

"Nagpipigil ng tawa!"

Natawa naman siya. "Iniisip ko lang, kung nagseselos ka." Nanlaki naman mata ko.

"A-ano?!"

"Wala.."

"Nagsese- hoy! For your informa-"

"Hi babe!" Napalingon kami ni Chase sa nagsalita.

Bastusan ah, hindi pa ako tapos magsalita!

Nakita ko si Sabrina at sina mom at dad sa tapat ng pintuan. Lumapit naman si Sabrina samin at diretso lang ang tingin kay Chase.

"What are you doing here?" Woo! Cold ah.

"Siyempre dahil sayo." Malanding sabi niya.

"Ok. Tutal nakita mo na ako, umalis ka na." Sabi ni Chase at tsaka siya tumalikod. Ako naman pumunta ako kina mom at dad na nasa tapat lang ng pintuan ng kuwarto ni Chase.

"Naman babe eh, nabitin ako sa date natin last time eh." Sabi niya. Napansin ko namang unti-unti niyang hinahawakan yung likod ni Chase. Pero si Chase, hindi man lang niya itinatabig. Seriously?! Hindi ba napapansin ni Chase yun? O baka nagugustuhan niya kaya hindi nalang niya pinapansin?

Pumunta naman ako sa kuwarto ko. Ayokong makita, baka may gawin pa silang hindi ko magustuhan. Ang tindi talaga nung Sabrinang yun, landiin ba naman si Chase sa harapan ng magulang namin. Si Chase naman sarap na sarap.

Makapag-text na nga lang. Kukunin ko sana yung phone ko sa bulsa ko nang may nakapa akong papel. Pagbuklat ko nakita ko nanaman to.

'Mother: 09*********'

Oo nga pala, matawagan nga.

*riiing*

*riiing*

*riiing*

("Hello Benj nasan ang anak ko?! Ilabas mo siya!") yan agad ang sumalubong sakin. Anak? May isa pang anak si daddy? May kapatid ako? Bat hindi ko alam?

"He-hello?" Medyo natatakot ako dahil halata sa tono ng boses niya ay galit siya.

("A-anak?!")

ANAK?!

______________
UD.

Napatagal po, busy po ako sa dami ng assignment ngayong sembreak huhuhu.

Stay tuned for more UD.

Enjoy!

Feel free to vote and comment.

Pwede rin po kayong mag-comment ng mga kilig scenes para kina Jamaicca at Chase.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top