CHAPTER 2

BRIAN

Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng narra, ito ang favorite spot ko dito sa school, behind the boys' houses nakapikit ako habang may kagat-kagat na mahabang dahon, kani-kanina lang nagbabasa ako ng medyo dapuan ako ng antok.

Tumigil ako sa pagbabasa at pumikit ng biglang may narinig akong naggigitara. At maya-maya ay may kumakanta na sa likod ng puno kung saan ako nakaupo, ang ganda ng boses naamaze talaga ako sa boses, pinakinggan ko siyang kumunta hanggang sa natapos.

" Amazing voice" Sabi ko nang natapos siya sa pagkanta.

"Who are you? where are you? omg may kapre ata dito."

Sunod sunod niyang tanong na mukhang natataranta at natatakot, hindi niya ako basta basta makikita dahil sa laki ng trunk ng puno. Ang bench na nauupuan niya nakaharap sa cabin namin at sa kabilang likod naman ako nakaupo.

Tumayo ako para makita kung sino ang kumakanta. Paglabas ko sa likod ng puno ay bigla siyang sumigaw.

" AAAAAHHHHH! KAPREE!!" Sigaw niya at ipapalo niya sakin ang gitarang hawak niya.

" Hey,hey, hey just relax, just relax." Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay ko.

"Hindi ako kapre." Natatawa kong sabi.

She puts the guitar down at doon ko nakita yung mukha niya na natatakpan kanina ng gitarang hawak niya....Much to my surprise...

WOW! her voice is amazing but her face is more amazing. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya the nose,her thin red lips, her doll eyes,her chin, she has a cliff chin, her long brown hair.perfect!

"Hey, what's wrong with you?" Tanong niya. At doon ako parang nahimasmasan sa pagkatulala ko.

"Uhm. sorry, sorry miss. Nagulat ka ba?"I said

"Oo! bigla bigla ka na lang kasing nagsasalita eh.  Akala ko kapre." She said as she laughs.  Wow mas lalong gumaganda pagtumatawa.

" I'm sorry hindi ko gustong gulatin ka sorry talaga." I said apologetically.

"It's okay."

"I'm brian" I introduced myself and I offered my hand to her. Tinanggap naman niya at nagshake hands kami.

"Chelsy," pakilala niya. Umupo siya sa bench at pinaupo naman niya ako.

"Parang ngayon lang kita dito nakita, Chelsy." She smiled before she replied.

"Yes, transferee. kakarating ko lang noong friday."

"hmm," Tumango-tango na lang ako

"Taga saan ka?"I asked

"Uhm.. sa Fairview."

" So, how's your day staying here?"

"Ayos lang. Medyo nakakaboring wala akong makausap wala pa mga housemate ko. Hindi ko pa sila na-me-meet pero ayos lang din sanay na rin naman ako na nasa bahay lang lagi eh. Ngayon lang ako nag-regular school eh."She said and smiled.

"huh?" Naguluhan ako.

"Home study ako since 3rd year highschool. Ngayon lang ako nag regular school. Buti nga pumayag sila mommy eh."

"Talaga!but why?"Tanong ko pero bago pa siya nakasagot nag-ring ang cellphone niya.

"Excuse me," sabi niya at tumango ako.

.

CHELSY's POV

Habang kausap ko si Brian ay biglang nag-ring ang phone ko, I took it from my pocket and I excitedly answered my phone nang makita kong si mommy ang tumatawag.

"Hello mom, I miss you." 

"Hi my princess! How are you? kumakain ka ba ng mabuti diyan? hindi ka ba na ho-homesick? wala bang ng bu-bully sa 'yo? don't skip your meal ah." Sunod sunod na tanong ni mommy. kaya natawa ako, si mommy talaga. 

"Mom relax, I'm okay. You don't have to worry. I'm in good hands. okay?"

" Okay, just call me if you need anything  or kung gusto mo ng mag-drop-out." lalo akong natawa. Pambihira naman si mommy, hindi pa nga ako nakaka-attend ng klase.

"Mom ano ka ba? hindi pa nga ako nagsisimula ng class, drop out na agad." Natatawa kong sabi

"Kasi I'm just worried. Parang nagsisisi na tuloy ako na pinayagan kita eh. Baka mamaya may mangyari na naman sayong masama hindi ko na kakayanin."

"Hey mom, you're just being paranoid, I promise it won't happen again. Come on mom! cheer up! gusto mo ba malungkot ako dito kasi nalulungkot ka?"

"Okay hindi na, basta promise me that you'll never ever do something that can harm you, okay?"

"Yes mom I promise I won't, you've been saying that to me so many times mom."

" Kahit araw araw, oras oras, every minute kitang I remind I'll never get tired my princess."

"I know mom that's why I love you very much." Medyo gumaralgal ang boses ko at nangingilid na ang luha ko pero pinigil kong maiyak.

"Your dad and I will go back to state tomorrow baby." Narinig kong humihikbi si mommy.

"Hey mom, are you crying? please dont cry, I'm okay. Don't worry about me. Ayos na ayos ako dito. Infact nag-e-enjoy ako dito and I've met a new friend."Sabi ko at tumingin ako kay Brian and I smiled, para mapagaan ko ang loob ni mommy.

" Really! a girl or a boy?"

"a boy"

"Are you with him now?"

"Yeah, he's here."

"Can I talk to him?"

"Mom no!!kakakilala ko palang sakanya nakakahiya." Sabi ko at tumingin uli ako kay Brian.

"Please kakausapin ko lang sandali. Paghindi ka pumayag hindi ako matitigil sa pagaalala." Haist! nanakot pa. bumuntong hininga ako.

"Okay wait."

Humarap ako kay Brian nakakahiya man pero kinapalan ko nalang mukha ko.

"Brian, um, mom wants to talk to you, can you?pero kung ayaw mo okay lang."

Nilahad niya ang kamay niya, means okay lang sakanya.

Niloud speaker ko para marinig ko bago ko binigay ang phone sakanya.

" Hello, good after noon ma'am this is Brian." Brian said

"Hi hijo, I'm glad na nakipag kaibigan ka kaagad sa anak ko."mom

"No ma'am dapat po ako ang matuwa dahil nakipag kaibigan sakin si Chelsy." Sabi ni Brian at ngumiti sakin.

"Hijo please take good care of my princess ah, sayo ko siya ihahabilin muna ha, habang wala kami ng dad niya, she's a very weak girl sobrang lampa niyan." tumawa si Brian sa sinabi ni mommy at ako nanglaki ang mata ko at natutup ko ang bibig ko sa kahihiyan,

Ano ba yan nakakahiya hindi ko naman talaga ito kaibigan pero binibilin niya ako dito.

"Yes ma'am dont worry, I'm taking care of our princess. "

princess! Princess ! Princess

What!? tama ba ang rinig ko our princess ? namula ako sa sinabi niya at sa kahihiyan tinakpan ko na ng tuluyan ang mukha ko ng mga palad ko, kung pwede lang na magpalamun sa lupa kanina ko pa ginawa, this is so embarrassing.

" Okay hijo thank you very much, be a prince to our princess okay?"sabi ni mom

"ye-" This time hindi ko hinayaan sumagot pa si brian, dahil inagaw ko na ang phone sakanya sobrang kahihiyan na inaabot ko.

"That's enough." Natawa siya sa ginawa kong pag agaw ng cellphone.

"Hello mom, okay na po ba? nakausap niyo na po yung friend ko."

" Okay princess, please be good to him,wag mong pasakitin ang ulo niya."

"Mom! ulo ko po ang sumasakit sa mga sinasabi mo eh."I said while pouting

"Okay, okay, I love you, I miss you and your dad missed you too, please take good care of yourself ok, be a good girl."

"Yes mom I will, miss ko na din kayo ni dad, I love you mom."

"I love you too my princess, bye bye na for now."

" Okay mom, ingat sa flight niyo bukas, just give me a call when you get there, I love you muawh." end call

"I think your mom missed you so much." Brian

"Definitely, kung ano ano nga sinasabi diba?but please just forget about what she said a while ago, medyo paranoid lang minsan." sabi ko

"sorry I can't"he said

"what?"kunot noong tanong ko

"I made a promise, hindi ko ugaling magbreak ng mga promises."sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti niya.

" Wow! how kind of you?" I said sarcastically

"ahahahahahha!!" He laughed and I stood up.

"I have to go, nice to meet you Brian." paalam ko sakanya

"Hatid na kita" he offered

"No it's ok, don't bother yourself." Tanggi ko sobra na ako nahihiya at tingin ko napansin niya yun kaya hindi na siya nag insist, tumawa nalang siya ng mahina.

"bye" paalam ko at nagwave ako sakanya and he did the same.

"bye princess."Pahabol pa niya habang papalayo na ako, I raised my right hand and wave without looking at him and I smiled.

Pagdating ko sa cabin wala parin yung mga roomates ko kumain at nagayos lang ako ng sarili at nagkulong na sa kwarto.

Nagbabasa ako ng book ng bigla kong maalala ang nangyari kanina, muntik ko ng mapalo ng gitara si brian dahil sa gulat at takot ko, GOD! nakakahiya.

Sinabihan ko pa siya ng kapre sa gwapo niyang yun,ahaha!! tama gwapo siya pero hindi ko din masayadong napagmasdan ang mukha niya nakakahiya naman kung tititigan ko siya.ehehe!

Ow I remember siya ata si Brian yung sinasabi ni betty, naku kaya naman pala ganun yun namimilipit sa kilig gwapo naman pala talaga.

**************

It's monday today tumingin ako sa alarm clock 7:00am, 10am pa pasok ko, I drew up and arranged my bed.

I went to my bathroom and get some bath, brush my teeth after took a bath, I blow my hair dry up and dress up. That's it, putting some make up it's not a part of my daily routine...

I'm wearing a plainwhite spaghetti strap maxidress na fit na fit sa waist ko.

Lumabas ako ng kwarto ng may narinig akong ingay mula sa baba, nandiyan na ang mga housemate ko pero may mga boses ng lalaki akong narinig, nahiya tuloy akong bumababa. mabait kaya sila? baka naman matataray, oh god!

Habang nakasandal ako sa pinto ng kwarto ko may biglang lumabas sa katapat kong kwarto.

I saw a beautiful girl, wow!! tall, mistisa, perfect face, brown eyes, medyo curly ang brown hair niya, sexy kahit hindi malaki ang hinaharap hindi nakabawas sa kaseksihan niya.

Sakin sakto lang sa katawan ko ang size ng bust ko hindi maliit pero hindi sobrang laki, hindi katulad ng sa iba na halos pumuputok na sa laki na halos lalabas na sa damit na suot.

" hello"

Bati niya na parang nagulat na naaamaze ang expression ng mukha niya I do not know exactly.

"hi"Bati ko sakanya

" Hi, im Cassie, ikaw ba yung new roomie namin?"

" Yes ako nga I'm Chelsy."

" Oh my!!nice to meet you."

Sabi niya habang lumalapit sakin at niyakap niya ako, wow hindi lang maganda ang bait din niya.bumitaw siya sa pagkakayakap sakin

"GOD! you're so pretty." sabi niya na hindi parin nawawala ang expression ng mukha niya simula kanina pagkakita niya sakin, wala akong masabi kaya ngumiti nalang ako sakanya, parang nahiya tuloy ako sa papuri niya.

" So, what are you doing here? bakit hindi ka bumaba?"tanong niya

"Bababa na sana kaso may mga tao ata sa baba parang nahihiya ako." sabi ko

"Silly, bakit ka mahihiya? don't mind them sila kuya lang yun and the company, tara baba na tayo para makilala mo sila Celline." Sabi niya at tumango nalang ako at sumunod sakanya.

" Guys! look who's here our new roomie." sigaw ni cassie habang patakbong bumababa sa hagdan.

"Really! she's here na?"

"Oh gosh where is she?"

Boses ng mga babae, grabe parang excited na excited sila mameet ako nakakahiya naman.

Pababa na ako ng hagdan at tumahimik sila lalo yung dalawang lalaki na nagtatawanan kanina ay tumahimik at nakatingin sakin, yung expression ng mukha katulad ng kay cassie kanina.

"hi" Tipid na bati ko saknila

"hi/hello" sabay sabay na bati ng dalawang babae at lumapit sila sakin at nagpakilala isa isa, binigyan ako ng mahigpit na yakap habang sinasabi nila ang pangalan nila.

" Hi I'm Celline." maganda siya katulad ni Cassie, chinita siya straight na mahaba ang buhok na itim na itim, mistisa din.

"Hi I'm Colleen" Hay puro magaganda lahat mistisa, matangkad, sexy,pretty face. bawal ba ang hindi maganda dito.GOSH!

" Oh my!!!madadagdagan nanaman kami ng pretty girl."Sabi ni Colleen na excited na excited.

"Oh by the way, these are Kevin and Vince."Pakilala ni Celline sa dalawang lalaki,nagmamadalinglumapit ang dalawa sakin at nagpakilala.

" Hi I'm Kevin, you look pretty."

" Hi I'm Vince, you look gorgeous." Sabi ng dalawa at nakipagkamay sakin.

"Oh tama na pinapairal niyo na naman ang pagiging babaero niyo, wag niyong isasama si Chelsy sa mga babae niyo or else you're dead. both of you." Pagbabanta ni celine sa dalawa

"Grabe naman Celline, hindi kami ganun si James lang ang ganun." sabi ni vince

"whatever!" Cassie, Celine, Colleen said ng sabaysabay at natawa naman ako.

Biglang may nahagip ang mata ko na lalaki na nakaupo sa couch na titig na titig sakin at nakangiti.

" Hey Brian." Sabi ko, kaya napatigil yung lima sa pagbabangayan nila.

" Hi princess"Brian said, naginit yung mukha ko sa sinabi niya, bakit ba niya ako tinatawag na princess?

"Do you know each other?" Cassie asks

" Yes, we've met yesterday."

" Woah woah woah! siya yung sinasabi mong diwata na nakilala mo kahapon pre?"Kevin asks

Nagulat ako sa sinabi ni Kevin at feeling ko uminit lalo yung mukha ko at namumula, nakakahiya pagtingin ko kay Brian parang hiyang hiya din siya.

"WHAT!?AAAHHHHH!really! did kuya say that? that Chelsy is diwata."Sigaw ni Cassie habang niyuyogyog niya ang braso ni Kevin.

"Haist! Cassie wag ka ngang sumigaw, kung makatili ka para kang yung mga babae na kinikilig pag nakikita ako eh." pak pak pak

"Aaaraayyyyyy!!!kayong tatlo grabe na kayo, makabatok kayo diyan mga amazonang to." binatukan isa isa ng girls si Kevin

" ano?" Sabi ng tatlo na nakapamaywang at pinandilat si Kevin.

" wala!!" Sabi ni Kevin na hawak ang ulo.

"Ang yabang mo kasi, and don't you ever compare us to those bitches na kung makatili labas pati vocal chord no." Colleen said

"At isa pa hindi naman ikaw ang tinitilian nung mga yun, sila kuya..duh! ang pangit mo kaya."Cassie

Tawanan kaming lahat at si Vince tawa ng tawa nakahawak pa sa tiyan, parang tuwang tuwa sa ginagawa kay Kevin ng girls.

"ahahahahahaha!! ahahahahahhaha!!" Tawa ng tawa si vince at binato siya ni Kevin ng unan.

"Tuwang tuwa ka diyan gago ka ha."Sabi ni Kevin while pointing Vince.

Tawanan uli ang lahat,wow!! ang saya pala nilang kasama pakiramdam ko matagal ko na silang mga kaibigan sobrang comfortable nilang kasama.

" Ok! ok! ok! so ano nga yung sinasabi mo kanina Kevin? about sa sinabi ni kuya kahapon?" Naku ayan nanaman nagtanong nanaman si Cassie nakakahiya naman.

"WALA!pagkatapos niyo akong saktan manigas kayo."

" Haist!!you're so kakainis talaga, you're so maarte." Colleen

"Vince ano ba yun? ikaw nga magkwento?"Cassie

"Sorry girls wala yang alam.wahahahahaha!!" kevin evil laugh

"Oh sige ayaw mo sabihin ah wag kang kakain ah, tara guys let's eat." Cassie

"Ito naman sige na sasabihin na, hindi na mabiro. oh oh oh masakit na ulo ko ah." Sabi ni Kevin dahil babatukan nanaman sana nila cassie kaya nagtawanan nanaman.

"Basta sa pagkain ang bilis mong mapa-oo pre. ahahaha!!" Vince

"Dali! ano na?" Tanong ni Cassie na inip na inip.

"Wala yun tara na kumain na tayo" Brian

" No! just tell us na bilis na Kevin." Cassie

"Kasi itong si Brian kahapon umuwi ng bahay yung ngiti abot tenga, tinanong ko kung napaano kasi ngiting ngiti at tulala sabi niya nakakita daw siya ng diwata, magandang magandang diwata." Kevin

" Aaahhhhhh oooh myyy geee!!" Sabay sabay ng tatlong girls, hiyang hiya naman si Brian na nakayuko at pati ako sobrang kahihiyan na inaabot ko mula pa kahapon.

" Hoy san kana pupunta?" Tanong ni Cassie kay kevin na pumunta sa dining table at umupo.

"Umupo na kayo dito mag breakfast na tayo." Kevin

" Susuportahan kita diyan dude." Vince na sumunod na rin.

"Hay basta sa pagkain talaga oh, katakawan ng dalawang to. tsk." Colleen

" Let's go chelsy kain na tayo." Aya sakin ni Cassie sabay hila sakin papauntang dining.

Habang kumakain kami.

" So, paano pala kayo nagkakilala ni kuya Brian kahapon?" Tanong ni cassie na ngiting ngiti.

" huh? kasi,..."

"Kasi muntik na dw si Brian paluin ng gitara ng diwatang kumakanta, kasi napagkamalan siyang kapre. ahahahahah!!" Putol ni Kevin sa sasabihin ko. Hay hiyang-hiya na talaga ako.

"Oh my! talaga hahampasin mo ng gitara si kuya? ahahahaha!!" Sabi ni Cassie at nagtawanan na naman ang lahat.

"Yun lang pala ang makakapag pangiti at makakapagpatulala kay Brian eh, yung babaeng hahampas ng gitara sakanya, dapat pala dati pa tayo naghanap ng babae na papalo sakanya ng gitara. ahahahaha!!" Nasamid si Brian sa sinabi ni Vince at napuno ng tawanan ang buong cabin namin.


BRIAN

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bagong housemate nila Cassie. Habang bumaba ng hagdan si Chelsy, hindi lang pala siya maganda talagang sexy din, the curves of her body is in all the right places and she has small waist siguro pag sinukat ko ang baywang niya ng dalawang kamay ko kasyang-kasya lang. She's stunning sa suot niyang white dress kahapon hindi kita ang curves ng katawan niya dahil loose t'shirt ang suot niya.

"Sige Chelsy una na kami." sabi ko

"sige" Sagot niya papalabas na sana ako ng

"Ah Chelsy."

" Uhmm?"

"Pasensiya kana ah."

"huh?"

"Sa mga sinabi nila Vince at Kevin kanina."

" Ahh, wala yun haha."She said and she laughed sofly.

"Okay, sige una na kami."

Lumabas na ako,nasa labas na sila Kevin at Vince.

"bye diwata"Sabay na sabi nila Vince at Kevin at nagwave at ngumiti samin si Chelsy at nagwave din.

Tuluyan na kaming umalis, naglalakad na kami papuntang cabin para magbihis para pumasok na sa klase namin.

"Hi hearttrobs."

"Hi brian my loves."sigaw ng mga babaeng nadadaanan namin.

"hi girls" Kevin/Vince

" Ang ganda pala talaga ni Chelsy no pre?" Kevin said tumango lang ako.

"Grabe mukha talaga siyang diwata, sexy pa." vince

" Ano pre tinamaan ka no?"Tanong sakin ni Kevin na may kasamang siko sa tiyan ko, nagsmirk lang ako at nauna sa paglakad sakanila papuntang cabin, pagpasok ko ng bahay nandun si james nakabihis na.

"Hoy dude musta?" Kevin sabay naggive me five kay james.

" Makakumusta ka kala mo ilang araw tayong hindi nagkita ah." Iiling iling na sabi ni James

" Ahahaha!!wala lang, sayang dude hindi ka sumama kanina samin kila Cassie, hindi mo tuloy nakilala si diwata." Sabi ni Kevin.

"diwata?"James asked

"Bagong housemate nila Cassie, ang ganda mukhang tinamaan nga si Brian eh."kevin

"Ahahaha!!bago yun ah si Brian tinamaan, interesting." Sabi ni James na tatango tango

"Baka naman katulad lang yan ng dati, sino nga yun?" sabi ni James na nagiisip

"Grace, yung nang gapang kay Brian, ahahahaha! t.inang babaeng yun no? ahahaha!" Tawa ng tawa si Kevin ng maalala niya yun

"Oo yun nga, kunyari mahinhin pakipot pa pero hindi rin nakatiis siya na ang ng gapang." iiling iling na sabi ni james

" Hindi tol iba to pagnakita mo baka tamaan ka rin dito, maganda to, sexy demure na demure, mahinhin talaga to parang hindi makabasag ng pinggan."Vince said

" Magbihis na nga kayo, malalate na kayo puro kayo babae umagang umaga." james

" Oohh nagsalita ang hindi babaero." Sabi ni Kevin at umakyat na para magbihis sumunod na rin kami ni vince.

.

CHELSY

Pababa na ako ng cab sa tapat ng architecture building, may cab na sumusundo sa mga students sa kanilang dorm at cabin dahil may kalayuan ito sa mga building kung saan ginaganap ang klase.

Huminga muna ako ng malalim bago sana pumasok sa building and I look up para tignan ang kabuuan ng building but I saw some students staring at me, they're smiling at ang ibang boys nagwave sakin and nag hi.. I smiled back at them politely.

Bago ako tulayang naglakad papunta sa building daladala ko ang project ko miniature house, umakyat ako sa second floor,sa 1stfloor ang freshmen, sa second floor ang 2ndyear, 3rd floor junior and 4thfr.senior.

Yung mga naggreet sakin kanina nadaanan ko at puro hi/hello ang narinig ko sa kanila, may kunting girls naman pero tinitignan lang nila ako mula ulo haggang paa. AWKWARD MUCH!

Nakita ko namam ang room ko binuksan ko ang pinto.. biglang natahimik ang lahat na kanina ay maingay, parang gulat ang expression ng mukha and amazement is in thier faces.

Well, unexpected naman kasi ang pagdating ko kaya siguro nagulat sila new face.

Yung dalawang babae naman parang nagulat din pero nang makabawi biglang sumama ang mukha, tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa..

Ano bang problema nila? Ganyan ba sila mag welcome ng new classmate, So cold, ang lamig na nga dito sa classroom room ang cold pa nila. Umupo nalang ako sa vacant chair.

Maya maya pumasok na ang professor.

"Good morning guys." Prof. greets them,

wow! cool prof.

" Good morning Mr.Pascual." Sabay sabay na sabi namin.

kilala ko na rin yung mga prof.namin but not personally dahil sa sched.na binigay sakin ng addmin kasama dun ang nga name ng magiging professor ko.

" ok--

"Goodmorning Mr.Pascual." Naputol ang sasabihin ni Mr.Pascual ng biglang may nagsalita na kakapasok lang.

"You're still late, ano na naman dahilan mo Castro?" Mr.Pascual

"Pasensiya na ho sir traffic eh."

Pagkasabi nun nagtawanan ang lahat at nagkamot nalang ng ulo si Mr.Pascual.

Paano nga naman kasi mata'traffic eh nasa loob lang naman kami ng campus nage'stay.

Nahulog ang ballpen na hawak ko kaya pinulot ko ng biglang.

" Hoy! hindi mo ba alam na upuan ko yan?" Sabi nung lalaking bagong dating.

Pagkapulot ko ng ballpen umayos ako ng upo para makita ko yung kumakausap sakin, tumingin ako sakanya sarcasm is in his face, pero unti unti ding nawala ang looks na yun at napalitan ng pagkagulat at kunot noo.

" Sorry hindi ko kasi alam, sige lilipat nalang ako ng upuan." kahit masungit nginitian ko nalang siya kasi nagbago naman yung expression ng mukha niya.

" Ah..ah hindi na,diyan ka nalang doon nalang ako sa katabi."sabi niya

Ngumiti nalang ako at umupo siya sa katabing upuan ko.

"Woahh for the first time naging gentleman si Castro oh. ahahaha!"sabi ng isa sa classmate namin.

.

"Ikaw ba naman makakita ng diyosa hindi ka kaya magiging maamo. ahahaha!" Sabi naman ng isa at nag tawanan ang lahat nakagat ko nalang ang lower lip ko at yung katabi ko naman napahimas nalang ng ulo.

" Ok, that's enough masyado na kayong masaya." sabi ni Mr.Pascual

" You must be miss Sebastian?"tanong niya sakin.

"Yes sir"I replied and nodded

"Would you please introduce yourself."

tumayo ako para magpakilala

"Good morning everyone, I'm Chelsy Sebastian." I introduced myself simply and I smile. kinuha ko ang miniature house at dinala kay Mr.Pascual.

" Sir ito po yung project ko."binigay ko at pinagmasdan niyang mabuti iniikot ikot na parang sinisiyasat mabuti.

oh my hindi ba niya nagustuhan?

Nagcross finger nalang ako

" Wow! great job miss sebastian this is perfect, it's more than what I've expected parang professional ang gumawa." Amaze na amaze na sabi ni prof.

"Okay, before ko to i'grade bibigyan kita ng exam may iba kasi na nagpapagawa lang ng project nila, Ipapasa nila pero pagpinagexam ko sila hindi naman masagot hindi alam ang gagawin kasi nga hindi sila ang gumawa, about lang din yan dito sa miniature na ginawa mo kung ikaw ang gumawa masasagutan mo yan."binigay niya sakin yung test paper na sasagutan,15minutes natapos ko ng sagutan dahil ako naman talaga ang gumawa.

Binigay ko sakanya yung testpaper at cheneck nia at bumalik uli ako sa upuan ko.

napatango tango si Mr.Pascual

"Okay miss.sebastian flat 1 is yours" Mr.Pascual said

" Wow!thank you sir."yun nalang ang nasabi ko.

" Wow! galing mo,alam mo bang ikaw lang ang binigyan ng flat1 niyan mula ng nagturo yan dito."sabi ng katabi ko

"TALAGA!as in ako lang, ngayon lang nangyari ang flat1 grade? weh di nga?"hindi ako makapaniwala,actually mas nagulat pa ako sa sinabi nung katabi ko..kaysa sa sinabi ng prof. Ko.

Sino ba naman hindi magugulat dun ibig sabihin I'm good dahil ako lang ang nabigyan ng ganung grade...WOW!!

"You're so unfair sir, late na niya pinasa ang project niya tapos flat1." Sabi ng babaeng nasa harap ko.

Anong late pinagsasabi nito? hello nextweek pa kaya deadline ko.

"kung maigagawa mo ako Miss. Vasques ng ganito, exempted kana sa lahat flat1 na agad grade mo sa report card mo." Mr . Pascual

" Threaten ka lang Grace kasi mapapalitan ka na sa trono mo, hindi na ikaw ang pinakamaganda sa architecture dept. si Chelsy na ang pinakamaganda, sa buong campus pa. ahahaha! Sabi ng classmate namin na tumawa pa ng pagkalakas-lakas.

"tse!!" sabi nung girl na Grace ang pangalan at tumingin sakin at inirapan ako. hay lalo ata tong magagalit sakin.

Lunchtime na magkikita kami nila Cassie sa cafeteria kasama sila Brian naglalakad ako sa hallway ng architecture building ng........

"AAAAHHHHHHHHHHH!!!!OOOEEMMMMGEEEEE!!!!"

Nagulat ako ng may mga sumisigaw tumitili at nakatingin banda sa my likod ko.

" Grabe ang gwapooo talaga ni Jamessss"

"S.i Brian din..aaahhhh kailan kaya nila ako mapapansin?"

"Ang cute ni Kevin and Vince."

"AAAAHHH! I'm gonna die."

Yan ang mga naririnig ko sa mga babae dito, madami din palang mga babae dito sa ibang section kala ko kunti lang, pagakyat ko kanina kunti lang nakita ko,tatlo lang kasi kaming babae sa section namin.

Sila Brian lang pala ang dahilan ng mga tilian dito, ganyan ba talaga sila sinasamba dito? parang mga artista lang na rumarampa sa red carpet,pero sabagay hindi ko naman sila masisi ang gwa-gwapo naman talaga nila.

Maraming gwapo dito pero standout ang kagwapuhan nila, huminto ako sa gilid ng hallway para lingunin sila at para mag HELLO sana, pero paglingon ko sa isang tao lang napako ang tingin ko sa isang kasama nila.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang namanhid ang buong katawan ko, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung ilang beses ako napalunok.

Ang mukhang yan kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan.

"james"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top