CHAPTER 9
Friday 6pm
"Wow!! ang ganda dito, grabe..." Manghang mangha si Chelsy sa nakikita niya.
" Wala to chels sa private island nila James, Mas wow yun dito, as in paradise...." Cassie said
Nasa Tagaytay resthouse sila nila Brian ngayon, dahil weekend dito nila napiling pumunta nalang para makapagrelax naman sila, isa pa malapit lang sa FU dahil nasa Luguna lang yun.
" Tara na sa loob." Aya ni Brian.
Pumasok silang lahat sa loob, malaki ang resthouse nila may white piano sa loob, 4 bedrooms, may pool.
"Girls, dun nalang kayo sa master bedroom, para sama sama kayo. Kami ni James sa kabila, kayo Kevin ni Vince sa kabila naman." Sabi ni Brian.
" Ano kakainin natin?" Kevin
" Pagkain talaga ang concern kevin? Agad agad!!" Celline
" Celline gutom na ako, masama ako magutom, baka ikaw ang kainin ko diyan eh."
" Eeeeeeewwwwww!! you're so eeeeewwwwwwwww!!!"
" Aray....aray....arayyyy!! anaknang, tama na! arayyyyy!" Pinagpapalo ni Celline si Kevin at pinagkukurot.
" I swear celline! If you do that again, I'll no longer hesitate to kiss you."
Tawa ng tawa naman sila sa ginagawa ng dalawa.
" Bastos ka!!!! Kuya oh." Nagkibit balikat lang si Vince.
" Sorry Celline, mas mahal ako ni Vince kaysa sayo behp." Kevin said sabay belat.
" Haist!!! kuya Vince ang sama mo, magsama kayo." Pagmamaktol ni Celline.
" Sige na, ako na magluluto." Sabi ni Chelsy, nag grocery muna sila kanina bago sila nagpunta ng resthouse.
"Woohoooo!! thanks god! We have Chelsy. Sainyong tatlo si Chelsy lang ang may pakinabang, kayo puro pagpapacute ang inaatupag." Sabi ni Kevin.
"At ikaw naman, sainyong apat ang pinaka walang pakinabang!! Puro katakawan ang alam mo." Sabi naman ni Celline
" Hoy kevin! tulungan mo ako sa mga gamit iaakyat natin. Parehas lang kayong walang pakinabang eh! Kaya bagay kayo. Pag kayong dalawa nagkatuluyan siguradong isusumpa kayo ng mga anak niyo." Sabi ni Brian
"Eeeewwwww!! NO WAY!!! Over my dead gorgeous body..!! Hindi ako papatol diyan." Celline said while rolling her eyes.
More asaran between Celline and Kevin walang humpay.
*********
Si Chelsy nasa kitchen naman naghihiwa ng mga ingredients para sa lulutuin.
" Need help?"
"Ouchhhh"
"What happen?" Tarantang lumapit si James kay Chelsy at tinignan ang nahiwang daliri ni Chelsy.
" Such a clumsy. ." Sabi ni James na hawak hawak ang kamay ni Chelsy, dinala siya sa lababo para hugasan ang sugat.
Si Chelsy naman nakatitig lang kay James.
Oh my god!! I can't breathe we're so close. sa isip ni Chelsy
" Masakit ba?" James asked at tumingin sakanya kaya nagtama ang mata nila.
" H-Hindi! Hindi naman." Chelsy said, avoiding his eyes, binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ni James.
Bumalik siya sa paghihiwa ng Ingredients.
Silence
"Akin na yan, ako na maghihiwa." Basag ni James sa katahimikan at kinuha ang kutsilyo sakanya.
"Marunong kaba?" Chelsy asked.
" Wala kang tiwala?" He asked and turned to look at her.
"Wala"
" Ahahaha! Actually hindi talaga ako marunong, turuan mo nalang ako." Sabi ni James
Gosshh!! tumawa siya, Ano kaya nakain nitong lalaking to? pero lately hindi na talaga siya nagsusungit sakin... nagsusungit din pero cute na pagsusungit ang ginagawa niya.....tsss, may cute bang pagsusungit chelsy?baliw lang!!!! -her thought
" Stop staring at me. Baka matunaw ako, maraming iiyak na babae. ahahaha!!" James said and laughed.
" A--ah" Hindi alam ni Chelsy ang sasabihin niya, nakakahiya naman talaga ang ginagawa niyang pagtitig.
" And you're drooling."
" Ha?" Sabay hawak ni Chelsy sa bibig niya.
" Ahahahaha!!" Tumawa ng malakas si James.
Syaksss!! nakakahiya naman!!!
"Tsss... hindi naman eh!!umalis kana nga diyan, ako na, labas na dun." Inis na sabi ni Chelsy.
"I'm just kidding, Pikon ka talaga."
" Hindi ako pikon, magluluto na ako, tsaka tignan mo yung hiwa mo sa gulay, gutay gutay na hindi ka marunong, kaya alis na.."
" Ayaw" Iiling-iling na sabi ni James.
" Bahala ka nga." Hinayaan nalang ni Chelsy si James at nagluto na siya.
Si James naman sunod ng sunod sakanya, tuwing pupunta siya sa table susunod, pag iche-check niya yung niluluto susunod din, at hindi inaalis ang titig sa sakanya, sobrang awkward na talaga para kay Chelsy.
" JAMES DUN KA NA NGA!" Singhal niya dito..
" Bakit ba? wala naman akong ginagawa ah..I'm just watching. "
" You're not! Dun ka na." Singhal niya dito.
"I'm watching over you." James said softly, at titig na titig sa kanya habang nakasandal sa my ref.
Si Chelsy naman parang nabingi sa narinig, naririnig lang ata niya yung tibok ng puso niya ang bilis bilis ng tibok. Lahat ata ng balahibo niya nagsitayuan.
" CICI" Sambit ni James sa pangalan niya, si James lang ang tumatawag sakanya nun.
It sounds melodious to her. Nagtubig ang mata niya sa narinig niya.
GOSH! I missed that!!! calling me in that name.... I miss you so much James.. -gustong gusto niyang sabihin ang mga salitang yun.
Habang nakaharap si Chelsy sa niluluto niya, lumapit si James sakanya, sobrang lapit.
Yung likod niya halos nakadikit na sa katawan ni James, ramdam niya ang mainit na hininga nito sa likod ng tenga niya, dahil nakatali ang buhok niya pataas, kaya lantad na lantad ang tenga niya.
Hndi siya makakilos, nangatog ang tuhod niya sa kakaibang pakiramdam ng pagkakadikit ng katawan nila.
" Cici...........I miss you so much." James said softly dun hindi na niya napigil ang mga luha, her tears fell one by one...
" Hey! Tapos na ba ang niluluto?"
Agad na lumayo si James sa kanya pagkarinig sa nagsalita..
Anak ka ng ina mo Kevin..... galing ng timing mo.!!! Parang gustong batukan ni James si Kevin.
Si Chelsy agad naman niyang pinahid ng palad niya ang luha niya.
" ANO YAN SUNOG NA!!!" Sigaw ni Kevin at doon na tauhan si Chelsy.
" Oh my god!!!!" Agad na pinatay ni Chelsy ang kalan, pero talagang sunog na ang niluto niya.
**********
Nasa dining na silang lahat para kumain, nakatingin silang lahat sa sunog na pagkain, si Cassie at Colleen nakapangalumbaba.
" What happened?" Walang ganang tanong ni Cassie.
" Ewan ko ba dito sa dalawang to, nandoon sila sa harap ng niluluto ah, doon sa harap mismo... pero nasunog parin..... hayy ewan!! ang weird nila."
Si Chelsy nakayuko lang at James relax lang naman.
" Kasalanan ko, kinulit ko kasi si Chelsy na tulungan ko siya... tapos pinabantay niya muna sakin kaso lang nasunog ko." Pagsisinungaling ni James.
" ANO!? Anak ka ng..... ano ba naman James?! bakit kapa nangialam kasi.....pagkain na sana naging uling pa...!!!" Sabi ni Kevin na mataas ang boses.
" Okay na yan, masarap yan, Ohhh tikman...ahahaha!!" Sabi ni James, sabay salaksak sa bunganga ni Kevin ng sunog na pagkain.
" May gulay naman, maggulay na muna kayo, healthy pa." Sabi naman ni Brian at kumuha na ng gulay.
"Wow pre!!! kailan kapa naging healthy conscious ah? ang wi-werdo niyo na talaga ngayon, itong si James marunong ng tumulong." Sabi ni Kevin.
" Anong tingin mo sakin?" James asked
" Tingin ko sayo walang alam.... ang alam mo lang naman manira ng puso....arayyy...... Tsss, sakit nun ah..... hilig niyong mangbatok." kevin said, binatukan siya ni James.
"Because you're annoying... kaya naiirita sayo ang mga tao." Celline
" Talk to may hand celline." Kevin
Natapos sila sa pagkain na ang iingay bangayan ng bangayan.
********
Nasa labas na ang lahat si James nasa kwarto, Nakaupo lang siya sa kama tatayo, at maglalakad, uupo uli, mahihilamos ang kamay sa mukha niya.
Aarrggghhh!!! Ano bang nangyayari sakin?! sabi ko I won't let my myself to fall with her again.... pero mukhang kakainin ko lahat ng sinabi ko.. hindi ko mapigilin....kanina nung nagluluto siya, hindi ko mapigilang titigan siya, then parang may sariling isip ang mga paa ko at bigla nalang akong lumapit sakanya..... gustong gusto ko siyang yakapin kanina, kung hindi lang dumating si Kevin siguradong niyakap ko na siya.
Parang nawala lahat ng galit ko sakanya, ilang araw ko na siya nakakasama, alam ko, sigurado ako hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko. MAHAL KO PARIN SIYA!!!
Tumayo si James para lumabas.
Paglabas niya ng pinto, palabas din si Chelsy sa kwarto na magkatapat lang.
Nagkatinginan sila, walang nagsasalita, nagsmile lang sakanya si Chelsy at akmang aalis na.
" Chelsy!" Tinawag niya si Chelsy.
Lumingon naman si Chelsy pero hindi nagsalita.
" Sorry kanina ah, nasira ko yung luto mo." Sabi ni James
" Wala yun, kasalanan ko din naman, hindi ko napansin na nasusunog na pala. ahaha!!" Chelsy said then laughed.
Ang sarap niyang panooring tumawa.
"Tara na, baba na tayo." Aya ni Chelsy.
Nagnod lang si James at bumaba na sila.
Pag labas nila ng bahay, nandoon na ang lahat sa labas, nakaupo sa buhanginan.
"Oh ayan na sila chelsy. " Sabi ni Cassie.
lumapit agad si Brian kay Chelsy pagkakita sa kanila.
" Princess halika, dito ka nalang sa tabi ko." Sabi ni Brian at pinaupo ito sa tabi niya.
Sumunod nalang din si James at tumabi naman siya kay Chelsy.
Nakaupo sila paikot. Brian, Chelsy, James, Cassie, Celline, Kevin,Colleen and Vince. Yan arrangement ng upo nila.
Nakaready na ang iinumin nila tequila.
" Okay guys habang umiinom tayo let's put a twist... bawal ang KJ ah... body shot... we're gonna spin the bottle, kung kanino tatapat, yun ang iba-body shot...okay?and may question, kung sino binaddy shot mo siya ang magtatanong." Paliwanag ni Colleen
" WOOHOOOO!! That's so exciting. " Sabi ni Celline.
"Excited ka lang mag body shot sakin celline eh." Pangaasar ni Kevin.
" Eeeww!! No way!! pwede wag na yan kasali si Kevin." Celline
" Both of you shut up!! Dahil kayong dalawa maingay... kay Celline maguumpisa ang shot." Saway ni Vince.
" WHAT?!! You're such a bad kuya ever. hmpf!" Inis na sabi ni Celline
Pinaikot na nila ang bote, at sa pinaka aayawan ni Celline, doon pa tumapat, kay Kevin.
" Aaaaaahhh! I hate you!! sinadya niyo yan." Sigaw ni Celline.
" Ahahaha! Woooo!! yan ang napapala mo eh, go na.." sabi ni Cassie.
No choice, kailangan gawin ang dare, naglagay ng salt si Celline sa leeg ni Kevin at ginawa niya ang body shot.
" Sabi ko na may pagnanasa ka sakin...naramdaman ko yung dila mo celline ah..ahaha!! ..aray..a..arayyy." Sinabunutan si Kevin ni Celline.
" You're so kadiri talaga!! feelingero ka..." Diring diri na sabi ni Celline.
" Tanong na, brutal na to..." Ainghal ni Kevin.
" Wala akong itatanong, wala akong gustong malaman tungkol sayo."
Sumunod si kevin na iinom, pagikot ng bottle kay Chelsy natapat.
"Okay Diwata, paano ba yan? uhmm... sa lips mo nalang kaya Diwata, para may 1st kiss ka na." Sabi ni Kevin, sabay ngiti.
Akmang lalagyan na ni kevin ng salt ang lips ni Chelsy, pero may dalawang kamay na humarang sa noo ni kevin at tinulak ito. Si James at Brian.
" e'body shot mo ang sarili mo." Sabi ni Brian.
"Wow!! grabe ang mga gwardiya sibil mo Diwata, dalawa na ngayon... itong mga to nagbibiro lang eh, sa leeg nalang." Sabi ni Kevin.
Pero biglang kinuha ni James ang kamay ni Chelsy at nilagyan ng asin.
" Dito ka lang pwede, maniac ka." Sabi ni James.
" Ahahahahaha! See, you're maniac." Sabi ni celline at lahat sila nagtatawanan sa mga kakulitan nila.
Si Chelsy napatingin sa katabi niyang si James, takang-taka siya sa inaasal ni James, protective just like before.
Next is Colleen, natapat kay Vince ang bottle, hiyang hiya si Colleen, napansin ni Chelsy yun.
Parang may something... uhmm!!
"May nagugustuhan ka na ba uli ngayon Colleen?" Tanong ni Vince.
"A-ah? wa-wala." Nauutal na sagot ni Colleen.
Haayyyy!! may something talaga.. she's blushing -sa isip n Chelsy.
" Hayy!! wala yan nagugustuhan, wala ng tiwala yan sa lalaki. Dalawang beses ba naman yan lokohin ng lalaki, kasi naman eh, lahat ng nagkakagusto dito kila kuya, pag hindi nila pinatulan boyfriend ba naman ni Colleen ang inaagaw, first that bitchy Grace, second Bettina. " kwento ni Cassie
"What do you mean?" Chelsy asked
" Ganito yun, si Grace cabinmate namin yun.. at first sobrang bait.... pero hindi talaga magaan loob namin sakanya pero dahil nice naman siya pinakisamahan namin..... pero yun pala may gusto kay kuya.. pero kunyari wala siyang gusto, tapos nung hindi na nakatiis inamin din niya na she likes kuya ay hindi she loves kuya daw... eh hindi siya pinapansin ni kuya ginapang ba naman sa kwarto.... ahahaha!!!!! I was remember that time, naliligo si kuya paglabas niya ng banyo... GOSH!! nandoon na sa bed niya.....hulaan mo kung ano suot?"
" Ano?" Chelsy asked
" Nothing..ahahahaha!!"
" OH! My! GOD!" Chelsy was shocked
"Ganyan na ganyan din ang reaksyon namin. Ahahaha!!! And then kuya screamed out loud........ kami nagulat akala namin kung napano siya kaya tumakbo kami papuntang kwarto, when we opened the door.....oh my god!! we saw Grace nakahiga sa bed wore nothing...ahahahaha!!!" Cassie tells the story and they're laughing and laughing over again, si Brian sobrang hiyang hiya na.
"And she tried to seduce James after kuya as well, pero hindi naman siya pinatulan, and nahuli nalang ni Colleen that bitchy Grace slept with her boyfriend, and Bettina did the same to Colleen's next boyfie." Cassie added.
Naawa naman si Chelsy kay Colleen, grabe ang nangyari sakanya.
Umikot ang shot after Vince si Brian na, si Kevin ang natapatan ng bottle. kaya kakamot-kamot si Brian.
" Wahahahahahah!!" Napalingon ang lahat kay James, tuwang tuwa dahil sa nangyari.
Nilagyan ni Brian ang leeg ni Kevin, at parang diring-diri ito na kinuha ang asin ng bibig niya.
" You're such a good kisser dude..ahahaha!!" kevin said
"GAGO!" Sabi ni brian at binato siya ng lemon na kinain nito.
"Okay, Ito tanong ko Brian....... nangliligaw kana ba kay Diwata?" Kevin asked
" Not yet........but I would love to." Brian said and turned to looked at her.
" Kung papayag si Chelsy." Brian added na titig na titig kay chelsy.
"Eeeehhhhhhhh!!" Sabay sabay na tili nila Cassie, Celline at Colleen.
Umiwas ng tingin si chelsy, si James naman ang sama ng mukha sa narinig.
" Okay na, game na." James said.
Si Chelsy ang sunod, natapat kay kay Kevin ang bottle.
" Woah! We're meant to be Diwata, ligawan nalang kaya kita.....oh! oh! biro lang kung makatitig kayo para kayong maglalabas ng laser beam eh."
Tinignan kasi siya ng lahat, lalo na si Brian at si James. Si Brian na agad ang naglagay ng asin sa likod ng palad ni Kevin, para sa bodyshot na gagawin ni Chelsy.
"Uhmm... ito tanong ko may pagasa ba si Brian pag niligawan ka niya." Kevin asked Chelsy.
Titig na titig ang lahat kay Chelsy nagaantay ng sagot.
" Uhm.. everyone deserves the chances." She answered
"Eeeehhh!!!Do you heard that kuya? kaya manligaw kana." Cassie Said na kilig na kilig.
Si James ang susunod, he spins the bottle at tumapat kay Kevin.
" Anaknang!! Ano ba to? bakit puro kay kevin nalang natatapat?" James was irritating.
James emptied a glass of tequila and did the body shot.
"Be honest James ah.. na inlove kana ba?" Kevin asked.
Everyone's eyes are on him, except Chelsy na nakayuko lang.
Nagaaantay ng sagot ang lahat, knowing James, he doesn't know what the love is, he doesn't know how to love, yun ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.
" Yes" He answered pero ang mata niya na kay chelsy nakatitig.
" Who?" Kevin
" When?" Vince
" Why?" Celline
" What happened?" Colleen
" Where is she now?" Cassie
Lahat sila nagulat except Brian as if he knows about that.
Ofcourse Chelsy was also shocked, hindi dahil nalaman niyang nainlove na si James, dahil alam naman niya yun at alam niya na siya yung tinutukoy ni James.
The thing that made her shocked, that James was admitted.
" Tsss.. one shot, one question that's the rule, O.A ng reaction." James said
" I can't believe this, marunong ka pala ma-in-love?" Cassie said
"Go na, dali para si James uli.. may itatanong pa ako.." Celline said excitedly.
Umikot uli hanggang sa turn uli ni Chelsy, the bottle stops and pointing James.
Chelsy was shocked and James was also shocked, pero nakaramdam siya ng excitement.
Hindi na pumayag ang iba na sa kamay lang, kailangan daw sa leeg na ilalagay ang salt, kaya lalo siya kinabahan.
Nilagay niya ang asin sa leeg ni James, ininom ang tequila at dahan dahan siyang lumapit kay James.
Sobrang lapit na niya sa leeg ni James.
Gosh!! ang bango niya, I love his masculine scent.
" Hey, Don't sniff me." James said bigla naginit ang mukha niya sa sinabi nito, kaya lumayo muna siya at tumingin dito.
" Ofcourse I'm not." Sabi ni Chelsy at pinangdilatan niya.
" Ahahaha! You look defensive." James said at nakangiti na parang nangaasar.
Haist!! mind reader ba to?! Bibilisan ko na lang para matapos na nga....
Lumapit uli si Chelsy sa leeg ni James, lumapat ang labi niya sa leeg nito.
Biglang humarap sakanya si James, kaya napatingin din siya dito kaya yung mukha nila sobrang lapit.
Biglang may nagflash na ilaw, Kevin took a picture na ganun ang posisyon nila.
" Wow!! this is nice shot....... trending to for sure. ahaha!!!" Sabi ni Kevin, pinagkaguluhan nila Celline, Colleen and Vince.
" Oh my god!! James nag goosebumps ka..." Cassie said, na namimilog pa ang mata habang nakatingin sa braso.
" Hindi ah!!" Pagkakaila ni James.
" Oo kaya....look oh." Cassie said at hinawakan pa ang braso ni James. .
" Malamig lang!!" sabi ni James sabay hatak sa braso niya na hawak ni Cassie.
" Ahahaha! You're affected sa ginawa ni Chelsy.... GOSH!!! James pwede ba, don't act na parang first time mong mahalikan sa leeg, mas malala pa ang ginagawa mo diyan eh.. ahahaha!!" Sabi Cassie na tawa ng tawa
"Tumigil ka!! virgin pa ako. " Sabi ni James kaya lalong nagtawanan ang lahat pati si Chelsy natatawa din.
" Virgin your face.. Si Chelsy nga mismo nakakita sainyo ni Julia sa loob ng kot...hmm...mmm." Naputol ang sasabihin ni Cassie, pilit na sinubo sakanya ni James ang lemon.
" I HATE YOU! tanungin mo na nga si Chelsy." Inis na utos ni Cassie.
Ang tagal nagisip ni James, at biglang nagbago ang expression ng mukha niya, sabay hinga ng malalim.
Bakit ka umalis Chelsy? Bakit mo ako iniwan without any explanation?
" Wala akong maisip na itanong." Yun nalang ang sinabi ni James, marami talaga siyang gusto itanong, pero hindi niya masabi dahil takot siya sa mga isasagot nito sakanya.
Paanokung sabihin nitong hindi niya ito mahal kaya siya umalis at iniwan siya.
No doubt, he fell in love with Chelsy. ..AGAIN... OVER AGAIN! !
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top