CHAPTER 65
Kakalabas lang ng girls sa hotel at papunta sila kung nasaan ang mga boys.
Pero natigilan sila sa nakita nila. Ang mga lalaki napapalibutan ng mga girls.
Grabe! Para itong mga greek god, pag nag sama-sama. Makalaglag panty ang kagwapuhan ng mga ito. Makalaglag panga pa, katawan palang nag susumigaw ng GWAPO KAMI!!! Extremely sexy. Worth to drool for.
" Look at them, parang tuwang tuwa ang mga boyfriend niyo, and your suitor Cassie as well." Panggagatong ni Celline sa tatlo. Kaya parang lalong na nairita ang tatlo.
" I bet, mahal niya kayo, pero hindi parin nila maiwasan ang tumingin sa iba, pag ganyan ba naman ang mga suot na two piece suit ng mga hitad."
" Sorry girls, but I think your swimsuit is a little bit boring....., lalo kana Chels, lagi kang naka short... you really have to change." Celline kept talking, pero ang tatlo parang umuusok na ang ilong.
Naka two piece suit kasi sila, pero hindi revealing, more raffles around the bust, and boyleg bottom, no cleavage.
Pero kahit ganun ang suot nila, hot parin silang tignan, ginagatungan lang sila ni Celline.
" Ano? gusto niyong magpalit ng suit? Tapatan niyo yung mga hitad na yun."
" What's hitad Celline?" Cassie asked without looking at her. Dahil hindi maalis ang tingin nito sa grupo.
"I don't know, narinig ko lang yan sa classmate ko..hehe!" Celline said and chuckled.
" Silly" trio and rolled their eyes.
" Let's go" Cassie said
" Where?" Celline asked
" Change suit." Seryosong sabi ni Cassie, sabay talikod.
" Okay......, this is going to be fun!." Celline muttered. Na tuwang tuwa.
**
Pumasok uli sila sa mga kwarto nila. At naghanap ng pamalit.
" Ano ba to pare parehas lang eh.. sandali nga." Celline said at pumunta ng closet at kinuha ang mga two piece niya. Dahil pare parehas lang ang style ng two piece suit na tatlo.
"Ito, try niyo ito." Sabay abot ni Celline sa mga two piece.
"Ano ito? kailan ka pa nagsuot ng ganito Celline?" Sabi ni Colleen, habang inaangat isa isa ang mga swimwear.
" Hindi ko pa nasusuot yan, binili ko lang, cute eh." Celline said
"Goodness, hindi ko keri to, alam ko kasing ganda ako ni Anne Curtis, pero hindi ko kayang isuot ito." Cassie said, dahil parehas nang two piece ni Anne curtis sa no other woman, yung snake print. But this one is red polkadot top at black ang bikini.
"Sinusuot mo ba ito Celline?" Cassie asked
"Not yet, pero ngayon isusuot ko na, makikisama ako sainyo, binili ko lang yan kasi nga cute and incase of emergency, see! Magagamit natin ngayon." Celline said
"Hindi ko kayang magsuot ng ganyan, okay na ako dito, magagalit yun si James, yung suot ko ngang one piece revealing na para sakanya, sport swimwear daw isuot ko." Chelsy said.
" Ahahahaha!!!" Biglang na tawa ang tatlo sa sinabi ni Chelsy.
"You have to wear that.., nakita mo si Julia, ay naku Chelsy! dapat tapatan mo yun, baka akitin na namam nun si James, bahala ka."
***********
" Ahahahaha!!! Alam niyo girls taken na yang mga yan, kami nalang ni Brian ang single." Kevin said
" Even James? Siya ang type ko eh." The girl said.
"Ikakasal na ako, kaya kay kevin nalang kayo." James said
" Basta ako si Brian ang type ko." Sabi naman ng isa.
"Hi guys!!" Cassie said sabay tingin ng masama sa mga hitad.
" Let's swim na girls." Celline said sabay tanggal ng cover up, at sumunod ding nagtanggal si Cassie at Colleen.
Suot din naman ni Cassie ang ang red polkadot na two piece na ayaw niya kanina.
"Oooohhh!!" The boys said, na titig na titig sa tatlo dahil sa suot nila.
Pero si James nagsmirk at umiling lang.
" Hoy Chels!! ano na?!" Celline said. Umiling-iling si Chelsy.
Lumapit si Celline dito.
" Ano ba?! Take off your cover up." Celline said na halos pabulong na pinangdilatan na siya.
"Eeeh!! Nahihiya ako." Chelsy said, pero si Celline pinilit tanggalan ang cover up niya, kaya wala na siyang nagawa ng hatakin nito ang cover up niya.
"Wow!! You look different Diwata." Kevin said, kahit si Brian titig na titig sa kanya.
Usually kasing suot niya tube style top lang na may ruffles pa. Or plain tube style, kaya walang cleavage na kita.
But now, she's wearing a sexy two piece at wala pang short. Kaya litaw ang cleavage niya.
Si James naman salubong agad ang kilay, tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
Napatingin din dito si Chelsy. At tinapunan siya nito ng tingin na parang gustong magtanong.
Bakit ganyan ang suot mo? -looks
"Excuse me" napalingon silang lahat sa nagsalita.
" Hi, diba ikaw si Chelsy Sebastian?" The guy asked
" Ako nga? Kilala mo ako?" Takang tanong ni Chelsy.
" Oo naman, actually fan ako ng seduction magazine, at yung February issue yung pinaka favorite ko, yung ikaw ang cover, pwede akong mag papicture?"
" Hindi!! Back off!!" James said in his stone voice, agad naman umalis ang dalawang lalaki.
" Anong ginagawa mo Babe!?" Mahinahon na tanong ni James, pero salubong ang kilay nito.
"Ha?" Kinuha agad ni James ang cover up niya at sinuot sakanya.
" Sino na naman sainyo ang may idea nito?" Tanong ni James sa tatlong babae.
Sabay-sabay na tumingin kay Celline.
" Idea ko lang, pero sila ang gumawa no? Paano may mga girlfriend na kayo, pero lumuluwa pa ang mga mata niyo sa mga naka sexy swimsuit...kaya tinapatan nila." Celline said sabay tingin sa mga babae.
Agad namang lumapit si Andrew and Vince kay Cassie at Colleen.
" Halika ka nga." Malambing na sabi ni James kay Chelsy at niyakap ng mahigpit.
" Hindi ako tumitingin kahit kanino, and I will never do that... sayo lang ako titingin." James said while hugging her.
" Promise!?" Chelsy said
"Promise, cross my heart." James said.
" Ouchhh!!! Daming langgam." Kevin said dahil sa kasweetan ng dalawa, kaya nagtawanan ang lahat. Kumalas na sa pagkakayakap si Chelsy.
" So, si kevin and Brian nalang pala ang single." The girl said.
" Basta ako, I like Brian. " the other girl said, the bombshell. naka-angkla sa braso ni Brian.
kumunot ang noo ni Chelsy, tinignan ito mula ulo hanggang paa.
" Excuse me" agad na lumapit si Chelsy kay Brian, at pumagitna sa dalawa kaya nakalas ang pagkakahawak ng babae kay Brian.
" Hindi siya pwede, kasi magpapari siya, sorry!!" Chelsy said in a nice way.
"Is it true Brian? "
" Yeah, sabi niya eh." Brian said, and smiled
"Sige na alis na kayo,..... if you want, si Kevin nalang,... bring him, walang pipigil sainyo... walang nagmamay ari niyan.. may AIDS kasi yan eh.!" Celline said, parang nagulat naman ang babae sa sinabi nito. At tinignan si Kevin sabay alis.
" Ahahahaha!!" Tawanan ang lahat ng umalis ang mga babae.
" Langhiya ka Celline!! Aids pala ah... humanda ka sakin."
"Waaahhhhhhh!!!" Celline screams and run away, dahil lalapit sakanya si Kevin.
" Anong ginawa mo? Nagseselos ka ba dun sa babae?" Kunot noong tanong ni James kay Chelsy, sabay lapit.
" Hindi, ayaw ko lang dun sa babae, she's not good for Brian. Brian is too perfect for her." Seryosong sabi ni Chelsy.
"Ahahaha!!! Over protective ka kay kuya Chels." Cassie said
"Baka naman tumanda akong binata niyan Princess pag ganyan ka...ahaha!!" Brian said sabay akbay kay Chelsy. Pero agad ding inalis ni James ang kamay ni Brian.
"Babe, hayaan mo na si Brian, okay naman yung chix, mganda, hot, sexy and most of all she looks---
Hindi na natuloy ang sasabihin ni James dahil masama ang tingin sa kanya ni Chelsy.
" Ahahaha!!! I'm just joking, ito naman eh... you are the most gorgeous, sexy, hot, and seductive girl for me." Niyakap niya uli si Chelsy ng mahigpit.
"Halika swimming na tayo." Aya ni James
"Let's go"
"Oh oh oh, anong gagawin mo?" Angal ni James dahil tatangalin ni Chelsy ang cover up niya.
"Sabi mo mag swimming tayo."
"Wag mo ng tangalin yan, okay na yan."
"Ang kj mo James, hayaan mo na nga si Diwata minsan lang magsuot ng ganyan eh." Sabi naman ni Kevin ng nakabalik na mula sa habulan nila ni Celline.
"Tumahimik ka Kevin ah! Tigilan mo ang pag papantasya sa asawa ko." He said at sinamaan si Kevin ng tingin.
"Woah!!! Hanep!! Asawa talaga." Kevin said naiiling nalang si Chelsy dito. At hinatak na siya ni James para magswimming.
********
"Alam mo Chels, ngayong kayo na uli ni James, I bet, hindi ka na naman namin makakausap, or makakasama man lang." Celline said
" Bakit naman?" Chelsy asked
" Remember nong kayo noon, hindi ka man lang iwan, aalis lang ng cabin pag matutulog na, kung pwede lang ngang doon siya matulog, doon yun matutulog eh." Celline
" Haist!!! Kala ko pa naman kayo na ni kuya, pero okay lang, kung saan ka masaya, happy din ako para sayo." Cassie said and she gave Chelsy a cute hug.
"Tignan mo, mamamaya lang papasok na yun si Ja---
" Hi girls!! Hindi kayo naglalock ng door." Hindi pa tapos ang sasabihin ni Celline pumasok na nga si James.
" Ahahaha!!!" Tawanan ang heiresses.
" Anong nakakatawa?" James asked
" I told you, hindi pa nga tapos ang sasabihin ko nandiyan na si Batman, ahahaha!!" Celline said while laughing.
" Well James, we were talking about you, pwede ba James, baka hindi na naman namin si Chelsy makausap, dahil kayo na uli." Celline said
Nagshrugged si James sabay lapit kay Chelsy at yumakap agad.
" Hayy!! Ayan na naman talaga." Celline again.
"Hi girls" Sila Vince, Andrew and Kevin naman ang pumasok.
Agad lumapit si Vince kay Colleen at yumakap din, at si Andrew tumabi naman kay Cassie at yumakap din.
"Oh my!! Kayo na din ba ni Andrew?" Gulat na sabi ni Celline.
Kahit sila Chelsy at Colleen nagulat din.
" Kagabi lang." Cassie said at tumango.
" Aaahhhhh!!" Sabay-sabay ng heiresses.
"Gosshh!! Kayo na pala, bakit mo sinabi!?" Celline said
"Hindi ka naman nagtanong eh." Cassie said and smiled. Nag hmpf lang si Celline.
" Congrats Andrew." Chelsy said, humarap naman sakanya si Andrew.
" Thanks to you Chels." Andrew said, sabay pingot sa ilong ni Chelsy.
"Celline, para hindi ka reklamo ng reklamo diyan, sagutin mo na rin si Kevin." James said.
" Shut up James!!! I can't imagine.. eeeww!!" Celline said
" Ang arte mo ah, the more you hate, the more you love." Sabi ni kevin sabay akbay kay Celline.
" Eewww!! Bitiwan mo ako, kadiri ka." Celline said, tawanan ang lahat.
" I bet, kayo din ang magkakatuluyan." Cassie said
" Pwede ba Cassie!! never mangyayari yun." Reklamo ni Celline.
" Babe, halika doon tayo sa kwarto ko." James whispered.
" Anong gagawin natin doon." She asked na pabulong din.
" Wala lang, kwentuhan, watching movie, kahit ano basta kasama kita. Please!!" He said, habang nakayakap ito sa likod niya.
Tumango lang si Chelsy at tumayo.
"Guys labas lang kami" paalam ni Chelsy.
"Yan na nga ba sinasabi ko eh, tsk tsk tsk. Sinusolo mo na naman si Chelsy James." Angal ni Celline.
"Wag kana nga mangialam Celline... kung gusto solohin mo din ako. Ahaha!!" Kevin said at tumawa ng malakas.
"Wag kang epal!"
"Halikana hayaan mo na sila diyan." Sabi ni James at inaya na si Chelsy palabas.
Pumasok sila sa kwarto ni James.
"I miss you." Agad ni James hinapit ang bewang ni Chelsy.
" Ikaw talaga, araw araw tayo nagkikita, namimiss mo parin ako." She said, and wrapped her arams around his neck, niyakap naman siya ng mahigpit ni James.
" Babe, ayaw mo pa talaga mag asawa?" James asked
" James ayan ka na naman eh."
" Nagtatanong lang eh, after kong grumaduate, papakasalan mo na ako?" He asked
" Hindi pa ako graduate nun."
" Si dad and mom nga 18 palang nagpakasal na, okay naman sila ngayon diba? Malapit na tayo mag 20."
" 25. deal?" Chelsy said, James pulled away.
" NO!!" Agad na sabi ni James at binagsak ang katawan sa kama ng padapa.
" Tsk.. stubborn,.... ayaw kong mag asawa ng childish James. " Chelsy said, bumangon naman agad si James at hinatak si Chelsy sa kama.
Napahiga ito, at agad na niyakap ni James.
" Hindi naman ako childish eh, gusto ko lang kasi.... 25!? ang tagal pa nun." Reklamo ni James, habang nakasisik ito sa leeg niya.
" Sige pag ka graduate mo, payag na ako... 2 years pa... ang tagal!!... hindi ba talaga pwedeng pagka graduate ko? Para 1 year nalang." James said.
" James, mag mamaster kapa nga eh, tsaka bakit ba wedding ang pinaguusapan natin?"
" Gusto ko lang kasi, kung ayaw mo naman uhmm..." He paused for a while, inangat ang ulo at humarap kay Chelsy habang nakahiga si Chelsy at padapa naman si James sa gilid nito.
" Unahin natin ang baby." James said sabay ngiti.
" What?!"
"Ahahaha!!" James laughed.
"Tumigil ka nga, siguro yun lang talaga ang habol mo noh? Kaya nagmamadali ka?" She said, at napalakas ang boses niya.
"Hindi, joke lang.. ito naman hindi na mabiro, kung yun lang ang gusto ko, di sana ginawa ko na sa iba yun."
"Bakit? totoo ba hindi mo pa nat'try?" Umiling si James.
"Lier!!sa dami mong babae." Chelsy said and frowned.
"Hindi pa nga, gusto mo try natin." James said and smiled mischievously.
" Tumigil ka nga diyan." Chelsy said, pero tinitignan siya ni James, at ngumiti.
"Wag ka ngang ganyan James, nakakailang ka eh." Chelsy said, pero bigla siyang niyakap ni James, habang nakahiga sila.
"Masayang masaya ako na bumalik ka sakin, wag mo akong iiwanan uli ah, mahal na mahal kita, sobra.." James said, niyakap din siya ng mahigpit.
" James, hindi ako ang nang'iwan, remember?! ikaw ang nang'iwan, hindi ako."
" Nasaktan lang ako ng sobra kaya ko yun nagawa." Kumunot ang noo ni Chelsy sa sinabi ni James.
" What do you mean?"
"Wala, promise, totoo man yun o hindi wala na akong pakialam." Lalong naguluhan si Chelsy.
" James sandali nga, bitawan mo muna ako." Chelsy said, pero ayaw bumitaw ni James.
" James linawin mo ang sinasabi mo, hindi ko gets."
" Yung sainyo ni Andrew." James said
" What?! pinatulan mo talaga yun, yung tsismis na kami ni Andrew? At impossible James na yun ang reason mo.... natsismis kami ni Andrew, wala na tayo.. matagal na tayong wala noon.. linawin mo nga." Pero may biglang kumatok sa pinto.
"Tayo na James, may kumakatok." Tumayo naman ito, at binuksan ang pinto.
" Oh Brian." James said
"Hi Princess, nandiyan ka pala, aayain ko lang sana si James lumabas, sa bar lang, okay lang ba.?"
"Ofcourse" tipid na sagot ni Chelsy.
" Sige Dude, susunod ako." James said at sinara uli ang pinto at lumpit uli kay Chelsy na nakaupo na gilid ng bed.
" Labas lang ako ah, babalik ako agad, dito ka nalang matulog mamaya ah." James said and kissed her on her lips.
" let's talk later, linawin mo ang sinasabi mo." Chelsy said
" Okay, sige, I love you." He said and smiled.
" I love you too." She said, at hinalikan uli siya ni James, she kissed him back, they were kissing ng may kumatok sa pinto.
But James didn't stop, Chelsy pulled away.
" Sige na, labas na." Chelsy said.
"Tsk. Bakit ba ang daming sturbo sa mundo." James said, hinalikan uli siya ng masuyong halik tsaka tumayo at binuksan ang pinto.
" Ang tagal mo naman." Bungad ni Kevin kay James.
" Ganun talaga pag my girlfriend." James said.
" Anaknang!!! Ayan ka na naman eh, adik ka na naman sa pagibig." Kevin said, nailing nalang si Chelsy sa dalawa at tuluyan ng sinara ang pinto.
Binagsak ni Chelsy ang katawan niya sa kama.
" Ano kaya sinasabi ni James tungkol samin ni Andrew? Imposible na yun ang dahilan niya, kaya niya ako iniwan......, wala na kami ng matsismis kami ni Andrew, yung tungkol sa pagiwan ko sakanya noon,.... pwedeng yun ang reason, pero hindi eh...., dahil sinabi naman niya sakin noon na wala na sakanya yun,... haisstt!! Tatanungin ko nalang siya mamaya." Tumayo si Chelsy at lumabas ng kwarto, ng bigla siyang may nakita sa labas.
" Hi, kumusta? "
" Hi, Julia." Bati ni Chelsy.
" Yan ang room mo?" Julia asked
" No!! Si James dito, doon ako sa kabila." She said, tumango-tango lang si Julia.
" Kayo na uli? Nandiyan siya?" Julia asked
" Y--yeah kami na uli, wala siya dito, nagpunta ng bar." alangang sagot ni Chelsy.
" That's good, congrats, sige Chelsy una na ako." Julia said, na parang malungkot ang mukha, tumango lang si Chelsy at umalis na si Julia.
" She looks upset. " Chelsy muttered, at pumunta na rin sa kwarto nila ni Colleen.
Pagpasok niya binagsak niya ang katawan niya sa kama.
*******
"Buti James nagkalinawan na kayo ni Diwata, kala ko wala na talaga kayong pagasa." Kevin said. Ngumiti lang si James.
"Mahal mo talaga si Chelsy James?" Andrew asked, tumingin si James kay Andrew.
" Oo, mahal ko siya." James replies.
" Sana wag mo na siyang saktan." Seryosong sabi ni Andrew.
" May dahilan ako kung bakit nagawa ko yun, pero okay na kami. Gusto ko na siyang pakasalan." Seryosong sabi ni James, nagulat ang iba sa sinabi niya. Na medyo na samid pa si Kevin.
" Seryoso ka dude?! ikaw? Handa nang magasawa? Ganun ka tindi ang tama mo kay Diwata?" Kevin said na hindi makapaniwala.
" Mahal ko siya, kaso ayaw pa niya eh, pag 25 years old na daw siya... pero hindi ako papayag, pag graduate niya hindi pwedeng hindi kami makasal." Seryosong sabi ni James, habang umiinom.
"Good luck! Ninong ako ah." Seryosong sabi ni Kevin, Tumingin ang lahat kay Kevin.
"Ninong?! Baka naman abay!" Vince said.
"Ninong ng baby!"
"Putcha naman!! Kasal muna bago anak.. mag ninong ka na muna sa kasal nila kung excited ka magninong." Vince said, naiiling nalang na natatawa kay kevin.
******
Nasa kwarto si Colleen and Chelsy ng biglang pumasok si Vince.
"Oh vince, asan na sila?" Chelsy asked.
" Nandoon pa, nauna na ako namiss ko si Colleen eh." Sabay lapit kay Colleen at yumakap.
" Si James, kanina pa yun gusto bumalik dito, ayaw paalisin nila Kevin." Vince added.
" Tabi nalang tayo Colleen matulog. " Vince said
" Tabi tayong tatlo ni Chels?" Colleen said and smirk
"Doon kana lang Chels matulog kay James... Please!!!" Vince said with a puppy face.
"Okay, but behave. " She said
" Oo, good boy ako, gusto ko lang siya makatabi... promise behave ako."
"Papakasal na pala kayo ni James pagkagraduate mo Chels." Vince
"Did he tell you? Pasaway talaga yun.. masyadong nagmamadali."
"Masyadong inlove sayo." Vince said habang nakayakap kay Colleen.
******
"Halina kayo, balik na tayo sa hotel." Aya ni James.
"Tara" Brian said at nagsitayuan na sila.
" James"
"Oh Julia, bakit?"
" Can we talk?" Naniningkit ang mata ni James.
" Sorry Julia, I really have to go.. nagaantay si Chelsy sakin."
"Sandali lang, about my parents' business lang, baka pwede kayong mag invest samin, let me hear out, kahit saglit lang... Please! I'm begging." Pakiusap ni Julia.
" Okay,..... dude una na kayo susunod nalang ako." James said, everyone nodded and got out.
Umupo uli si James, at Julia sa table.
"Sandali lang, restroom muna ako." James said, stood up and went to the restroom.
" Waiter! two glasses of wisky please." Sabi ni Julia sa waiter. Hindi nagtagal dumating din agad ang order nito.
At lumabas din si James mula sa restroom at umupo uli sa occupied seat nila.
"So, what was that?" James started.
"May itatayo kasing business si dad, nag hahanap kami ng investors, baka pwede mong tanungin ang parents mo kung gusto nila."
"Well, I think it's better if you'll talk to my parents personally, gawa kayo proposal. " James said,
"Siguro nga, but please! tell them na din." Nagnod lang si James.
" So, mauna na ako."
" Wait, um'order ako ng wisky, one shot lang, sayang naman eh." Julia said, she slid the glass towards him.
James took it and emptied the glass. He quickly stood up, aalis na sana siya ng hawakan ni Julia ang braso niya. Tumayo si Julia at biglang niyakap si James.
" I'm sorry sa mga nagawa ko James, masyado lang kitang minahal, but now okay na ako.. masaya na ako para sainyo ni Chelsy.... can you give me a hug James, for the last time, ito na siguro ang huling pagkikita natin... sa states na ako magaaral. " Julia said while hugging him, James took a deep breathe at niyakap na nalang din niya si Julia. He pulled away at nagpaalam na kay Julia.
Bumalik siya ng hotel, hanggang sa marating niya ang kwarto.
He knocked the door, he was expecting that Chelsy was inside the room.
Pero walang nagbukas kaya Kinuha niya ang susi sa pocket niya pero wala, sa isang pocket wala din.
Napasandal siya pinto, napapakit na siya, he was really sleepy at medyo na hihilo siya.
May dumaang hotel housekeeper.
" Excuse me, I think I've lost my key, can you open it."
" Sige po sir James. " Dali-dali naman kinuha ng housekeeper ang susi na nakasabit sa pushcart nito. At binuksan ang pinto.
" Thanks" yun lang pumasok na siya, at humiga sa kama.
******
Habang nagk'kwentuha sina Colleen, Vince and Chelsy. biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya at tinignan.
Umupo siya couch, habang nakatingin sa cellphone. Ilang minuto din siyang nakatingin sa cellphone.
Nagdial siya at tumawag. After binaba din niya agad. Sumandal siya sa couch, matagal din siyang nakasandal lang.
" Chels baka nandiyan na si James. " Colleen said
"Oo nga Chels nandiyan na yun, tsaka excited na si Colleen masolo ako..ahaha!!" Vince said, pinalo siya ni Colleen sa braso. Napangiti naman si Chelsy.
Tumayo si Chelsy at lumabas, pumunta muna siya kwarto nila Cassie.
Kumatok siya pero walang nagbukas, pinihit niya ang door knob at binuksan.
Nakita niyang nagtatawanan sina Cassie and Celline together with kevin and Andrew.
Sinara niya uli ang pinto at naglakad nalang sa corridor ng hotel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top