CHAPTER 70

Hindi siya makakilos dahil nagulat siya sa halik nito.  Hindi niya talaga inaasahan. Tumigil si James sa paghalik at lumayo ng bahagya.

"Di tumigil ka din, halik lang pala ang makakapag patigil sayo eh." He said and smiled habang hawak nito ang mukha niya.

Napapikit si Chelsy,  and took a little breath. At dumilat uli sabay tayo.

"Babe! Please magusap tayo." Agad namang tumayo si James, at niyakap siya mula sa likod niya.

"Bitawan mo na nga ako." Pilit inaalis ni Chelsy ang kamay nito, pero hindi ito bumibitaw.

"Hindi tayo aalis dito, hanggat hindi mo ako kinakausap. Kahit magdamag pa tayo dito." Naiiling nalang si Chelsy.

Hindi na alam ni Chelsy ang sasabihin niya dito, napapagod na siyang makipag talo. Hindi na siya umimik pa.

"Babe I'm sorry."

Yeah! you owe me that.!!!!!!!!!! But that's not enough!!!!!!

Kumalas si James sa pagkakayakap at hinarap siya.

"Babe, alam kung galit ka sakin, dahil sa ginawa ko noon.... I'm so sorry for that. Sana naniwala ako sayo, nang sabihin mong naaksidente ka. Alam kong hindi sapat ang sorry lang........ alam ko na ang lahat, yung aksidente, yung pagkacoma mo, nasabi sakin ni Uncle Hance. Yung paguwi mo para puntahan ako... nakausap ko yung classmate natin nung high school..... kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan na hindi ako nakinig....  I'm so sorry... I'm so sorry!!!"

So alam niya na pala!!! Ibang klase, hindi niya talaga ako pinaniwalaan noon kahit si Brian ng sabihing naaksidente ako!! O alam naman talaga niya ang totoo, umaarte lang siya na ngayon lang niya nalaman. ginagawa lang na naman niyang dahilan ngayon para mauto ako. Sorry James hinding hindi na ako magpapauto sayo.

Salita ng salita si James habang nagiisip  naman si Chelsy.  Tinitignan niya ang mukha ni James ng mabuti.

Nice James!!! Parang totoong totoo lang ang expression ng mukha mo........ the pain, regret, sadness. Nasa mukha mong lahat.... double wow!!! Effort talaga to make me believe again. Kung hindi ko alam ang totoo, bibigay na naman ako sayo sigurado. SUCH A PLAYER!!!!

Hinawakan ni James ang mukha niya kaya biglang siyang,  nawala sa pag iisip.

"I'll make it up to you Babe!" I'll do everything, patawarin mo lang ako." Halos magsumamo na ito.

"Okay na? Are you done? Nakinig na ako..... so now,  would you please! excuse me." She said na may diin ang mga huling salita.

"Babe"

"I'm tired James,  not now, patahamikin mo muna ako. Just for now." Sabay alis niya, naiwan si James na natulala.

Anong gagawin ko? Galit na galit siya sakin... I deserve this, sinaktan ko siya ng husto... akala ko okay na ang lahat.  -Napaupo nalang si James sa sobrang frustration.

"I won't give up!!! Kahit lumuhod ako sa harapan mo Chelsy gagawin ko." Biglang tumayo si James at lumabas ng council room.

Habang naglalakad siya may dalawang babae siyang nadaanan. At binati siya, nginitian naman niya nito.

"Wow! Ngumiti siya." Sabi ng isang babae. Nang malagpasan ito ni James pero bigla siya napihinto. At nilingon muli ang dalawang babae.

This time kunot noo niyang pinagmasdan ang dalawa. Lumapit siya dito, at biglang hinawakan ang I. D para tignan ang pangalan ng mga ito. At tumingin muli sa mukha ng dalawa,  palipat lipat ang tingin ni James.

Hindi ako pwede magkamali, kayo yung dalawang naguusap about samin nila Chelsy      -

Umalis si James, Iniwan niya ang dalawang tulala.

"Gosh! Lumapit siya sakin, we're so close."

"Sakin kaya." Sabi naman ng isa na tulala habang sinusundan lang ang tingin si James na papalayo.

****
Cafeteria:

Papasok si James ng Cafeteria at nakasabay naman niyang papasok si Julia.

"Hi James" Bati nito

"Akala ko ba sa States ka na magaaral?" James asked

"Change plan eh." She said, hindi na sumagot si James at tumuloy na sa table nila.

Maya-maya lang din dumating na rin si Chelsy with Brian.

"Diwata long time no see,  musta na? missing in action ka, ano bang nangyari?" Kevin said
"Chels we missed you!" Sabay ni Celline at Colleen sabay tayo at yumakap sakanya.

"Mukhang humaba ang table natin ah."

"Well, meron nadagdag, that's why." Celline said sabay tingin sa dalawang nakaupo.

"Yagen! Hi." Bati ni Chelsy.

"Hi ate Chelsy." Bati naman ni Yagen. At nagwave pa sakanya. Napatingin naman siya sa isa.

Pinagmasdan niyang mabuti ito, tumayo ang babae at ngumiti sakanya.

"Hi ate" Bati sakanya ng babae, alangining ngumiti siya dito.

"Chels, hindi mo na siya tanda? Little sis natin."Andrew said. Napaawang ang bibig ni Chelsy.

"Oh my god! Genelyn is that you?" Nanglalaking tanong ni Chelsy, tumango-tango ang babae. Lumapit siya dito at niyakap ng mahigpit.

"Oh my! I miss you! Grabe dalagang dalaga kana? You're so pretty." Sabi ni Chelsy na tuwang tuwa.

"Ikaw din ate,  sobrang ganda mo lalo, noon ang ganda mo na, mas lalo ngayon." Sabi nito kumalas si Chelsy sa pagkakayakap.

"Ikaw talaga, bolera ka pa din." Chelsy said, at umupo na rin ang dalawa. Kasama nila sa Aragon high dati ang kapatid ni Andrew, grade 6 ito at sila naman 3rd year na.

Si James naman titig na titig lang kay Chelsy hindi nagsasalita o ngumiti man lang. Seryoso ang mukha. Napatingin si Chelsy kay James. Napansin nito ang new look nito, nakasuot ng bonnet at eye glass.

"Ate Chelsy, ang cute ni James no? Bagay sakanya ang ganyan." Sabi ni Yagen dahil napansin nito na nakatingin siya kay James. Biglang iwas naman ng tingin si Chelsy,  hindi niya namalayan napatitig na siya dito ng matagal.

"Hi guys." Napatingin si Chelsy sa bumati at umupo sa tabi ni James.

Nagulat pa siya ng makita ito. Kumunot ang noo niya. Pakiramdam niya namamalikmata lang siya.

"Hi Chelsy nandito kana pala." Bati sakanya ng babae at ngumiti.

Totoo nga si Jelian, anong ginagawa niya dito? -ngumiti nalang siya dito.

"Chelsy, can I ask you a favor?" Napaangat uli siya ng ulo para tignan ito. Pero hindi siya sumagot nag antay lang siyang magsalita uli ito.

"Uhmm.. I know you're kind." She said.

"Say it" She commanded

"Okay, pwedeng dun nalang ako sa Cabin mo? Palit tayo.. please!!" Jelian said.

"I can't, sorry."

"Ahahaha!!! I told you Jelian." Cassie said, then laughed.

"I thought you're kind, hindi pala... dun nalang kaya ako sa cabin mo James." Jelian said sabay pulupot kay James, agad naman inalis ni James ang kamay nito.

"Excuse me." Chelsy said and stood up.

"Saan ka pupunta Chels?" Colleen asked.

"Sa restroom lang." She said at umalis na. Sinundan naman siya ng tingin ng lahat.

"Hoy Jelian! Ako tigilan mo na ako ah. UTANG NA LOOB!!" James shouted kaya lahat ng sa cafeteria napatingin sa kanila, kahit si Jelian nagulat din.

"Pwede ba! alisin mo na diyan sa utak mo na papakasalan kita." Hininaan na ni James ang boses niya. Ayaw naman niyang ipahiya ito.

"Si Chelsy lang ang pakakasalanan ko, walang iba. HAIST!!! BWESIT!! Paano kami magkakaayos nito, kung ang daming panggulo." Inis na inis na sabi ni James na napalakas na naman ang boses.

"Imposible na talaga James, mahuli ka ba naman na may kaanuhan sa council room eh! paano talaga kayo mag kakaayos nun." Cassie said. Nailing-iling pa.

"Hindi yun totoo, hindi ko nga kilala yung babaeng yun. Bigla nalang sumulpot at umupo sakin na naka bra lang."

"Well, goodluck sayo! mukhang mahihirapan kana ngayon." Cassie said. Nagisip si James At biglang may nakitang pumasok sa cafeteria.

"HOY BABAE!!!" Sigaw na naman ni James sa isang babae. Kaya napatingin na naman sakanya ang lahat, this time ang lakas talaga ng sigaw niya.

Bigla itong tumayo at may nilapitang babae na mukhang gulat na gulat din. Marahas niyang hinablot ang braso nito.

"James" nasabi ng babae at hinila ito ni James sa table nila.

"Jelian Get up!......don't ask.. just do it." He said dahil magtatanong pa sana si Jelian,  pinaupo ni James ang babae.

"Sino yan James?" Tanong ni Cassie.

"Hoy babae! Ipapaliwanag mo ang lahat kay Chelsy, ang ginawa mo kanina." Ito yung babae na nakakandong sakanya sa council room.

Dumating si Chelsy at umupo uli. Nagulat pa siya ng makita ang babae.

"Magsalita ka na!" James commands. Tumikhim muna ang babae bago nagsalita.

"Chelsy.... sorry." The girl started. Kunot noong tumingin dito si Chelsy.

"Yung  kanina, ako lang may gawa nun."

Flash back:

Nasa loob ng student council room si James. Nakaupo ito at may binabasang papers.

"Ang init, bakit ngayon pa nasira ang aircon." Tinanggal niya ang bonet at glass niya. Tinanggal din niya ang t shirt niya.

Pinagpatuloy niya ang pagbabasa niya. Gulat na gulat siya nang bigla nalang may kamundog na babae sa harap niya. Nakataas ang palda at naka bra lang sakto naman ang pagbukas ng pinto at si Chelsy pa ang nakakita."

End flash back:

"Who cares!" Sabi ni Chelsy ng matapos magpaliwanag ang babae. At pinagpatuloy ang pagkain. Nagtinginan ang lahat sakanya dahil sa sagot niya.

"Umalis ka nga! baka kung ano pa magawa ko sayo." Singhal ni James sa babae. Umalis naman agad ang babae. Tumitig si James kay Chelsy.

Nasa di kalayuang table naman sila Julia.

"Mahal talaga ni James si Chelsy,  gusto niya talagang pakasalan. " Grace said

"Yeah, don't you think Julia, it's about time for you to give up." Alepores said. Julia just shrugged with a smirk for her response.

******

Nagulat ang lahat ng pumasok si Vince at Kevin sa classroom.

"Sino si Bianca Lopez at Sarah Perez?" Tanong ni Vince.

"KAMI!!" Walang kagatol gatol na sigaw ng babae nag taas pa ng kamay at ngiting-ngiti.

Lumapit si Kevin at Vince sa dalawang babae.

"Pwede ba kayong sumama samin?" Kevin said, and show up his killer smile. Kilig na kilig naman ang mga hitad.

"Sure" agad agad na sagot ng dalawa, hindi man lang nagtanong kung bakit.

Tumayo ang dalawa at lumabas ang apat.

"Saan ba tayo pupunta?" a girl asked.

"Malalaman niyo din, just keep walking. " Vince said at ngumiti ang babae.

Haggang sa marating nila ang pupuntahan nila.

"What are we doing here?" The girl asked na napihinto sa paglalakad.

"Halika kana." Aya ni Kevin, pero ayaw ng dalawang babae. Kaya inakbayan nila ito. Sa torturing room nila dinala ang dalawang babae.

Pagpasok nila nandoon si James nakaupo. Pinaupo ang dalawang babae sa table na may ilaw. Sa kabilang side naman si James nakaupo.

"Wala kaming ginagawa, bakit nandito kami?" Sabi ng babae.

"Wala ba talaga kayong ginawa?" Salubong ang kilay na tanong ni James.

Pero bago pa man makasagot ang dalawa bumukas ang pinto. Ang heiresses.

"Ano to? Bakit niyo pinapunta si Chelsy." Tanong ni Cassie.

"Babe" agad na Lumapit si James at niyakap si Chelsy.

"Ano ba James!" Kumalas si Chelsy mula sa pagkakayakap nito.

"Ano ba to? Bakit mo ako pinapunta dito?" Kunot noong tanong ni Chelsy.

"Malalaman mo Chels, halika upo ka dito." Inaya ni Vince si Chelsy at pinaupo.

"Ngayon! Magsalita kayo, alam niyo kung ano ang sinasabi ko." Sabi ni James

"BILIS!!!" Sigaw na kevin at kinalabog ang table. Napapikit ang dalawa.

"Sorry, hindi namin gustong sabihin yun eh..... si Julia ang nagutos." Napakunot naman ang noo ni Chelsy sa sinasabi ng babae.

"Bakit niyo sinunod? At ipaliwanag niyo kay Chelsy ang lahat."

Pinaliwanag lahat ng dalawang babae ang inutos ni Julia, na gumawa ng kwento tungkol kay Andrew at Chelsy.

"Sorry Chelsy, James. Sabi ni Julia icoconvince niya ang dad niya na ifull out  ang investment nila sa mga company namin at siguradong babagsak ang company namin." Sabi ng isa.

"Kaya sinunod namin. Hindi naman talaga namin gusto yun, wala lang kaming choice." Sabi naman ng isa.

"Julia, Julia, Julia! Bakit mo ginawa yun?" James said. Habang sinusuntok suntok ng mahina ang noo niya.

"Gosh!! She'd been foolish." Colleen said

"No! She hadn't foolish, she'd been desperate." Cassie said

"Anong gusto mong gawin natin dito sa dalawang to Diwata? Pa drop out natin." Kevin said.

" Wag naman please!!"

"Ngayon magmamakawa kayo, sinira niyo ang relasyon ng dalawa." Inis na sabi Vince. Tumayo si Chelsy.

"Hayaan niyo na sila, nangyari na." Chelsy said.

"Pero Chelsy ang dami mong iniyak dahil sa ginawa nila." Celline said.

Hindi sapat ang ginawa nila, para saktan ako ni James ng sobra-sobra.... -umiling iling si Chelsy.

"Wala naman talagang sinirang relasyon. Wala naman talaga kaming relasyon ni James from the very start. Kalokohan lang ang lahat." Sabi ni Chelsy agad na lumapit si James.

"Babe hindi yun kalokohan, mahal kita..... yung ginawa ng dalawang yan ang dahilan kaya kita nasaktan noon. Ang buong akala ko niloko mo lang ako." Biglang siyang niyakap ni James.

"Mahal na mahal kita, please come back Babe! Come back to me." Pinilit ni Chelsy kumawala sa pagkakayakap ni James.

"Tama na James! Pwede ba?! Tanungin mo nga ang sarili mo kung bakit ginawa ni Julia yun? At alam mo na ang totoo, na hindi kita niloko. Bakit umaarte ka parin? tumigil kana James.... kasi ayoko na."

"Ano bang umaarte? hindi ako umaarte, makinig ka naman oh... mag usap tayo ng matino." Pagsusumamo ni James.

"Look James, lumapit ka lang sakin noon, niligawan ako, para gumanti, dahil sa pangiwan ko sayo noon. Kahit hindi nila yun sinabi, nasa plano mo na lahat ang gumanti." Tumingala si Chelsy para pigilin ang luha niya pero tumulo parin.

Lumabas ang heiresses at sila Vince pati ang dalawang babae, para makapag usap silang dalawa.

"And now...., it's quite obvious. Binalikan mo uli ako, para gumanti uli. Dahil sa mga narinig mo. Am I right? "

"Hindi! Hindi yan totoo, nung lumapit ako sayo, wala sa isip ko ang gumanti. Mahal talaga kita, lahat ng pinakita ko totoo. Nung iniwan kita, nasaktan lang ako noon, dahil sa maling akala. And I was just pretending that Julia and I are in relationship, dahil sa mga narinig ko. No no no, I'm not pretending, sinakyan ko lang ang mga sinabi ni Julia." Pagtatama ni James. Dahil hindi naman talaga siya nagpretend na sila. Hinayaan niya lang si Julia sa mga sinabi nito.

"Pero hindi naging kami. Pero nung binalikan kita totoo yun Babe, wala na akong pakialam sa mga narinig ko. Believe me! Please." Patuloy niya.

"Well sorry, 'coz I care." Agad lumabas si Chelsy at naiwan si James na gulong gulo at napaupo nalang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top