CHAPTER 15

"Okay na ba gamit niyo? Wala na ba kayong naiwan?" Brian asked

Nagr'ready na sila para bumalik ng FU nasa labas silang lahat at sasakay na ng kotse.

"Ate!!!" Si Hannie patakbong lumapit sakanya at yumakap.

" Ate magb'bye lang po kami sayo ni kuya Carlo." sabi ng bata

"Kinulit niya ako na pumunta dito, gusto daw niya magpaalam sayo." Sabi ni Carlo

" Tsss! Baka ikaw lang ang may gusto eh." Bulong ni James na siya lang ang nakarinig.

"You're so sweet baby, sana magkita uli tayo. Be good girl ah." Sabi ni Chelsy kay hannie.

"Opo promise!" Hannie said and raised her right hand as a sign of promise.

Binigyan niya ito ng halik sa pisngi.

"Ate si kuya kiss mo din, kasi aalis kana." Sabi ng bata

" Baby hindi pwede, pasensiya kana Chelsy ah." Sabi naman ni Carlo

" Pwede po yun, sige na ate please!!"

" Hoy bata! Bawal sila magkiss. Ang nagkikiss lang pag mag boyfriend. " sabi ni James na medyo lumapit sakanila.

"Pwede yun kasi sa tv napanood ko nagkikiss pag aalis na, kahit hindi boyfriend." little girl said

" Hindi pwede kasi magagalit ang boyfriend niya." Sabi ni James

"Wala naman siya boyfriend. Sabi ate wala siya boyfriend eh. "

" Meron! ako ang boyfriend niya. " pinangdilatan ito ni James.

"Sabi ate Chelsy hindi ka niya boyfriend, hindi kayo bagay. Bagay sila kuya Carlo kasi pogi siya at doctor pa." Hannie said

"Ahaha!! doctor ng ano? Ng mga isda." sabi ni James

Natawa tuloy ang lahat sa sinabi ni James. Pero si Chelsy hindi at Carlo na masama ang tingin kay James.

" Hoy James! tumigil Ka ah, pati bata pinapatulan eh." Sabi ni Chelsy sabay hampas sa tiyan ni James.

" Halika na kasi alis na tayo! gagabihin tayo nito.." aya ni James

Pero si Hannie bigla nalang umiyak, kaya tarantang umupo si Chelsy  para maging magkalevel sila ni Hannie.

"Hey baby don't cry." Chelsy said, habang pinapatahan si Hannie

Nilingon niya si James at pinangdilatan niya, nagkibit balikat lang ito.

Pero biglang lumapit si Brian at umupo sa harap nito ni Hannie.

" Hello little girl! I'm kuya Brian wag kana iyak ah. Tignan mo si ate Chelsy. diba ang ganda niya?" Tumango naman ang bata.

"Gusto mo maging pretty katulad niya?" Patuloy ni Brian tumango uli ang bata.

" So dapat, hindi ka umiiyak. Kasi si ate, never siyang umiiyak, lagi lang siya nakasmile kaya pretty siya. " Brian kept talking until the little girl slowly show up her smile.

Tumingin ang bata kay Carlo at Brian palipat lipat ang tingin bago nagsalita uli.

" Kuya Brian pag ayaw ni ate kay kuya Carlo, ikaw nalang po ligaw sakanya ah. Kasi bait ka po bagay din kayo pogi ka." Sabi ng bata at natawa sila sa sinabi nito.

" Yes little girl, liligawan ko si ate Chelsy." sabi ni Brian at tumingin kay Chelsy.

" Wow! Brian she likes you. magaling ka pala magpaamo ng bata eh." Chelsy said

" Ate si kuya Brian nalang, wag ka mag papaligaw diyan sa masungit, heartbreaker yan." Bulong ng bata kay Chelsy.

Pero ang lakas ng bulong kaya naririnig din ng lahat. Kaya nagtawanan silang lahat pati si Chelsy natawa sa sinabi ng bata. Maliban kay James na ang sama na naman ang mukha.

" Hoy bata! ano ang sinabi mo? Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng heartbreaker ah?" Sabi ni James

" Oo, sinasaktan mo ang puso ng mga girls." Sabi ng bata kaya lalo sila nagtawanan.

" Paano mo nasabi? bakit kilala mo ba ako? itong batang to ang daming alam. Naku!!! kung hindi ka lang talaga bata."

" Sabi ni kuya Carlo yun sakin."

"Ayon naman pala may nagturo, anong alam ng kuya carlo mo? hindi naman niya ako kilala." Sabi ni James na ang sama ng tingin kay Carlo.

"Halika na baby uwi na tayo, sige Chelsy una na kami ah." Sabi ni Carlo

" Ate tawagan kita, bigay mo sakin number mo." Sabi ni Hannie

" Hayyy!! pati pagkuha ng number inutos mo, ibang klase." sabi ni James kay Carlo

" Wala akong alam diyan." Sabi ni Carlo na parang pikon na rin kay James.

" Okay, sige baby ibibigay ko." kumuha si Chelsy ng calling card sa card holder niya at binigay kay Hannie.

"Bye ate! Bye kuya! Ba-bye sainyong lahat." Paalam ni Hannie sa lahat, pero kay James hindi nagpaalam sabay hila sa kamay ni Carlo para umalis.

Pero huminto uli ito at lumingon.

" Pangit!!! Behp" Pahabol niya kay James at nagbelat pa.

Nagtawanan sila sa ginawa ng bata at si James pikon na pikon.

Nagsipasok na sa sasakyan ang iba, dalawang sasakyan ang ginamit nila ang kay Cassie at Kay Celline. Dahil masyadong maliit ang kotse ng heartthrobs, dahil sports car ang ito. kaya ito ang dinala nila,  magkakasama sila Vince, Kevin, Colleen at Celline sa kotse ni Celline at si Vince ang nagd'drive.

Sa kotse naman ni Cassie sila Brian, James, Chelsy, and Cassie.

"Chelsy dito kana." Sabi ni James at pinagbuksan pa siya ng pinto. Sa passenger seat.

kaya sumakay nalang din si Chelsy, si Brian at Cassie sa backseat.

Pumasok na rin si James sa driver seat, siya ang magd'drive. nung papunta sila ng Tagaytay si Brian ang nagdrive.

Lumapit si James sa kinauupuan ni Chelsy. tinukod nito ang isang kamay niya sa upuan ni Chelsy.

Ang mukha nila sobrang lapit na, kaya natense na naman siya.

Ano nanaman  ang binabalak ng lalaking to.....

"Fasten your seatbelt." Sabi ni James habang nakatingin sakanya at ngumiti ng nakakaloko at kinabit ang seatbelt niya.

Wheeww!!! Assuming ka chelsy.. sa isip ni chelsy

" Dude, dahan dahan sa pagdrive." Brian said

" Dude, Baka nakalimutan mo na ako nagturo magdrive sayo. Ako din unang nagkaroon ng driver license sa ating dalawa." James said

Medyo nagtataka sa inaasal ni Brian, dahil never naman siya nito pinagsasabihan sa pagdrive niya, kahit gaano pa siya kabilis magpatakbo.

Hindi na sumagot si Brian. Biglang pinaandar ni James ang sasakyan na medyo napabilis sabay preno.

" Aaaaahhh!!" Aigaw ni Chelsy

" damn it James!! I told you to be careful." Brian shouted na lalong pinagtaka ni James pati ni Cassie sa inaasal ni Brian.

" Are you alright princess? " Tanong agad ni Brian kay Chelsy.  tumango lang si Chelsy.

They are on their way going to Laguna. Medyo mabilis magpatakbo si James ng bigla may sumulpot na truck sa may skinita, kaya biglang sumagitsit ang  gulong ng kotse nila sa biglang pagpreno ni James.

" Aaaaaahhhhhhh!!" Chelsy shouts loudly.

" Shit!! Itabi mo ang kotse James. BILIS!!!!" Sigaw ni Brian.

Sumunod nalang si James na iiling-iling dahil kanina pa siya pinagsasabihan nitong bagalan ang pagdrive. Kahit normal lang naman talaga ang patakbo niya, hindi pa siya lumalagpas sa speed limit.

" Cassie baba! magpalit kayo ni Chelsy." Utos ni Brian,  sumunod nalang si Cassie kahit nagtataka din.

Bumaba si Brian at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Shit!!! You alright princess? " Tanong ni Brian kay Chelsy At hinawakan ang mukha nito.

Hindi man lang ito sumagot, putlang-putla ito at nangi-nginig ang tuhod at kamay. Inalalayan ni Brian ai Chelsy na bumaba.

Pinaupo niya ito sa backseat. Pinainom niya ito ng tubig.

Mukhang hindi naman napansin nila James ang pamumutla ni Chelsy.

" It's okay princess, just lean on me." Inakbayan ni Brian si Chelsy at pinasandal ito sakanya at mahigpit na hinawakan  ang kamay.

" Just close your eyes." Sabi ni Brian at masuyong hinalikan nito ang ulo ni Chelsy.

Sumunod naman si Chelsy,  pumikit ito. Si James naman panay ang sulyap sa salamin at tiim ang bagang.

Madilim na ng narating nila ang FU, tumuloy sila sa cabin ng girls.

" Princess wake up, we're here." Masuyong tinatapik ni Brian ang pisngi ni Chelsy.

Nakatulog ito sa byahe kanina at ngayon nakayakap si Chelsy kay Brian.

" Hey sleepy head! we're here." Umungol lang ito at mas humigpit ang yakap nito kay Brian.

Natawa ng mahina si Brian sa ginawa ni Chelsy.

" HOY CHELSY WAKE UP!!!!" Sigaw ni Cassie ng pagkalakas-lakas.

Dumilat naman si Chelsy agad sa gulat, pero hindi kumilos nakayakap parin kay Brian.

Tumawa si Brian ng mahina kaya umangat ang ulo ni Chelsy para tignan ang tumatawa.

Tsaka siya parang nahimas-masan. Nakayakap pala siya kay Brian,  bigla siyang umayos ng upo at yumuko na parang nahihiya.

" See, ganun ang paggising kuya. Ikaw parang lalo mong hinihili eh, parang ayaw mo magising eh. ahahaha!" Cassie said while laughing.

" Kayo na magpark nito." Sabi ni James sabay labas ng kotse at pabalibag na sinara ang pinto.

" Hay! isa rin yun, kuya ikaw na magpark ah." Sabi ni Cassie at lumabas na rin.

" Princess okay kana ba?" Brian asked

" Yeah, okay na ako, thanks for comfort me ah. kung hindi dahil sayo baka nahimatay na ako kanina, and sorry nakatulog ako, nakakahiya." Chelsy said

"It's okay, you look like an angel while you were sleeping." Brian said with a smile.

" Brian, napakabolera mo talaga. Sige na una na ako, thanks uli." She said and Brian nodded then she moves out in the car.

Lalabas na sana si Brian ng kotse ng may pansin siya sa upuan ng kotse.

Isang wallet kinuha niya ito.

Kay princess siguro to- naisip ni Brian.

Hindi siya nangingialam ng gamit ng iba, pero naisip niyang buksan ito para malaman kung kay Chelsy nga.

Pagbukas niya ng wallet natigilan siya sa nakita niya isang picture.

"Si James at Chelsy to ah.." He muttered.

" It was four years ago." Brian added

Picture ni Chelsy and James four years ago. May nakalagay sa picture 8/19/2009 kuha yun nung sa isang picture booth bago mag birthday si James.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top