CHAPTER 74

Nasa clinic sila. nakaupo si James habang hawak ang kamay ni Chelsy na wala paring malay.

"Tama na! ayoko na! Ayoko na."

"Babe.... Babe." Agad na tumayo si James at hinawakan ang mukha ni Chelsy. nanginginig ang katawan nito na parang takot na takot.

Biglang nagmulat ng mata si Chelsy. Si James ang agad niyang nakita. Inikot niya ang paningin niya.

"God" Anas ni Chelsy nang makitang wala na siya sa sasakyan. She feels relief. Napahawak pa siya sa dibdib niya. Lumapit din sakanya si Brian.

"Princess, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Brian.

"I'm okay now, thanks. Akala ko katapusan ko na kanina." Sabi niya at pilit ngumiti.

"Chels, kumusta ka?" Cassie asked. Kakapasok lang nito dahil galing sila sa office ng headmistress para ireport ang ginawa nila Brandon.

"I'm okay, parang sumakay lang ako sa roller coaster. ahaha!" She said and laughed sofly.

"Sira! Wag kang magalala, kick out na sila sa FU. Pero hindi nila sinabi kung bakit nila ito ginawa sayo."

"Gusto daw nila gumanti kay James." Sabi ni Chelsy na nawala ang pagkakangiti.

"What?! Eh bakit ikaw ang ginawan nila ng ganyan. Mga gago yun! At alam nila na may phobia ka?" Iritang sabi ni Cassie.

"Babe I'm sorry,  wala naman akong atraso sa kanila." Sabi ni James na hinawak uli ang kamay niya.

"Tss.. dahil kay Julia. Gusto nila iganti si Julia, sa ginagawa mo kay Julia."

"What? Wala akong ginagawa kay Julia, siya pa nga ang maraming atraso sakin eh, sayo, satin." Umiwas nalang ng tingin si Chelsy kay James. At binawi ang kamay niya sa pagkakahawak nito.

"Brian, can you take me home? Doon nalang ako magpapahinga."Pakiusap niya kay Brian. Na nasa kabilang saide ng bed.

"Sure, buhatin na kita."Brian said.

"Wag na maglalakad na lang ako, kaya ko na." Inalalayan nalang siya ni Brian tumayo. Lumabas sila ng clinic at sumakay ng kotse. Hanggang sa makarating sila sa cabin.

Umupo si Chelsy sa sofa pero agad naman tumabi sakanya si James.

"Babe I'm sorry kung napahamak ka dahil sakin. Sisiguraduhin kong hinding hindi na sila makakabalik ng FU." James said. Tumingin sakanya si Chelsy.

"Okay na ba ang pakiramdam mo? Bakit nga pala wala ka sa cafeteria kanina?" Tanong ni James at hinawi pa ang buhok ni Chelsy.

"James, isn't it obvious? Iniiwasan kita. Don't you see? Napapahamak ako dahil sayo." Natigilan si James sa sinabi ni Chelsy.

"I'm sorry." Mahinang sabi ni James at napayuko. Napapikit naman si Chelsy dahil sa nakikita niyang itsura ni James.  Naguilty siya bigla.

"Sige, pahinga ka na, I'll promise hindi na ulit mangyayari ito." Yun lang at tumayo na si James at lumabas. Sinundan nalang niya ito ng tingin.

******

Simula ng huling usapan nila ni James ng mangyari ang ginawa nila Brandon. Hindi na niya napagkikita si James,  magkikita sila sa council room. Pero hindi na ito masyadong nagsasalita. Nakaramdam din si Chelsy ng lungkot, namimiss niya rin ito.

Hay pwede ba Chelsy!  Pinagtabuyan mo tapos mamimiss mo. Tama lang yung ginawa mo. Dapat mo na siyang kalimutan.

"Hoy Chels, tara na." Aya ni Cassie. Nakaupo si Chelsy.

"Saan?" Wala sa loob na tanong nito.

"Sa cabin ng boys."

"Oo nga pala, birthday ni Brian."

"Oo, kaya tumayo ka na diyan. Baka hindi ka na naman pumunta, nung birthday ni James hindi kana nagpunta." Cassie said. Tumayo na si Chelsy at kinuha ang paper bag na nasa table. Lumabas silang lahat. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad ng magtanong si Cassie.

"Chels, hindi ka pa rin ba handa sabihin samin ang nangyari? kung bakit bigla mo nalang iniwan si James?" Cassie asked. Tumingin lang sakanya si Chelsy at pilit ngumiti.

Hindi niyo na kailangan malaman. Baka magalit pa kayo kay James na naman.

"Hoy! Tulala ka." Ngumiti lang si Chelsy.

"Halika na, pasok na tayo." Sabi ni Chelsy nung nasa tapat na sila ng cabin ng boys. Nauna ng pumasok si Cassie.

"Kuya happy birthday!" Bati ni Cassie kay Brian na agad yumakap. Kasunod naman sila Colleen at Celline na humalik din kay Brian.

Huling pumasok si Chelsy at agad naman silang nagkatinginan ni James na nakaupo sa sofa. Pero agad din siyang bumawi ng tingin at lumapit kay Brian.

"Happy birthday!" She greets Brian

"Thanks princess." Nagyakap silang dalawa.

"Diwata namiss ka ni James. Malungkot yan nung birthday niya hindi ka nagpunta. Buti naman nakapunta ka ngayon." Kevin said. Napatingin si Chelsy kay James na nakatingim parin sakanya.

"Ang daldal mo Kevin, kahit kailan ka talaga." Celline said.

"Ano ba makakain?" Tanong ni Colleen.  Pumunta sa table at kumuha ng isang blue berry tartlets at sinubo.

"Hmm, sarap ah. Sa hotel niyo ba to galing mga food?" Colleen asked while munching the tartlets. Lumingon si Brian kay Colleen.

"Yeah" Tipid na sagot ni Brian. Turned back to Chelsy.

"Kain kana Princess. " Sabi ni Brian. Ngumiti lang si Chelsy at inabot ang maliit na paper bag.

"A gift." She said then smiled.

"Thanks Princess." Lumingon uli siya kay James. Nakatingin parin sakanya.  Lumapit siya dito at tumabi. Napangiti naman si James sa pag lapit niya.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Namiss ko ang ngiti mo dude." Banat uli ni Kevin. Natawa ng mahina si Chelsy sa sinabi ni Kevin.

"Ooh" May inabot si Chelsy kay James na paper bag.

"Ano to?" Tanong ni James.

"gift. Sorry  hindi ako nakapunta nung birthday mo. Umuwi kasi si dad." She explained.

"Thanks, akala ko ayaw mo lang pumunta?" Binuksan ni James ang paper bag. Kumunot ang noo niya sa nakita. Nilabas niya ang laman.

"Bakit ang dami?" Takang tanong ni James dahil limang regalo ang laman ng paper bag.

Kinuha ni Chelsy ang mga regalo.

"Ito gift ko sayo nung 16th birthday mo, 17th,  18th,  19th and now." Sabi ni Chelsy habang inisa isang binibigay kay James ang gifts. Lalong kumunot ang noo ni James.

"Nung 15th birthday mo wala, nawala kasi nung naaksidente ako. Binibili ko talaga yan every year, pag birthday mo. Wala lang, at least nabi--

"I'm sorry, I'm sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya maniwala ka." Naputol ang sasabihin ni Chelsy dahil bigla siyang niyakap ni James.

Hindi ko alam na ganito ako kahalaga sakanya, kung alam ko lang, kung alam ko lang. -his thought.

"Okay na James,  I tried to moving on. We can be friends naman eh." Niyakap na rin niya ito at tinapik tapik ang likod.

"Cici, hanggang dito nalang ba talaga tayo?" Kumalas siya pagkakayakap. Ngumiti si Chelsy at tumango.

"Pero mahal na mahal parin kita." Nalungkot si Chelsy sa sinabi ni James.

"Halika na kain na muna tayo." Aya ni Brian. Kaya tumayo na rin Chelsy, sumunod naman si James.

"Kuya bakit ayaw mo magpaparty? Si James din hindi  nagpaparty. I missed party." Cassie said

"Pagkatapos ng finals may party tayo. Malapit na, 1week nalang bakasyon na." Kevin said

"Saan naman?" Nagtingin sakanya ang lahat.

"Magpaparty kami, uhmm.. house blessing. Invited kayong lahat."Kevin said. Habang kumakain.

"Peste ka!! akala ko pa naman kung anong party. House blessing lang pala." Celline said. Natawa nalang ang lahat dito.

Na enjoy nila ang buong gabi hanggang sa magpaalam na ang heiresses.

Naiwan ang heartthrobs nakaupo sila sofa. Nang may  mapansin si James sa table.

"Cellphone ni Chelsy." He said then took it. Tinignan niya ito. Natukso siyang buksan ang cellphone.

Wala naman itong password. He unlock it through sliding the arrow.

Inopen niya ang gallery. Tinignan niya ang mga pictures ni Chelsy.

"Ang ganda talaga niya, kahit saang angle tignan maganda. She's perfect." He mutters while swiping it. Napapangiti siya ng makita niya ang mga picture nila. Mga selfie pictures nila.

He closed the gallery. Binuksan din niya ang iba pang mga application. Hanggang sa buksan niya ang messages. He slowly scrolls down, hanggang sa mapatigil siya.

There's unknown number, which caught his attention.  He got curious, kaya binuksan niya. Napaawang ang bibig niya sa nakita niya. Picture nila ni Julia sa bar na magkayakap.

"Shit! Kaya pala, kaya pala. Bakit hindi siya nagtanong? Naniwala siya dito." He mutters.

"Dude bakit? Ano ba yun?"Kevin asked.

"Alam ko na dude kung bakit ganun si Chelsy sakin. Pupuntahan ko muna siya." Tumayo agad si James at patakbong lumabas.

Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang cabin nila Chelsy. Papasok na sana siya pero natigilan siya ng marinig niya ang usapan nila Chelsy.

"Chels, hindi mo na ba mahal si James?  Alam mo, mahal na mahal ka niya. Kitang kita namin yun. Ano ba kasi ang problema?" Celline asked

"Mahal ko parin siya, kaso may mga bagay na hindi na talaga pwedeng ipilit....... Pero kung sa mahal, sobra ko parin siyang mahal. Hindi nagbago yun, mula noon hanggang ngayon." Napangiti si James sa narinig.

"I knew it!" Napalingon silang lahat sa may pinto.

"James" Sambit ni Chelsy.

Agad na lumapit si James at lumuhod sa harap ni Chelsy. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Habang nakaupo siya sa single na sofa.

"Sabi ko na eh, mahal mo ako." Pinakita ni James ang picture sa cellphone nito.

"Ito ba nag dahilan? Bakit hindi ka nagtanong? May explanation ang picture na to Babe. Alam nila Brian na nagusap kami ni Julia that night."

Tumayo ang tatlo at umakyat. Iniwan muna nila ang dalawa.

"James" Sambit niya.

"Babe" Tumayo si James at pinatayo nito si Chelsy at niyakap.

"Sana nagtanong ka." Masayang masaya si James na malaman na mahal parin siya ni Chelsy. Na dahil lang sa picture kaya ito ganito.

Pero si Chelsy,  parang hindi natutuwa. Dahil bumalik naman sakanya ang mga narinig at nakita niya ng gabing yun.

"Are you drunk that night?" Biglang natanong ni Chelsy.  Pero ang dibdib niya ang lakas ng kabog. Baka hindi niya kayanin ang sasabihin nito.

Please! Say yes, that you just drunk that night.  -her thought

"No! I'm not. Kunti lang naman ang nainom ko nun. Wala lang yung yakap na yun. Kinausap lang niya ako about business. Nauna lang bumalik ng hotel sila Brian dahil nakiusap si Julia na kausapin ako, pero about business lang." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Chelsy. Kumalas siya sa pagkakayakap kay James.

Monkey business -her thought

"Umalis kana." Matigas nasabi niya. Pinunas ang luha niya.

"Babe, hindi ka ba naniniwala sakin?" Naguguluhan na naman si James.

"Y-yes James, mahal kita. Pero hindi tayo pwede. Mas kailangan ka ni Julia." Sabi niya na pigil na wag maiyak.

"Ano bang sinasabi mo? Wala kami ni Julia. Hindi ko siya mahal, hindi ko siya minahal. Ikaw ang mahal ko. Babe, please naman bakit kaba ganyan?" Sabi ni James at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Hindi mo siya mahal. Pero mahal na mahal ka niya, nasasaktan siya ng sobra sobra ng dahil satin." Binitawan siya ni James. Bumuntong hininga ito.

"I can't believe this, mahal mo ako. Pero handa mong isakripisyo ang kaligayahan mo at kaligayahan ko para sa iba." Tiim bagang na sabi ni James. Na naiinis na sa mga sinasabi ni Chelsy.

"I can't get you Chelsy,  akala mo ba dahil iniwan mo ako, pupuntahan ko si Julia at pagbibigyan ko na siya sa kahibangan niya. Ako ang magdidisyon nun.... HINDI IKAW!" Galit na talaga ito at napalakas ng ang boses. Umiling iling si James at umalis.

Naiwan si Chelsy at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Napaupo nalang siya sa sofa. Agad naman bumababa ang tatlo pagkaalis ni James. Narinig nila itong medyo sumigaw kaya napalabas sila.

"Chels, Are you okay?" Agad na tanong ni Cassie.

"Chels ano bang nangyayari? Mahal mo si James, picture lang yun Chels. Alam mo naman si Julia, gagawin ang la--

"May nangyari sakanila." Putol ni Chelsy.

"What?" Cassie

"May nangyari sakanila sa Palawan. I'll explain everything, but not now. Gusto ko munang magpahinga." Sabi niya habang pinupunas ang luha.

"Pero Chels baka nagkakamali ka lang." Celline said. Umiling iling si Chelsy.

"Bukas nalang. Please wag niyo nalang sabihin sakanila. Ayaw ko na ng gulo." Yun nalang sinabi niya at tumayo na siya. Umakyat sa taas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top