~Chapter 10: Making me jealous~

JAMAICCA'S POV

One week later...

"Honey, pakikuha nga ng brown envelope ko sa kuwarto namin ng mama mo." Utos sakin ni dad. Yes, nakauwi na sila kahapon lang. Tuwang-tuwa rin ako dahil wala na si Sabrina dito. Pero sabi nina dad ay magta-transfer daw niya sa school namin ni Chase. Pero ok lang, at least hindi ko siya kasama sa iisang bahay.

"Opo dad." Sabi ko at tsaka dumiretso sa taas.

Pag-akyat ko nakita ko si Chase na nakasandal sa ding ding ng kuwarto nina mama at daddy. "Im jealous." Sabi niya. "Dapat pala hindi ko nalang kinuha yung monkey na yan. Parang mas matagal ka pa niyang kasama kesa sakin eh." Sabi niya habang nakakunot ang noo dun sa monkey na yakap-yakap ko. Natawa naman ako. Seriously?!

Simula kasi nung naipanalo niya yung monkey sakin, hindi ko siya inaalis sa tabi ko. Kahit saan pa, sa kitchen, kuwarto ko, kahit sa school pa.

"Salamat nga pala dito ah. Ang cute cute niya talaga!" Sabi ko habang niyayakap ng mahigpit yung monkey.

"Bakit? Ako ba hindi cute?" Sabi niya habang pinipisik yung pisngi niya.

"Cute ka din naman eh, magkamukha kasi kayo. Tingnan mo oh, carbon copy." Pang-aasar ko. Nagulat naman siya.

"Ano?! Mas gwapo ako diyan." Seryoso ba siya? Ikumpara ba naman yung sarili sa isang stuffed toy.

"Ewan ko sayo."

Papasok na sana ako sa kuwarto nina daddy pero hinarangan niya ito.

"Anong problema mo nanaman?"

"Wala lang. These past few days feeling ko wala ka nang time para sakin."

"Kung makaasta ka boyfriend kita ah! KUYA." sabi ko at itinulak siya para makadaan ako.

Pagpasok ko sa kuwarto nila daddy, hinanap ko agad yung brown envelope. Medyo nahirapan akong hanapin dahil maraming envelope dito sina dad pero nahanap ko rin naman.

'JAMAICCA'

Pagbungad palang yan na agad ang nakasulat. Nacurious naman ako. Bat nandito pangalan ko? Ano ba to?

Dahil nga curiousity kills, binuksan ko ito. Nagdadalawang isip pa ako pero ginawa ko na rin.

Pero may papel na talagang ipinagtaka ko.

'Mother: 09*********'

Mother? Sinong mother? Sobrang gulo ng utak ko ngayon.

"Honey nahanap mo na?" Sabi ni dad. Rinig na rinig kong paakyat na siya papunta dito kaya itinago ko yung papel na yun sa bulsa ko. Sakto at dumating si daddy.

Nagulat siya nung nakita niya binuksan ko yung envelope. Dali dali siyang tumakbo papunta sa envelope.

"Bat mo pinapakielaman yung gamit ko? Wala ka bang nakita?" Galit at natataranta niyang tanong. Hes acting very weird. Anong nakita ko na dapat hindi makita?

Umiling lang ako. "Sorry po dad, na-curious lang po ako kaya ko po nabuksan. Sorry.." Sabi ko. Ginulo niya lang naman yung buhok ko.

"Its okay. As long as wala kang nakita, it's okay."

Kinabahan naman ako. Ano ba yung ayaw nilang ipakita sakin?

***************
"ang cute talaga ni Chase noh?" Sabi sakin ni Cassandra. Hay ayan nanaman siya, bukambibig niya nanaman si Chase.

Hindi niya pa kasi alam yung tungkol samin.

"Ayan ka na naman. Alam mo para kang sira, ilalakad na nga sana kita kay kuya pero ayaw mo, tapos ibubukambibig mo yun sakin." Sabi ko.

"Iiiiiihh! Hiya ako!" Sabi niya. Binatukan ko siya. "Aray."

"Anak ka ng shame, gatok. Anong mapapala mo sa hiya-hiyang yan. Dapat kapalan mo na mukha mo. Lalo na may fiance siya.." Medyo nalungkot naman ako. Syempre masakit para sakin na ikakasal na siya, lalo na't may feelings pa ako sa kanya.

"Bat ang sad mo?" Sabi niya habang nakapout. Bintukan ko ulit siya. "Aray! Nakadalawa ka na ah! Bat ba ang hilig mong manakit ng mga magaganda?" Sabi niya habang inaayos yung buhok niya.

"Gusto mo pa ng isa?" Banta ko. Akala ko matatakot siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Subukan mo lang." Banta niya pabalik sakin. Tinaasan ko din siya ng kilay.

"Kapag sinubukan ko, anong gagawin mo?" Sabi ko. Ngumisi lang siya skain.

"Sasabihin ko kay Alex na may crush ka sa kanya!" Sigaw niya. Sakto at dumaan bigla yung JCACZ. Pero napansin kong hindi nila kasama si Alex.

Mukhang narinig ni Chase yung sinabi ni Cassandra dahil sinamaan niya ako ng tingin. Uh oh!

"Chase! Step-sister mo oh, lumalandi na. May pa crush crush na kay Alex. Ayiiee." Sabi ni Cassandra, leche kang bruha ka pahamak ka talaga, ilalag mo pa ako!

"Haha! Crush mo si Alex, Jamaicca?" Tanong ni Calix. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata. "A-ano nga-ngayon?"

Sh*t ka Jamaicca, sabi ko wag magpahalata!

"Wala lang. Wag kang mag-alala. Secret lang natin yun." Sabi ni Calix. Hindi ko parin sila mapagkatiwalaan.

"Andyan na pala si Alex eh." Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

O___O

"Pare!" Sigaw ni Zane tsaka lumapit kay Alex at inakbayan. Napatingin naman sakin si Zane na para bang nang-aasar. Aish!

"Alam mo ba?" Tanong ni Zane.

"Alin?"

Inilapit naman ni Zane ang mukha niya kay Alex na para bang may ibubulong. Habang binubulungan ni Zane si Alex, napatingin sakin si Alex. Uh oh! Patay, alam niya na.

P*tanginamo Zane!

Lumapit naman agad sakin si Alex na napaka-serious ng mukha.

"Bat hindi mo sinabi sakin?"

Wala na, alam niya na.

Iiwasan niya na ako..

"Sorry.." Sabi ko habang nakayuko.

"Sasabihin ko naman talaga sayo eh. Natatakot lang ako dahil baka iwasan mo ako. Sana wag kang magalit sakin, ayoko lang masira ang friendship natin dahil kang dito. Dito sa nararamdaman ko." Sabi ko. Feeling ko maiiyak na ako, please wag mokong iwasan.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Ako dapat ang humingi ng tawad." Eh?

"Eh?"

"Tingnan mo, dahil sakin na-grounded ka tuloy ng magulang mo dahil late kang nakauwi nung hinatid kita." Teka, anong pinagsasabi nito? Na grounded ako? Di naman ah.

Napatingin ako kay Zane na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

"Oh sige na, mauna na ako. Matutulog pa ako eh." Sabi ni Alex. Kinindatan muna niya ako bago umalis. Tiningnan ko ng masama si Zane.

"Hahaha!" Tawa lang siya ng tawa.

"Zane!" Sigaw ko sa kanya at tsaka siya hinabol. Siya naman tumatakbo habang tumatawa. Letse siya, pinakaba niya ako! Akala ko alam niya na.

***********
Nandito ako ngayon sa library. Breaktime ngayon, hindi naman ako gutom eh kaya magbabasa nalang ako. Tutal may quiz kami bukas.

"Jamaicca." Napalingon ako sa tumawag sakin.

O__O

^__^

"Hi Jamaicca!" Bati niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Close tayo?" Pang-aasar ko.

Lumapit siya sakin at tsaka ako inakbayan. "Eto namang si Jamaicca eh, alam mo ang ganda mo ngayon!"

-__-

"Straight to the point tayo, anong kailangan mo sakin?" Napakamot naman siya ng ulo. Akala mo hindi ko napapansin na may kailangan ka ah.

"Eh kasi... Favor naman oh." Sabi niya.

"Ano yun?"

"Eh.. Hehe. Ilakad mo naman ako sa bestfriend mo." Sabi niya. Halatang nahihiya siya dahil umiiwas siya ng tingin.

"Bestfriend? Sinong bestfriend?"

"Si.. Cassandra." Nanlaki naman mata ko. Siya irereto ko kay Cassandra? Wag na lang! Sa playboy niyang yan!

"No!" Sigaw ko. Napatingin naman sakin yung librarian at sinamaan ako ng tingin. Nag-peace sign naman ako sa kanya at ibinaling ulit ang tingin ko kay Jaxx.

"Sige na, Jamaicca. Please?" Sabi niya.

"Kung gusto mong malakad kay Cassandra, wag ako puntahan mo. Sa pinsan ka mag-pareto tutal mas close mo naman yun. Bakit ba ayaw mo sa kanya ka magpareto?" Iritang sabi ko. Hindi ko talaga siya mapagkakatiwalaan para sa bestfriend ko. Playboy yan si Jaxx, wala pa sigurong isang linggo balewala niya na si Cassandra kaya ayoko.

"Eh ayaw nga niya!" Sabi niya.

"AYAW KO DIN!" Sigaw ko. Napalakas ata yun dahil pinagtitinginan na kami dito sa library. Napatingin din ako sa librarian at sinabihan ako na last warning na.

"Please Jamaicca, i really like her." Muntik na akong matawa sa sinabi niya. He really likes her? Edi wow, isang playboy magkakagusto sa isang babae na phindi niya pa gaanong kakilala? Utot niya!

"Wag ako ang lokohin mo." Sabi ko at aalis na sana sa library pero pinigilan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Napansin ko naman ang apat pang miyembro ng JCACZ na kakadating lang. Kompleto sila. Nagulat sila nung nakita kami ni Jaxx. Unti-unti naman silang napatingin sa kamay namin ni Jaxx na magkahawak. Agad naman naming binitaw ang magkahawak naming kamay.

Napansin ko namang parang may black aura sa paligid nina Alex at Chase. Nakatingin lang sila ng masama kay Jaxx na ikinataka naman ni Jaxx.

"Bakit ang sama ng tingin nung dalawa?" Bulong sakin ni Jaxx. I shrugged.

"Uyyy! Jaxx at Jamaicca, anong meron sa inyo?" Pang-aasar ni Calix.

Nagulat ako ng biglang umakyat sa isang table si Zane. "GUYS MAY BAGO TAYONG LOVETEAM SA SCHOOL! JAXX AND JAMAICCA! JAXXAICA! AYIIIE!" Sabi niya habang tumatalon-talon pa sa table.

Hyper talaga -_____-

"AYIIIEEE!" Sigawan naman lahat ng mga estudyante sa library. Medyo natakot ako dahil galit na galit na yung librarian.

"KAYONG ANIM, GET OUT!" Sabi ng librarian sabay turo sa pinto. Nagulat naman bigla sina Chase, Calix at Alex.

"Mam, pati ho kami? Nananahimik naman po kami ah." Sabi ni Calix habang akbay-akbay sina Alex at Chase.

"I SAID GET OUT!" Wala naman kaming nagawa kundi sumunod.

Pagkalabas namin, hindi parin nila inaalisan ng masamang tingin si Jaxx. Hanggang sa may lumapit na isang babae kay Chase na may dalang leche plan.

Sa itsura niya, mukha siyang nerd. Pero maganda siya, at mukhang mahiyain.

"Uhm.. Para sayo, Chase." Sabi niya sabay abot ng leche plan. Poker face lang si Chase na nakatingin dun sa ibinigay niyang leche plan.

"Pinaghirapan ko yan, sana magustuhan mo." Sabi niya.

Nakakuha naman eto ng atensyon kaya dumami ang mga estudyante. Siguro gusto nilang malaman kung tatanggapin ba ni Chase o hindi.

Medyo napapahiya na yung nerd na babae dahil nakatingin lang si Chase dun sa leche plan niya.

Tumingin naman sakin si Chase na parang tinitingnan kung ano reaksyon ko. Sorry ka, Chase dahil hindi ako apektado. Kahit na bigyan kapa nang lahat ng babae dito ng leche plan, hindi ako maaapektuhan. Magsama pa kayo!

Napansin ko namang nginisian niya ako at agad na tinanggal yung regalo ng nerd sa kanya. What da?!

Lahat naman ng mga nanunuod nagulat sa ginawa niya. Yung nerd naman, tuwang-tuwa. Napayukom naman ang kamao ko dahil feeling ko anytime masasapak ko tong nerd na to.

Shet ka Aicca, kakasabi mo lang na hindi ka apektado diba?

Tumingin ulit siya sakin na para bang nang-aasar. Pinagseselos niya ba ako?

"Salamat dito." Sabi ni Chase na mas lalong ikinagulat ng lahat. Bakas naman sa mukha nung nerd ang sobrang saya.

I hate him, i hate him so much.

Trying to make me jealous huh?

Too can play it that game.

______________
Short UD..

ETO PO ANG PROMISE KO PO SA INYO NGAYONG SEMBREAK! LULUBUSIN KO NA PO TONG SEMBREAK KO DITO.

Oo nga po pala, happy 300 reads! Thank you for supporting, keep it up!

Please dont forget to vote!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top