45

Guys! Salamat sa suporta niyo. Patapos na nga pala ang IILWAP. Malapit na ang simula ng bagong novel ko. Yes! Tama kayo ng pagkakabasa, I have a new novel. Yung Love Out Loud muna ang tatapusin ko. Then, yung another two novels ko pa. Kaya, abang-abang lang. Basta, basa lang ng basa. Padami na ng padami ang mga ginagawa ko para sa inyo.

° ° °

Colleen's POV

---

Tapos na ang kasal. Ang susunod naman ay ang pagtatapos namin bilang Senior High School Student.

Kasama ko ngayon sa school canteen ang dalawang bruhang bestfriend ko na kahapon pa tanong ng tanong kung anong ginawa namin sa loob ng dressing room ni Casper.

"Bakit ba ang kulit, kulit niyo? Ilang beses ko bang sasabihin na wala. Walang nangyari, basta inaya ko lang siya na--"

"Makipags*x? Sinasabi ko na nga ba't iyon ang susunod na atake ni Casper eh. Ang makuha ang korona ng Bataan mo." biglang dugtong ni Honey sa sinasabi ko.

Inirapan ko siya saka humalukipkip. "Hoy, Honey. Kahit na nasa iisang kwarto kaming dalawa that time.." nanlaki yung mga mata nila.

"Nasa iisang kwarto kayo?!?" sabay nilang sabi.

"Oo." simpleng sagot ko.

Oo nga pala, wala nga palang kaalam-alam ang mga bruha sa nangyari kagabi. Alangan namang sabihin ko hindi ba?

Private part na ng karanasan ko 'yon. Bawal ng ipagsabi sa iba. Kahit na sa kaibigan ko pa. Hindi talaga pwede. Eh sa gusto ngang ilihim sa kanila.

"Ano ba, Crystal?! Honey! Ang dudumi ng mgaisip niyo! Anong gusto niyo? Magkukwento ako o iwanan ko kayo dito na parang t*ngang isip ng isip ng mga pwedeng dahilan kung bakit kami natagalan. Tulal, dinurugtungan niyo naman ng kababuyan ang mga pinapaliwanag ko para malinawan kayo sa mga naganap." mataray kong sabi.

"Fine, sorry na." mahinahong tugon nitong si Crystal na ngayo'y bigla akong niyuyugyog. "Basta ituloy mo na yung kwento mo. I'm so excited! Kaya, sige na. Please?" pagmamakaawa nito sabay nag-pout.

Para siyang batang ayaw bigyan ng pera ng Nanay niya. Hahaha! Para siyang ewan. Nakakatawa yung pag-pout niya.

Hindi naman sa napapangitan ako sa labi niya, ang cute niya lang kasi kaya masasabi kong nakakatawa siya mag-pout. Bagay niya.

"Oh? Bakit ka tumatawa d'yan? Para ka tuloy timang." komento nito nang mapansin siguro akong tawa ng tawa.

Tumigil ako sa kakatawa at nagseryoso. "Sorry naman. Natawa lang naman ako dahil sa itsura mo kanina. Ang cute mo kasi. Bagay mong mag-pout. Sana 'yan na lang yung palaging reaksyon mo. Hindi ka na tatawa, iiyak, o magagalit man. Kasi ang alam mo lang na reaksyon ay mag-pout. HAHAHA!" then tumawa ulit ako.

"Ang sama mo." komento niya.

Nagtawanan bigla sila Honey kaya pati ako natawa na rin.

Pinakalma namin ang sarili namin saka iniba ko ang topic. Para hindi naman kawawa si Crystal. Ang bad ko 'noh?

"Sino ng tapos sa project na'tin doon sa Oral Communication?" tanong ko sa kanila.

"Ako." - Casper

"Ako rin." - Hans

"Ako rin s'yempre." - Elvis

"Me!" - Crystal

"Me, too!" - Honey

"So, lahat pala tayo tapos na doon. Lipat na tayo sa EAPP na project. Sino na ang tapos?"  muli kong sabi.

"Ako hindi pa, Ma." sagot nitong si Casper kaya nabaling ang buong atensyon ko sa kanya.

"Ang akala ko ba tapos mo na? Sige, tutulungan na lang kita mamayang gabi. Basta, kailangan na'ting matapos 'to this week." saad ko.

Siguro, wala munang magiging plano para sa vacation this month kasi magiging busy kami for making some of our requirements for the other subjects na hindi pa namin tapos ang pinapa-project para makapasa kami.

KRIIIIINNNGGG!!!

"Let's go!" aya ni Crystal saka simula silang naglakad palayo.

Naiwan kami ni Casper dito na nakaupo. Nilapitan niya ako saka niyakap ako mula sa likuran at saka ako hinalikan sa leeg.

"Thanks, Ma."

Hinawakan ko ang bisig niya na nakayakap sa aking leeg. "You're welcome." tugon ko saka siya nginitian.

"Let's go?" aya ko sa kanya.

"Sure." sagot niya.

Tumayo na ako at simulang naglakad kasama siya. Nakaakbay siya ngayon sa akin habang ako nakayakap ang isang bisig ko sa bewang niya.

* * *

FASTFORWARD»»»

///

Casper's POV

---

Nang maipasa na naming magkakaklase ang ibang mga requirements, dismissal na agad. Wala naman kasing ibang gagawin.

Pagkatapos na pagatapos ng klase, diretso ako sa classroom nila Colleen. Nagpalipat kasi ako ng classroom. Ayaw ko yung magkalapit kaming dalawa. Ang gusto ko yung palagi ko siyang namimiss. Yung tipong palagi akong excited na makita siya sa tuwing patapos na ang klase.

Tsaka hindi ako makapag concentrate dahil imbis na utak ang gumagana, puso naman. Iyon ay kung magkasama kami o kaya naman, palagi kaming nagkikita. Nagtatanawan, iyon ang ibig kong sabihin.

Ilang saglit pa'y lumabas na si Colleen. Nagtama ang aming tingin at nagngitian. Nilapitan ko siya saka inaya ng umuwi.

Ihahatid ko na siya sa kanila para mas safe siyang makauwi. Hindi niya dala yung kotse niya. Tsaka yung motor niya, pinapaayos pa. Nasira kasi yung parehas na side mirror. Naputol daw sabi ni Colleen.

Pero, hindi ako naniniwalang ipinapagawa iyon. Sigurado akong pinalagyan niya ng maraming designs para magmukhang mas cool ang dating. Ang arte kasi nito sa mga gamit niya. Pati na sa mga gamit na pagmamay-ari niya na transportansyong panlupa tulad nga ng motor at kotse. Napakaarte, pero mahal ko pa rin kahit na gano'n siya.

Habang nasa biyahe, tahimik lang kaming dalawa. As usual, walang kibuan. Ewan ko ba, parehas kami ng ugali kapag nasa biyahe eh. Ayaw naming magsalita at ayaw namin sa mga taong sobrang maiingay.

"Ahmm... Dada?" nilingon ko siya. First time lang niya akong kibuin habang nasa biyahe ah. May problema siguro siya.

"Bakit? May problema ka ba?" mahinahon kong tanong.

Nginitian niya ako. "Wala naman. Masyado na kasing tahimik. Naboboring ako, anong pwede kong gawin?"

Napangisi ako nang may maisip akong kalokohan na sa tingin ko'y hi.di magugustuhan nitong asawa ko.

"Let's make love.. Now."

Nagulat ako nang bigla niya akong sapakin. "Ouch!" sabi ko na nga ba't aawayin lang ako nito.

"What?! Are you out of yourself, Casper? What the f*ck! We're still young for that. Ngayon pa talaga ang napili mong time. Really, huh? We can't do that here. Can you please shut up your f*cking mouth? Tsaka isa pa, wala ka namang matinong sagot kaya mas mabuti ng tumahimik ka na lang d'yan.. Kainis 'to!"

"Joke lang naman."

"Joke? Joke na 'yon? Natawa ba ako?"

"Hindi pero kapag pinagalitan mo ako, sa ayaw at sa gusto mo I will kiss your lips down to your belly." nakangising sabi ko.

Bahala ka, Mama. Minsan mo pa akong awayin, hindi ko na pipigilan yung bibig ko na lamutakin iyang katawan mo. Pero s'yempre, hindi lahat. Hindi buong katawan. Kiss lang 'yon. Walang masama doon.

"Subukan mo pa akong inisin at takutin. Mamayang gabi, hindi mo na makikita ang alaga mo dahil puputulin ko 'yan." pagbabanta niya saka idinuro ang nasa gitnang parte ko.

Ouch.

"Mama naman eh. Binibiro lang naman kita. Joke lang 'yon, hindi ko kakayaning mawala yung inaalagaan ko para sayo." pagmakaawa ko kaya nag-puppy eyes. Sana gumana.

Umiwas siya ng tingin. "Paano ko naman magagawang putulin? Eh paano tayo magkakaroon ng sariling anak kung wala ka ng alaga 'di ba? Kahit na Peste 'yan mahalaga pa rin."

Natawa ako bigla dahil sa sinabi niya. "Good, Mama. Huwag mo ng putulin. Ikaw na lang ang pupunitin ko. Maliwanag?" kalokohan time!

"Eh kung lapirutin ko kaya tenga mo d'yan. Kalokohan lahat ng mga alam mong loko ka." mataray niyang sabi saka ako inirapan. Ang sungit na nga, ang taray pa.

Kaya hindi ako uubra dito kapag nahuli akong nambababae eh. Kaagad na mananakit. Pero kahit na ilang beses niya akong saktan, wala lang sa akin ang lahat ng iyon. Mas mahalagang mahal ko siya kahit na ilang ulit niya pa akong saktan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top