CHAPTER 33

"Paano kung malaman ni James na gawa-gawa mo yung mga narinig niya...you're dead Julia..." said the other girl tinignan ito ni julia ng masama.

" Kapag nangyari yun hindi lang ako ang lagot pati kayo..... kasama kayo dito kaya kung ayaw niyong mapahamak mananahimik kayo... understand?"

" At impossibleng malaman niya yun..kaya nga ako nag hanap ng ibang tao na pwede magusap tungkol dun para marinig niya.... para hindi sakin connected.."patuloy nito...

Flashback back

Julia's cabin, grace and the two alepores are julia's cabinmate simula ng paalisin si grace sa cabin nila cassie sila na ang naging roomie...

"oh Julia san ka galing? nakipag kita ka kay brandon no? " Grace ask umupo si Julia sa sofa

" Yeah!!.......Arrgg I can't believe this.." tumayo si Julia sa sofa.

" Problem.?"

" Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko.. James and Chelsy are childhood sweetheart...Gosssshhh narinig kung naguusap si Brian and chelsy." Kinwento ni Julia ang lahat ng narinig niya sa usapan ni brian at chelsy sa may garden.

Julia was there nakaupo sa isang bench sa likod ng puno kung saan sila chelsy nakaupo.

Kasama niya si Brando ang lalaking patay na patay kay Julia na gagawin ang lahat mapakanya lang si Julia... pinaalis muna niya ito nung narinig niyang naguusap si chelsy at Brian. Hindi siya napansin ng mga ito dahil madilim na.

" Oh my! ibig sabihin si James Aragon yung sinasabi ni Andrew na schoolmate niya nung highschool." Grace shocks.

" What do you mean? Anong connect?" Iritang sabi ni Julia

"Kasi ganito yun narinig ko si andrew na may kausap sa phone." Grace said

Double flashback by Grace

"Sige, Chels antayin mo muna ako sa labas may tatawagan lang ako saglit lang."

"Okay"Chelsy

Lumabas si Chelsy at naiwan si Andrew nagdial siya sa cellphone niya.

" Hello! Sasabihin ko na sakanya,"sabi ni andrew sa kabilang linya.

"Sana masaya si Chelsy pag nalaman niyang ako yung nerd na kaibigan niya nung highschool na pinagtatangol niya sa pang bu-bully ng iba." Andrew says at tumahimik dahil nagsalita uli ang kabilang linya..

"Oo nagkita na sila ni James. Ako hindi niya nakilala kasi nga sa itsura ko noon. ahaha! Hindi ako makapaniwala na magkikita kami dito, after four years nung bigla siyang umalis sa Aragon high." stop again. Nagsalita uli ang sa kabilang linya.

"Pati si James hindi rin ako kilala nun, wala naman pakialam sakin yun. tsk. pero hindi ko makakalimutan ang walang hiyang yun, siya ang dahilan kung bakit ako nahinto sa pagaaral eh dahil sa pang bu-bully niya ng mawala si Chelsy..... sige na little sis inaantay na ako ni Chelsy. " Narinig lahat ni Grace yun pero hindi niya naisip na si James yung tinutukoy ni andrew.

End flashback by Grace

"Really magkakakilala sila?" Julia ask.

"Pero mukhang hindi nakikilala ni James si Andrew."Grace said

"Paano yan Julia mas lalong wala kanang pag-asa kay James si Chelsy pala ang 1st love ni James."sabi ng isa niang cabinmate.

" STUPID!! May sinabi ba akong 1st love niya si Chelsy? "inis na sabi ni Julia.

"Ganun na rin yun, childhood sweetheart sila eh." Sabi uli nito..

Simula ng malaman niya yun, at maging officially couple ang dalawa nagisip na siya kung pano sisirain ang dalawa kaso wala siyang maisip.

Hanggang sa marinig niyang naguusap si brian at James sa gymnasium at marinig niyang hindi pa pala alam ni James at ayaw na nitong malaman kung bakit biglang umaalis si chelsy 4 years ago.

Doon siya nagka-plano naghanap siya ng pwedeng utusan na mag-uusap para ipasadya na iparinig kay James yung mga kasinungalingang kwento about Andrew and Chelsy......

Nandoon siya ng marinig ni James ang usapan na yun at nakita niya itong lumabas ng campus.. kaya gumawa siya ng paraan para makalabas ng campus.

agad niya tong pinuntahan sa penthouse nito pero pagpunta niya nakita niyang palabas ito ng penthouse kaya sinundan niya ito hanggang sa club na pag-aari pa nila.

At nanghalikan niya ito sa cafeteria alam nitong hindi ito tatanggi dahil nandoon si chelsy.

End flashback

" You're so clever Julia... sa kalokohan nga lang." Other girl said..

" What do you mean na bobo ako sa academic..." julia said at pinangdilatan ito.

" So kelan mo balak uumpisahan ang plano mo at hanggang kelan mo yun gagawin." Grace ask.

" Soon... at hanggat nandito siya sa FU hindi ko siya titigilan." Julia said...

************

" Chels tara labas na tayo." Said andrew wala na silang next class dahil may meeting daw ang prof. Nila.

"Ayaw ko pa umuwi Andrew wala pa sila cassie sa cabin wala ako kasama." Ayaw niya umuwi dahil siguradong malulungkot lang siya sa mga nangyayari sa kanya.

" Halika kana hindi tayo uuwi..punta tayo sa likod ng building doon tayo tumambay may sasabihin ako sayo."at hinatak na siya nito patayo.

"Okay okay sandali... ang gamit ko...Alam mo ikaw lagi ka nalang may sasabihin pero wala ka naman sinasabi."

" Ahahaha lagi kasing nauudlot laging may asungot na sumusulpot eh..gusto ko kasi tayong dalawa lang pag sinabi ko sayo eh.." sabi nito habang papalabas na sila ng classroom.

" Ang wierd mo."sabi ni chelsy

" halika na...bilisan mo na nga baka may lumapit na naman sayo hindi nanaman matuloy eh....bilis ang bagal eh.. hindi ka naman ganyan dati eh." At hinatak na siya nito..

" Ha?" Sabi ni chelsy na hindi maintindihan ang sinasabi ni Andrew...pero sumunod nalang din siya....

Nakarating sila sa may likod ng building ng dept . architecture at business ad. Building... dahil magkatabi lang ang dalawang building...

Umupo sila ni Andrew....

" Kumusta ka na? Nabalitaan ko yung about Julia and James." Andrew said

" Ayaw ko pag-usapan Andrew, honestly masakit pero kagabi nagdecide na akong kalimutan si James..." after nilang magusap ni James at mangyari ang incident sa kwarto ni James nagdecide na siyang kalimutan na to..

And enough reason na rin ang malaman niyang si julia at james na para mag'move on na...

" Okay,sorry... Chels titigan mo nga ako." Sabi nito na humarap ng mabuti kay Chelsy

" Tss..parang baliw ka."

"Sige na..wag ng KJ."sabi nito at sumunod nalang si chelsy.

" Okay fine...oh ayan nakatitig na ako...alam ko gwapo ka Andrew...pero bakit kailangan kitang titigan.?" Sabi ni chelsy habang nakatingin sa mukha ni ahaha..

" Ahahaha!!! Talaga gwapo ako?"

"Pwede na..." she said and smile

"Tsss...Hindi mo ba ako namumukhaan?"kumunot ang noo ni chelsy... at nagkibit balikat lang.

May kinuha si andrew sa bulsa nito isang chocolate wrapper na foil nilagay sa ngipin nito. At kumuha ng salamin na sobrang kapal sinuot niya ito.

Tumayo ito at nagsquat sa harap ni chelsy para maging mag kasing level sila at ngumiti ito para ipakita ang ngipin na may foil.

"Now look at me again.." sabi niya kay chelsy...nakatitig lang si chelsy. ..

" Ano yan..ahaha?"natawa si chelsy sa itsura nito.

" Haist ano ba..hindi mo ba ako mamukhaan talaga..ganun ba ako kapangit noon...grabe naman."at nagkamot sa ulo.. tinitigan uli ito ni chelsy...

Tinitigan mabuti uli ni chelsy bawat angulo ng mukha.. napansin niya ang salamin nito na may scatch tape na hello kitty design...

Biglang napaawang ang bibig ni chelsy naalala niya ang salamin.. katulad nung sa kaibigan niya na siya mismo ang nagayos at naglagay ng tape ng maputol dahil sa pang bu-bully ng mga classmate nito.

" John" wala sa sariling sabi ni chelsy, natulala siya..

Tumango-tango si andrew habang nakangiti.wala paring reaksyon si chelsy..

" Hoy" pinoke ni andrew ang noo niya tsaka siya nahimasmasan.

" Oh my god....is that really you? Yung john na malnourished, may pimples, nerd, geek"sunod sunod na sabi ni chelsy na namimilog parin ang mata.

" Ouch naman..hindi ako malnourished. .payat lang.."

"OH MY GOD !! Aaahhhhhh!!!" Malakas na sigaw ni chelsy sabay tayo at yumakap siya dito..

"Aahahahah." Tawa ng tawa si andrew at tuwang tuwa ito binuhat niya si chelsy at pinaikot-ikot habang tawa ng tawa at sigaw naman ng sigaw si chelsy sa sobrang tuwa.

Binaba siya nito..hinawakan ni Chelsy ang mukha nito at tinitigan uli.

" Ikaw ba talaga yan? Anong ginawa mo nagparetoke kaba or what?."

" Ahahaha..grabe ka nawala lang yung salamin, braces at kuminis lang ang mukha at naging macho syempre." Sabi nito na nagpamacho pose pa.

" Bakit ngayon mo lang sinabi..ang dami kung ikkwento sayo...grabe hindi ako makapaniwala......... John Andrew Castro....bakit hindi ko na noticed yun.." yumakap uli si chelsy dito at tawa parin ito ng tawa sa reaksyon ni chelsy.

"Ako kelan mo pa ako nakilala? Tsaka Si james?"

"first day mo palang dito nakilala nakita agad..makakalimutan ko ba naman ang mukhang yan." Sabi nito at pinisil ng malakas ang pisngi niya....napaouch si chelsy at pinalo ito sa braso...

Hindi nila alam na halos lahat ng mata sa building sakanila nakatingin...may kumukuha ng pictures.

"Grabe I can't believe this..ahaha yung malnourished noon kalain mong magiging isa sa hottest ng isang university. .ahahaha."

"Hindi nga ako malnourished..makulit ka ah."inakbayan siya ni andrew na kunyaring sasakalin ng braso at ginulo gulo ang buhok niya. Tawa sila ng tawa...nang may biglang nagsalita.

" Princess" napalingon silang dalawa.

" Brian" chelsy said

" Hindi kapa uuwi...sabay na tayo."

" Okay sige...halika andrew sama kana... ang dami kung ikkwento sayo.." kumunot ang noo ni Brian.

" Siya nga pala Brian.. alam mo ba si Andrew pala yung malnourished bestfriend ko nung highschool..."

" Ang kulit mo talaga hindi nga ako malnourished eh...tara na nga." Inakbayan uli siya nito at hindi tinanggal ang pagkakaakbay habang naglalakad.

Pero agad naman siyang hinatak ni brian.

" Halika na princess dito ka." Hindi naman pansin ni chelsy ang pagseselos ni Brian.

Kinuwento ni chelsy kay brian ang lahat habang naglalakad sila.

***********

Nakita naman ni James ang lahat ng nangyari between Andrew and Chelsy sa likod ng building nila.

Nakaupo si James sa classroom sa may binta kasama si Kevin and Vince dahil silang tatlo ang classmate. Nang biglang may nagsalita.

" Uy si Chelsy yun ah. Mukhang naka move on na agad sayo James." Sabi ng isang classmate niya, kaya napalingon silang tatlo.

Narinig naman ng ibang classmate ang sinabi nito kaya naki-usyuso din.

"Hay grabe! ang sweet naman nila. Ang saya nilang tignan no?" Sabi ng isang babae.

"Ganun lang siya kadaling nakamove on  kakabreak lang nila ni James diba?"

Mula umpisa hanggang dumating si Brian kitang kita ni James ang nangyari, tiim bagang siyang nakatitig sa dalawa.

Pinapakita na nila ngayon ang relasyon nila.- sa isip ni James habang nakatitig siya sa dalawa.

"Bullshit! Pwede ba magsibalik kayo sa mga upuan niyo, ang tsi-tsismoso niyo." James shouted.

"Problema mo? daig mo pa ang nagseselos ah. kung hindi lang namin alam na ikaw ang nakipag break kay Chelsy.. iisipin ko nagseselos ka eh." Vince said

" Oo nga dude." Sabi naman kevin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top