CHAPTER 28
Nasa auditorium na siya kausap si potchie...
" Chelsy naman malapit na ang play. Ano bang problema niyo ni James? Asan ba siya? Kung may problema kayo, baka pwede kalimutan niyo muna." Potchie said na punong puno ng frustration.
"Sorry potchie! I'll talk to him." chelsy said
" Make sure Chelsy. Please!!"
"Kasi naman Potchie, kung ako nalang kasi tinanggap mo sa play, di wala kang problema." Said Andrew, kasama niya si Andrew, hinatid siya nito.
" Hay pwede ba Andrew! hindi ka marunong umarte... last time na audition mo sumakit ulo ko sayo. Gwapo ka lang pero wala kang acting skill.."
" Grabe ang harsh... eh kasi kung yung pinagawa mo sakin yung part na may kissing scene.. eh yung pinagawa mo sakin yung hinulog ako sa balon eh. Sa gwapo kong to ihuhulog lang sa balon." Tawanan ang mga nasa auditorium, pati si Chelsy natawa din.
" Kung gusto mo magaudition ka uli.. dun sa part ng kissing scene ang gagawin mo.."
" Talaga. ." Agad na sagot ni Andrew.
" Yeah!! Pero ako si Adarna.." Potchie said then chuckled, Kaya lalong nagtawanan ang nasa auditorium.
" Di bale nalang! halika na nga Chels, punta na tayo ng cafeteria nagugutom lang ako dito. Pag umayaw yung gagong Prinsipe Juan niyo! Ikaw nalang Potchie ang ang gumanap. ahahaha!!"
" Tse... hindi ko keri no! eewweee... Adarna pwede pa." diring-diri na sabi ni Potchie, kaya tawa ng tawa ang mga nasa auditorium.
Infairness kahit papaano nabawasan ang frustration ng mga members.
At infairness kay Andrew, he changed a lot nakikipagbiruan na siya ngayon at nagiba na ang tingin sa kanya ng mga tao, mula sa pagiging bugnutin nito naging palangiti na ito.
" Halika na Chels." lumabas sila ng auditorium at pumunta ng cafeteria.
Pumasok sila ng Cafeteria at nandun na rin ang grupo pero wala si James..
" Hi Chels" Bati ng team sakanya nagsmile lang siya dito at umupo na..
" Andrew sabay kana samin.." Aya ni Chelsy, tatanggi sana si Andrew. Pero inaya na rin siya ni Cassie.
" Sige na Andrew sabay kana, dito ka nalang oh.." Tinuro ni Cassie ang upuan na katabi niya ang inuupuan ni James.
" Okay sige!" Sabi ni Andrew at umupo na rin..
" Kakarating niyo lang din ba?" Tanong ni Chelsy
" Yes chels, order na steve.." Sabi ni Celline
" Hoy kayo naman nga..ang daming nakapila." Sabi ni steve sa ibang kateam.
" Para namang pumipila ka.." cassie said hindi naman talaga kasi ito pumipila pag binigay niya ang lista ng order uunahin na yun.magpapacute lang si steve sa crew doon okay na.
"Oh sige akin na lista.." steve says
"Andrew sayo ano gusto mo? Isabay ko na dito.." cassie ask.
" Caldereta." Maikling sagot ni andrew.
" Uhmm kevin si James pumasok ba?" Chelsy ask classmate kasi sila ni kevin at vince...
"Hindi eh..pero nasa cabin siya umuwi siya kagabi siguro mga around 9 to 10 o'clock...." kevin said
Umorder si steve at hindi nagtagal bumalik ito dala ang pagkain...
kumakain na sila ng biglang may mga nagbulungan na studyante kaya napalingon sila sa pinaguusapan.
Si James kakapasok lang sa cafeteria. Nagulat si chelsy sa nakita puro pasa ito nadagdagan yung pasa sa mukha.parang gusto niya itong lapitan awang-awa siya dito.
Tumingin ito sa gawi nila at parang biglang dumilim ang mukha ng makita si andrew na kasama nila sa table.
"Haayy nakakatense naman parang laging may gulong mangyayari.." sabi ng isang studyante
Sinalubong agad ito ni Julia...at pumulupot agad sa braso nito.
" Hi sweety!!halika doon ka nalang sa table namin.. mukhang wala ka ng place sa table niyo...it was already occupied by someone else..." Sumunod naman si James dito at umupo sa table nila Julia... nasa tabi lang nila ito kung saan nakaharap si Chelsy....
Kahit saan naman ang mga ito umuupo hindi katulad nila na reserved talaga ang table para sakanila.
Kumakain sila ng walang nagsasalita nakikiramdam lang..
Hindi ni Chelsy mapigilan ang hindi mapatingin sa gawi nila James... sinusubuan pa ito ni Julia paminsan-minsan tapos sasandal sa balikat....
Ang bigat bigat ng pakiramdam niya feeling niya magkakasakit siya sa sobrang sakit at bigat sa pakiramdam.
Natapos sila sa pagkain nila... si James lumabas na rin ng Cafeteria at hindi naman sumunod si Julia...
Agad na tumayo si Chelsy at nagpaalam na mauuna na siya. At tumakbo siya palabas....
Sinundan niya si James....
" James!! James!!! James!!!" Paulit-ulit niyang tawag dito pero hindi siya pinapansin nito. Tuloy tuloy lang sa paglalakad.
" James please naman magusap tayo...wag ganito nahihirapan na ako...kasi hindi ko maintindihan ang nangyayari eh.." habol pa rin siya ng habol dito halos takbo lakad ang ginagawa niya dahil ang lalaki ng hakbang nito...
Pumasok si James sa cr.. kaya napahinto si chelsy...
"Bahala na kailangan kong makausap si James. .!!"
Sumunod siya dito sa loob...
" Aaayyy" nagulat siya at napatakip siya ng bibig ng may mga lalaking nasa cr at nagbabawas...at pati ang mga ito nagulat sakanya. .
"Hay ano ba chelsy natural men's restroom to bakit kaba tumitili...."
Pati si James nagulat din sinundan pa siya nito doon.
" James..let's talk naman oh." Sabi ni chelsy habang nakatagilid siya at susulyap sulyap siya sa gilid ng mata niya kay James na nakatalikod at nagbabawas.
" Kausapin mo na si Chelsy James...maawa ka naman sumunod pa dito oh." Sabi ng isang lalaki na papalabas na ng cr at lumabas na rin ang iba pa...
Si James nalang at siya ang naiwan at lalabas na rin si James pero hinarang niya ito.
" Ano bang problema mo?" Sa wakas nagsalita din.. pero nakakatakot parang anytime mananapak..
"James naman alam mo kung ano ang problema.?pero ako hindi ko alam kung anong problema mo.."
" Sinabi ko na diba...na wala ka lang sakin... Sinubukan lang kita kung mapapasagot kita.. kasi iba ka daw eh.. tsss wala naman pinagkaiba eh.." he said and smirk pero hindi susuko si chelsy alam niya totoo yung pinakita sakanya ni james.
" Hindi ako naniniwala" sabi ni chelsy na iiling-iling
"Naramdaman ko na mahal mo ako...noong magkasama tayo..every time na yayakapin mo ako... the way you kiss me.. I know you love.."
"I've just trying my best to convinced you!!walang iba..."at akmang lalabas ito pero pinigil niya uli.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito....
" James look at me." Pero umiiwas ito ng tingin sa kanya.
" Just look at me James...tsaka mo sakin sabihin na wala ka talagang pagmamahal sakin." Tumingin ito sakanya pero hindi nagsalita pero nagiba ang expression...soft expression
"I love you James." Lumuha na ng tuluyan ang mga mata ni chelsy.....
Si James tumingala bigla at kumurap kurap ang mata at hinawakan ng daliri niya ang dalawang mata niya.....
Niyakap ni chelsy si James her arms wrap around his waist....
" I love you so much...kahit kailan hindi nawala yung pagmamahal ko sayo mula noon hanggang ngayon....kung galit ka sakin dahil sa nangyari noon James.. I'm sorry kung nasaktan kita...may nangyari lang noon na aksidente ako noon kaya hi---
Naputol ang sasabihin niya ng tanggalin ni James ang pagkakayakap niya dito....
Tumingin si chelsy dito tiim bagang nanaman ito.
" Stop lying" matigas na sabi nito.
" James I'm not... believe me...bakit ba ayaw mo ako paniwalaan?" Hahawakan uli sana ito ni chelsy pero umiwas ito...
" Tigilan mo na ako chelsy. " at may biglang pumasok na lalaki kaya lumabas na rin si James...naiwan si chelsy at nagpunas ng luha.
" A goddess inside the men's restroom...." The guy said standing in front of her... nakakaloko ang mga ngiti.
Lalabas na sana siya ng biglang hinarang ng lalaki ang kamay nito sa dadaan niya.
"Chelsy sebastian you don't deserve this....hindi ka dapat nasasaktan ng ganyan... why don't you try me hindi kita sasaktan..... maybe you will be hurt pero hindi dito." Guy said and point her heart...
" Sa ibang paraan ,it hurts but eventually it feels like in heaven..." the guy smirks at ang mga titig parang siyang huhubaran pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa...
" BASTOS!!!" Chelsy shouted
" Oh come on !!I heard some---
Hindi na natapos nanglalaki ang sasabihin niya ng may biglang pumasok sa pinto..salubong ang kilay na mukhang galit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top