CHAPTER 10

"Ako nalang ang magtatanong, Chels.. sabi mo na may first love kana? Who is he?" Celline asked.

" Hindi wag yun, As if we know that guy, kahit sabihin niya hindi naman natin kilala. Ito nalang. Are you still in love with your first love? kaya ka ba hindi parin nagkaka boyfriend? " Cassie asked

Shakssss!!! paano ko ba ito sasagutin?! if my first love is on beside me.

"Wag niyo na siyang kulitan." Sabi ni James na nag iba ang expression ng mukha.

"Is that difficult question?  The answer is only yes or no?" Cassie

" The question you have to answer yes or not, is the more difficult to answer. " James said

Tumingin si Chelsy sakanya, ang expression ng mukha ni James ibang iba kaysa kanina.

She saw the evident of pain and sadness in his face. Biglang tumayo si James.

"Let's stop this! This is nonsense. " Sabi ni James sabay alis.

"Anyari dun? Haayy grabe talaga to si James. Sala sa init sala sa lamig." Sabi naman ni Cassie

Tumayo na din si Brian at inaya na si Chelsy. Sumunod na rin ang lahat.

Nasa kwarto na sila si Chelsy, hindi makatulog, naalala niya si James.

Yung expression ng mukha ni James ang nakikita niya pagpumipikit siya.

Did I hurt him again? for the second time around. I should have to explain everything .. he Should know the reason why I missed his birthday, kung bakit ako nawala.

*************

Maagang nagising si Chelsy. 5:30am pa lang nagising na siya.

Sinubukan niyang matulog uli, pero hindi na siya makatulog, kaya naisipan niyang bumangon nalang, nagayos lang siya ng sarili at nagbihis.

Lumabas siya ng resthouse at naglaka-lakad sa may dalampasigan.

May nakita siyang grupo ng tao na parang may pinagkakaguluhan. Lumapit siya dito.

" Wow! ang daming isda." Sabi niya na tuwang tuwa, dahil buhay pa ang mga isda.

Ang kaninang maiingay at nagkakagulo sa mga huling isda. Ngayon, lahat nakatingin sakanya  at walang kahit na isang ingay na maririnig.

" Hello po, Good morning sa inyong lahat." Chelsy said and give them her sweetest smile.

Kaya ang lahat parang mas lalong mga tanga na nakatulala lang lalo na ang mga lalaki.

" Hoy!! para kayong mga tanga diyan, tulala n kayo." Sigaw ng isang matandang babae Hinampas pa ang iba ng hawak na maliit na batya at humarap sakanya.

" Pasensiya kana ineng ha. Ngayon lang yan nakakita ng kasing ganda mo." Sabi ng matanda at nginitian niya ito.

" Pero ineng pwera biro. Napakaganda mong bata! Artista ka ba? Modelo? Taga saan ka?" Sabi ng matanda na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

"Ahaha! Naku hindi po. Nag bakasyon lang po kami ng mga kaibigan ko sa resthouse ng isa sa kaibigan ko. Nag aaral po kasi kami sa FU. malapit lang po dito, kaya nagpunta po kami dito." Chelsy said with a smile.

"Wow! talaga po sa FU po? sa Fontilla university? Grabe! ngayon lang ako nakakita ng nagaaral sa FU. Mayayaman lang ang nakakapagaral doon." Sabi ng isang babae na mukhang 15 years old palang.

"Totoo pala talaga na sobrang gaganda ng nagaaral sa FU. Akala ko sabi sabi lang." Sabi naman ng isang matanda.

"At hindi ka suplada. Kahit sobrang ganda mo at mayaman. Mukha kang angel." Sabi naman ng isang matandang babae. Dahil sa itsura ni Chelsy kahit hindi sabihin obviously na mayaman ito.

Nahihiya na si Chelsy sa sobrang pamumuri sakanya ng mga tao.

" Are you selling those fishes?" Tanong nalang niya sabay turo sa mga isda.

" Yes miss" Sabi ng isang lalaki, na gwapo din, tall, dark and handsome kung tutuusin, lumapit ito kanya.

" Yes lang ang alam niyan miss na ingles. ahahaha!!" Sabi ng isang lalaki. Nagtawanan ang lahat. Kumamot nalang sa ulo ang lalaki.

"Ako nga pala miss si Carlo." Carlo said while extending his right hand and she shook it.

" I'm chelsy." Pikilala ni Chelsy and smiled.

Nakipag kwentuhan si Chelsy sa mga fishermen at sa mga babae doon.

Masyado siyang nalilibang dahil masaya ang mga itong kakwentuhan. Si Carlo naman panay panay ang titig sa kanya.

"KUYA CARLO!" Sigaw ng isang batang babae na tumatakbo papalamit sakanila at yumakap kay carlo.

Napatingin sakanya ang bata. Ang reaksyon ng bata nakanganga at nanglalaki ang mata.

"Walking doll." Sabi ng bata at nagtawanan ang mga tao dun.

Lumapit pa ang bata sa kanya at pinisil pisil ang kamay niya.

"Hannie, hindi siya walking doll. Mukha lang siyang doll." Paliwanag ni Carlo.

"Hello po, I'm Hannie Vega. I'am 5years old." Pakilala ng bata. Nagsquat si Chelsy para maging magkalevel sila ng bata.

" You're so adorable little girl. I'm ate Chelsy." Chelsy said at pinisil niya ang pisngi nito. Biglang yumakap sa kanya ang bata.

" Hannie, tama na. Nasasakal na siya oh." Binitawan naman siya ng bata at nagpakarga kay Carlo.

"Kuya lapit ka kay ate....bilis, bilis kuya." Pamimilit ng bata kay Carlo habang karga siya ni Carlo.

Lumapit naman si Carlo at pinisil pisil ng bata ang pisngi ni Chelsy.

"Ahahaha!! you're so cute." Chelsy said. Natatawa siya sa ginagawa ng bata dahil pinangigilan siya nito na parang siyang laruan.

" Ate sama ka samin, ipapakita kita kay nanay... matutuwa yun, kuya sama natin si ate... Please kuya." Pangungulit ng bata

"Hindi pwede Hannie nakakahiya eh." Sabi ni Carlo

Pero patuloy ang pangungulit ng kapatid niya.

"Mamaya nalang Chelsy, pumunta ka samin may pabayle samin." Sabi ng matandang babae

"Pabayle?" Tanong ni Chelsy, dahil hindi niya alam ang pabayle.

" Sayawan yun Chelsy, tuwing fiesta ginagawa yun, masaya yun." Sabi ng matandang babae

"Sige na ate, sunduin ka nalang namin mamaya ni kuya Carlo, san ba ang resthouse niyo?" Sabi naman ng isang 15 years old na babae na Ella ang pangalan.

She wants to refuse but everyone is  asking her to come.

At ang bata nag tatantrums na, kaya napa oo nalang siya.

" Okay sige." Chelsy said

" Yeheeey!!!" Sigaw ng bata at tuwang tuwa.

Tuwang tuwa din si Chelsy sa naging reaction ng bata. the girl chuckled as she chucked her under the chin.

"We've been looking for you." Sabaysabay sila napatingin sa nagsalita.

"James!" Chelsy said.

"Nandito ka lang pala. They're all worrying." Sabi ni James na mukhang inis ang expression ng mukha.

" I'm just looking around." Chelsy said.

Kung kanina natulala sakanya ang mga tao doon. Ganun din ang lahat pagkakita kay James.

Pero ang mga babae abot tenga ang ngiti na parang kinikilig. Lalo ang mga teenagers na impit ang tili.

"Ineng siya ba ang boyfriend mo? Ang gwapo. Bagay na bagay kayo." Sabi ng matandang babae.

"Naku! naku! hindi ko po siya boyfriend. " Walang kagatol-gatol niyang tanggi.

"Let's go" Sabi ni James na hindi man lang ngumingiti.

"Chelsy kunin mo to." Sabi ni Carlo. Inabot sakanya ang nakataling dalawang malaking lapu-lapu.

"Ito din Chelsy kunin mo." Sabi naman ng isang matandang babae. Inabot sakanya ang isang malaking pusit na nakatali.

"Naku! Babayaran ko nalang po ito. Nakakahiya po sainyo." Sabi ni Chelsy.

"Wag na Chelsy. Sayo na yan. Basta mamaya sunduin ka namin ah. San ka pala namin susunduin?" Tanong ni Carlo.

"Doon lang kami sa resthouse ng Falcon." Chelsy said.

"Ah doon pala kayo sa pinakamalaking resthouse dito." Sabi ng matandang babae.

" Opo doon n--

" Let's go." James cut her off Hinatak na siya bigla ni James.

"Bye ate!" Sigaw ng bata at nagwave. Gumanti din siya ng wave dito habang papalayo.

"Mukhang nagselos yung boyfriend ni tisay. Paano ba yan Carlo may nagmamay-ari na pala kay tisay." Narinig pa nilang sabi ng isang lalaki. Kaya lalong nagtiim ang mga bagang ni James.

"James wait!.... Ano ba? dahan dahan nga." Binitawan siya ni James, pero hindi ito huminto sa paglalakad. Kaya takbo lakad ang ginagawa ni Chelsy para habulin si James.

At hindi man lang kinuha ang dala dala niyang mga isda. Ang bigat pa naman dahil ang lalaki.

"Hey James! what's wrong with you ba?" Tanong niya. Huminto naman ito at humarap sakanya.

"Seriously!? We've been looking for you and we were worrying about you... Paggising namin wala kana doon. But you seem happy talking to strangers. Na parang wala ka man lang iniisip na may mga taong nagaalala sayo. And you're asking me, if what's wrong with me." Mahabang sabi ni James na tiim ang bagang..

" I'm sorry" Chelsy said softly and bit her lower lip. Kasalanan niya talaga kanina pa siya doon.

" At may balak ka pa talagang makipag kita mamaya sa Carlo na yun." James said

" They invited me. Nahiya naman akong  tumangi. And they look nice naman ka--

"Nahiya ka... kaya um'oo ka? kahit hindi mo sila kilala? unbelievable!" Putol ni James sa sasabihin ni Chelsy sabay talikod. Habol naman si Chelsy.

Habang naglalakad sila may mga nadaanan silang tao na nakatingin sa kanila.

"Ang gwapooo  naman nun grabeeee!!!" Stranger lady said

"Hello miss beautiful. " stranger man greeted her.

"Hello po." She greeted him back and smile. Lalong nabuwesit si James sa narinig niya.

"Will you please stop that!" Sigaw ni James, sabay hinto at humarap ito sakanya.

"What? Ano na naman ang ginawa ko?" She asked. confused.

"Pwede ba Chelsy! Matuto kang magataray paminsan minsan. And will you try to ignore people who greeted you and stop smiling. Lagi ka nakangiti sa tao kahit hindi mo sila kilala."

"Is that the problem? Smiling at the person who greeted me. GOSH!!I'm just being polite and there's no reason para magtaray at sumimangot. I'm not like you. Ikaw kasi lagi ka nakabusangot. Parang pasan mo lagi ang mundo. Bakit ka ba ganyan? hindi ka parin nagbabago." Pero mukhang lalong nagalit si James. Mas lalong sumama ang mukha, tumalikod ito at iniwan na siya.

Ano ba Chelsy lalo ata nagalit .. ang daldal mo kasi eh!!!!!!!

Nakarating sila ng resthouse na hindi siya pinapansin ni James.

"Hey princess! Where have you been?" Tanong ni Brian. Agad lumapit pagkakita sakanya.

Si James tuloy tuloy na umakyat sa taas at mukhang galit at sinara ang pinto ng kwarto ng pagkalakas lakas.

"What's wrong with that guy? PMS na naman. ahahaha!!" Cassie said.

"Wow! Ang laking isda niyan. Binili mo ba yan hija?" Tanong ng caretaker ng resthouse, At kinuha ang isda sakanya.

" Hindi po binigay lang po sakin ng mga fishermen na nakilala ko." Chelsy said

"Talaga!? Ang mahal nito para lang ibigay sayo ah. Naku! mukhang nagandahan sayo kaya binigyan ka nito. Hehe!!" Sabi ng caretaker na humagikgik ng konti.

"Ako nga pala si Manang Belen, ang caretaker ng resthouse nila sir Brian." Pagpapakilala ng caretaker

"Nice to meet you po." Sabi ni Chelsy.

Tuwing umaga nasa resthouse ang caretaker pero paggabi umuuwi naman to sakanila.

"Saan ka nga pala galing? kanina pa kami naghahanap sayo." Tanong ni Brian

"Oo nga Diwata.  Kala namin na kidnap kana eh. Nagpapanic na si Brian at James. "Sabi ni Vince.

"Sorry guys if I made you worried."

"Okay lang yun. Pero anong nangyari kay James? bakit mukhang badtrip?" Tanong ni Vince.

"Nagalit siya kasi kanina pa daw kayo nagaalala at tigilan ko daw ang kakangiti sa mga taong bumabati sakin. Magtaray daw ako paminsan minsan." Chelsy said.

"Ahahahaha! hanep talaga to si James. Adik lang no? Palibhasa bitter siya idadamay kapa." Cassie said.

"Yun nga ang sinabi ko sakanya. Na hindi ako katulad niya na parang pasan niya lagi ang mundo, kaya mukhang lalong nagalit. haist! ang daldal ko kasi eh."

" ahahaha! magagalit talaga yun. knowing James, such a grouch." Sabi ni Cassie naiiling iling.

Hindi na kumibo pa si Chelsy at umupo nalang sa sofa.

********

Si James nakahiga sa kwarto, nakabukas ang tv pero hindi naman siya nanonood ang lalim ng iniisip.

Anong karapat niya para sabihin sakin na ganito ako.? eh siya ang dahilan kung bakit ako ganito..

" DAMN IT!!!" Sigaw ni James sabay bato sa unan sa may pinto, saktong bumukas ito kaya tinaman ang kakapasok lang na si Vince.

" Woah! Bakit badtrip ka? Anong problema dude?" Vince ask pero hindi sumagot si James.

"Si Chelsy? May gusto ka sakanya no?" Vince added at humiga sa kama sa tabi ni James.

Kunot noong tumingin si James kay Vince.

" Kahit hindi mo aminin alam ko, kilala na kita eh.. hindi ka naaapektuhan  ng ganyan dahil lang sa isang babae, walang nakapagpapainis sayo ng ganyan na babae........ oo madalas ka mangbulyaw ng babae lalo pag nilalandi ka pero iba eh, at yung mga titig mo,tsk.. may tama ka." Vince said, and got off from the bed.

"Halika na,  ready na ang breakfast." Aya ni Vince at lumabas na ito.

Naiwanan si James na nakatingin parin sa tv walang reaction.

********

Lunchtime time na pero si James hindi parin bumababa, hindi rin kumain ng breakfast kanina.

Nasa dining na sila lahat except James.

Tumayo si Chelsy.

" Guys puntahan ko muna si James, tatawagin ko lang." Chelsy said

" Wag na chels, hindi yun bababa, swear! snob'in ka lang nun." Cassie said

"Subukan ko lang, kasalanan ko naman kung bakit siya nainis." Tumango nalang ang lahat sakanya.

Umakyat si Chelsy at kinatok si James.

"James. ..James. ...James" Chelsy calls him while knocking the door.

"Kakain na...papasok ako ah?"

Chelsy opened the door, and saw James is lying on the bed while watching tv.

Gising naman pala hindi sumasagot!! Grabe talaga ang topak nito sa ulo...tsk tsk tsk..

"James kakain na, tara na." Pero hindi talaga siya pinapansin nito, pero hindi siya susuko parang dati lang, lumapit siya at umupo sa kama.

" James please... sorry na sa sinabi ko, I felt guilty kasi hindi ka kumakain, let's go na.. baba na tayo...Please!!!let's eat na.."Pamimilit niya pero hindi parin ito kumikilos.

" Okay, kung ayaw mo kumain, di hindi rin ako kakain.... para quits tayo, gutom ka dahil sa akin, gutom din ako dahil sayo.." Sabi ni Chelsy, pero hindi parin ito natitinag.

" Haist!!! May ulcer pa naman ako, bawal ako magutom o kahit malipasan man lang ng gutom."hindi parin

"Ouuuchhhhhh!!!ang sakit... ayan na umaataki na ang ulcer ko, nalipasan na ako ng isang minuto...aaraayy." Nakahawak si  Chelsy sa tiyan niya, at nakabaluktot sa kama at nagpapagulong gulong ito.

Kunot noong tumingin si James sakanya.

" Aaaraayyyyyy!!! 1 minute and 30 seconds...lalong sumasakit talaga. " biglang tumayo si James at lumabas ng kwarto, tumigil si Chelsy sa pagarte at umupo.

" YES!!!! Ang galing mo talaga Chelsy." Tumayo siya at sumunod kay James

Pagbaba nila, nakatingin lahat sa kanila, malamang nagtataka kung paano niya ito napababa... si vince ngiting-ngiti kay James. .

" Wow dude!! Paano ka napapayag ni Diwata na bumaba?" Kevin asked pero hindi man lang siya sinagot o tinignan ni James umupo ito at nagsimulang kumain.

" Si Chelsy nagluto niyan dude, masarap no? Favorite mo yan diba?" Vince asked and smiled, pero wala man lang reaksyon si James.

Sweet and sour lapu-lapu ang ulam nila.

"Ah guys, pwede niyo ba ako samahan mamaya? sa kabilang baranggay may sayawan doon, they invited me kasi, nahiya naman ako  tumanggi, yung mga nagbigay sakin ng isda." Chelsy said.

" Wow!! sige game ako diyan.." Excited na sabi ni Cassie.

"Hindi ba yan delikado? baka mapahamak lang tayo niyan.." Brian said.

" Tsss.. hindi naman yan, wag nalang kaya kayong sumama, kami nalang." Celline said

" Eh kung ikaw kaya ang hindi ko pasamahin Celline. " Vince said

" I'm just kidding kuya, hindi ka pwedeng hindi sumama kasi mamimiss kita." Celline said and chuckled.

"Wahahahaha!! takot ka naman pala sa kuya mo eh." Kevin said

" SHUT UP!!!paano tayo pupunta dun? alam mo yun?"

" Susunduin tayo ni Carlo." Chelsy answered.

" Ooww... who is he?" Cassie ask

" will you meet him later. " chelsy answered and smiled.

Biglang tumayo si James, tapos na itong kumain, unang natapos sa kanilang lahat kumain at umakyat uli sa kwarto.

" Chels paano mo yun napababa?" Celline ask pero nagkibit balikat lang siya at tumayo na rin, at umalis.

" Haist!! gusto kong malaman kung anong ginawa ni chelsy para bumaba si James." Celline said

" Kakaiba talaga si chelsy, my GOD!! even the impossible things na gagawa niyang possible. " Colleen said na iiling-iling.

" Let's gonna ask James, sige na kulitin natin kuya, Brian, Kevin." Pangungulit ni Celline.

" Ang tsismosa mo Celline." Kevin said.

" Bakit?! Ikaw ayaw mo malaman?" Celline

" Gusto."

" See, gusto mo rin naman pala." Celline said while rolling her eyes.

" Hayaan niyo na yun." Brian said at tumayo na rin.

***********

" Hey dude! anong ginagawa mo." Lumingon si James sa may pinto..

Anak ng ano nanaman kaya kilangan nitong mga to sakin!?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top