47
° ° °
Kinagabihan...
* * *
Crystal's POV
---
Nandito kami ngayon sa may living room. The party is already started few minutes ago. Nandito na lahat maliban nga lang sa mag-asawang Casper at Colleen.
Si Hans, lasing na. Gano'n rin si Elvis. Si Honey, hindi pa naman tulad ko. Kasi, hinay-hinay lang naman kami sa pag-inom ng alak. Hibdi tulad nitong dalawa na ginawa ng tubig ang iniinom nila. Halos punuin na nga ni Hans yung baso niya. Tss! Ganito ba kalakas uminom 'to? Hay.. Ang pinakaayaw ko pa naman ay yung lasinggero. Sayang siya, ang gwapo pa naman niya.
Si Elvis, kaya naman siya nalasing ng ganoon ka-grabe dahil sa kagagawan nitong si Hans. Hindi pa kasi nauubos ni Elvis yung alak na nasa baso niya, nilalagyan na naman ni Hans. Kaya paanong hindi sila malalasing na dalawa?
Lumapit sa akin si Honey at bumulong.
"Ano? Ididispatsa na na'tin itong dalawang hinayupak na 'to?"
Idinadamay pa ako nitong pangit na 'to sa kagaguhang naiisip niya.
"Pake ko naman sa balak mo 'di ba?" mahinahon kong saad.
Tinarayan niya lang ako at bumalik na sa pagkakaupo sa isang sofa chair.
"Eh 'di wag kasi."
Bahala siya. Mukhang nainis dahil sa sinabi ko. Talagang wala naman akong pake sa kung anong mga gusto niyang mangyari o gusto niyang gawin sa dalawang kasama namin ngayon. Wala ako sa mood.
Patuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa makita kong tahimik na yung tatlo na tulog na rin. Ako na lang pala ang gising. Pumunta na ako sa kwarto ko. Pero bago 'yon, inutusan ko muna yung isang katulong namin na ipaligpit iyong mga nakakalat doon sa living room.
Bumagsak na lang kaagad ang katawan ko sa kama ko. Kaagad akong nakatulog. Dahil siguro sa kalasingan ko na rin. Naparami yata ang inom ko ng alak.
///
Casper's POV
---
Nagluluto ako dito sa kusina habang itong asawa ko ay nasa living room, may kausap sa phone. Mommy iya yata.
"...Mom, alam ko naman po 'yon." rinig kong sagot niya sa kabilang linya.
"Oo nga po. Hindi po ba pwedeng sulitin muna namin ni Casper ang buong taon na 'to ng kami lang at walang iniisip na mga school works o school projects?" saad niyang muli.
"Ugh! Fine! Mag-eenroll na po kami. But, give me my allowances first."
"Yes! Thanks, Mom!
"Bye, Mommy!" masaya nitong tugon sa kausap saka binaba ang phone.
Tiningnan ko siya na parang nagtataka bago nagsimulang magsalita.
"You're still spoiled."
Kumunot ang noo niya. "Spoiled? Really, huh? How?"
Hinango ko ang niluto kong caldereta saka inilagay sa malinis na platito at inihain sa dining table. Siya naman, lumapit na dito sa dining table at umupo na sa upuan.
"Nakukuha mo lahat ng gusto mo."
Natawa ng kaunti. "Hindi nila ako inii-spoiled. Talagang sadyang mapagbigay lang ang Mom ko. Pati na si Daddy."
Hindi ko mapigilang mapaisip kung minsan. Paano kaya ang buhay ko kung nabuhay pa ang Mommy ngayon? Masaya kaya tulad ng asawa ko?
Hindi ko napansing may isa-isa na pa lang nahuhulog na mga luha sa mata ko kaya dali-dali ko itong pinunasan gamit ang palad ko.
"Umiiyak ka ba, Dada?" tanong nitong asawa ko.
Umiling ako. "Hindi 'noh. Bakit naman ako iiyak?"
"Aba, malay ko sayo." sagot niya. Ang taray talaga nito.
Napabuntong hininga na lamang ako saka nagsandok na lang ng kanin, kumuha ng plato, kubyertos at tubig mula sa fridge.
Magmula ng maging mag-asawa na kami, palagi na kaming kumakain ng magkasama. Sa umagahan man o tanghalian. Pati na rin sa hapunan magkasama kami.
* * *
Nang matapos na kaming mananghalian, pumasok na kami sa kwarto namin. Live stream dito, live stream doon ang ginagawa namin. Wala kaming ibang libangan eh.
Nang matapos na akong maglaro, binuksan ko ang messenger ko. Saktong pagbukas ko ng messenger ko, biglang tumunog iyon. Nag-aayang makipag video call sa akin si Hans.
Ano na naman bang trip nito? Nakainom na naman ba ito ng beer? Ugh! Minsan naiinis na rin ako sa kalokohan nito. Hindi na nakakatuwa.
"Ano?" panimula ko.
["Ano agad? Wala man lang bang.. 'Hi, my handsome friend!'. Wala naman lang kahit na konting lambing?"]
Tingnan niyo, demanding. Kailangan pa ba'ng mag-effort para lang sabihin 'yon? Tsk!
"Ano bang kailangan mo?"
["Si Colleen ang kailangan ko. Liligawan ko siya, bro."]
Luh? Parang t*nga ang walang hiya. Kasal na nga siya sa akin, liligawan pa daw niya. Kabobohan nga naman.
"T*nga ka ba? O talagang baliw lang. Ano gusto mo? Sapakan na lang oh. G*go!" nakaka bad trip ang p*ta!
["Chill ka lang bro. HAHAHA! Joke lang naman 'yon. Talagang patay na patay ka sa kanya 'noh? Akalain mo 'yon? Pati ako kaya mo ng saktan."]
"Malamang, asawa ko pinag-uusapan dito. Kaya, kaya kitang ihambalos at ilibing ng buhay kapag ginalaw mo siya kahit na kalabit lang. Maliwanag?" bwisit ka talaga, Hans!
["Oo na po. Teka? Asaan pala kayo ngayon? Free ba kayo bukas? May kailangan lang kasi akong sabihin sa inyo at kailangan ko ng tulong niyo."]
"Fine, nasa bahay kami ngayon. Matutulog na sana. Bukas, free kami. Wala kaming gagawin. Next week, mag-eenroll na kami sa isang university malapit dito sa bahay namin." saad ko.
["Maring vacant class bukas. Meet tayo sa isang coffee shop malapit dito sa University namin."]
"Okay, bye." tugon ko saka pinatay na ang tawag.
Naisipan kong punta muna sa sala. Manonood muna ako ng ibang palabas sa TV.
Pagharap ko, nagulat ako dahil bumungad si Colleen. Nakakunot ang noo niyang nakatitig lang sa akin.
"Sino 'yang kausap mo at parang nagmamadali ka'ng patayin yung tawag niya?" tanong niya.
I smiled at her. "Si Hans, iniinis na naman ako." sagot ko saka ibinulsa na ang phone.
Napangisi ako nang may maisip akong kagaguhan.
"Mama?"
"Hmm?"
"May naisip akong paraan para mawala yung pagkainis ko, Mama."
Kumunot ang noo niya. "Ano naman 'yon?"
Ngumuso ako sa kanya. "Kiss me, Mama." sagot ko sa kanya saka ipinantay ang nguso sa nguso niya at pumikit. "Please?" dugtong ko.
Iminulat ko ang mga maga ko dahil hindi ko naramdaman ang big niyang lumapat sa bibig ko. Tumatawa siya ng palihim pero mahina lang. Nalatakip kasi ang palad niya sa bibig niya.
"Mama naman eh. Sige na. Please?"
"Baliw ka talaga."
"Oo.. baliw na baliw sayo. Sige na kasi."
"Ayaw ko nga 'noh."
Umayos ako ng tayo. "Sige ka, ikaw ang magsisisi kapag hindi mo sinunod yung gusto ko." pananakot ko sa kanya pero mukhang hindi siya tinablan no'n.
"Eh ano namang gagawin mo kapag hindi ko sinunod yung gusto mo?"
Ngumisi ako. "I'll kiss your lips hungrily until you'll drop."
Tinaasan akong kilay. "Sige, kailan ba 'yan?"
Aba! Pumayag siya. "Now."
"What? As in now na talaga?"
Tumango-tango ako. "Oo."
Humalukipkip siya. "Hindi, mamaya na lang. Mamayang gabi." tugon niya saka ako nginitian at iniwan na nakatulala lang sa paglaho niya sa paningin ko.
Argh! Sayang! Di bale mamayang gabi naman makakabawi ako. Humanda iyang mga labi mo, Mama. Mamumula iyan sa mga halik kong mababangis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top