CHAPTER 55

" Aaaaahhhhh!! masakit talaga ayoko na..." Nagulat ang heartthrobs sa narinig, nagtinginan sa isa't-isa ang tatlong babae napahawak na sa bibig nila na nanglalaki ang mata.

Si James naman pulang pula ang mukha na parang lahat ng dugo umakyat sa ulo niya.

"Princess tiisin mo ang sakit, ganun talaga sa umpisa masakit, but after this, it'll feel be better, promise.. Okay na? try ko uli ah.." Lumapit na rin si Kevin at Vince sa may pinto.

Pero si James nanatiling nakatayo, parang ayaw gumalaw ng mga paa niya.

" Ooohh! ohhh! ohhh my, Brian Brian. ..ouuchh!! it hurts, it hurts talaga.."

" Whooo! sandali nga, I think mas maganda lagyan natin ng oil para mas smooth baka makabawas sa sakit..."

" Oh my god! Anong gagawin sa oil?" Bulong ni Cassie, na parang  sound lang ng bubuyog ang lakas.

Nakuyom na ni James ang mga kamao niya, parang gusto niya ng sumugod sa loob, parang hindi niya kaya ang mga nangyayari.

Parang bigla na lang niyang naramdaman na hindi niya kaya ang ganito, hindi kayang mapunta talaga ito sa iba.

" Sandali kukuha lang ako ng oil.." Brian said, hindi na natiis ni James lumapit na siya sa pinto, para katukin ito pero bago pa niya magawa biglang bumukas ang pinto.

Gulat na gulat si Brian sa nakita niya, ang heiresses na nakadikit kanina ang mga tenga sa pinto ganun parin ang itsura, walang makakilos dahil sa gulat. Pati Vince at Kevin at James na nandoon na rin sa pinto.

" Anong ginagawa niyo diyan?" Brian ask

Biglang nagsi-ayos ng tayo ang tatlo pati si Kevin at Vince....

Mukhang alam na ni Brian ang iniisip ng mga ito, he folded his arms across on his chest, at tinitigan silang anim.

" Kuya... kasi kukunin ko yung shoes ko.." Cassie said, pero nagkakahanda haba-haba ang leeg nito kakatingin sa kwarto para tignan si Chelsy.

Umiling-iling nalang si Brian.

" May oil ba kayo?" Brian asked

" Ah-huh?"Takang tanong ng tatlo

" OIL!! Haaay.. alam ko na mga iniisip niyo mga siraulo.. ang tsi-tsismosa at tsismoso niyo.." Brian said

" Kuya ginagawa niyo ba talaga.." Cassie asked

" Syempre!!! Tumigil si Brian sa pagsasalita muna, tinatantya kung ano sasabihin ng mga ito.

" Syempre hi--

Hindi na natapos ang sasabihin nito, biglang pumasok si James sa kwarto at itulak pa ng bahagya si Brian na nakaharang sa pinto.

" James" Chelsy said, tinitigan ni James si chelsy, ang kabuuan nito.

Nakasuot ito ng white  t'shirt ni Brian na hanggang hita na parang walang short.

" ohhh.." ungol ng mahina ni Chelsy at napangiwi ito na may luha na sa mata.

Agad na lumapit si James dito, at hinawakan ang baba nito ng isang kamay at hinarap sakanya.

" What happened? " James ask

" Anong ginawa mo Brian? " James ask sa matigas na boses..

" Wala..na sprain ang ankle niya.." Lumapit uli si Brian at umupo sa baba paharap kay Chelsy, para tignan uli ang paa..

" sprain!!" Trio said

" Yun lang yun.?sprain lang? kung maka ooohhhh! ahhhh! ohhhh my, Brian Brian. .. God Chels!! akala namin kung ano na ang ginagawa niyo.." Cassie said, nagtawanan ang lahat pati si Chelsy natawa rin at James napangiti rin pero umiling-iling.

" Napaka green mi-- ohhh ang sakit talaga..." Chelsy said na napaungol at napangiwi naman.

" Celline, diba BS Medicine ka naman? baka nagawa niyo na ito.. ikaw nga maghilot nito, naglock yung joint sa ankle.." Brian said, lumapit naman si Celline dito at tinignan..

" Oh my!! I can't...natatakot ako parang ang sakit eh namamaga na eh.." Celline said

" Anaknang!!! Paano ka magdodoctor niyan Celline kung dislocated bone lang takot kana.." Kevin said

" Eh sa natatakot ako eh!! pero kaya kung mang dislocate ng buto..gusto mo itry ko sayo?!" celline said na pinangdilatan si Kevin...

" At hindi dislocated bone, sprain and joint locking lang.. ang engot talaga!!" Celline added

Naiiling-iling nalang sila sa bangayan nang dalawa...

Umupo si James sa harap ni Chelsy at hinawakan ang paa..

" Anong gagawin mo James? masakit wag mong hawakan.." Chelsy said

" Tiisin mo ang sakit.." Sinimulan niyang hilutin, napahawak si Chelsy sa ulo ni James.

" Oohh! oohh! ohh! aahhhh!!" Na pasigaw si chelsy nang malakas sa paghilot ni James, at napasabunot sa buhok ni James, binalutan na rin ito ng bandage.

"Done..Ano bang katangahan na naman ang ginawa mo at nangyari yan?bakit nandito ka? Bakit ganyan ang suot mo?" Sunod sunod na natanong ni James

" Salamat, pero hindi ibig sabihin dahil tinulungan mo ako, pwede mo na sabihin ang gustong mong sabihin..tanga talaga hindi ba pwedeng clumsy lang, tanggap ko na nga yung clumsy eh.." She said

Tatayo sana si Chelsy at sinubukan niyang itayo ang paa niya na sprain, pero napaupo uli siya dahil sa masakit parin.

" Hatid na kita prin---

Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Brian dahil agad kumilos si James.

Binuhat niya agad si Chelsy..

" Susi ng cabin mo?" He asked

" Nasa bag ko." Chelsy said softly at nakatingin lang kay James na nagtataka..

" Get your bag." Sumunod naman si Chelsy kinuha niya ang bag niya habang buhat siya nito, at walang sabi-sabing lumabas ng Kwarto, naiwan ang anim at sinundan nalang ng tingin ang dalawa.

" Oh, saan mo Ako dadalhin?" Tanong ni Chelsy dahil dadalhin siya nito sa kwarto ni James.

Pero hindi ito sumagot tuloy tuloy ito, binuksan ang pinto pinasok siya sa kwarto at pinaupo sa kama.

Kinuha ang susi ng kotse sa drawer at binuhat uli siya, lumabas ng kwarto at yung anim nasa labas na rin ng kwarto na nakatingin lang sa dalawa habang pababa ng hagdan.

Nakababa, nakalabas, at naipasok siya sa kotse na hindi nagsasalita si James at si chelsy nakatingin lang dito.

Pinaandar ang sasakyan at nakarating sa cabin ng heiresses. Binuhat uli siya, si chelsy ang nag unlock ng pinto habang buhat buhat siya ni James.

Dinala siya sa kwarto nito at pinaupo sa kama, tinitigan siya nito, nilibot ni James ang tingin niya sa kabuuan ng kwarto nito, napatigil ang paningin niya sa wall kung saan nakasabit ang pink guitar.

Kumunot ang noo ni James hindi niya ito napansin noong una niyang pasok dito.

Nasakanya pa yan.. sa isip ni James, bigay niya ito kay chelsy noon, birthday gift niya, a pink guitar na may nakasulat na Cici..

" James" tawag ni Chelsy, lumingon sakanya si James at umupo sa tabi niya, kinuha ang paa niya at pinatong sa hita nito at hinaplos.

" Wag mo munang iapak ito para mabilis gumaling ." James said, takang taka naman si Chelsy.

" James uhm kasi.."

" Ano?"

" I need to..uhmm--

"Chelsy say it!!" James said

" Mag-ccr ako.." Nahihiyang sabi ni chelsy, napangiti lang si James, at binuhat uli siya nito, dinala siya sa cr.

" You need help to remove yo--

" NO!! Pasaway to..labas na!!" Hinampas ito ni Chelsy sa Braso at pinangdilatan, natawa naman si James sa reaksyon nito at lumabas na lang, isang paa lang ang inaapak niya.

" James, I'm done!!" sigaw ni Chelsy at pumasok uli si James.

Binuhat uli siya nito at pinaupo uli siya sa kama at umupo din ito.

" Anong nangyari?bakit ka nagkaganyan? " James asked

" Naapakan ko yung sapatos ni Cassie eh.."

" Bakit nandoon ka? bakit ganyan ang suot mo? Kayo naba?" James asked, tumingin si Chelsy sakanya kunot noo..

" Kailan kapa naging interesado sakin?"

"Tsss.. kay Brian ako concern, wag kang assuming.." James said

"Aaayy... oo nga pala, kay Brian ka nga pala concern... pasensiya!!!" Inis na sabi ni Chelsy

" So kayo na?" Hindi na nakasagot si chelsy ng biglang bumukas ang pinto, sabay silang napatingin sa pinto .

" Brian.." Chelsy said and smiles. Lumapit sa kanya si Brian pero tinignan nito si James ng matalim na tingin.

Tumabi sakanya si Brian at ngumiti.

" Okay ka na ba?"tumango si Chelsy at nagsmile...

" Pwede ka nang umalis James, ako na ang bahala kay Chelsy." Pero hindi agad kumilos si James, hindi niya alam kung aalis siya o ano.

" Okay na siya, pwede ka na rin umalis." James said instead na sundin si Brian at nagtitigan ang dalawa.

" Dito muna ako, she needs me." Matigas na sabi ni Brian.

" Nagpabili na ako ng food, ako na lang magpapakain sayo, dito ka na lang kumain para hindi kana bumaba." Brian

"Hindi na Brian..I'm okay, paa ko lang ang na sprain may kamay pa ako..ahaha!!" Natawa ng mahina si Chelsy.

" But I want to take care of you..kaya pagbigyan mo na ako, please." Brian said

" Tsss" James said at sumimangot.

"You're so sweet Brian...but I'm okay..don't bother yourself."

" It's my fault kaya nangyari yan."

" Okay na nga daw siya, kaya tara na lumabas na tayo.." Iritang sabi ni James na medyo napalakas ang boses, tumingin si Brian at Chelsy dito, sumimangot si Chelsy.

" Ang sungit mo na naman.. ganyan mo talaga ako kaayaw? at ganyan ka talaga kagalit sakin para iiwas mo sakin si Brian? grabe to!!." Sabi ni Chelsy dahil ang iniisip nito ang sinabi ni James sakanya na concern siya kay Brian.

Kumunot naman ang noo ni Brian sa sinabi ni Chelsy.

" What do you mean princess?" Brian asked

" Wala yun tara na.." Sabay tayo ni James at lumabas na..

" Babalik ako mamaya pagdating ng food... wag kana tumanggi.." Tatangi pa sana si Chelsy kaso inunahan na siya ni Brian...

Nagsmile nalang siya at lumabas na ito, bumaba si Brian.

" Can we talk?" Sabi ni Brian kay James na nakaupo sa sofa.

Umupo si Brian sa sofa na katapat ni James...

" Anong ginagawa mo?" Brian asked, James looked at him but he didn't replied.

" James, alam ko ang ginagawa mo.. I will fight for her, no matter what happen." Brian said habang nakatitig kay James.

" Is she loves you?" James asked hindi nakasagot si Brian sa tanong nito..

" Ano ba talagang gusto mo? Iniwan mo na siya diba?" Brian asked nagtitigan ang dalawa na parang wala sa dalawang gustong magpatalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top