CHAPTER 41

Kakauwi lang din nila James mula sa pagmamalling kasama si Jelian.

"Oh nandiyan na pala kayo. kumusta ang pamamasyal niyo?" Mrs. Isabelle said

" Fine tita, nagmalling kami, nanood ng movie with Chelsy and Brian." Jelian said

"Kasama niyo sila?"

"Nagkita lang po kami sa mall."

"Ah okay. Nag dinner na ba kayo?"

"Tapos na tita."

"Sige na hija, go to your room na, just take a rest." Nagsmile lang ito at umakyat na.

Kila James tumuloy si Jelian, dahil tumawag din ang mommy nito, pinakiusapan ang mommy ni James na sila na bahala kay Jelian habang nasa Pilipinas ito.

At sinabihan din siya ng mommy niya na ipasyal si Jelian, kanina pa ito nag-aaya, kaya nasa mall sila kanina.

Umupo sa tabi ni James ang mommy niya na nakaupo sa sofa.

"Problem son? lately parang lagi kang may iniisip."

"Nothing mom, I'll go upstairs na, I feel tired." Tumayo na ito at aakyat na.

"James, we invited Mr. And Mrs. Sebastian para mag celebrate ng New Year's eve dito satin." Sabi ni Mrs. Isabelle at lumingon sa kanya si James.

" Ano po sabi?" James asked

"Okay daw." Tumango lang si James at patakbo ng umakyat.

***********

New Year's eve

"Hello everyone! happy new year in advance." Sigaw ni Cassie pagpasok sa bahay nila James.

Nandoon na ang lahat, pero wala pa sila Chelsy. Nasa living room silang lahat, ang parents lang din nila Cassie ang pumunta.

"Wala pa sila Chelsy?"

"Tingin mo?" Masungit na sabi James.

"Ang sungit! Tama talaga siguro si Chelsy." Cassie said, kumunot ang noo ni James.

"Bakit Cassie ano sabi ni Chelsy?" Mrs.Aragon asked

"Baka daw po nung buntis ka kay James, kain ka ng kain ng hilaw na ampalaya at nagpapapak ka ng coffee powder. ahahaha! kaya masungit si James. "

"Ahahaha! Sinabi niya yun?"Mrs.Aragon asked while laughing out loud, natawa din ang lahat maliban kay James.

"O kaya daw po, hindi mo alam na manganganak kana nahulog si James sa toilet bowl. ahahaha!" lalong natawa ang lahat.

Kinwento kasi ni Chelsy kay Cassie ang nangyari sa paglabas nila ni Brian, kinulit siya nito na mag kwento.

Natigil ang pagtawa nila sa pagdating nila Chelsy. Pinagbuksan sila ng dalagitang anak ng katulong nila James.

"Oh hi, nandiyan na pala kayo come in."Mrs.Aragon na medyo natatawa parin.

"Mukhang ang saya niyo ah." Chelsy's mom said

" Yes. Actually, your daughter is a topic in our conversation." Sabi nito na natatawa parin.

" Ako po?" Chelsy asked

"Alam mo hija, hindi naman ako nagpapapak ng coffee powder at mas lalong hindi nahulog sa toilet bowl si James. ahahaha!" Namula si Chelsy at hiyang hiya, tinignan niya ng masama si Cassie dahil alam niyang ito ang nagsabi.

Nag peace sign lang si Cassie at tumawa. Napatingin siya kay James na hindi mapinta ang mukha nito.

Umupo ang parents niya sa sofa, naiwan siyang nakatayo lang. Susunod na sana siya ng.

"Ma'am Chelsy!!" Sabi ng katulong na agad na lumapit kay Chelsy na tuwang tuwa.

Nagtaka naman ang parents ni James kung bakit siya kilala ng katulong. Ngumiti si Chelsy sa katulong.

"Naku ma'am! akala ko po break na kayo ni sir James, kasi medyo nagsusungit na naman si sir, hindi pa pala." This time lahat ng mata sa kanila na nakatingin na talagang nagulat sa sinabi ng katulong.

Hindi alam ni Chelsy ang gagawin, bakit hindi niya naisip ang ganito na kilala pala siya ng katulong. Ayaw na sana niyang ipaalam pa sa mga parents nila ang naging relasyon nila.

"Manang, pahingi naman po ng tubig nauuhaw ako. Please!" Hindi na niya inantay pang sumagot ang katulong, agad na niya itong hinila papuntang kitchen.

Ang kaninang mga matang nakatingin kay Chelsy lumipat kay James, napahawak nalang si James sa noo.

Sila Cassie pati sila Kevin hindi alam kung matatawa o ano. Nagopen nalang ng ibang topic si Brian kaya nawala doon ang isip ng mga parents nila.

Nagaya na sa garden ang parents ni James dahil ready na ang pagkain. Pero wala parin si Chelsy, hindi pa rin ito bumabalik mula kanina.

" James tawagin mo na si Chelsy hindi na bumalik eh.." Sabi ng mommy niya at ngumiti na pilyang ngiti.

Nagpunta na sila sa garden at si James tumayo na rin para tawagin si Chelsy.

Pumunta siya sa kusina, pero napahinto siya nang makita niya itong tumutulong sa pagluluto at masayang masayang nakikipagkwentuhan sa mga katulong.

Ibang-iba siya sa iba, she's definitely not a brat.... - naisip ni James. At napangiti siya wala sa loob.

Hindi niya maiwasan ikumpara ito dahil mabait talaga ito, hindi katulad ni Jelian na napaka brat basta gusto niya gusto niya. Pero hindi naman masama ang ugali nito katulad ng kay Julia. May Obsession nga lang kay James.

Tsss. stop it James! remembered what she'd done.- James scolded himself.

" Chelsy!!" Napalingon si Chelsy sa tumawag.

"Tawag kana." Walang kagana-ganang sabi ni James.

" Sige po mga manang." Sabi ni Chelsy at sumunod na kay James.

Nasa garden na ang lahat at nakaupo na. Dalawang upuan nalang ang vacant at magkatabi ito kaya doon sila umupo ni James. Napapagitnaan siya ni Brian at James, katabi naman nito si Jelian, katapat naman nila ang mga parents nila.

"Hija, bakit hindi kana lumabas kanina?" Mrs.Aragon asked and smiled widely.

"Excuse me, ito na po yung Caldereta luto ni ma'am Chelsy." sabi ng katulong na nilgay ang Caldereta sa lamesa.

"Luto mo? kaya kaba hindi na lumabas kanina?" Mrs.Aragon asked,  Nagsmile lang si Chelsy

Nakita niyang nagluluto ang katulong kanina, kaya sabi niya kung pwede siyang tumulong dahil ayaw niya na muna lumabas para makaiwas sa mga tanong.

"Specialty niya yan." Sabi ng mommy ni Chelsy, kumuha ng caldereta ang mommy ni James at tinikman.

"Hmmm.... sarap ah, kaya pala." Sabi nito at tumango-tango na parang may ibig sabihin ang sinabi nito.

"You're good hija, akalain mong magaling ka magluto, hindi ka lang maganda at matalino. You're different, napakaswerte ng mapapangasawa mo." Mrs.Aragon added

"James tikman mo tong luto ni Chelsy. Alam niyo ba, James really hates Caldereta, pero sabi ng maid namin favorite na daw niya ngayon. right Son? Siguro natikman mo na ang luto ni Chelsy no? Kaya naging favorite mo na to." Mrs.Aragon and smile playfully.

Agad na kumuha ng caldereta si Jelian at nilagay sa plato ni James.

"Here James, gusto mo subuan kita? don't worry pag-aaralan ko kung paano to lutuin para pag mag-asawa na tayo araw-araw ko yan lulutuin for you."sabi ni Jelian

"Malapit na rin 2 years nalang pwede na tayo magpakasal. I'm so excited"she added.

Nasagi ni Chelsy ang dessert's spoon at nahulog ito. Yumuko siya para pulutin ito ng.

"Ouchhh! ano ba James!?" Singhal ni Chelsy, Nagkauntugan sila nito dahil yumuko din ito para pulutin sana ang nahulog niya.

"Tutulungan lang sana kita." James said

"Do I ask?" Hindi niya alam kung bakit biglang uminit ang ulo niya.

"Ikaw na tinutulungan ikaw pa galit." Inis na rin si James, nagtitigan ang dalawa, ang mga mata sakanila nakatingin.

"LQ ba kayo?" Mrs. Aragon asked

"NO!!!"Chelsy/James said at sabay na napalingon kay Mrs.Aragon.

"Princess try mo to, masarap to specialty to ni tita Isabelle. Diba tita?" Savior talaga si Brian pag may namumuo ng tensyon.

"Ipaparenovate ko ang hotel sa Isabelle paradise. gusto ko sana kayo Brian and Chelsy ang gumawa. I believe,  kaya niyo yung Pagandahin." Mr.Aragon said, nagulat si Chelsy sa sinabi nito, pero si Brian relax lang.

"Po! kami po? Si Brian po pwede siguro but me. I'm sorry tito I can't."Chelsy said

"Chelsy you can do it." her dad said

"Dad hindi pa ako licensed architect."

"Yeah! Perhaps you're not a licensed architect, pero kung ibabase natin ang galing mo pwedeng pwede kanang bigyan ng license. May mga certificate kana nga diba na binibigay lang after ng 3rd year. You can do it, para magkaroon na kayo ng project, don't worry, I'll check the blue print naman pag natapos niyo and it's under my name, ako parin ang magaaprove ng gagawin niyo. So, you don't have to worry."

"So okay na hija, kayo na ni Brian ang gagawa?"Mr . Aragon ask

" Pero tito baka po hindi niyo magustuhan eh."

"The miniature house that you've made is really great at ang Falcon hotel sa ortigas, sabi ng dad mo ikaw daw ang nagpaganda nun." Mr.Aragon said, tumutulong kasi si Chelsy sa pagdesign ng mga project ng dad niya, kung baga nagsusugest siya ng pwedeng gawin.

"God Chels! talaga kayo ng dad mo ang gumawa nun? alam mo ba na yun ang pinakamagandang branch ng hotel namin. You're really good pala tlaga." Cassie said, kahit sila Brian nagulat sa narinig na may contribution siya doon. alam ni Brian si Mr.Sebastian ang gumawa.

"So hija, kayo na ni Brian ang gagawa ah? puntahan niyo na this week, samahan mo sila James sa Palawan."

"Oh my! sama kami tito." Cassie

"No, trabaho yun, mangugulo lang kayo dun." Sabi ng daddy ni Cassie.

"Dad naman eh!" Pagmamaktol ni Cassie.

"Sa summer na kayo pumunta, magbakasyon kayo." Mr.Aragon said.

"Tito ako sama ako ah. Please!! kasi nextweek balik na rin ako ng Paris eh."Jelian said

"Wag na" Mabilis na sabi ni James.

"Sige na James isama mo na."Mr.Aragon said.

" Yehey! thanks tito. You're the best father in law talaga." Natawa ang mga parents sa sinabi nito.

"Talagang gusto mong pakasalan si James? Hindi na ba magbabago ang isip mo? Paano kung ayaw kana ni James pakasalan? "Mrs . Aragon asked.

"It won't happen tita, James made a promise at nagpinky promise pa kami na pakakasalan niya ako pag 18 na ako." Jelian said

Tsss ibang klase hilig pala niya ang mang alok ng kasal.. -sa isip ni Chelsy.

"Married is a big word and sacred, hindi dapat sinasabi kung hindi ka sigurado, o gamitin man lang para lang maka pangbola ng tao." Wala sa loob na sabi ni Chelsy kaya nagtinginan sa kanya.

" Chelsy para namang may nag-alok na sayong magpakasal ah. Ni boyfriend nga wala ka, ikaw talaga. Pero wala ka pa nga bang boyfriend?" Her mom said at natawa ng mahina, nagpout nalang siya.

"Chels pandora ang bracelet mo?" Cassie asked.

" Yeah!! Why?" Chelsy asked

"Ang ganda naman niyan! ang daming charms, ako binigyan ni kuya pero three lang ang charms. hmmpf! ang kuripot, sabi ko 5 ang ipalagay eh. Masayado na daw mahal." Cassie said at nagpout, si Chelsy napatingin kay Brian nagsmile lang si Brian sakanya.

"Mom yung bigay sayo ni kuya asan?" Cassie asked

" Ito" Her mom said Sabay turo sa bag niya.

"No!! Pandora bracelet din yun, ayaw nga ipakita sakin eh."

"Wala, ito ang binigay niya." Her mom says, tumingin si Cassie kay Chelsy.

"Oh my god!! Chels si kuya ba nagbigay niyan sayo?" Nanglalaki ang mata ni Cassie.

"Yeah!" Chelsy said at tumango

"Waaaahhh!!! Kuya I hate you! nakakainis ka talaga. Bakit sakin 3 lang ang charms? tapos kay Chelsy full of charms, walang space oh. Tapos mamahalin pa ang charms niya oh! may mga stone, itong sakin tatlo na nga lang mumurahin pa, 1500 lang ata isa nito eh."

"Hoy! 3,000 ang isa niyan ah." sabi ni Brian

"Eh ang kay Chelsy 19,000 yung may mga stone, alam ko yan. hay! grabe ka, you're so inlove talaga." Napatingin ang lahat sa bracelet ni Chelsy, kahit si James tumingin din na malapit lang sakanya.

"Pero okay lang yun, I'll forgive you kuya, kay Chelsy mo naman binigay eh. But you're so kuripot pagdating sakin. I'm your only sister tas ganyan ka." Cassie added

"Maghanap ka nalang ng magbibigay sayo ng ganyan." Her dad said habang natatawa.

" Finally!!! Nagkaroon din ng magugustuhan ang anak ko. Kailangan ba natin magpaparty uli? ahahaha!" Brian's mom said, hiyang hiya na si Brian kahit si Chelsy nahihiya na rin. Tumatawa ang lahat pero si James lang ang hindi.

"James, is there something wrong? we are all laughing but you---

"You looked betrayed!! Ahaha!!" Trio heiresses, dinugtungan nila ang sasabihin ng mom ni James sabay tawa ng malakas.

Si James tinignan ng masama ang tatlo.

"Hay! kayo talagang tatlo mga Pasaway kayo." Brian's mom said.

"So, kailan kayo pupunta ng palawan?" Mr.Aragon asked.

"By Saturday nalang po tito." Brian said.

"Basta kuya, Just take care of Chelsy ah. She'll become a little bit naughty when she's tipsy. ahahaha!" Cassie said, at naghagikgikan ang heiresses, binigyan ito ng death glare ni Chelsy.

"Really Chelsy? wow! sounds silly but I love it. You already know how to be naughty." Her mom said and smile mischievously.

"Wow mom! you're so cool. But don't worry mom, I'm not that naughty as you, wearing a sexy lingerie, dancing with a sexy dance to seducing dad. I'm definitely not like that." She said sarcastically but then she smiles. Namula ang mommy niya sa sinabi niya.

"Ahaha! really, ginagawa mo yun? god! ang naughty mo nga." Mrs.Aragon said and chuckled, nagtawanan naman ang lahat.

"Why don't you try that Isabelle sometimes." Mr.Aragon said namula ang mommy ni James at pinalo sa braso ang asawa.

"I agree, subukan mo rin yun honey, to put some spices in our intimacy." Sabi ng daddy ni Brian sa asawa nito at tumawa.

" Jeezzz!! Don't you think guys, we're too young to heard those ridiculous things." Cassie said

"Aahahahahah!!!!" Everyone burst out laughing.

Laughter filled the garden, they enjoyed the rest of the night, they're all kidding around.

Nagsindi rin sila ng mga fireworks and fire crackers.

**********

Nagmamadali si Chelsy sa pagbaba sa hagdan, nasa baba na sila Brian at James with Jelian. Pupunta sila ng Palawan para tignan ang hotel na ir'renovate.

"Ayan na pala siya eh." Sabi ng mommy ni Chelsy habang pababa ito ng hagdan.

"Let's go." Chelsy said ng nasa baba na ito.

"James, Brian please alagaan niyo ang prinsesa ko ah, ibabalik niyo siya ng buo sakin." Mrs. Catherine said and smiled.

"We will tita." Brian said at si James nagsmile lang. Napatitig si Mrs. Catherine kay James.

"Hijo alam mo, parang namumukhaan kita, parang nakita na kita. uhmm.... san nga ba?"

"Mom nakita mo na siya sa party, tsaka nung new year." Sabi ni Chelsy

" No hija, san nga ba?" Nagisip ito, nakatingin lang si James dito.

"Wag kana mag isip mommy, common lang kasi mukha niya, hindi pangit, hindi rin gwapo, kaya baka kamukha lang." Chelsy said, napatingin sakanya si James.

"Hindi gwapo? talagang batang to. Ano ba ang definition mo sa gwapo? ang gwapo kaya ni James." Napangiti si James sa sinabi ng mommy niya.

"Palitan mo na ang contact lens mo, expired na ata yan eh." Natawa ang mommy niya at si Brian sa sinabi niya, si James sinamaan lang siya ng tingin.

"Your mom is right Chelsy, my fiancee is definitely handsome. I think, ikaw ang kailangan mag contact lens." Depensa ni Jelian.

"Whatever Jelian! love is blind. tara na, tara na." Chelsy said, nagkiss at nagpaalam na siya sa mom niya at lumabas na sila.

Hinatid sila ng mommy niya hanggang sa van na maghahatid sakanila sa airport, hanggang sa makaalis ang sasakyan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top