Epilogue

Epilogue na 'to, guys. Salamat dahil sinuportahan niyo itong story hanggang sa matapos siya.

• • • • •

Makalipas ang limang taon...

° ° °

Colleen's POV

---

Matagal na panahon na rin ang nakalipas magmula ng ikasal kami ng asawa ko. Ngayon, may kambal na kaming kasa-kasama. Dati, ang tahimik ng buong bahay. Ngayon, may dalawang malilikot at mahahanging kambal na. Ang sarap pala sa feeling na nakikita mo yung mga anak mo na masayang, masayang naglalaro kasama ang Dada nila. Ang ku-cute nilang panoorin.

Ilang sandali pa'y lumapit ang isa sa mga kambal ko'ng anak. "Mama, can we buy some foods? I'm hungry na eh." sabi nito.

Siya si Casser, ang pinakamalambing kong anak. He's only a four years old kid pero mas matured pa siyang mag-isip kaysa sa Dada niya. Isip-bata nga naman.

Hinaplos ko ang likod niyang basa na ng sarili niyang pawis. "No. Mama will cook some snacks for you and Carvy. Just stay here at home. Okay?"

Ngumiti siya ng napakalapad. "Okay, Mama! Sarapan mo po ah." then he hugged me so I hugged him back.

"Yes, of course. I'm sure you will love Mama's snacks."

"Yes! Thanks, Mama." paalis na sana siya ng bigla ulit akong magsalita.

"Change your clothes first before turning to your Dada and play again." bilin ko na kaagad naman niyang sinunod.

"Okay, Mama." sagot nito bago umakyat papasok ng kwarto.

Ilang sandali pa'y lumapit sa aking tabi ang mag-ama ko'ng pagod na pagod na sa kakalaro. Bakit ang gwapo pa rin ng asawa ko kahit na pinagpapawisan na? Wala pa ring kakupas-kupas yung itsura niya. Patanda na nga ng patanda pero, pa-gwapo pa rin ng pa-gwapo.

"Mama, tubig nga po." utos nitong hinihingal na asawa ko.

Inabutan ko siya ng isang basong malamig na tubig.

"Mama, I'm hungry. Did you cooked some foods for us, Mama?" tanong nitong anak ko na hinihimas na ang kanyang gutom na raw na t'yan. Nakakaawa naman.

"I'm going to cook pa lang, baby. I'm sorry." sagot ko.

"Okay, Mama. I'll eat a little bit chocolate from the fridge, Mama. Cause I'm really hungry na eh." so no choice kundi pumayag na lang ako. Alangan namang pabayaan kong magutom ang pinakamatakaw kong anak. Magiging kawawa siya kapag pumayat siya.

Oo na, mataba na siya. Pero, hindi naman sobrang taba. Sakto lang sa age at hight niya. So, hindi mo masasabing overweight siyang bata.

Papunta na sanang kusina si Carvy nang bigla ko siyang tawagin at paalalahanan. "Baby, konti lang ah. Your teeth, baka masira." paalala ko.

"Okay, Mama. Noted!" sagot nito at nagpatuloy ng pumunta sa kusina.
Nagulat ako nang bigla akong yakapin nitong asawa at at bumulong. "Ang sarap talagang magkaroon ng sariling pamilya, Ma."

"Oo nga. Ang sarap sa pakiramdam." saad ko naman.

"Ano? Gawa pa tayo ng isa?" tanong niya na siyang ikinataka ko.

Dumistansya ako. "A-anong ibig mong sabihin?"

Sinapo niya ang mukha ko. "Ang ibig ko pong sabihin eh... gagawa pa tayo ng little sister nila." aniya.

I chuckled. Hinampas ko siya sa braso. "Sira ka talaga." tawang-tawa siya sa naging reaksyon ko. Baliw talaga.

"So, paano yung naging deal niyo ni Hans? Tuloy na ba yung bagong project?" pag-iiba ko ng usapan.

Bumuntong hininga siya. Umupo siya sa sofa sa may living room. Tinabihan ko siya. "Oo naman, pumayag siya. Alam mo naman na 'yon. Basta ako, hindi aangal 'yon." proud niyang sagot saka ako nginitian.

Si Hans kasi simula ng maging sila ni Crystal at mag-propose siya sa kanya, nagbalak na magkaroon na ng sariling kompanya. Buti pumayag nga yung Dad niya sa balak niya. Madalang lang niya kasing mapapayag yung Dad niya sa mga gusto niya. Kaya sobrang thankful niya kasi pinayagan siya.

So ngayon, tulungan yung dalawa para mapalawak pa ang samahan ng dalawang magkasamang kompanya. Ang kompanya namin ng asawa ko at ang kompanya ni Hans. Yung si Elvis kasi, restaurant yung sa kanya. Isang sikat na restaurant sa buong mundo.

Simula naman noong nagkaroon na kami ng anak ng asawa ko, sinubukan kong magpatayo ng maliit na bar na ngayon ay kumikita na ng daan-daang libo kada gabi. Marami kasi kaming costumers kapag bandang 9:00 pm to 12:00 am ng hatinggabi.

Si Honey? May bakery na ngayon. Sikat rin sa buong mundo yung mga gawa niyang matatamis na cakes, cupcakes, different flavors ng pie, at mga milk tea.

Lahat kami ay may pinagkakaabalahan na ngayon. Baka next month nga, mababalitaan na lang namin na buntis na si Crystal o kaya naman ay si Honey.

Hindi na'tin hawak ang panahon. Hindi na'tin mahuhulaan kung anong mga mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi rin na'tin hawak ang oras. Hindi na'tin masasabi kung anong magaganap pagkatapos ng kasalukuyan.

Ilang sandali pa'y tumunog bigla ang cellphone ni Casper. Kaagad niya itong sinagot. Lumayo siya mula sa akin. Importante yata yung tawag.

Pero hindi rin nagtagal at bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko. Mukhang may sasabihin siyang kailangan kong malaman.

"Mama?" kuha niya sa atensyon ko.

"Bakit, Da?" tanong ko.

"Dito daw magdi-dinner sila Honey at Crystal." sagot niya.

"Kasama sila Hans at Elvis." dugtong kosa sinabi niya.

Tumango siya. "Oo naman. Alam mo naman ng hindi gumagala yung dalawang bestfriend mo ng hindi kasama yung dalawang hinayupak nilang boyfriend."

Humiga siya sa lap ko. "So, anong ulam na'tin mamaya?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Mamaya pa 'yon. Yung ngayon ang tanungin mo."

"Oh sige, anong ulam na'tin ngayong tanghali?"

"Menudo." sagot ko.

"Naku! Mukhang mapaparami na naman ang pagkain ko ngayon ng kanin ah. Ang sarap kasi magluto ng asawa ko." pambobola nito.

"Tsk. Ewan ko sayo. D'yan ka na nga. Mambobola." nagsimula na akong tumayo at iniwan siyang mag-isa.

Napabalingkwas siya. "Totoo naman ah. Bakit? Ayaw mo ba'ng nasasabihan yung mga luto mo na masasarap?" sabi nito.

Hinarap ko siya at humalukipkip. "Gusto. Pero ayaw ko yung galing sayo." diretsong sagot ko.

"What? Why?" tanong niyang muli.

"Kasi mambobola ka kaya ayaw ko ng kahit na anumang papuri mula sayo." sagot ko.

Umupo siya mula sa pagkakatagilid kanina sa sofa. "Oh sige. Ganito na lang yung sasabihin ko."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang pangit ng lasa mga luto mo. Alam mo ba 'yon?" tsk! Inibanahan nga. Ginawa niyang pangungutya. Walang hiya talaga 'to.

"Oh sige, wala kang hapunan mamaya. Subukan mong kumain ng mga lulutuin ko ah." pananakot ko sa kanya. Sigurado akong gagana yung ginawa ko.

"What?!" sigaw niya.

Nginisian ko siya. "Hindi ba't ang sabi mo, hindi maganda yung lasa ng mga luto ko? Oh sige, manigas ka d'yan. Magluluto pa naman ako Special Pandesal mamaya. Yung may chocolate yung loob? Ang sarap pa naman no'n."

Tuluyan na akong umalis sa paningin niya. Sinubukan niya akong tawagin ng ilang beses pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya 'noh. Sabihan ba naman yung mga luto ko ng gano'n. Tsk! Manigas siya mamaya. Mag-ulam siya ng tubig at asin.

Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa rin yung bwisit na Casper na 'yon. Sigurado akong gagamitan na naman niya ako ng charms niya. Tapos ako naman itong si marupok, papayag na pakainin na siya ng niluto ko kahit na nilait niya kanina.


The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top